CHAPTER 2
CHAPTER 2
Nakangiting pumasok si Anianette sa loob ng class room. Principle of Taxation ang first subject nila. Excited na siyang ibahagi at ipagmalaki sa professor at classmate niya ang nalalaman tungkol sa taxation. She’s been reading the book of taxation the whole semestral break. At sigurado siyang mag-e-excel na naman siya sa klase.
She’s feeling smug that no one can beat her in this university. Everyone admire her intellegence… well, except for that guy! God, Anianette wanted to strangle that boy who insulted her! Gusto niyang pilipitin ang leeg nito habang nilalait siya pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang gumawa ng escandalo. Siguradong masisira ang reputasyon niya dahil lang sa lalaking ‘yon na kung makahusga ay parang kilalang-kilala siya. That angred her!
Kaya naman bago pa siya makagawa ng karumaldumal na krimen, iniwan niya ang lalaki na nanlalait pa rin. Sana naman ay hindi na niya makita ang lalaking ‘yon kahit kailan!
“Hey, Ania.” Bati ng mga klassmate niya.
Nginitian ni Ania ang mga ito. “Hello. How’s your semestral break guys?” She asked politely. Kung mayroon man siyang ibang reputasyon maliban sa pagiging top one palagi, kilala din siya sa pagiging mabait at matulungin.
“Okay naman.” Wika ng katabi niya na si Gina. “You?”
“Exciting!” Ngumit siya ng maluwang ng maalala ang ginawa niya buong semestral break. “I’d been reading books.”
“Ang boring ng buhay mo, nerd.” Singit ni Isa sa usapan nila.
Hindi nila ito pinansin ni Gina. Hindi niya alam kung bakit hostile ito sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama dito. Maliban siguro sa pag-agaw niya sa titulo nito bilang pinakamatalino sa course nila. Pinapalampas niya palagi ang mga snide remarks nito dahil alam niyang nai-inggit lang ito sa katalinuhan niya.
“Ikaw talaga, Ania. I’m sure na kung ano man ang edi-discuss ngayon ng professor natin ay nabasa mo na. Hindi na ako magtataka kung memorize mo ang buong libro.” Wika ni Gina na parang walang sumingit sa usapan nila.
Ania rolled her eyes. “It’s fun. At saka ang dami kung—”
“Settle down, everyone! I’m Gareth Delmar. I’m your taxation professor.” The voice of their professor made Ania stop talking.
Ania focus all her attention on the man standing in front of them. Mukhang may-edad na ito basi sa mapuputing buhok na nakikita niya.
Kailangan niyang makinig para maging top one na naman siya. Hindi niya hahayaan na may tumalo sa kanya sa huling semester niya sa universidad na ito. Not that someone can beat her.
“Okay, class. What is taxation?” Tanung ng professor nila kapagkuwan. Walang umimik. Lahat ay parang hindi gumagalaw. Kaya naman itinaas niya ang kanang kamay.
“Sir.” Aniya.
Dalawang pares ng mata ang tumingin sa kanya. “Ms. Sandejas.” Mukhang kilala siya nito. “Okay, Ms. Sandejas, what is taxation?”
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “The system whereby taxes are levied on some types of income, earning or pu—”
Biglang bumukas ang pintuan ng room nila na ikinatigil niya sa pagsagot. She heard gasped and giggle from every girls in the classroom. At mga komentong para daw isang Greek god ang pumasok. Wala na ang atensiyon sa kanya at nasa bagong dating. Naggigigil na tumgin siya sa pintuan at ganoon na lamang ang pagtaas ng inis niya ng isang-daang porsyento ng makita kung sino ang esturbo.
It’s non other than the guy who insulted her! Urgh!
Pumasok ito na parang walang pakialam at umupo sa pinaka-last row sa likod. Tumass ang kilay niya. Ang mga bobo nga naman. Mga taong walang pakialam lang sa pag-aaral ang u-upo sa likuran. Mas nadagdagan pa lalo ang inis niya.
Professor Delmar glared at the new comer. “Mister, hindi ka ba marunong magbasa ng schedule? Ang alam ko, alas-nuwebe ang umpisa ng klase natin. Why are you—”
“The important thing is I’m here.” He cut professor Delmar words as if he wasn’t his professor.
Bobo na nga wala pang respeto! Nakakagigil!
Namula ang mukha ng professor nila. “Who do you think you are barging in my class like—”
Naiiritang tumayo ang lalaki at bored na tumingin sa prof. nila. “I’m a transferee student. My surname is Landeza.”
Landeza? Bakit parang pamilyar sa kanya ang apelyidong ‘yon?
Nang tingnan niya si Professor Delmar, namumutla ito. Hmm. Bakit siya namumutla? Tumikhim ito at tumingin sa dereksiyon niya. “You may continue. What is taxation?”
Tumayo siya ulit at inulit ang sagot. “The system whereby taxes are levied on—”
“—levied on some types of income, earning and purchases.”
Napatingin siya sa taong umagaw ng sagot niya. Nanliit ang mga mata niya sa galit ng makitang ang lalaking nanlait sa kanya ang sumagot. Hindi siya magpapatalo? Sino ba ito sa akala niya? “And also—”
“And also, taxation is the way for the government to accumulate funds so they can help the citizens of the country.” Bored na bored ang mukha nito habang sinasabi ang mga yon. “The tax also helps pay the salary of government employees.”
Halos liparin niya ang kinauupuan nito para i-umpog ang ulot nito sa pader. Hindi nakatulong ang pagtitig ng mga classmate niya sa kanya na parang nag-e-expect ang mga ito na magre-react siya. Namumula ang pisngi na umupo siya. Her eyes full of fury. How dare him cut her off like that and stole her limelight?
Buong klase, hindi siya umimik. Nahihiya pa rin siya sa ginawa ng lalaking yon sa kanya.
“Class dismissed. You can proceed to your next subject.” The moment professor Delmar says that, Ania hurriedly grab her bag and walked out from the room with lightning speed.
Napapantastikuhang tumingin si Blake sa babaeng halos lumipad paalis ng classroom. Anong problema ‘non? Nagkibit balikat lang siya at isinukbit ang bag sa balikat. Nang tumayo siya, ganoon na lamang ang gulat niya ng may humarang sa daraanan niya.
It was a woman smiling cheekily at him. “Hi, you can call me Isa.” Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.
Tiningnan niya ang kamay nitong nakalahad at tinanggap pagkalipas ng ilang segundo. “Blake.”
“I know.” She giggled and Blake nearly vomits. Ano bang mayroon sa babaeng to. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ‘yong parang timang na tumatawa na wala namang dahilan. “Anyway, pinagmukha mong tanga si Ania. Serves her right.”
Kumunot ang nuo niya. “Ania?”
Humagikhik ito ulit. “’Yong inagawan mo sa pagsagot. Napahiya siya at bagay lang ‘yon sa kanya.”
Halata sa boses nito ang selos. Mga babae nga naman. Kahit simpling bagay pinagseselosan pa! Hay! Mabuti at naging lalaki ako. “Oh, okay.” Naglakad siya at nilampasan niya ito. Narinig niyang tinawag nito ang pangalan niya pero hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng classroom.
Napangiti siya ng makita si Dylan na hinihintay siya. Pasalamat talaga siya at narito ito. Kung hindi forever alone ang drama niya sa unibersidad na ito.
Hindi sila nito magka-klase. Political science kasi ang course nito. Unlike him, nag-aaral itong mabuti. Hindi nga niya alam kung bakit sila naging magkaibigan ng mokong na ‘to.
“Anong next subject mo?” Tanung ni Dylan ng makalapit na siya dito.
Blake shrugged. “Hindi ko alam. Tinapon ko ang schedule ko sa trash bin.”
Tumawa si Dylan. “Hay, Blake. Paano mo ngayon malalaman ang next subject mo?”
Sa halip na sagutin si Dylan, ipinalibot ni Blake ang paningin sa kabuonan ng hallway. Nang makita ang hinahanap, tinakbo niya ang kinaroroonan nito.
“Hey, Ira.” Kuha niya sa atensiyon ng babaeng kumausap sa kanya kanina.
“It’s Isa you—” Agad naputol ang sasabihin nito ng malamang siya ang tumawag dito ng Ira. “Blake. Anong kailangan mo?” ngumiti ito ng matamis sa kanya. “It’s Isa by the way.”
Walang pakialam na tumango siya. “Sure. Tanong ko lang kong—”
“Yes.” Anito ng ikinagulat niya.
Ano daw? “Huh?”
“Yes, I’m available and you can date me anytime.”
Blake can’t stop himself. He laughed. “I’m not asking you to go on a date.” He said when he sobered up. Namula ang pisngi nito sa pagkapahiya. “Itatanong ko lang kung anung course mo kasi nawala ang schedule ko. Baka pareho tayo.”
“Oh.” Puno ng disappointment ang boses nito. “I’m a business management student. Next subject ko ay Statistic and Logic.”
Nginitian niya ito. “Thanks.” Babalikan na sana niya si Dylan ng makaramdam siya na parang may nakatingin sa kanya na parang gusto siyang patayin. Tumingin siya sa paligid. His chocolate colored eyes met her butterscotch eyes. It was the same woman who walked out on him when he was insulting the top ten rankers. She was glaring daggers at him. Kung nakakamatay ang titig, bumibili na ang ataol ang daddy niya ngayon.
“Don’t mind, Ania. Galit lang ‘yon sayo dahil sa ginawa mo kanina.” Boses iyon ni Ira or Isa? Mukhang napansin nito ang nakakamatay na titig ni … Ania.
Hmm. It feels good calling her name in my head. Anong bang pinagsasasabi niya? Tinaasan siya ng kilay ni Ania bago nagmamartsang umalis. So, ito pala ang na-cut off niya kanina. Napangit siya. Mukhang hindi ito sanay na may umaagaw sa sagot nito. Hindi naman talaga niya alam ang sagot sa tanung ng professor kanina, nagkataon lang na mabait si Mr. Google at sinagot iyon para sa kanya. And he only the professor to shut up.
“Matalino siya?” Curios niyang tanung kay Ira. Hindi naman ito mukhang nerd.
“Yep. Nerd ‘yon. Walang ibang ginawa kung hindi magbasa ng libro.” Sagot naman nito, halata ang disgusto sa boses nito.
Nerd? Hindi naman ah. Aren’t nerd supposed to be wearing baggy clothes and ugly rimmed eye glasses? Aren’t nerd supposed to be ugly and awkward? She’s anything but nerd. Her brown shinny wavy long hair was cascading up to her upper thigh. Her jeans fit perfectly on her shapely legs and her top looks good on her. Wala rin itong suot na glasses. Then, the way she walks. It’s oozing with confidence. Walang nerd na ganoon kaya naman hindi siya naniniwala na nerd ito.
Naglakad siya pabalik sa kinatatayuan ni Dylan. He sighed and combed his hair using his fingers.
“What was that?” Tanung ni Dylan na ikinatingin niya rito.
“What?”
“That girl who was glaring at you. Anong ginawa mo sa kanya? Diba siya din ‘yong babae na nag-walked out sayo doon sa may registrar?”
Ngumisi si Blake ng maalala kung bakit galit sa kanya ang dalaga. “I answered the professor’s question cutting her own answer.”
Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Dylan. “Kailan ka pa nag-participate sa klase? At saan mo naman nalaman ang sagot?”
Umingos siya. “It was thanks to Mr. Google. It won’t happen again. Nainis lang ako doon sa professor namin. Feeling perpekto. Akalain mong sinigawan ako dahil lang sa late ako?”
Natatawang umiling ang kaibigan niya. “That’s what teachers do when you’re late, Blake.” Dylan point out. “Takot sa father mo ang mga professor sa dati nating school kaya hindi ka napapagalitan pag late ka.”
Ganoon ba ‘yon? Blake sighed. “Whatever. Anyway, nag-aagahan palang ako ng numero, numero na naman ang meryenda ko. Puwde bang isuka ko to?”
“Bakit? Anong next subject mo?”
“Statistic ang Logic.” Blake answered gravely, making Dylan laughed.
“Dude, good luck to you. You’re gonna need it if you want to go home sane.”
“Thanks. Hindi na ako magtataka kung sa pag-uwi ko e numero na rin ang tingin ko kay daddy.”
“Whatever, dude. See you in the parking lot after class?”
Blake nodded. “Sure.” Then they parted ways. Siya papunta sa impyerno ito naman ay papunta sa langit.
Urgh! I hate numbers. Who ever created them is totally insane from head to toe.
PAGKATAPOS ng klase ni Blake, nagmamadali siyang pumunta sa registrar office para kumuha ulit ng schedule. Ayaw na niyang magmukhang tanga sa katatanung kung anung susunod na subject. Bakit ba niya kasi tinapon ‘yon?
Pagkakakuha niya ng schedule, naglakad siya paalis ng mapansin niya si Ania na nakatayo sa harap ng bulletin board. Parang may kung anong magnet na humatak sa kanya para lapitan ito.
Nang makalapit siya, nakita niyang nakatingin ito sa list of top ten rankers. “Huwag ka ng mangarap na mapasali diyan. Mga pangit ang mga yan at baka mahawa ka.”
Napaigtad ito ng marinig ang boses niya. “Huwag mo silang husgahan dahil hindi mo sila kilala.” Halata ang panggigigil sa boses nito. Hmm. May idol ba ito sa isa sa mga top ten rankers?
Blake just nonchalantly shrugged. “Palagi akong tama. Lalong lalo na sa top one na ‘yan. GPA of one point eighteen? Sino ang normal na tao na kayang abutin ang ganoong klaseng GPA?” Wika niya sabay turo sa pangalan nang rank one. “Pangit siya, puno ng pimples ang mukha at walang kaibigan. I would do everything to see this girl para mapatunayan ko sayo na tama ako. Kung sino man ang Anianette Sandejas na ito, siguradong mas pangit pa ito kay bakekang.”
ANIA narrowed her glaring eyes on the guy who just insulted her twice! Hindi niya hahayaan na maulit pa ito! “Actually, kilala ko kung sino ang Anianette Sandejas na ‘yon.”
Malalaki ang mata na tumingin sa kanya si Blake. Nalaman niya ang pangalan nito ng tawagin ito ng professor nila sa Statistic and Logic para mag-solve ng problem sa board pero hindi man lang ito tumayo at natulog pa ang loko! Pinagalitan ito ng professor nila pero wala man lang itong paki. At ang nakakainis pa, parang may alarm clock ito. Pagkatapos ng klase saka ito gigising na parang wala lang.
Dito sa ACU, walang pakialaman. Hindi tulad nuong high school na isusumbong ka ng teacher mo sa parents mo pag hindi ka nakikinig sa klase. Dito sa ACU, pumasok ka sa hindi, mag-aral ka sa hindi, makinig ka sa hindi, walang pakialaman. Darating ang report card sa bahay niyo at wala ng pakialam ang ACU kung pasa ka o hindi. Ang importante tinuruan ka nila ng mabuti. Kasalanan mo na kung hindi ka makinig.
“Talaga?” Puno ng kuryusidad ang mga mata nito, ang boses nito ay parang bata na binigyan ng paboritong candy. “Kilala mo siya?”
Tumango si Ania. “Oo naman. Close ko nga siya e. Tama ka, pangit nga yan.” Hah! Wait until you see me.
Kumislap ang mga mata nito. “Sabi ng tama ako e. But I still need proof na tama ako.”
Gustong tumawa ni Ania. Proof kamu ha? “Bukas ng alas-singko ng hapon, pumunta ka sa university library. Palaging naroon siya at nagbabasa.”
He fist pumped the air. “Siguradong oily ang mukha ‘non habang nagbabasa. Hindi na ako magtaka kung dumikit ang pages ng libro sa mukha niya.” Tumawa ito ng malakas.
Siya naman ay pinipigilan ang sarili na hindi ito sipain at suntukin. “Basta pumunta ka doon ha?”
He eagerly nodded. “Oo naman. At kukunan ko pa siya ng litrato para sayo.”
Ngumit siya. “Okay. Good luck” ‘Yon lang at umalis na siya.
Nagpapasalamat talaga siya na sa lahat ng subject nila wala itong pakialam, hindi nakikinig at palaging tulog. Hindi nito nalaman na siya ay si Anianette Sandejas. And rank one na nilalait-lait nito.
Tingnan natin bukas kung hindi ‘yon atakihin sa puso sa sobrang gulat. An evil smirked appears on Anai’s lips. “Humanda ka bukas, Blake Landeza. Sisiguraduhin kung maka-cardiac arrest ka!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top