CHAPTER 1
CHAPTER 1
Blake woke up late again and as usual, his father is scolding him. At palaging sa sala ang venue nila.
“Blake, kailan ka ba magbabago?!” Galit na wika ng daddy niya. “You’re already nineteen years old at wala ka paring patutunguhan!”
Tinatamad na tumingin si Blake sa ama niya. “Dad, hanggang kailan ka ba aasa na magbabago ako?”
They’re freaking rich. His father is a billionaire business man and so is his mother. Magkatulong ang mga ito na palaguin ang kompanya nila na wala siyang pakialam. Marami silang businesses all over the world. Mula sa restaurants hanggang sa malls. Gusto ng mga ito na sumunod siya sa yapak, pero ayaw naman niya. It’s so tiring. Hindi ba ang mga ito napapagod? Puro nalang trabaho ang ginagawa ng mga ito.
No fun!
“Blake!” Hinilamos ng ama niya ang kamay sa sariling mukha. “Grow up! Hindi sa lahat ng oras nasa likod mo ako para iligtas ka sa mga kalukuhan mo!”
“Oo nga naman, Blake.” Sang-ayon ng mommy niya na halata sa mukha ang pagka-irita. “Life is short. Grow up and be serious for once! Dapat pagbutihan mo ang pag-aaral. Hindi lahat ng oras may pera at mayaman tayo.”
“Grow up!” Sigaw ng daddy niya. “When are you gonna change?”
“I won’t.” Simpleng sagot niya na ikinatingin sa kanya ng masama ng kanyang daddy at mommy.
Nanggigigil na dinuro siya ng daddy niya. “Ang gusto lang naman namin ay mag-aral ka ng mabuti. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makaka-graduate ng high school at hindi ka makakapasa sa bawat subject mo ngayon!”
Blake just rolled his eyes. Heto na naman po sila. Araw-araw nalang, laging pinapamukha ng mga ito ang bagay na ‘yon. Hindi naman niya iyon kasalanan. Mula’t sapol, sinabihan na niya ang mga ito na ayaw niyang mag-aral, pero heto at pinipilit siyang tapusin ang kursong halos isumpa niya.
Business Management.
“Dad.” Tumingin siya dito. Bored na bored ang mukha niya. God. It’s morning for crying out loud! “Sabi niyo, pumasok ako sa school. Ginagawa ko naman a.”
“Pumapasok ka nga pero hindi ka naman nakikinig at hindi sinasagotan ang mga quizes at exams mo.” Sikmat ng mommy niya na mukhang sasabog na sa galit.
“Whatever.” Blake mumbled under his breath. Kaya ayaw na ayaw niyang gumigising sa umaga. Palagi nalang nagsesermon ang mga magulang niyaa. Talo pa nito ang pare kung manermon.
Kung puwede nga lang hindi na ako magising.
“I’m warning you, Blake! Kapag hindi ka pa umayos, puputulin ko ang allowance mo. Gusto mo ba ‘yon?” Pananakot ng daddy niya. Para namang natatakot siya. Nangyari na minsan na hindi siya nito binigyan ng allowancwe, to the rescue ka-agad ang aunt Edna niya. Ito ang sumalo sa mga gastusin niya.
He rolled his eyes. “Dad, naririnig mo ba ang sarili mo? Sinong estudyante ang magugustuhang putulan ng allowance? Malamang wala.” Ang weird talaga ng daddy niya.
“Huwag mo aking pilosopohin!” Sigaw ulit ng ama niya. Akala naman niya hindi na ito sisigaw. “I swear—”
“Hayaan mo na si Blake, Vince.” Singit ng kanyang aunt Edna na kanina pa naka-upo sa tabi niya. “Darating din ang araw at magseseryoso ni Blake. Intindihin nalang muna natin siya ngayon.”
His father scoffed. “Ate Edna, matagal ko ng iniintindi ang batang yan. Punong-puno na ako!” Sigaw na naman nito.
Palihim niyang kinalog-kalog ang tenga. Back to screaming again. Sumasakit na ang tenga niya sa lakas ng boses nito.
“Vince.” Malumanay na tawag ni aunt Edna sa pangalan ni dad. Sa tuno ng boses nito, she’s trying to calm him. It always works. Magkapatid ang mga ito. Si aunt Edna at matandang dalaga at laging sinusuportahan ang mga kalukuhan niya.
Good vibes sila ng aunt Edna niya. Ito ang taga pagligtas niya pag ina-ataki ang ka-abnormalan ng parents niya, which happen always everyday.
Blake lazily stands up. “Not that I don’t enjoy this family bonding… but, I really need to get going.” Isinukbit niya ang bag sa balikat. “Late na ako.” Then he whispered. “Not that I care.”
Naglakad siya palabas ng bahay niya ng pigilan siya ng daddy niya.
“Wait, Blake.”
Tinatamad na nilingon niya ang ama. “Yes, dad?”
“You’re not going to school today.” Anito.
Biglang nabuhay ang katawan niya sa narinig. “Really? No school? No stupid professor? No lame quizzes and idiot tutors?” Masigla niyang wika habang maluwang na nakangiti.
Umiling-iling ang daddy niya na parang sumusuko na ito na kausapin siya. “Blake, I transferred you to another university.” Tumingin ito sa kanya na parang ang e-expect ito na mag re-react siya.
Tumawa siya ng pagak. “Cool.” Not cool. This is so lame. Really? Transferring in the middle of school year? And he’s graduating. Kung ga-graduate nga siya.
“What university?” Tanung niya kapakuwan.
His father smiled creepily. “Ace Centrex University.”
“Oh. Hell. No.” Blake whispered.
“Oh. Hell. Yes.” His father was still smiling creepily. “You’ll be attending the University of Smart and genius people. The number one center of excellence also known as Ace Centrex University.”
Tumingin siya sa dad niya na parang naputulan ito ng ulo. “Dad, anong gagawin ko sa ACU? Halos lahat ng tao doon naka-eye glasses na one thousand ang grado.”
Nagkibit-balikat lang ang daddy niya. “Mag-aaral ka doon. Period.” Tapos umalis na ito kasama ang mommy niya na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Whatever.” He didn’t argue. Ano naman ang sasabihin niya? Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit doon siya inilipat ng daddy niya. Ano bang mayroon sa University na ‘yon?
“Don’t worry, Blake.” His aunt comforted him by placing her hand on his shoulder. “Professor ang Uncle Herman mo sa ACU. Matutulungan ka niya.”
That made him smile. Yeah. Other than Aunt Edna, close din sila ng Uncle Herman niya. Kapatid naman ito ng mommy niya. Alam nito ang lahat ng kalukuhan niya dahil palagi siya nitong tinutulungan.
He gave his aunt a quick hug. “I’m not worried, Aunt Edna.”
She gave him a warm smile. “Good. I’m going to prefer your breakfast.”
He smiled back warmly. “Thanks Aunt Edna. You’re the best.” Masyado talaga siyang spoiled ng Aunt niya. Siguro dahil wala itong anak. Hindi ito nag-asawa sa kadahilanang wala itong magustuhan sa mga manliligaw daw nito. Mapili kasi ito masyado.
Pag-kaalis ng Aunt niya, kinuha niya ang phone na nasa bag at tinawagan ang best-dude-friend niya na si Dylan. Kaibigan niya ito mula ng maliliit sila. Magkatabi lang ang bahay nila at pareho sila palagi ng school na pinapasukan. Parang kapatid na ang turingan nila, dahil siguro only child sila pareho.
“Hey, dude.” Dylan greeted him happily.
“Hey, dude.” Blake dropped himself on the sofa. “I’m so fucked up.”
“Why?”
“Dad transferred me to this fucked up University.”
“What University?” Tanung ni Dylan.
“Ace Centrex University, dude. The home of nerds.”
Dylan let out a chuckle. “Yeah, dude. You’re so screwed. Kaya naman pala hindi ka pumasok ngayon. Akala ko inataki ka lang ng ka-demonyohan mo at gusto mo lang galitin ang dean natin.”
Napatawa siya sinabi nito. The dean is one of his distant Aunts, who hate him from head to toe. Naiirita ito sa ugali niya, and he doesn’t gave a shit.
“Whatever, dude. I’m going to ACU.” He grunted remembering the University. “I can’t believe dad transferred me to that university. I don’t even know—”
“Chill, dude. I’ll transfer too. Who said you’re going alone?”
Blake grinned. “Cool. Thanks, dude.”
“Anytime, dude. What are best friends slash brothers are for?”
Blake chuckled. “Yeah, we’re so going to taint ACU.”
“We definitely will.” Dylan laughed. “Wanna hang out?”
“Sure. The mall?” Suhestiyon ni Blake. “It’s been a weeks since I had sex. I’m dry, dude.”
“The mall then.” Dylan agreed.
They always picked up their woman in the mall. One night stand lang naman ang habol nila after that, sayonara. Mas magandang hindi nila kilala ang mga nakaka-one night stand nila dahil hindi ang ito naghahabol.
“ANIA, stopped trying too hard.” Wika ng Kuya ni Anianette. Ania ang tawag nito sa kanya mula ng maliit pa siya. Masyado daw kasing mahaba ang pangalan niya.
Nasa loob sila ng kuwarto niya. Bigla nalang itong pumasok at ng makita siya nagbabasa, bigla nalang itong nagsalita ng ganoon. Maybe she’d been trying too hard but she’s used to it. She’d been trying her best since she entered ACU. Gusto niyang maging masaya ang daddy niya. Ayaw niya na nadi-disappoint ito sa kanya. Gusto niyang maging proud ang parents niya sa kanya.
Her brother, Anthony, is a very successful lawyer. Isang beses lang ito nag-take ng bar exam at nag-top one ito. She’s envious of him. Palagi itong pinupuri ng daddy nila. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para pirihin din siya ng daddy niya.
“Easy for you to say, Kuya.” Aniya. “You were born a genius.”
He smiled and sits beside her on her bed. “Ania, walang genius. Nasa pag-aaral lang ‘yon. Katulad mo. Lagi kang nag-aaral kaya matalino ka.”
“I want dad to be proud of me.” She pouted. “Kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging proud siya sa akin.”
“Ania, he’s proud of you. Kalian mo ba makikita ‘yon?” Her brother sighed. “Hindi mo naman kailangan gawin ang lahat. Lagi ka nalang nagbabasa, wala ka ng ibang ginanawa kung hindi humarap sa mga aklat mo na puro numero ang nakasulat. Why don’t you do something fun?”
“Reading is fun.” Sagot niya.
Anthony tsked. “Ania, what I’m saying is gumawa ka ng bagay na masaya na hindi konektado sa pagbabasa.”
“Kuya, masaya ako sa pagbabasa kaya hayaan mo na ako.” Binuklat niya ang libro at nagbasa ulit.
Bumuntong-hinga ang kapatid niya tanda ng pagsuko. “Ania, ano pa ba ang gusto mo? For three years, ikaw ang top one sa buong Ace Centrex University.”
“At planong kong maging top one ulit this year.”
“You already are. Every semester, ikaw ang top one. Ano pa ba ang gusto mo?”
Ania just shrugged. “I want dad to be proud of me. That’s what I want.”
“He already is.” Giit nito.
“No, he’s not.” Gusto niyang marinig na proud ito sa kanya mula sa bibig nito mismo.
Anthony sighed. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to, Ania. Nandito naman ako. Ako ng bahala sa lahat na pinag-aalala mo.”
Ayoko! Gusto niyang sigawan ang kapatid niya na hindi niya ‘yon gusto. Ayaw niyang umasa sa kapatid niya. Mahal niya ang kapatid niya pero naiinggit talaga siya dito. Gusto niyang hawakan ang kompanya nila at hindi siya papayag na mapunta ang lahat ng pamamalakad sa kapatid niya.
“Kuya, kaya ko ‘to.” Yon lang ang sinabi niya, ang mata niya ay nakatutok sa libro na binabasa niya.
“Whatever you say, Ania.” Lumabas na ito at nakahinga ng maluwang si Anianette.
Anianette Sandejas is a very responsible girl. Matataas palagi ang grade niya at palagi siyang top one sa buong ACU. She’s proud of it. She feels smug na walang nakakatalo sa kanya sa ranking. This is her last semester in ACU, at mas pagbubutihan pa niya lalo. Magiging proud ang daddy niya sa kanya pag nag-graduate siya with honors.
She smiled at that thought then continues reading the ‘principle of taxation’. Maghahanda na siya para sa second semester niya. Nalalasahan na niya ang tagumpay.
“DUDE, AKALA ko ba ang mga estudyante dito puro naka-salamin? Kunti lang naman a.” Wika ni Dylan habang pinapalibot ang tingin sa buong campus ng ACU.
Nasa registrar sila ngayon dahil kukunin nila ang class schedule nila. Nagpapasalamat siya at hindi siya ang nagpa-enroll dito. Ang daddy niya ang gumawa noon, siguro dahil sa kadahilanang hindi siya mapipilit nito na mag-enroll. At mukhang walang problema kasi same cirriculum ang ginagamit ng dati niyang pinapasukan at ang ACU. Iyon o ginamit na naman ng daddy niya ang kapangyarihan nito para maayos ang pag-transfeer niya ng walang problema.
Ginugol niya ang buong semestral break niya sa paglalakwatsa at siyempre pa, kailan ba nawala ang daily dose of medicine niya. Araw-araw pinapangaralan siya ng parents niya at siya naman ay nakaupo lang at umaaktong nakikinig kahit hindi naman.
Blake just shrugged. “Kung ganoon sinungaling pala ang balita.”
Dylan gave him an arched look. “Dude, ikaw ang nagsabi sa akin ng balitang ‘yon.”
Nagkibit-balikat lang si Blake. “So? Wala namang masama sa sinabi ko. Ang totoo nga niyan, tama ako. Hindi lang natin sila nakikita dahil siguradong nasa library sila at kinakain ang mga libro doon.”
Wala sa sariling tumingin si Blake sa kaliwa niya ng may mapansing tarpauline na naka-pin sa hinuha niya ay bulletin board. May babaeng nakatayo sa harap ng bulletin at nakatingin sa tarpauline. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
Hmm. Sexy and beautiful.
Nilapitan niya yong babae at tumingin sa tinitingnan nito. Napailing-iling si Blake habang binabasa ang nakasulat sa tarpauline.
Blake snorted and points his finger at the rank one name. “I bet maraming pimple ang babeng ‘to.” Sabi niya habang nakatingin sa pangalang ‘Anianette Sandejas’. “Kung sino man ang babaeng ‘to, siguradong isa siyang pangit na nerd.”
“Excuse me?” That voice came from his side. Tiningnan niya ang babae na nakatingin sa kanya. Iritation is visible on her vibrant butterscotch eyes. Nice eyes. Ipinilig niya ang ulo. Kailan pa siya nagkagusto sa isang mata? Weird!
Blake smiled at the girl who was glaring at him. His smile fell. “Okay, anong ginawa ko sayo?” Naguguluhan niyang tanung.
Nakita ni Blake kung paano manggigil ang dalaga. He smiled inwardly. Hmm. Cute. He shook his head. He got to stop complementing this girl inside his head. This is so not-him.
“How dare you insult the first ranker!” She asked haughtily.
So. Yon pala ang kinagagalit nito. Napailing siya. “Totoo naman ang sinabi ko a. Bakit ka ba nagagalit? Fan ka ba niya?” Itinuro niya ulit ang pangalan na nasa rank one. “Itong babaeng ito. Siguradong wala itong kaibigan. Pangit ang mukha. Maraming pimples. May amoy ang kili-kili. At palaging may dalang malalaking libro na halos hindi na niya kayang buhatin. At higit sa lahat, boring ang buhay nito. Pangit na nga boring pa.” Umiling pa siya para may-epekto ang komento niya. Tapos itinuro naman niya ang second ranker na pan-lalaki ang pangalan. “Ito naman lalaking ‘to. Wala itong girl friend at pangit.” Tapos sinunod naman niyang laitin ang third ranker hanggang ten ranker.
Napangisi siya ng makitang naglalakad ang ang babae palayo sa kanya. Oh, well, hindi na niya kasalanan kung hindi nito kayang tanggapin ang katutuhanan tungkol sa top ten ng university na ‘to.
“Hindi ko man lang nalaman pangalan niya.” Disappointed niyang wika.
“I think her name is Ania.” Boses iyon ni Dylan.
Nilingon niya ang kaibigan. “Paano mo naman nalaman? Hinanap mo sa facebook?”
Dylan rolled his eyes. “Duh! It’s on the back of her t-shirt.”
“Malay mo naman, statement t-shirt ‘yon.” Aniya habang naglalakad palabas ng registrar.
“Kung statement t-shirt ‘yon, it doesn’t make any sense. At saka, I think, uniform—”
Blake just shrugged his shoulder. “Of course, it does.” He argued. “I’m always right.”
Tumawa si Dylan. “Kailan ka ba naging mali?” Kinuha nito ang class schedule niya nasa kanang kamay niya. “Anong first class mo?”
“Kinuha mo na ang class schedule ko, nagtatanong ka pa?” He rolled his eyes. “Read it.”
Bumuntong hininga ito ang binasa ang schedule niya. “Hell, man, ang aga-aga may principle of taxation ka na?”
Mabilis niyang inagaw ang schedule. “Shit!” Napamura siya ng makita na tama si Dylan. Ang aga-aga kakain ka agad siya ng mga numero. Nilukumos niya ang class schedule at itinapon ‘yon sa malapit na trash bin. “Whatever.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top