15

° ° °

Aecy's POV

•••••

Nang makabili na ako ng mga gusto kong pagkain, nilingon ko ang paligid pero wala na akong nakitang Allen Mitherford. Sinubukan kong libutin ang food park pero sa kabwisitang palad, wala akong makita ni anino niya. Bwisit naman oh!

Hinintay ko siya sa waiting shed malapit sa foid park hanggang sa unt-unti ng maggabi. And still hindi pa rin siya dumating. What the f*ck?! Nakain ko na rin halos lahat ng mga binili kong pagkain! Naman oh!

Wala akong naging ibang choice kundi ang magpasundo. In-open ko ang GPS ko at tinawagan ang driver ko na si Mang Darren. Sinabi ko na sundan niya lang yung daan patungo sa food park na ito na sinabi ko at makikita niya ako doon. Sabi naman niya, mamaya lang daw nandito na siya. Sana hindi siya abutan ng traffic sa daan.

Ilang saglit pa at may huminto nang itim na kotse sa tapat ko. Sa wakas! Makakauwi na ako sa bahay. Talagang gustong-gusto ko nang humiga sa kama ko.

Nang makasakay na ako sa kotse, pinaharurot na kaagad ni Mang Darren yung kotse. Buti na lang at hindi traffic. Siguradong nag-aalala na si Ella sa bahay.

Kaagad kaming nakauwi. Mabilis kasing magpatakbo ng kotse si Mang Darren kaya mabilis din kaming nakarating.

Nadatnan ko si Ella na nakapangalumbaba sa sofa sa sala at siguradong hinihintay ako. Naku! Lagot ka na naman sa tsismosa mong kaibigan, Aecy. Humanda ka na sa mga mala-Q & A niyang mga tanong.

"Saan ka galing?" Naku! Lagot ka na talaga, Aecy! Sinimulan na niya!

"A-ahmm... Lumabas? Kasama si Allen." Totoo naman ah. Hindi naman 'yon date. Wala namang flowers, wine and candles na nasa isang sosyal na upuan at lamesa. Wala rin namang pagkain doon na mga sosyal. Kaya paano naging date 'yon? So many differences!

"Ah... Mukhang nagkakamabutihan na yata kayo ah." epal talaga 'to kahit kailan. Nang -iinis ang putek!

"Tss. Kumain ka na nga lang! Ito, may pasalubong ako para sayo para hindi na tayo magluto." Ibinaba ko sa lamesa ang dala ko. Iniwan ko lang 'yon doon.

"Ikaw, hindi ka ba kakain?" tanong niya bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko.

Nilingon ko siya. "Busog pa ako. Sayo na lang 'yan."

She nodded. "Okay."

Nagpatuloy na ako sa pag-akyat papuntang kwarto ko. I'm so, so tired today. Buti na lang at wala ng follow-up questions si Ella.

Humiga ako kaagad sa kama ko. Humanda talaga sa akin 'yang Allen na 'yan kapag nagkita ulit kami. Hindi niya bagay na maging kaibigan ko. I don't like his attitude! Argh!

Maaga akong nakatulog dahil siguro sa pagod ko. Kaagad akong dinapyan ng antok eh.

* * *

"Aecy!" rinig kong sigaw ng kung sino man 'yon. Siyempre, nakapikit pa ako 'non kaya hindi ko pa masigurado kung kanino galing 'yon.

Iminulat ko ang mga mata ko saka umupo sa kama at muli kong narinig ang kapareho na boses. "Aecy, ano ba?! Bumangon ka na! Gutom na ako!" Nah... It's from Ella pala. That girl is so noisy! Ang aga-aga, nagbubunganga!

Lumabas ako ng kwarto ko ng padabog at hinanap siya. Nasa kusina siya at nakapangalumbaba.

"Bakit ba atat na atat ka?! May ref naman eh. Pwede kang kumuha d'yan ng makakain mo!" bulyaw ko sa kanya.

Tinarayan ako sabay sabing... "Anong kakainin ko d'yan na umagahan? Cake?! Ice cream?! Urgh! Magluto ka na nga!" Makautos naman 'to 'kala mo kung sino.

Hehehe! Ice cream at cake. My favorite! Ang arte naman kasi nitong kutong lupa na 'to! Ayaw kumain ng cake saka ice cream pang agahan pero kapag nasa kwarto siya, ang takaw niya sa ice cream.

Inirapan ko ito. "Ang arte mo naman! Pwede mo naman kasing maging agahan yung cake eh." Totoo naman ah. Ang sarap kaya. Lalo na yung with brown coffee. So yummy!

"Heh! Magluto ka na lang! Shoo!" Makataboy naman 'to parang may share siya dito ng pagkain.

KRUUUUUG... KRUUG...

Argh! My stomach!

Tss. Magluluto na nga ako! Gutom na rin ako eh. Nagsawa na akong mag-umagahan ng cake.

* * *

Nang matapos kaming mag-umagahan, pumunta kami sa mall. Ako, hindi para kumain. Para bumili ng libro. Si Ella naman, para kumain. Ang takaw 'di ba?

Dumiretso ako sa bagong kakabukas na bookshop dito sa third floor ng mall. Balita ko kasi, maraming books doon na naka sale.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng mga libro nang biglang magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. And in my surprise, it's Dave! Dave Castro-Santos! My cousin! My baby boy slash Baby Prince.

"Hey, baby boy!" panimula ko sa kabilang linya.

["Hey, baby girl! Kamusta?"]

"I'm fine! You? Kamusta ka na? I miss you."

["Well.. I'm fine, too and.. I miss you din. Kumusta sila Tita?"]

"Pft! They're not here. Nasa ibang bansa sila. May katagalan na rin mula ng umalis sila dito sa Pilipinas eh," malungkot kong sagot. Namimiss ko na ang Daddy at Mommy ko. Sana makapunta talaga sila sa debut ko.

["Ah.., eh sinong kasama mo d'yan? Sasamahan kita kung wala man."]

"Wala ako sa mansion namin." Napangiti ako sa isinagot ko.

Hindi pa rin pala siya nagbabago. Maalalahanin pa rin. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend nito. Pogi, mayaman, mabait, maalalahanin at higit sa lahat, mapagmahal.

["Eh nasaan ka?"]

"Secret," simpleng sagot ko. Ayaw kong sabihin. Baka kapag nalaman niya, manggulo lang siya palagi dito sa bahay.

["Hmp! Ang daya naman ne 'to."] ayan na naman siya. Nagbabata-bataan, matandang hukluban naman na.

"Hahaha! Hindi pwedeng sabihin eh."

["Sus! Ayaw niyong sabihin kasi ayaw niyo akong pumunta d'yan dahil sa tingin ninyo guguluhin ko kayo. Pwes! Hindi na ako gan'on ka childish mag-isip. Naipwesto ko na yung brain ko."]

Loko talaga 'tong pinsan ko. Hahaha!

"Weh? Totoo ba 'yan?" Hahaha! Bwisitin ko kaya 'to.

["Kapag sinabi ko bang 'Oo' sasabihin mo na sa akin yung address niyo?"]

Hayst! Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi nakukuha ang gusto, aish!

"Sige na nga! Ang kulit mo!" pagpayag ko. Wala rin naman akong magagawa eh. Uulit-ulitin lang naman niya yung pangungulit kaya, pumayag na ako.

["Hahaha!"] rinig kong tawa niya mula sa kabilang linya.

"Anong nakakatawa?" mataray kong tanong. Nang-iinis eh!

Tumigil siya sa kakatawa at rinig kong umarteng sinasamid. ["W-wala naman. Anyway, next week pa ang balik ko. Sa.. friday I guess?"] nawala ang inis na naramdaman ko at napalitan ng tuwa at excitement.

"Talaga?!" gulat kong tanong pero naglaho rin ang tuwa at excitement na naramdaman ko pati ang pagkagulat nang maalala ko yung debut ko. Sa miyerkules na 'yon.

["Oo. Sorry, baka hindi ako makaabot sa debut mo, baby girl,"] malungkot niyang sabi mula sa kabilang linya.

"Okay lang. Basta, may pasalubong ako sa pag-uwi mo ah?" Pilit kong pinakalma ang ang sarili ko mula sa lungkot na naramdaman ko.

["Oo ba."] Napangiti ako dahil sa sagot niya. Kahit kailan talaga, hindi ako kayang tiisin nito.

Nagpaalam na siya sa kabilang linya. Kaya nagpaalam na rin ako. Ibinaba ko na ang phone ko at inilagay sa bulsa ko sa may blue-faded pants ko at nagpatuloy na sa pamimili ng mga librong bibilhin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top