Chapter 37

"Saan ka pupunta?" tanong ni Anne habang nakahalukipkip. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito sa harap ng bahay namin. Agad akong nataranta dahil sa pagdating niya.

"Ha? Ah, k-kay Doctor Patricio," natutuliro kong sagot.

She squinted. "Then, bakit hindi mo kasama si Jhon Rey?" 

"B-busy kasi siya. Kaya ko naman mag-isa," wika ko.

"Stop this bullshit, Sheen May! Hindi ako nakikipagbiruan!" She yelled bago pumasok sa gate ng bahay namin ni Jhon Rey.

"Anne! W-wait! Ano bang problema mo?!"

I stopped her from going inside our house, but she was unstoppable and acting like she was very annoyed with me.

"My problem? You're keeping secrets with me! Naiintindihan ko naman na may asawa ka na at maaaring hindi mo sabihin sa akin ang lahat lalo na kung problemang mag-asawa 'yan, pero look at yourself. Ang payat-payat mo! Ni hindi mo magawang maayos ang sarili mo! For the sake of argument, sige, nandito si Jhon Rey, busy, sige, hindi ka niya sasamahan magpa-check up, pero iharap mo siya sa akin kasi I want to know what is happening with him? What's the meaning of these pictures?!"

Ipinakita niya sa akin ang envelope kung saan naroon ang mga litrato ni Jhon Rey at Quency na magkasama. Bumigat ang paghinga ko. Hindi ko akalaing mas masakit palang makita si Jhon Rey at ang babae niya na masayang magkasama kaysa sa marinig lang na nagtatawanan habang nag-uusap.

"I've been wanting to ask you about this, pero parang ilag ka sa 'kin, and now I can confirm kasi ayaw mong ipaalam sa akin. What do you think of me, Sheen? Kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin?"

I exhaled. "Anne, dahil ayoko lang lumaki ang gulo. As you can see, I'm fine. They were supposed to be together naman talaga. Bakit ko ipipilit ang sarili ko?"

Nagulat ako nang tumulo ang luha niya.

"Fuck, Sheen May. Fuck you! Why are you treating yourself like this? Ang sakit na marinig sa 'yo 'yan. Hindi mo ba alam ang worth mo? Asawa ka, bakit hinahayaan mo siya sa iba?"

"Dahil gusto kong maging masaya siya! Hindi siya sasaya sa 'kin kahit anong gawin ko!" giit ko. Hindi ko na rin napigilang sumigaw.

"Kaya hinahayaan mong gaguhin ka na lang? Tratuhin kang parang hayop? Parang basura? Utang na loob, Sheen May?! Hanggang kailan ka magpapabulag sa pag-ibig? Mataas ang tingin ko sa 'yo! Bakit hinahayaan mo lang na ituring ka nilang parang basahan?"

Kinuha ko ang mga pictures na hawak niya. "Please, huwag ka nang mangialam, Anne, nakikiusap ako sa 'yo, and promise me na walang makakaalam ng bagay na 'to. Don't tell my parents either. Ayokong masira ang business ng family ko because of this."

She dried her tears after taking a few long breaths and then continued with what she was saying. "Why are you so stupid? You're making my heart break. Look at you. I can't stand seeing you like this."

Hinawakan niya ang braso ko, habang nangangaling ipaglaban ko naman ang sarili ko o kaya naman ay hayaan ko siyang ipaglaban ako. I gave her back a gentle stroke. I was aware that it would be difficult for her to see me in this state, but I chose to pretend as though nothing had occurred. Ayokong masira ang mga pinaghirapan ni dad, at ang mga nasimulan na namin. Now that I am aware that our business is thriving and that my father is developing a positive relationship with my husband's father, I can say that I am happy knowing that. At ayoko nang makasagabal pa. Kung kailangan kong magtiis, magtitiis ako.

Ilang minuto lang ay kumalma na siya. Siya na rin ang sumama sa akin papunta sa bahay ni Doctor Patricio. Doctor Patricio noticed na nangayayat ako. Makakaapekto daw ito sa baby, kung kaya't dapat hindi ako nagpapalipas ng gutom. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Kento. Because of stress, ni hindi ko siya maalagaan nang tama sa loob ko.

Hindi ko mapigilang umiyak nang makalabas na kami sa bahay ni Doctor Patricio. Nasa kotse ako ni Anne. I was really brave kanina, pero ngayon nagbe-breakdown na ako. Full of anxiety. Paano kung dahil sa akin mawala 'yong baby ko? What if dahil sa kapabayaan ko mawala siya sa akin? What if mawala 'yong baby ko, then magkaroon na naman ng gulo sa pagitan ng pamilya namin? Lulubog na naman kami. Magagalit na naman i dad sa akin. Pagbabantaan niya na naman ang buhay ko.

Umuwi na ako sa bahay. Hinatid ako ni Anne. Gusto pa nga niyang samahan ako, pero iginiit kong umuwi na siya at okay lang ako. Nagulat ako nang makita ko ang sasakyan ni Jhon Rey sa garage. Umuwi na siya?

Nagmadali akong pumasok sa bahay at nadatnan ko siya sa dining room.

"Why are you here?" tanong ko, habang nag-iisip ng mga posibleng dahilan kung bakit siya nagbalik.

"Your mom's going to visit us tomorrow."

Napakagat ako sa labi. So we're going to act in front of my mother na parang walang nangyari sa aming dalawa. Alright. Fine.

Napansin kong kinakain niya ang natira kong almusal kanina pang umaga.

"Ininit mo ba 'yan?" tanong ko. Sandali siyang tumingin sa akin, bago muling kumain. Nagkibit-balikat lang siya. Madali kong ibinaba ang gamit ko, tsaka ko siya nilapitan. Akmang isusubo niya na ang sopas nang kunin ko 'yon sa kaniya.

"Mabilis lang 'tong painitin, hindi mo pa pinainit," sambit ko, habang pinipigilan ang pagluha. "Malalamigan ang sikmura m-mo d'yan." Nabasag ang boses ko, pero sinubukan kong magpakatatag. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong isipin niya na nagpapa-awa ako.

Nilagay ko sa microwave ang sopas at hinintay iyon, bago ko nilagay muli sa harap niya.

"Why are you so thin?" tanong niya pero hindi niya idinadapo ang mga mata sa akin.

"Are you trying to kill the child?" he added.

"N-no," ang tanging naisagot ko. My mouth is on edge, because of the unsettling energy that emanates from him. This behavior is what I used to get used to, but because he was kind to me for some time, I feel even more terrified of his presence now than I did before. He is not the same as the person I chose to spend my life with. He seems to be a completely different man now that he is in front of me.

He is not the Jhon Rey I once loved.

Nag-iba na siya.

At mas lalong sumama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top