Chapter 57

[MCBB57]

KC POV

Napalingon ako sa kaniya ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko. Naka tingin din s'ya sa'kin habang naka ngiti, inangat n'ya ang isa n'ya pang kamay at hinaplos ang aking pisngi, napa ngiti ako habang dinadama ang init ng palad nya.

Nakaupo kami sa ilalim ng puno, tahimik ang paligid at ganon din kaming dalawa, at ang pakiramdam na nandyan lang s'ya sa tabi ko ay sobrang nakaka kalma.

"Masaya akong ikaw ang minahal ko, kahit alam kong bata pa tayo."
Ngiti n'yang sabi, habang seryoso ang kaniyang mga mata na parang may pinapahiwatig na kung ano sa'kin. hindi ako sana'y na ganto s'ya kaseryoso dahil lagi s'yang nang aasar kaya hindi ko makuha ang gusto nyang sabihin o guni guni ko lang ba 'yon? Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.
"Coreen.. gusto kong pakasalanan ka balang araw, mamuhay kasama ka at bumuo ng pamilya kasama ka, gusto kong kasama ka sa bawat oras, minuto at sigundo ng buhay ko."
Lalo akong napangiti, napaka sarap sa pakiramdam na ako ang gusto n'yang makasama sa mga oras ng buhay n'ya. Paulit ulit n'yang hinaplos ang kaliwang pisngi ko habang naka ngiti, tinitigan kong mabuti ang muka n'ya at agad na nawala ang ngiti ko ng makita ang pag landas ng luha galing sa mata n'ya.

"Zander.."
Halos pabulong na agap ko, ngumiti s'ya at umiling sa'kin at mas hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

"Mahal na mahal kita Coreen, na nasa punto na ako ng buhay ko na parang ikamamatay ko pag nawala ka.. pero kahit gaano ko kagusto na  makasama ka sa hinaharap hindi natin hawak ang tadhana, hindi na'tin alam ang mangyayare sa hinaharap--"

"Ano bang sinasabi mo!?"
Gulong  tanong ko at lito s'yang tinignan, ramdam ko ang pag kirot ng puso ko sa hindi malamang dahilan. ngumiti lang s'ya sa'kin at bahagyang nilapit ang muka n'ya para halikan ako sa aking noo. May kung ano sa sarili ko nakinakabahan dahil sa mga sinabi nya.

"Coreen, Mahal na mahal kita.. pero kung mag mamahal ka ng iba sa hinaharap, wag kang mag dalawang isip--"

"Ano bang sinasabi mo Zander?!"
Napalaks  ng tanong ko, kita ko ang sakit sa mata n'ya at pag agos din ng mga luha sa mata n'ya. Ang makita s'yang lumuluha ng hindi ko alam ang dahilan ay pumipiga sa puso ko, Hindi ko s'ya naiintindihan, hindi ko alam kung bakit n'ya ba sinasabi ang lahat ng 'to! Bakit parang may pinapahiwatig s'ya sakin at ayoko sa naiisip ko kung bakit.

Hinigit nya ako para mayakap,naramdaman ko na ang pag landas ng mga luha ko, nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi nya, hindi ko maintindihan , naguguluhan ako pero may kutob ako at ayoko ng naiisip ko.

"Hanggat masaya ka, masaya na din ako."
Basag ang boses na sabi nya.

"Kc."
Ang seryosong boses na 'yon ang nag pabalik sa'kin sa reyalidad. Ramdam ko ang basa kong mga pisngi ng nilingon ko  ang pinto kung saan naka tayo si Hance, seryoso ang mga mata n'yang daretsong naka tingin sa'kin.

"Kuya.. hehe aalis na din kame ni Ate Kc, pinakita ko lang--"

"Get out Monica."
Utos ni Hance sa kapatid pero nanatili ang mga mata n'ya sa'kin.

"Pero Kuya--"
Hindi na nya natapos ang sasabihin ng seryoso s'yang tinignan ni Hance , wala na s'yang nagawa at lumabas na nga sa kwarto si Monica, leaving me here with Hance. Ng makalabas si Monica ay bumaling ulit sakin ang mga seryoso nyang mata na agad kong iniwasan.

Ilang minuto kaming tahimik at hindi gumagalaw sa aming kinakatayuan, ramdam ko ang titig n'ya sa'kin na parang tinitimbang ang reaksyon ko, habang ako'y nakatingin lang sa sahig, balanko ang isip dahil sa mga nakita ko ngayon at sa alaalang sumagi sa isipan ko,pero dahil hindi kona kaya ang katahimikang bumabalot sa'min, lakas loob akong tumingala sa kaniya. Seryoso padin ang mga mata n'yang nakatitig sa'kin na may halong pag aalala.

"P-Panong..."
Panimula ko at saka tumingin sa paligid at muling binalik sa kaniya ang tingin, pero bago pa ako makapag salita'y inunahan n'ya na ako.

"This room is for Zander."
Sagot n'ya at saka bumuntong hininga at saka nag lakad papalapit sa'kin, napakagat ako ng labi ko habang naka iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam pero sobrang sakit ng puso ko, I feel guilty for everything.

"H-Hance.."
Tawag ko sa kan'ya ng makalapit na s'ya sa'kin, nag angat ako ng tingin sa kaniya , titig na titig padin s'ya sa'kin na para bang nababasa n'ya lahat ng nasa isip ko ngayon.
".. Gusto ko.. gusto ko s'yang puntahan."
Halos pabulong kong sabi, saglit na tinitigan n'ya ako bago bumuntong hininga at saka mahinang tumango,

Napa yuko ulit ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak ko, pero hindi ko na napigilan ng hinigit ako ni Hance para yakapin, parang patak ng ulang sunod sunod na bumuhos ang mga luha ko, napayakap ako sa kaniya at iniyak lahat, hindi sya nag salita at marahan lang na hinahaplos ang likod ko at hinahalikan ang buhok ko, hanggang sa kumalma ako.

----

Ng makarating kaming dalawa sa harap ng puntod niya, ng hina ang mga tuhod ko, Halos takasan ako ng lakas ng makita ko ang lapida sa puntod n'ya, napasalampak ako sa harap non at nag unahan ang mga luha sa mga mata ko.

Tahimik lang kaming dalawa, hindi s'ya nag salita, hinayaan n'ya lang akong sumalampak sa harap ng puntod ni Zander, hinayaan n'ya lang akong umiyak don.. hinayaan n'ya lang ako at hindi s'ya umalis sa tabi ko.

Naka tulala lang ako sa lapida sa harap ko, hindi ko matanggap, parang dinudurog ang puso ko, ang mga alaala naming mag kasama ay parang kahapon lang kaya hindi ko lubos na matanggap na wala na talaga s'ya sa'kin-sa'min.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang tinagal ko habang naka salampak at nakatulala lang habang umiiyak at sinisisi ang sarili ko, hindi rin nag salita si Hance, nanatili lang s'ya sa gilid ko-naka tayo, nakikinig sa lahat ng hinaing ko.

"Nag tatampo siguro s'ya ngayon dahil ngayon ko lang s'ya na bisita."
Pag kausap ko kay Hance, pero hindi s'ya kumibo.
"Im sorry.."
Barag ang boses na banggit ko at bumuhos na naman ang laha ko, parang wala ng hangganan ang sakit at ang pag buhos ng luha ko, hindi ko alam kung titigil pa ba 'to.

Nag sisisi ako dahil ngayon ko lang s'ya na bisita, ngayon ko lang s'ya naalala, nasasaktan ako dahil dumaan ang dalawang taon ng hindi ko man lang s'ya naalala, hindi man lang ako agad naka hingi ng tawad sa kaniya, naiinis ako sa sarili ko dahil nagawa kong kalimutan ang taong pinaka mamahal ko noon, naiinis ako dahil hinayaan ko na mawala ang alaala ko, naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit s'ya nandito.

Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko pero sa tuwing sinisisi ko ang sarili ko sumasagi lagi sa isip ko ang masaya n'yang muka, na parang nag sasabi na hindi n'ya ako sinisisi sa mga nangyari-sa nangyari sa kan'ya, na parang sinasabi na, ayos lang, na wag kong sisihin ang sarili ko dahil walang may kasalanan, duon lalong nadudurog ang puso ko, Bakit kailangan kunin pa s'ya sa'min? Bakit kailangang si Zander pa?

Nanatili akong naka salampak at umiiyak doon, kinakausap ko si Zander, na parang nasa harap ko lang s'ya, humihingi ako ng tawad ng paulit ulit, at tinatanggap ang katotohanang wala na s'ya. hanggang sa hindi kona namalayan ang oras  at papalubog na ang araw, bahagya ng gumaan ang damdamin ko habang si Hance, ay nanatiling naka tayo, hindi ko alam kung bakit parang hindi s'ya na ngangawit dahil ilang oras na s'yang naka tayo lang doon at hindi nag sasalita, pakiramdam ko ay wala na akong kasama dahil sa hindi n'ya pag galaw o pag likha ng kahit na anong tunog.

Humugot ako ng malalim na hininga , pinakiramdaman ko ang sarili ko kung kaya kona bang tumayo, ng alam kong kaya kona ay tumayo ako na alam kong bahagyang kinagulat ni Hance. Ngumiti ako habang naka titig padin sa lapida ng puntod ni Zander, naramdaman ko na naman ang pag landas ng luha sa pisngi ko, nararamdaman ko na naman ang pag kirot ng puso ko.

"Hoy Z-Zanbaliw... masaya akong nakausap kita ngayon, sorry kung ngayon lang naka dalaw ang reyna mo haha.. hayaan mo.. sa susunod dadalasan kona, gusto mo araw arawin ko pa,"
Biro kong sabi habang naka ngiti at may lumalandas na luha sa pisngi ko, huminga ulit ako ng malalim bago pinag patuloy ang sasabihin ko.
".. Pero ngayon.. Kailangan ko ng mag paalam, mag kikita pa naman tayo sa susunod na bisita ko.. sa ngayon.. mag papaalam muna kami ng kaibigan mo, alam mo kase ilang oras na s'yang naka tayo sa gilid ko at hindi kumikibo, kinakabahan na ako baka maging totoong multo na s'ya,"
Biro ko na namang sabi at saka sulyap kay Hance, na seryoso lang ang muka at naka titig sa'kin.
"Pano ba 'yan? Sa ... sa susunod na lang Zanbaliw."
Pag papaalam ko at bumuntong hininga ulit bago punasan ang mga luha ko at humarap kay Hance, na kanina pa ako pinag mamasdan.

Ngumiti ako sa kan'ya, pinaka titigan naman n'ya ako na parang tinitimbang na naman ang emosyon ko, ng makuntento na s'ya ay bumaling s'ya saglit sa puntod ni Zander, at saka binalik sa'kin, akala ko ay may sasabihin s'ya pero nag lakad na agad s'ya papaalis na agad ko namang sinundan.

Ng maabutan ko s'ya ay tahimik kaming nag lakad papalabas ng sementeryo, palubog na ang araw at ang katahimikan sa paligid ay masyado ng nakakabingi, sinulyapan ko si Hance, sa tabi ko hindi pa s'ya nag sasalita simula pa kaninang pag dating namin dito, kinakabahan na ako sa pagiging tahimik n'ya, muka s'yang may malalim na iniisip.

Napa buntong hininga ako at saka dahan dahang pina daos-dos ang malad ko sa kamay, inipit ko ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri n'ya,  natigilan naman s'ya sa ginagawa ko, napa tigil din ako ng pag lalakad at tumingin sa kaniya.

"Kanina kapa tahimik."
Halos pabulong kong sabi, hindi s'ya kumibo o tumingin man lang sa'kin kaya bahagya kong pinisil ang kamay n'ya doon na s'ya napa lingon sa'kin.

"May iniisip lang ako."

"Ano namang iniisip mo?"
Takhang tanong ko, hindi agad s'ya na kapag salita at pinaka titigan muna akong mabuti.

"Iniisip ko.. ngayong bumabalik na ang mga alaala mo, baka bumalik na din yung nararamdaman mo para kay Zander.. baka.."
Nag iwas s'ya sa'kin ng tingin bago itinuloy ang sasabihin.
".. baka nawala na ang nararamdaman mo para sa'kin."
Halos pabulong na ang sinabi n'ya pero narinig ko padin, napa kunot ako ng noo habang naka titig padin sa naka iwas n'yang mga mata, Sumilay ang ngiti sa labi ko at bahagya ulit na pinisil ang kamay n'ya.

"Mahal ko si Zander,"
Pag sisimula ko na ikinatingin n'ya ulit sa'kin, kita  ko ang pag daan ng takot at sakit sa mga mata n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya at bahagyang lumapit.
"Pero mas mahal kita, Hance. Oo, minahal ko s'ya, s'ya ang first love ko, pero ikaw naman ang last love ko, alam ko kung nakikita n'ya tayo ngayon masaya s'ya, kase alam ko na gugustuhin n'ya din na ipag patuloy na'tin 'tong nararamdaman natin sa isat isa. Sinabi n'ya sa'kin na kung mag mamahal ako sa hinaharap ng taong hindi na s'ya ay wag akong mag dadalawang isip, kaya ngayon hindi ako mag dadalawang isip, na piliin ka, kase mahal kita Hance, at patuloy pa kitang mamahalin, at kung nakikita man tayo ni Zander, ngayon alam kong masaya s'ya na makita tayong masaya at nag mamahalan."
Ngiting sabi ko habang daretsong naka tingin sa kaniyang mga mata, nakatitig lang din s'ya sakin at nagulat ako ng hinigit n'ya ako lalo papalapit sa kaniya at ginawaran ng matamis na halik sa labi.

"Let's get married."
Bulong n'yang sabi pag katapos n'ya akong halikan, nanlaki naman ang maga kong mata.

"Baliw kaba?! Wala pa nga akong 18!"
Singhal ko saka hinampas s'ya sa braso, bagya naman s'yang napa tawa at saka ako hinila ulit para yakapin.

"Okay, okay. Mag hihintay ako hanggang makapag tapos tayo, just promise me.. ako lang dapat Kc, ako lang."
Bulong n'ya habang mahigpit akong niyayakap, niyakap ko din s'ya pabalik at napangiti na lang.

"I promise. Ikaw lang, ikaw. Ikaw. Ikaw."
Tawa tawa kong sabi, bumitaw naman s'ya sa pag kakayakap at hinarap ako, sinamaan n'ya ako ng tingin at natawa ako dahil sa itsura n'ya, bakit ang gwapo ng lalaking 'to?

"Seryoso ako Kc."
Seryosong sabi n'ya, napa ngiti naman ako at saka tumingkayad para mahalikan s'ya sa labi na ikina gulat n'ya.

"Seryoso din ako Love, Ikaw lang, ikaw naman lagi."
Ngiting sabi ko na ikina ngiti n'ya bago ako halikan ulit sa labi, napa bitaw lang kami sa isat-isa ng umihip ng malakas ang hangin.

"Oopss, mukang nag paparamdam na si Zander, ah?"
Pabirong sabi ni Hance , hinampas ko naman s'ya sa braso.

"Baliw ka talaga."

"Binaliw mo ako eh."
Sabi n'ya sabay kindat, pinanlakihan ko naman s'ya ng mata at saka hinampas ulit.

"Tara na nga letse ka."
Sabi ko at nag lakad na.

"Love, you're blushing."
Dinig kong sabi n'ya, napahawak naman ako sa pisngi ko habang nag lalakad.

"Bwisit talaga Hanceltot."
Binilisan kopa ang lakad ko at iniwan s'ya don na tumatawa.

Napa tingala ako  sa langit at napa ngiti.

'Zander.. alam kong masaya ka para sa'ming dalawa ngayon.'

*-*-*-*-*-*-*
[A/n; Yeheeey after ilang years choss HAHAHAHA thank you for waiting! Love you lablabs💜
-Mayyli13]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top