Chapter 5- Math
[MCBB5]
Kc POV
Ayt ngayon pa ngalang hindi kona kaya na makasama yung multong yon tapos, 1 month tutor kopa siya waaahhhhh kabaliwan talaga yun, pinilit kona bawiin ni Daddy yung tutor tutor nayan kaso ayaw niya talaga T-T , pano nako? Baka api-apihin ako ng multong yun! Ano bayan tutor ko lang siya bakit naman ako aapihin non, pero nag tataka talaga ako bakit kaya siya pumayag na maging tutor ko? Eh , mayaman naman siya so anong trip niya sa buhay?
Teka nga bakit siya ba pinuproblema ko ?waahhh may math pala akong sinasagutan ngayun huhu T-T
Ano bayan ang hirap naman kase talaga ng math! Nakakapasok na nga ako sa klase ko pag math, pero hindi ko talaga keri bells to T-T.
10 minutes kona tong tinitigan pero wala man lang akong maisagot takte matatapos na ang time ni Ma'am, pano na?
"Okay class! Pass your paper"
Sabi ni Ma'am, nawalan na ako ng pag-asa, nakakainis, hindi ko na lang papasa to, wala naman kase akong sagot tapos papasa ko? useless lang din Saka papagalitan lang ako ni Ma'am.
"We have a long test tomorrow, so be prepared class"
Paalala ni Maam, waahhh yari na naman ako neto.
Pag katapos kuhain ni Ma'am yung mga papel, lumabas na siya at hays sawakassssssss
Lunch break na!
"KC sabay tayo mag lunch gusto mo?"
Aya ni Kellight na ikinalingon ko, lagi na lang ganyan yan, Wala ba siyang ibang friends? pero sabagay wala namang masama makipag kaibigan diba ? saka muka naman siyang mabait, Ay mabait pala talaga siya.
Sasagot na sana ako ng 'oo' kaso nag beep yung phone ko, kaya tinignan ko muna.
+63936*******
[Go to the garden, Don't be late, you have 5 minutes crazy girl
-H]
Kumunot naman ang noo ko. Sino naman to---, ayt kilala kona, ano na naman ba ang trip niya sa buhay at dinadamay ako ng multong tao na 'to? Babatukan ko talaga to ulit ei, saka saang lupalop niya naman nakuha ang number ko aber?
"Ahmed KC?"
Napabaling yung tingin ko kay Kellight, ayt oo nga pala niyaya niya ako , bwisit kase na Hanceltot yun ei.
"Ah next time na lang Kellight, may pupuntahan pa kase ako ei"
Sabi ko tumango naman siya saka ngumiti.
"Ay Kellight pwede bang maki text? may tetext lang akong multo"
Sabi ko , kumunot naman noo niya pero binigay din yung cp niya sakin, tapos nag ayos na siya ng mga gamit niya.
Pag ka bukas ko ng cp niya, teka bakit si Kuya Nath yung nasa lock screen niya? Tinignan ko si Kellight pero nag aayos padin siya ng gamit niya, niislide kona yung lock at, okay confirm may gusto siya sa Kuya ko, kase si Kuya din yung wallpaper niya! napailing na lang ako at nag text sa ugok, syempre kinopya ko yung number niya.
[Oo na papunta na! Naki text lang ako kay Kellight
-KC]
Yun tapos binalik kona yung phone kay Kellight, Hindi naman siguro masama kung itanong ko sa kaniya kung may gusto siya sa Kuya ko diba?
"Ahm? Kellight ... may gusto kaba sa Kuya ko?"
Daretsong tanong ko sa kaniya, kaya napatingin sakin si Kellight, at napa tulala, para siyang naka kita ng multo tapos hindi na siya kumikilos.
"K-Kellight ayos ka lang?"
Tanong ko, kase namumutla na siya, hala anong gagawin ko ? nag tanong lang ako diba? tumingin naman ako sa paligid ko wala na yung mga classmate namin, hala baka may nakikita siyang hindi ko nakikita!
"K-KC , s-sorry"
Nakayukong sabi niya kaya napa kunot noo ako, Bakit naman nag sosorry tong babaeng 'to?
"B-baka isipin mo kaya kita kinakaibigan kase gusto kong mapalapit sa Kuya mo, pero promise hindi! gusto talaga kitang maging kaibigan promise"
Sabi niya at tinaas pa yung isa niyang kamay, parang nag papangako talaga, natawa naman ako , defensive hahaha.
"Pft, Alam ko naman, Masyado ka namang paranoid niyan, yaan mo hindi ko sasabihin kahit kanino na gusto mo si Kuya"
Sabi ko sa kaniya at saka lumabas na ng classroom , baka malate ako ei sabihin ng multong yon para akong pagong.
Nag lalakad na ako papuntang garden ngayon, at natatawa padin ako sa itsura ni Kellight kanina, haha bakit ganon ba ka big deal yun? saka bakit yung Kuya kopa naisipan niyang magustuhan ? Eg parang si Hanceltot ngayon ka cold sa ibang tao eh? So bakit kaya? Haha nakakatuwa siguro pag naging sila ni Kuya, madaldal na Kellight + cold na si Kuya Nath = Perfect! Hehe.
Nasa garden nako, pero ayt tanga naman ni Hanceltot nasaan siya dito? Hindi manlang sinabi kung nasaan siya, Baka nag anyong unggoy na naman yun at teka nga, teka lang ah, bakit ba ako pumunta dito? Oo nga dapat mag lulunch ako diba? Eh bakit ako nandito? Malamang pinapunta ako nung multong yon, pero bakit naman ako sumunod? Ayt ewan koba sa sarili ko, Pabalik na sana ako para mag lunch na lang kaso may humawak sa braso ko
0____0?
"Wahhhhhhhhhhh"
Sigaw ko, oh myyyy gosshh ,may humawak sa braso ko! may multo! nako po ayoko pang mamatay huhu.
"Ayt your so noisy"
Sabi ng boses sa likod ko, napatigil ako sa pag tili, ugh kilala kona agad kung sino , kaya humarap ako sa kaniya at binatukan siya.
"What the? Why did you fvcking do that"
Inis na sabi niya abat! Walang hiya talaga to minura pa ako.
"Eh ikaw kase napaka mo, bakit moba ako ginugulat ha!"
Sigaw ko sa kaniya, abat muntikan na akong atakihin sa puso , akala ko mamatay na ako takte nayan.
"Tss."
Sabi niya lang at nag lakad papunta sa isang punong malaki, Tambayan koto ah!
Umupo siya sa ilalim ng puno nayun at tumingin sakin, Kinunutan ko naman siya nang noo , anong trip niya? pinapunta niya ba ako dito para panoodin siyang umupo?
"Aish stupid.... upo"
Sabi niya saka pinat yung tabi niya, abat ginawa pa akong aso ng mokong, bumuntong hininga lang ako ,tapos umupo sa tabi niya.
"Teka nga bakit ba kase pinapunta mo ako dito ha?"
Tanong ko sa kaniya, Wag mong sabihing pinapunta niya ako para mag upo-upo lang dito ah, nako mababatukan ko talaga siya kung ganon.
Bigla niyang hinagis sakin yung makapal na libro kaya nagulat ako, wala talagang modo! pwede namang i-abot, magka tabi lang naman kami.
"Ano namang gagawin ko dito?"
Tanong ko sa kaniya ,habang naka tingin sa libro ng math nato, Ano ba talagang tinira neto? Rugby boy yata talaga to eh.
"Kainin mo kung gusto mo, ano bang ginagawa sa libro"
Pilosopong sagot niya, Abat pinag loloko yata ako ng multong Hanceltot nato ah! Matutuwa na sana ako kase nag tagalog na siya , kaso hindi ei! Takte walang hiya talaga kahit kelan, sarap niyang gilitan alam niyo yun?
"Pinag loloko moba ako lalaki?"
Sigaw ko sa kaniya, humarap naman siya sakin, saka tinignan ako ng as ussual poker face na muka niya.
"I'll teach you, how to solve an math equation"
Sagot niya. At napa nga nga naman daw si ako, tuturuan niya ako ng math? Wew? Wednesday palang , alam ko sa friday pa yung tutorial namin.
"Seryoso kaba? Diba sa friday pa yung tutorial ko sayo?"
Tanong ko sa kaniya
"Yes"
Tipid lang na sagot niya
"Eh Bakit mo ako tuturuan ngayon ng math? Anong trip mo ha"
"Cause I just want to, stop asking me okay? Let's start this"
Sabi niya lang , at tumabi pa lalo saakin , tapos binuklat niya yung libro at sinimulan na akong turuan.. pero bakit ganto? Yung puso ko kase.
Dubdub Dubdub Dubdub
-----
"Ah ganon pala yun, Gets kona"
Sabi ko nang malaman kona kung pano i-solve yung isang equation nayun.
"Yeah"
Tipid na sabi niya saka uminom ng tubig, kanina pa kami dito, sabi niya wala padin daw kameng klase kay Ma'am Cruz, kaya eto tinuturuan niya ako ng math, pero FYI hindi padin kame bate noh, as if naman.
"hoy hindi manlang ba tayo mag lulunch? gutom nako ah"
Giit ko sa kaniya , kase naman gutom na gutom na kaya ako ! Baka lalo akong pumayat neto.
"Tss. I dont care"
Sabi niya at saka sumandal sa puno, nanlaki naman ang mata ko at tumungin sa kaniya, walangjo talaga tong lalaking to! Inaya-aya ako dito tapos gugutumin lang pala ako, babatukan ko na sana siya kaso umiwas siya.
"Don't you dare, to Do that again"
sabi niya at sinamaan ako ng tingin abat, tingin niya ba natatakot ako sa kaniya? huh never.
"Kase naman, nagugutom nako!"
Maktol ko sa kaniya
"Then?"
Tanong niya, abat nag then then pa siyang nalalaman ? sungal ngal ko kaya tong libro sa kaniya.
"Anong then then ka diyan! Bumili ka don ng pagkain natin nagugutom na 'ko!"
"Tss. buy your own food, I'm not your maid"
Walang gana na sagot niya, ayt napaka un-gentelman niya naman tss, nag cross arms na lang ako sa tabi niya, nako kawawa naman magiging asawa ng ugok na 'to, siguro mamatay na sa gutom asawa niya ganyan padin siya tss.
"Here"
Sabi niya saka binigay sakin ang isang supot ng marshmallow at isang burger at tubig *0* wow pagkain.
Binuksan ko agad yung supot ng marshmallow at kumain.
"Waahhh salamat Hanceltot , kahit pano mabait kadin pala? haha, saka saan moto nakuha? wala naman to kanina ah?"
Sabi ko habang kumakain ng marshmallow hehe ang sarap, pero nakakapag taka saan kaya galing to? Ah siguro tinago niya sa bag niya 'to.
"Tss your so damn noi--"
Hindi niya natuloy yung sinasabi niya dahil sinalpakan kona siya ng tatlong mallows na malaki sa bibig, natawa naman ako.
"Hahaha ang daldal mo kase ei"
Tawang sabi ko, habang siya ang sama ng tingin sakin. habang nginunguya yung marshmallow na sinubo ko sa kaniya.
"Tss "
Haha pikunin talaga ng lalaking to, tinatawanan ko lang naman sya.
" ayaw mo ba ng mallows? Masarap naman ah"
Sabi ko tapos inalok siya ng mallows , kala ko nga hindi niya kukunin kaso bigla niyang hinablot at kumain.
"Hoy wag mokong ubusan ah"
Paalala ko sa kaniya, baka kase ubusan ako ei, kinuha ko naman yung burger at ayun na lang ang kinain ko habang yung isa kinakain yung marshmallow , hehe imaginin nyo yung masungit at cold na si Hance humakain ng mallows, haha ang cute niya tignan, teka? Sinabi ko bang cute? No no no!
"Don't stare"
Saway niya , pilingero talaga neto hindi ko naman siya tinititigan, tinitignan ko lang naman feeling gwapo talaga.
"I said don't stare"
Sabi niya ulit kaya iniwas kona ang tingin ko.
"Tss arte mo naman Hanceltot"
Sabi ko sa kaniya at kumagat sa burger ko, tumingin na lang ako sa mga bulak-lak dito , mas maganda pa tong tignan kaysa sa katabi kong multo.
"Its Hance , not Hanceltot"
Madiin na sabi niya, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Pake moba? ayun gusto kong itawag, na ngengealam ka"
Mataray na sabi ko, batukan ko kaya to?pilingero na pakilamero pa.
"Alam mo ba--"
Putol na sabi ko kase bigla siyang nag salita.
"No"
Tipid na sabi niya habang kumakain padin ng mallows.
"Dipa ako tapos mag salita diba? Bastusan eh noh"
Mataray na sabi ko sa kaniya, walang hiya kase.
"Ayt, alam mo bang muka kang multo sa sobrang puti mo?"
Tawa ko, sinamaan niya naman ako ng tingin, bakit totoo naman ah hahaha.
"Your just insecure"
Wala pading gana na sabi niya habang kumakain padin ng mallows, Kung makikita niyo lang siya matatawa talaga kayo sa kaniya pft.
"Duh! Bakit naman ako maiinsecure sayo? pero seryoso ilang gluta tinitake mo?hahaha"
Tawa tawang tanong ko , habang siya ayun sinamaan na naman ako ng tingin.
"Wanna die ?"
Nakakatakot na sabi niya, pero hindi ako natatakot sa kaniya, kinagat ko muna yung huling burger ko saka nag salita.
"You! Wanna die"
Balik na tanong ko sa kaniya, sinamaan niya naman ako ng tingin, kaya sinamaan ko din siya ng tingin.
"Tss. Your not scared at me huh!"
Naka ngising sabi niya, at nilapit paang muka niya sakin, as in 1 inch nalang yung pagitan namin, damang dama kona din yung pag hinga niya! Ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko at pag lakas ng kabog ng puso ko.
Dubdub Dubdub Dubdub
Nakatingin lang siya sakin. Ganon din ako kaso, waaahhhh feeling ko sasabog na ako kaya umiwas ako ng tingin at lumayo sa kaniya.
"A-akin na nga yang m-mallows"
Kabadong sabi ko at hinablot sa kaniya yung mallows , waaahhhh bakit feeling ko ang init init na? Gez anong nang yayare sakin?
Ang bilis padin ng tibok ng puso ko, ayt kala ko kase... ano... kala ko... kala ko kikissan niya ako >.< bwisit talagang lalaki 'to!
Pati din tong puso ko, ang bilis ng tibok, papacheck up na ako baka may sakit na ako sa puso, ang akward na tuloy bakit niya ba kase ginawa yun?
*-*-*-*-*
(A/n: dont forget to vote and comment kamsa ;*
Happy Reading ^ ^
-Mayyli)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top