Chapter 24- missing

[MCBB24]

KC POV

Uwian na at wala akong sundo, great right?  Psh bwisit na kotse yan sira padin , hindi naman ako masundo ni Nanong dahil siya nga yung nag aayos ng kotse namin, at ang napaka galing ko namang Kuya ay hindi pa umuuwi hindi ko alam kung nasan siya at nag aalala na talaga ako, tinanong kona sila Brixsy kaso iniiwasan nila ako, just great grabe -__-, gusto ko sanang sumabay kay Kellight kaso nakakahiya naman at saka napansin ko din na parang wala siya sa mood ngayon, si Kris naman hindi pumasok kaya wala akong choice kundi ...
MAGLAKAD.

At sinisimulan kona nga ngayon, grabe lang  andaming tambay sa kalye, 4:20 na nang hapon kame pinalabas dahil nag extend pa ng oras yung last subject namin kaya mukang gagabihin talaga ako sa daan, speaking of, nag lalakad akong mag isa ngayon , sana naman hindi ako pag tripan dito sa daan, kase ganon yung mga nababasa ko sa mga story ei, baka lang naman pero wag naman sana.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad ko habang naka yuko, hindi ako sanay sa mga tao, diba nga bago pa dumating yung 5 badboys at si Kellight at Kris sa buhay ko wala talaga akong ibang kaibigan, o wala talagang nakikipag usap at nakikipag kaibigan saakin simula dati pa kaya nga, hindi ako sanay sa tao.

Tahimik lang akong nag lalakad , malapit ng mag 5:00 kaya medyo palubog na ang araw, binilisan kona ang lakad ko dahil ayokong abutin ng gabi sa daan.

"Bwisit yari talaga si Kuya saakin pag-uwi ko at pag wala pa siya nako talaga, susumbong ko siya kay Daddy"
Sabi ko habang nag lalakad ng medyo mabilis na, may nadadaanan kase ako na mga nag iinuman sa kalsada at yung iba mga binatang nakatambay lang.

"Witwiw ... hello miss"
Tawag sakin nung mga tambay doon sa gilid kaya lalo kong binilisan ang lakad ko, na para na akong  tatakbo,  first time ko lang mag lakad ng pauwe ah... at hindi ako sanay >.<, nakakatakot pa naman sa kalsada.

Ako na lang mag isang estudyante ang nag lalakad ngayon sa kalye, nakakainis talaga sana hindi ako maka salubang ng mga goons , kakaratihin ko talaga sila pag nag kataon, paliko na ako sa isang kalye papuntang subdivision namin, nang may maka salubong ako

"Ay kabute, hays Kuya naman ng gugulat ka"
Sabi ko doon sa mamang naka sa lubong ko, hindi naman siya mukang goon, Kase muka lang syang nasa 20's ganon, magugulatin talaga ako, kaya hindi na ako mag tataka kung mag ka sakit man ako sa puso.

"Sorry, nawawala kase ako, mag tatanong lang sana ako kung nasaan 'to"
Sabi niya saka pinakita saakin yung mapang hawak niya, at may tinuro duon, kinuha ko naman yun at saka tinignan ng mabuti.

Hindi naman saamin tong mapa ah? Parang hindi naman to mapa? Para siyang blue print ng building ganon, napa kunot noo ako saka tinignan yung manong kaso... wala na siya? Nasaan nayun?

Haharap sana ako sa likod ko ng, may mag takip sa bibig ko, pumiglas  ako pero bakit? Bakit parang nahihilo yata ako?, unti unting dumilim ang paningin ko hanggang sa wala na akong nakita.

***********
Nath POV

"Manang nasan si Coreen?"
Sigaw na tanong ko kay Manang , pag kapasok ko sa bahay , kakauwi ko lang galing bar nila Edward, nag kita kase kami  doon nila Jhon, ngayon lang ako naka uwi dahil kahapon may inasikaso akong ibang bagay.

Alam kong nag aalala na si Coreen saakin dahil hindi ako umuwi kahapon, at alam kong sesermonan na naman ako ng kapatid ko, minsan nga mas muka pa siyang matanda saakin kung makasermon, pero sana naman okay lang siya, kanina pa kase ako kinakabahan dahil sa banta ng evils , at oo binabantaan nila kame, Sila din ang dahilan kaya hindi ako naka uwi kahapon, pumunta kase ako sa ospital  pag ka tapos ako dalhin nang kaibigan ni Coreen sa clinic kahapon dumating naman yung apat, sinermonan agad ako pag dating nia hindi man lang tinanong kung okay lang ba ako? Pero ang malupit sa kwento nila ay hindi ko mapaniwalaan, tumawa daw si Hance at inasar pa ang kapatid ko, Nagulat ako nung una ,syempre isang himala yata ang pag tawa niya at nakakapang hinayang talaga at hindi ko nakita yun tss tss! Ka badtrip talaga.

"Manang? Nasaan po si Coreen?"
Sigaw ko uli at saka pupunta na sana sa kusina ng biglang pumasok sa pinto ang mga maid at humahangos.
"Saan kayo galing?"

"Jusko Nath ang kapatid mo"
Hingal na sabi ni manang , kinabahan agad ako at lumapit sa kanila.

"Anong nang yare kay Coreen? Nasaan ba siya?"
Tanong ko at nag simula ng dagain ang dibdib ko, masama ang kutob ko.

"Hindi pa umuuwi ang kapatid mo kanina pa, hinanap na namin siya kung saan pero wala padin, kahit sa school nila"
Sabi pa ni Manang, kaya kinabahan na ako, tumingin ako sa orasan at 9:36 na ng gabi, 4:00 ang uwian nila Coreen at hindi niya ugaling malate ng uwi, lalo akong kinabahan, agad na kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Brixs.

"Sir irereport napo ba namin to sa pulis?"
Tanong ng isa naming kasambahay.

"Hindi, wag ! Bumalik na lang kayo sa mga gawain niyo ako na ang hahanap sa kapatid ko"
Sabi ko at binaling na lang ang tingin ko sa cell phone ko , tumango lang ang mga maid namin at dimaretso na sa kusina.

[Hello]

"Hance? Bakit nasayo yung cellphone ni Brixs?"

[Ah, iniwan niya kase sakin, nasa dance floor sila]

"Nasa bar paba kayo?"

[Oo bakit?]

"May problema...
nawawala si Coreen, kailangan ko kayo ngayon"

[15 minutes nandyan na kame]
Sagot ni Hance sa kabilang linya saka ako binabaan ng tawag.

Natataranta na talaga ako at hindi na mapakali pakshit pag may nang yaring hindi maganda sa kapatid ko, sinusumpa kona makakatikim talaga saakin yang evils , takte ginagalit nila ako.
"Subukan niyo lang saktan ang kapatid ko at mag kakamatayan tayo"
Bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa akong nag hintay doon sa apat, hindi naman ako nabigo dahil dumating agad sila bago pa man ang itinakdang oras na sinabi ni Hance.

"Nath, panong nawawala si Kel"
Tarantang tanong saakin ni Brixs nang maka pasok  na sila sa bahay.

"Hindi pa siya umuuwi kanina pa"
Sagot ko.

"Ang evils ba ang may gawa neto"
Blankong tanong ni Hance saakin, sandali akong napatigil dahil kakaiba ang aura niya ngayon, napaka blanko at napaka dilim ng muka niya ngayon na parang anytime makakapatay na siya.

"Oo, mukang sinusubukan talaga nila tayo"
Giit ko at napa kuyom na lang nang kamao.

"Alam mo naba kung nasaan nila dinala si Kelrish?"
Tanong ni Jhon, napailing naman ako sa kaniya, isa payan tangna hindi ko alam kung saan nila dinala ang kapatid ko, subukan lang talaga  nilang saktan ang kapatid ko dadalhin ko talaga sila sa impyerno.

"Subukan kaya natin siyang tawagan?"
Sabi naman ni Edward, nag ka tinginan namn kaming lahat, agad ko namang kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Coreen

Rinnnggg.... Ringggg.... Ringggg.... Ringg---

"COREEN"
Tarantang sabi ko ng sinagot niya ang tawag ko, niloud speak ko agad yung tawag para madinig din nung iba.

[KUYAAAAA, PLEASE WAG KAYONG PUPUNTA DITO! WAG KANG PUPUNTA]
Dinig kong sigaw ni Coreen at alam kong umiiyak na  siya.
[Manahimik ka]
May nadinig pa kaming kalabog at pag iyak ni Coreen , sabay sabay kaming napamura nang madinig yun, at hindi kona napigilan ang sarili ko.

"Tangna niyo, saktan niyo ang kapatid ko at mag kakamatayan tayo"
Sigaw ko sa kabilang linya, nakarinig naman ako ng tawa galing sa isang lalaki.

[Nakakatakot naman yun Nath, pero hindi ko mapapangako na hindi namin siya masasaktan]
Sabi nang lalaki sa kabilang linya at saka tumawa.

"Ano ba talagang kailangan niyo ha!"
Sigaw ni Brixs.

"Sabihin niyo kung gusto niyo nang mamatay at ako na mismo ang papatay sa inyo!"
Sabi ni Edward.

"Pakawalan niyo si KeLrish kung gusto niyo pang mabuhay"
Sabi pa ni Jhon.

Seryoso na kaming lahat pero tinatawanan lang kami ng Kausap namin sa kabilang linya.

"Saan niyo dinala ang kapatid ko?wag niyo siyang idamay dito, kung gusto niyo kame, wag niyong idamay ang kapatid ko, dahil pag may nang yari sa kaniyang masama, isumpa mo uubusin ko kayong lahat"

[Woah! Kalma lang Nath, ganto na lang, mag kita na lang tayo sa address na ibibigay ko, pag natalo niyo lahat kame, hmmm.... okay pwede niyo ng makuha ang kapatid mo, pero ang tanong matatalo niyo ba kame?]
Sabi nung lalaking yun sa kabilang linya at saka humalakhak, lalo akong nainis , at sa tingin niya ba matatalo nila kame? ang lakas ng loob nilang hamunin kame.

[KUYA WAG! WAG KAYONG PUPUNTA PLEASE, PARANG AWA NIYO NA WAG KAYONG PUPUNTA DITO, HAYAAN NIYO NA LANG AKO, KUYA WAG KAYONG PUPUNTA"
Sigaw ni Coreen sa kabilang linya.

[*BLAGGG*]

"COREEN---"

*Toot Tooot , Toot Toot*

"Tangna talaga"
Bulaslas ko ganon din nang iba, pag ka patay ng tawag, natanggap kona agad ang address, alam namin ang lugar nayun at wala na kaming sinayang pa na oras at lumabas na kami ng bahay at kinuha ang sari-sarili naming sasakyan.

"Hintayin mo lang ako Coreen, ililigtas ka namin"
Bulong ko sa sarili ko at saka pinaharurot lalo ang kotse ko, hintayin mo lang ako Coreen.

***********
Hance POV

Nasa liblib kami ngayong lugar, madilim at puro puno, ang nag sisilbi lang ilaw dito ay ang ilaw ng mga sasakyan namin.

"Ang bilis niyo naman yata"
Sabi nang lalaking hindi ko kilala kung sino, madami siyang kasama at lahat sila naka itim, tss
Look so pathetic.

"Nasaan ang kapatid ko"
walang emosyong tanong ni Nath na sinuklian naman nang ngisi ng lalaking yun, tss angas kala mo naman may ibubuga -___-

"Nakikita moba yung bahay doon? Nandoon ang kapatid mo, pero hindi muna kayo doon makakapunta kung hindi niyo kami natatalo"
Ngising sabi nung lalaking yun, mag sasalita pa sana si Nath ng nag lakad ako palapit sa mga lalaking yun, at tinignan sila ng walang kaemosyon emosyon.

"At eto nanaman siya"
Dinig kong sabi ni Edward.

"Welcome to hell"
Anunsyo ko at bigla na lang nag sugudan ang mga nakaitim na lalaki nayun, hindi naman ako naalarma, sana naman magagaling tong bagong mga tuta ng evils.

Madaming sumugod saakin, at katulad ng dala nila sa parking lot ng school may mga hawak na naman silang kahoy na makakapal,baseball bat, at tubo.... habang kame wala man lang kahit anong dala tss, kami pa talaga ang hinamon nila? Ow sorry, they mess with a wrong group, sana mabuhay pa sila pag katapos ng gabing to.

Naka pamulsa lang ako habang iniiwasan lahat ng pag atake nila, ng mapagod na ako sa pag iwas kinuha ko yung baseball bat na hawak nung isa at saka pinalo sa ulo niya ganon din sa iba at lahat sila bumagsak, sa dami ng pwede nilang kidnapin yung fiancè kopa na kapatid ni Nath, na gusto ni Brixs, na tinuturing ng kaibigan nila Jhon at Edward, ang lakas naman ng loob nila kung ganon, nagulat ako ng may biglang humampas sa likod ko at napakalakas non, humarap naman ako at saka pinalo sa kaniya ang hawak ko at sinuntok, may sumugod pa saking tatlo, nakipag sapakan sipaan paluan, at bugbugan ako sa kanila.

Habang nag lalakad ako palapit sa bahay na'yun, wala akong iniisip kundi iligtas siya,ayun lang at wala nang iba, madaming humaharang sa dinadaanan ko at lahat sila pinapatumba ko, pero syempre napupuruhan din ako, madami nadin akong gasgas, at pasa sa katawan dahil sa mga bugbog at hampas pero hindi nila ako mapipigilan na puntahan ang babaeng yun, hindi ko alam pero may kung ano sa sarili kona gustong pumatay alang-alang lang sa kaniya, at aaminin kona sobra akong nag-aalala sa kaniya, na ngayon ko lang ulit naramdaman, hindi maintinihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako..... gusto kong iligtas si KC.

*BLAG*

Kita ko ang pag baling ng tingin sakin ng mga tao sa loob ng bahay na 'yun.

"oh? well....Look whos here? a legend badboy .... Musta Ice"
Sabi ng lalaking yun, napangisi naman ako ng tawagin niya ako sa pangalang yun.

"Hance"
Nabaling naman ang tingin ko kay KC, naka upo siya sa isang upuan at nakatali doon, napakuyom ako ng kamao ng makita ang itsura niya, gulo na ang buhok niya at madaming gasgas sa muka, at dumudugo ang labi, tinignan ko naman ng masama ang lalaking kaharap ko ngayon, naka ngisi lang siya saakin.

"Anong ginawa mo sa kaniya?"
Walang emosyong tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

"Masyado kasi siyang maingay kaya , ayan ang napala niya"
ngising sabi niya, lalo lang tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Sinong nag bigay sayo ng karapatan na hawakan ang babaeng pag mamay-ari ko"
Seryosong sabi ko.

"Ako! Gagawin ko ang gusto ko, and by the way ang tamis pala ng labi niya"
Ngising sabi niya, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng galit at sinuntok ko siya, napahiga naman siya sa sahig, nilapitan ko siya at kinwelyuhan.

"How dare you to touch my girl! "
Sinapak ko uli siya , pero ngumisi lang siya saakin, kaya hindi ko sya tinigilan.

"HANCE!"
sigaw ni KC, pero hindi ko siya nilingon.

"Close your eyes"
Utos ko.

"Ano? Bakit nama"
takhang tanong niya.

"Just do it"

"Oo na nakapikit na"
Lumingon pa uli ako para siguraduhin na nakapikit na siya, ayokong makita niya na nakikipag-away ako.

"You really love her huh"
Ngising sabi niya, pabagsak ko namang binitawan ang kwelyo niya at saka ako tumayo, wala akong panahon para sa mga kalokohan niya.

"You want this?.... then be prepared to your death asshole"

***********
(A/n:happy reading ^  ^
-mayyli)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top