Script 2
Pupunta na sana sa Cong sa kwarto niya nang biglang dumating si Yoh sa bahay nila.
YOH:
Cong, si Pat! Nasa taas na naman ng rooftop! Halika na!
CONG:
Ano?!
Lumabas si Yoh, Cong at ang nanay niya para tingnan ang kapatid nitong si Pat. Marami ng tao sa paligid ang nakatingin sa rooftop.
CONG:
Tumabi kayo! Kapatid ko iyan! Tumabi kayo!
Nakita nila si Pat na nasa rooftop. Nakatingin sa kawalan, tila ba maraming iniisip.
CONG:
Pat, bumaba ka na dyan. Halika na.
PAT:
Kuya, ang ganda ng langit! Parang masarap pumunta doon!
Nakangiti pa si Pat habang sinasabi iyon pero kita na rin na naluluha na siya.
CONG:
Pat, hintayin mo ako dyan ha? Papunta na si kuya.
PAT:
Kuya, huwag na. Ako na lang ang pupunta doon. Kailangan ka pa nila Mama eh.
Agad na pumunta si Cong sa rooftop at sinalba ang kanyang kapatid. Nang Makita niya ito ay nagyakapan silang dalawa.
CONG:
Sabi ko naman sa iyo hindi ba, kapag kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin lahat.
PAT:
Kuya, hindi ko na kaya eh. Masakita na. Sobrang sakit na.
CONG:
Alam kong mahirap Pat, alam kong masakit dahil nararanasan ko rin naman yung sakit pero kailangan nating ituloy ang buhay.
PAT:
Paano ko itutuloy ang buhay kung natigil na iyon ng isang pangyayari? Kuya, paano?
Niyakap na lang ulit ni Cong ang kapatid niya pagkatapos ay bumaba na sila mula sa rooftop.
Niyakap rin ng nanay ni Cong si Pat. Naging masaya ang lahat dahil nailigtas ni Cong ang kapatid niya mula sa tangka nitong pagtapos sa sariling buhay.
Pag-uwi ay nagkulong sa kwarto si Cong at nag-isip dahil sa nangyari sa kapatid na si Pat.
CONG (V.O):
Ama, hindi ko na po alam. Ikaw lang ang alam kong makakasagot ng lahat. Ikaw na po ang bahala sa amin. Gabayan Niyo po ako at bigyan ng lakas para malagpasan ang lahat ng ito. Alam kong hindi Niyo ito binigay dahil wala lang. Gabayan Niyo po ako para maharap ko ito.
BACK STORY:
Masiyahin si Cong. Mapagmahal na kapatid at sa kapwa. May takot sa Diyos. Tinuturin nga siyang isang modernong superhero dahil marami na siyang nalagpasan na problema pero nakangiti pa rin siya habang nalaban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top