Script 1

MODERNONG SUPERHERO

SHORT SCRIPT

BY: ATHENA BEATRICE

INT.  ROAD – DAY

DOS:
Sampaguita! Sampaguita kayo dyan! 10 piso lang!

Nagsisigaw pa siya hanggang sa nakita siya ni Cong sa daan.

CONG:

Bata, ilan lahat iyan?

DOS:

10 po.

CONG:

Sige, ito ang isang daan. Kukunin ko na ang lahat ng iyan. Umuwi ka na sa inyo ha?

DOS:
Pero kuya, diba kayo din iyong-

CONG:
Basta, kunin mo na ‘tong pera at umuwi ka na sa inyo ha?

DOS:
Opo, salamat po!

CONG:
Walang anuman. Mag-iingat ka.

DOS:
Opo, salamat po ulit!

INT. CONG’S HOUSE – DAY

Umuwi na si Cong na dala ang sampaguita na binili niya mula sa bata.

CONG’S MOM:
Sampaguita na naman? Kakalagay mo lang dyan noong isang araw ah. Saan mo ba binibili iyan?

CONG:
Dyan lang. Hayaan mo na, atleast laging mabago itong bahay. Nasaan nga pala si Junnie, Ma?

CONG’S MOM:
Naku, ikaw na nga ang kumausap doon at hindi ko na alam ang gagawin ko sa kapatid mo.

CONG:
Bakit, Ma? Ano na naman ang nangyari?

CONG’S MOM:
Panay laro na naman ng DoTA eh. Akala ko ba ay sinabihan mo iyon?

CONG:
Sige Ma, ako na lang ulit ang kakausap mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top