/10/ Changes

"HEY," I looked up and I saw him, it's Richard. "K-kamusta?" bigla siyang nahiya ng hindi ako kaagad nakapagsalita nang makita ko siya, yumuko siya at napahawak sa batok. Alam niya talaga kung saan ako mahahanap―sa library. 'M-mukang ayaw niya 'atang magpaistorbo.'
"Hi, Richard." Bati ko at pilit kong ngumiti sa kanya. Umupo siya kaharap ko dala ang mga libro niya, kakatapos lang ng huling klase ko ngayong hapon. The rumors quickly spread like fire that I've been at the mental insitituion; well totoo naman talaga. Kaya nga it's a good thing that I learned how to control my power para hindi basta-basta mabasa ang judgemental thinking ng mga tao sa paligid ko. Sabi nga ni Memo, don't mind the sheeps.
Alam kong nakatingin sa'kin si Richard habang nagsusulat ako sa kwaderno, I bet he's dying to ask me things but I don't want to initiate to talk about it. I can't tell him the truth now's everything complicated.
"Sigrid."
"Yes?" tumingin ako sa kanya at nagtama ang paningin naming dalawa, I can clearly see concern in his eyes. Hindi ko alam kung sa kanya ba 'ko maaawa o sa sarili ko.
"Please tell me how..."
"What?"
"Please tell me how to stop thinking about you," and then there's a long silence. Tanging tunog lamang ng bawat paglipat ng pahina ang maririnig mula sa mga ibang nagbabasa rito sa library, but he continued. "I'm sorry...Para lang akong mababaliw sa kakaisip sa'yo these past few days. I'm...I'm just really worried."
Again, I forced myself to smile. "Thank you, but I'm fine, really."
Nakita kong inayos niya 'yung mga gamit niya at akmang aalis, pero bago iyon ay muli siyang tumingin sa'kin. "You changed a lot since you retuned." He bitterly smiled and then he left. It seems like he saw through me, my fake smiles.
Hindi ko masisisi si Richard. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung nagbago man ako ng pakikitungo sa ibang tao. It feels like I can't trust easily like before, since...since that tragedy. Pakiramdam ko nawala nga 'yung dating ako. Somehow I feel sorry for Richard dahil we'r e close before at ngayon parang nabalewala lahat ng iyon.
Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang bumalik ako, magmula nang ilabas ako ni Memo sa mental institution. Walang kaalam-alam ang pamilya ko sa nangyari, wala silang alam na nakalabas na 'ko at nandito muli sa Atlas. Isang linggo na rin ang nagdaan magmula nang dalhin ako ni Memo sa Night Class.
I am an official member now.
*****
"IS everyone here?" tanong ni Memo sa harapan habang nakaupo kaming anim sa kanya-kanya naming pwesto.
"Bakit tinatanong mo pa eh pito lang naman tayong nandito?" mataray na pagkakasabi ng babae na nasa likuran, her name is Annie, her pointed chin and sharp eyes makes her look too fierce. Hindi siya ganoon ka-friendly at approachable kaya siya 'yung hindi ko gaano kinakausap. Tiningnan ko ulit si Memo sa harapan na hindi binigyang pansin ang sinagot ni Annie. She's right anyway, why bother asking if we're just really few here.
"Okay, let's begin the class," at nagsimula nga si Memo sa exclusive lecture niya about... well I don't know what kind of subject he's teaching―yes, he's teaching us, actually, isa siya sa mga part time instructor sa Atlas University at the same time na kumukuha ng master's degree, I didn't know that he's popular at Atlas as the youngest instructor. Nagdidiscuss siya ngayon tungkol sa cosmic consciousness na hindi ko masyadong naiintindihan.
Well, Night Class is actually really class, from five pm until seven pm, at si Memo ang nagtuturo ng kung anu-anong esoteric subjects sa amin. Isa sa mga tinuturo niya ay ang mga Natural Laws of the Universe which is first time kong ma-encounter sa buong buhay ko, like for example, the law of attraction which states that like attracts like.
Napasulyap ako sa katabi ko at nakita ko siya. Si Isagani, nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Sabay kaming nag-iwas ng tingin at ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa harapan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapalagay sa presensya niya.
Maya-maya'y nakalipas ang dalawang oras at natapos din si Memo sa lecture, nakita ko si Kero na nag-uunat ng braso dahil natulog lang siya magdamag. Ngayong tapos na ang klase, oras na para bumalik kami sa dorm.
Hindi 'yon basta-basta dorm, it's like a special dorm na nakalocate din mismo sa loob ng College of Chemistry. Sa dulo ng hallway ng mismong floor na kinalalagyan ng room 634 ay may sikretong pinto papunta sa isang exclusive room. And yes, dito na 'ko tumutuloy kasama sila dahil isa 'to sa perks ng pagiging member ng Night Class.
This is actually more than a room, pagbukas ng secret door bubungad kaagad ang common room, sa gitna ay may nakasabit na chandelier, isang hagdan papunta sa itaas kung saan may kanya-kanya kaming kwarto, meron ding dining room at sariling kitchen. Vintage ang disenyo ng loob, this is unbelievable luxury.
At seven-thirty may darating na mga servants para ihain yung mga pagkain, and every night akala mo ay merong buffet o kaya piyesta dahil sa dami ng masasarap na pagkain, there are different foreign cuisines. Sa dining table, si Memo ang parang nagsisilbing head of the family dahil siya ang nasa trono, katapat niya sa kabila si Isagani. Habang kumakain ay inoobserbahan din ang tamang kilos at asal sa hapag, it's Memo's rule. Kaya tahimik lahat. Unless na lang kung may gustong itanong si Memo sa bawat isa.
Nine pm dapat nasa kanya-kanya na kaming mga kwarto namin. Kaya naman habang wala pang alas nueve ay nakatambay silang lahat sa common room. Hindi ko na nakita si Memo dahil nauna na siyang nagtungo sa kanyang silid para magpahinga. Habang ako naman ay nandito sa may mezzanine at piangmamasdan sila na nasa ibaba.
It's been a week since I'm living with them and I still barely know their personalties, hindi pa kasi ako ganoon nakikipag-interact sa kanila dahil tuwing pagkatapos kumain ay umaakyat din kaagad ako sa kwarto but it doesn't mean that I'm not observing them. They are quietly chatting and reading at the common room, kung titingnan mo para lang silang mga normal na tao, but they're not.
I saw Rare stood up to pick up another book from the shelf. He's taking up Chemical Engineering, junior year. Seryoso siyang tao, hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti, minsan ngumingisi lang siya pag natutuwa siya but I can see pride in his eyes. I think his powers suits his personality, fire, he can produce and manipulate it, and like fire, he's impatient and short-tempered.
Sa isang sofa naman nakaupo si Annie habang naka-dekwatro at may hawak na wine glass, nakikinig siya ng music sa Walkman at nakatingin sa kawalan, parang may iniisip. She's almost the same with Rare, serious, but she's the sarcastic one, lagi siyang may comment sa mga bagay-bagay lalo na pag hindi niya gusto. Frank and blunt. She doesn't care and don't give a damn.
"Annie," bigla siyang tinawag ni Kero na galing ng kusina. "Annie."
"Ano ba?" iritadong sagot ni Annie.
"Buksan mo nga 'to," inabot ni Kero ang isang bote ng soda. "Tinatamad akong kumuha ng pambukas sa kusina."
"Urgh, ang tamad-tamad mo," kinuha niya yung bote at madaling nabuksan yung takip na sa isang pihit niya lang ng dalawang daliri. That's what Annie's power is, incredible human strength, kaya naman hindi na 'ko nagtataka sa narinig kong balita na walang pumapalag sa kanya sa college nila, may pagkasiga kasi ang kanyang asta.
Matapos mabuksan ni Annie ang bote, kinuha ni Kero 'yon na para bang minagnet mula sa kamay ni Annie.
Next, si Kero, he has Telekinesis, he can move things through mind and he's the laziest, well maybe his powers are too beneficial that's why lagi niyang ginagamit yon dito. He can't use it outside anyway. He's like the jester among them, he's playful, chill at laging nakangiti. I guess, sa kanilang lahat siya 'yung pinakamakakausap mo ng komportable. Umupo si Kero sa kabilang sofa at sinuot ang salamin, he's taking up Ophthalmology kaya hindi na 'ko nagtataka sa ginagamit niyang salamin.
"Kero, pakuha naman ng book na 'yon," and there's Ruri, the weirdest among them. Masayahin din siya katulad ni Kero pero mahiyain din siya at the same time, there are times that I caught her talking to herself or to someone we can't see, kaya nasabi kong siya ang pinakawirdo. She's kind too.
Using Kero's powers, nakuha niya yung libro sa pinakaitaas ng shelf.
"Thanks!"
"No worries."
Si Ruri na lang ang hindi ko alam kung anong kapangyarihan. She's the only one who's not showing off her powers and also...him. Si Isagani.
Nakaupo rin si Isagani sa sofa habang nagsisigarilyo, and that's his vice. He loves to smoke every single time, kaya niya yata makaubos ng isang pakete sa loob ng isang araw, paano ko nalaman? Nakita ko lang sa trashcan. There's something weird in his eyes, sa tuwing magkakatinginan kami hindi ko alam kung ilusyon lang ba na nakikita ko na nagpapalit yon ng kulay. I hope he's not reading minds, katulad ko at ni Memo.
Biglang napatingin si Isagani sa'kin and it's too late for me to hide, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napansin ni Ruri na may tinitingnan si Isagani kaya parang naramdaman tuloy nilang lahat na nasa itaas ako at pinagmamasdan sila.
"Hey, Sigrid!" kaway sa'kin ni Kero. "Bakit ka nandyan? Come here, join us." Yaya ni Kero, and as usual ang lapad ng ngiti niya. Hindi sana 'ko bababa kaso nakatingin silang lahat sa'kin kaya naman wala akong nagawa, nakakahiya rin namang tanggihan ang alok ni Kero.
Nang makababa ako ay umupo ako sa couch, sa tabi ni Ruri. Lahat sila nakatingin pa rin sa'kin at tila hinihintay akong magsalita.
"So, Sigrid," si Kero ulit ang bumasag ng katahimikan, nang mapansin niya na naiilang ako. "Kamusta naman ang pagiging exclusive member ng Night Class?"
"It's..." hinahanap ko yung mga salita na dapat kong sagutin sa tanong niya. "...nice."
"Nice?" Ulit ni Annie. "Nice lang talaga nasabi mo?" at bahagya siyang natawa, nang-uuyam.
"Tell us what you think." Si Rare, he also looks pretty interested.
"I think... this is too extravagant. Hindi ko inaasahan na ganito ang Night Class. I mean... we're different from normal human beings, and I'm expecting that this is just a night class, like a club."
Nagkatinginan sila sa sinabi ko. Tumayo si Isagani at pumunta sa may bintana at doon nagtuloy ng paninigarilyo niya. Parang medyo nagulat sila sa sinabi ko kaya naman... hangga't maaari ayoko sanang basahin ang isip nila pero...
'So hindi niya pa alam...' si Annie
Magtatanong sana 'ko kaso naunahan ako ni Kero magsalita.
"So, you're a telepath? Katulad ni Memo. Cool." Sabi nito. "Let's do a sample." Hindi ko siya maintindihan, sa side table ay may kinuha siya, isang deck of cards. "I will draw a card, tapos huhulaan mo kung anong nabunot ko." humugot siya ng isa mula sa deck at sinenyasan ako na hulaan iyon.
'Joker ang hawak kong card.' Sa isip ni Kero
"Joker."
"Woah! Ang galing!" pumalakpak pa si Kero na parang bata.
"Ano ka ba, Kero. Telepath siya kaya natural lang na mahulaan niya yan." Si Annie. Sinabi niya na 'natural' lang, and I want to tell her that this is not a normal ability for a human though. Napakamot na lang si Kero sa sinabi ni Annie sa kanya.
"I heard that you're a painter and a pianist." Sabi ni Rare sa akin.
"Yes."
"Talaga?" si Ruri naman biglang namangha. "Pwede ka bang tumugtog para sa'min?" Wala rin akong nagawa at hindi na ako nakatanggi, isa pa ngayon na lang ulit ako makakahawak ng piano.
Kasabay ng aking pagtugtog ang pagbalik ng alaala ng aking pamilya, at hindi ko maiwasang malungkot.
*****
HINDI ako makatulog. Ganito na lang palagi ang senaryo tuwing hihiga ako sa malambot na kama, tatagal ang sandal na nakatitig lang ako sa kisame. Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto, pero walang tao, sumara iyon ng kusa kaya medyo napabangon ako.
"Sshh, don't worry it's just me," bigla akong kinabahan dahil wala naman akong ibang nakikita pero may nagsalita. "Natakot ba kita?" maya-maya'y lumitaw si Ruri mula sa kawalan. "This is my power, invisibility." she giggled like a child.
"Anong gingagawa mo rito, Ruri?" tanong ko sa kanya.
"Well," umupo siya sa gilid ng kama ko. "May sinusundan kasi ako, dito siya pumasok sa kwarto mo."
"Sino?" napakunot ako dahil wala namang ibang pumasok dito kundi siya.
"The spirit."
"Are you scaring me?" sabi ko pero hindi naman ako natatakot o naiinis sa kanya.
"No. I can really see them," kaya nga siya ang pinakaweird sa kanila, mabuti na lang mabait siya. "I like them kasi katulad ko they can vanish and appear everywhere."
Napatango na lang ako sa sinabi niya.
"Can't sleep?" sabi niya sa'kin. "Okay lang 'yan, ganyan din ako nung una kong nadala rito."
"Nadala? You mean... hindi ka talaga nag-enrol dito sa Atlas University?"
Tumangu-tango siya. "Akala ko sinabi na sa'yo ni Memo."
"Ang alin?"
"About us. About Night Class."
Umiling ako. "Since nang ipinakilala niya 'ko sa inyo, hindi na siya nagkwento ng kahit ano."
"Siguro dahil ayaw niyang umalis ka."
"Ha?"
"Don't leave us, okay?" sabi niya. "Tayu-tayo na lang ang magkakatulad, dapat lagi tayong magkakasama. Sabi yan ni Memo."
I don't really understand what she meant.
"Ruri."
"Hmm?"
"What's with this group? Anong meron sa Night Class?"
"I'm sorry pero hindi ako ang pwedeng magsabi sa'yo niyan," babasahin ko pa lang kung anong nasa isip niya kaso bigla siyang tumayo. "Crap. Alam ni Memo na nandito ako sa kwarto mo. I gotta go, the little ghost girl also told me to go."
"Wait." Kaso hindi ko na siya napigilan dahil bigla na naman siyang naglaho na parang bula.
xxx

Isagani
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top