Henry...


Henry's Pov...

Mga bandang 1:00 am ng magising ako ...

Nakaramdam ako ng uhaw kaya napag desisyunan kong bumaba sa kusina para makainom.

Pababa na ako sa hagdan nang mapansin kong bahagyang naka bukas ang pintuan nang kwarto ni aling divina..

Bakit kaya hindi isinara ni aling divina ang pinto?

Lumapit ako sa kwarto ni aling divina para isara sana yung pinto ngunit natigilan ako ng may narinig akong nag'uusap. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero parang may kung anong pwersa na humihila saakin para makinig.

"Bukas, pista na ng ating munting baryo.!" Masayang sambit nung isa sa nag uusap na sa palagay ko'y si Angel. Magkaboses kasi sila .

"Oo, at natatakam na akong matikman ang masasarap na putahe na halos tuwing pista lang natin natitikman.!" Nasasabik na sagot nung isa na sa palagay ko'y si aling divina.

Anong putahe ang ibig nilang sabihin? Siguro may espesyal silang pagkain na tuwing piyesta lang nila hinahain.

"Nga pala, kailangan na natin silang ubusin lahat. Wala na yung 3 apat nalang yung natitira sa kanila ,

. Exited na ako dahil Sigurado akong mabubusog tayong lahat bukas. " misteryosong sambit ni angel..

Kahit naguguluhan, nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya.

Ano kaya ang ibig nya'ng sabihin?

"Hahaha ... Magaling ka talaga angel. Nakuha mong magdala ng alay rito sa ating baryo. Kinabukasan , kakatayin na natin yung mga natitirang kabarkada mo at yung mga namatay na ay ipapaluto ko sa lola rochelle mo . " medyo natatawang sambit ni aling divina.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.

Kakatayin? Kakatayin nila kaming lahat? Anong klaseng nilalang sila?

Kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib.

At unti unting gumapang ang takot sa aking sistema.

Akala ko mabait sila , nagkamali pala ako. Sila pala ay mga halimaw .

Kailangang makaalis kami rito.

Kailan naming makatakas...

Paalis na ako ng biglang nasagi nung kamay ko ang isang figurine sa ibabaw ng apparador malapit sa pinto ng kwarto ni aling divina.

Nabasag ito at lumikha ng ingay..

Sa takot na baka mahuli ako nina aling divina ay agad akong nagkubli sa ilalim ng hagdan .

Narinig ko ang mga yabag nina aling divina at angel papalapit sa nabasag na figurine.

Nag' usap sila sandali tapos nilinis ni angel yung sahig.

Maya maya , naging payapa uli yung paligid ...

"Wala na sila, kailangan kong malapunta kina emerald.... Aalis na kami rito... !"

Mahinang bulong ko sa aking sarili.

Dahan dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan at nagsimulang humakbang sa hagdan.

"San ka pupunta!"

Napatigil ako ng may nagsalita sa aking likuran.

Halos sumabog na yung dibdib ko sa kaba...

Lumingon ako at nakita ko ang nakangising mukha ni angel. Nasa likuran nya si aling divina.

"Halimaw kayo!" Galit na sambit ko ..

Ngumisi lang si angel tapos naglabas siya ng itak..

Akmang tatakbo na ako ng bigla nyang hinataw yung likod ko

Nahulog ako at gumulong sa hagdan .

Nilapitan nya uli ako at tinadtad ng saksak ang aking katawan ..

"Arrghhhh" pumalahaw ako sa sakit na aking nararamdaman. Bawat hampas nya sa aking katawan ay dama ko ang hapdi at sakit nito.

Ramdam ko ang hiwa ng itak sa aking balat..

Maya maya, tinigil nya ang pagsaksak . At dahan dahan nyang pinuputol ang aking binti..

"Ahhhhhhh" wala akong magawa kundi ang sumigaw

Luray luray na ang aking katawan at maraming dugo ang nawala sa akin. Konti nalang at malapit na akong mamatay .

"Panginoon, ramdam ko na malapit na akong bawian ng buhay. Buong puso ko pong tinatanggap ang aking kamatayan. Sana po ay patnubayan nyo po ang aking mga kaibigan. Iligtas nyo po sila.. Lalong lalo na ang babaeng matagal ko nang lihim na iniibig. Ingatan nyo po syang mabuti. Nag sisisi po ako, sana inamin ko agad na mAhal ko sya at naipadama ko ang aking pagmamahal sa kanya. Wag nyo po syang ipahamak.."

nalulumbay na usal ko ...

"Ahhhh" muli akong napasigaw ng pinutol ni angel ang kamay ko..

DI ko na kaya... Ang sakit na nang katawan ko .

Unti unti nang lumabo ang paningin ko...

Ramdam kong Oras ko na ..

Iisa lang ang laman ng isip ko, ang nakangiting larawan ng babaeng lihim kong iniibig...








"Mahal kita genelyn, mag ingat ka ! Magkita nalang tayo sa kabilang buhay.".

Mahinang sambit ko..

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay ang pagkaputol ng aking hininga


* henry's pic on top*



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #horror