Chapter 15: Confuse
Chapter 15: Confuse
Kinaumagahan, nagising kami ni Hailey nang wala na sina Shawn at ang kapatid niya. Nalaman nalang namin na umuna na pala silang dalawa dahil may lakad pa raw ang family nila ngayong araw.
Kaya siguro sumunod siya dito kagabi para maaga sila makaalis.
Hindi na rin sila kumain kasi mukhang nagmamadali silang umalis.
Nandito kami ngayon sa restaurant para mag-umagahan. Mas lalong tumahimik dahil kami nalang apat nina Hailey, kuya Topher at ate Kyleen.
Mamayang hapon pa raw kami uuwi kaya may time pa kaming maligo sa dagat at mag-aliw.
Pagkatapos ay dumiretso kami ni Hailey sa kwarto para magbihis ng panligo na ginamit namin kagabi. Namiss ko rin magtampisaw sa dagat at alas sais pa rin naman kaya hindi pa masyadong sikat ang araw.
"Nakakamiss, bessy! Bata palang tayo no'ng nagpunta tayo dito," masiglang sabi ni Hailey habang tumatakbo patungong dagat.
Sumunod ako sa kaniya at agad na nagtampisaw kaming dalawa.
"Whoo! Ang lamig!" sabi ko.
Naglaro lang kami ni Hailey sa dagat nang sumunod ang lover in paris na maligo dito.
"Nakakatuwa kayong tignan," masayang sabi ni kuya Topher nang makalapit sila sa amin.
Magkahawak kamay sina ni ate Kyleen at kuya Topher habang nasa dagat.
"Yii sana all," natutuksong wika ni Hailey. Kahit kailan talaga pala-asar ang babaeng ito.
Tumawa nalang si kuya Topher at naglaro silang dalawa sa dagat. Natawa nalang ako at umahon na dahil giniginaw na naman ako.
Naisipan kong maglakad-lakad kaya nagpaalam muna ako sa kanila.
Tinitignan ko ang bakas ng aking paa sa buhangin. Hindi ko alam kung saan ako magpunta pero nais ko lang talaga maglakad-lakad at mapag-isa.
Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa malaking bato. Isang batong nakapamilyar sa akin na siyang may mahalagang parte sa aking alaala. Sa naalala ko bata pa lang ako noon at dito rin ang lugar na iyon.
Ang lugar kung saan masaya kaming naglalaro. Kaming tatlo kasama si Hailey at Risha. Hindi ko maiwasang lumapit sa malaking bato at hinanap ang naka-ukit dito.
Napangiti naman ako na may bahid na lungkot nang makitang nandito pa rin pala iyon.
Tatlong batang babae habang magka-hawak kamay na may masasayang ngiti sa kanilang mga labi. Sa taas ng tatlong babae ay may tatlong letra na napagitnaan ng mga puso.
H ♡ A ♡ R
Napapikit ako at inalala ang nangyari.
8 Years Ago
Masaya kami nina Hailey at Risha na nagtatakbuhan sa dalampasigan. Napag-usapan naming tatlo na humanap ng mga shells para i-collect at i-uwi namin sa bahay. Ilalagay namin iyon sa isang bottle para sa memories na maaalala namin dito sa resort nina Hailey hanggang sa paglaki namin.
Kung saan-saan na kami umabot at baka napalayo na kami kina mama. Hindi pa naman kami nagpaalam.
"Hala, tignan ninyo! Nakakita ako ng maliit na star fish!" masayang sigaw sa amin ni Risha. Nagtakbuhan naman kami ni Hailey papunta sa kinaroroonan niya.
Nakita namin ang sobrang liit at gandang star fish na hawak-hawak ni Risha. Nakita kong ang lapad ng mga ngiti niya kaya napangiti rin ako.
"Pahawak nga!" ani Hailey.
"Wah, ang lambot!" masayang wika ni Hailey nang mahawakan niya ito.
Sinabi ko nalang sa kanila na ibalik iyon kung saan nakita at nahanap kasi buhay pa iyon at gaya natin, may importansya rin ang buhay nila.
"Okay po!" Halatang may bahid itong asar na sabi ng dalawa kaya naman ay hinabol ko silang dalawa.
Palagi nalang nila akong tinutukso. Minsan nga ay tinatawag nila akong ate at po nang po. Pero tama rin naman iyon kasi mas matanda ako ng isang taon sa kanila. Kaya lang napagaan na ang loob namin sa isa't isa at hindi na namin inantala ang edad naming tatlo.
"Wahaha, ate Thea!" natutuksong sabi ni Hailey.
"Hayst! Tigilan mo na nga iyan. Alam mo namang hindi ko gusto na tinatawag niyo akong ate," suway ko habang hinahabol pa rin sila.
"Galit ka na niyan? Hahaha," singit at sigaw naman ni Risha.
Huminto ako sa kakatakbo. Napansin kong biglang nawala si Hailey. Hinanap ko siya sa likuran at sa may dagat pero wala. Pagtingin ko sa harapan ay pati si Risha nawala rin.
Nasaan na ba sila? Napakamot ako sa aking ulo at aminin kong hindi ko maiwasang kabahan.
"Uy huwag naman kayong magbiro. Hindi nakakatawa!" sigaw ko habang hinahanap pa rin sila.
Inilibot ko ang aking paningin at nasa may tagong lugar na ako ng parte ng resort nina Hailey. Hindi ko alam kung parte pa ba ito kasi puro kahoy, damo at bato nalang ang nakikita ko.
Biglang tumulo ang luha ko at pumunta sa malaking bato na nakita ko.
"N-nasaan na ba---"
"Bulaga!!!" Muntikan na akong madapa nang biglang lumutaw si Risha sa likod ng malaking bato. Nanlaki naman ang mata niya nang makitang umiiyak ako.
"Hala! Sorry na, Thea!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"A-ayos lang, Risha. N-nasaan si Hailey?" tanong ko.
"Hali ka. May ipapakita kaming surpresa sa'yo."
Dinala naman ako ni Risha sa likuran ng malaking bato at doon nakita ko si Hailey na may inu-ukit o drawing doon. Napayuko naman kaming dalawa ni Risha at napangiti naman ako nang makita kung ano ito.
"Best friends forever?" masayang sabi ni Hailey habang inilahad niya ang pinky niya. Nagkatinginan naman kami ni Risha at agad na napangiti.
"FOREVER." At nagpinky promise kaming tatlo habang nagyakapan.
Pinunasan ko ang aking luha na kanina pa pala lumabas. Ah, hanggang alaala nalang siguro ang lahat ng iyon.
"Bakit kaya biglang nagbago si Risha, bessy nuh?"
Napatingin ako sa tabi ko nang may biglang nagsalita.
"K-kanina ka pa diyan?" tanong ko kay Hailey habang nakatingin siya sa inukit niya dito sa bato.
"Oo. Kanina lang din ako nagsasalita pero may malalim kang pag-iisip kaya hinayaan muna kita, bessy. Alam kong ikaw ang mas naaapektuhan sa biglaang pagdating at pagbago ni Risha kaysa sa akin," mahabang wika niya na may bahid ding lungkot. Umupo siya at sumandal sa bato kaya gano'n na rin ang ginawa ko.
Nasa harap namin ang dagat.
Tama si Hailey. Ako ang pinaka naapektuhan sa aming dalawa kasi una kong naging matalik na kaibigan si Risha bago siya.
"Pasensiya na bessy ha. Masyadong mababaw lang talaga luha ko at hindi ko lang naintindihan ang mga pangyayari kaya ang sakit sakit." Hindi ko maiwasang humagulhol sa tabi ni Hailey. Naiisip ko palang na may malaking galit si Risha sa akin, sobrang sakit na sa puso.
Tinapik-tapik naman ni Hailey ang balikat ko. "Siguro mas maganda kung kausapin mismo natin siya. Kasi hindi masasagot ang bumabagabag sa utak natin na mga tanong, bessy kung hindi natin siya i-approach."
Napatango naman ako sa sinabi ni Hailey. Tama siya, kung hindi si Risha ang magsasabi kung anong problema, mas mabuti nang ako nalang ang magtatanong kahit alam kong hindi niya ako sagutin.
Siguro darating din ang panahong magkaintindihan din kami kung sakali ano man ang ikinagalit niya sa akin. Nalulungkot talaga kasi ako sa tuwing naiisip na may galit ang isa sa tinuring kong matalik na kaibigan hanggang ngayon.
"Tara na? Medyo maaraw na rin eh." Tumayo si Hailey at gano'n din ako. Pinagpag ko muna ang mga buhangin sa katawan ko bago kami naglakad pauwi sa bahay nila dito sa resort.
Malalim pa rin ang iniisip ko habang naglalakad kami pabalik. Sobrang daming problemang bumabagabag sa utak at buhay ko.
Una, ang nangyari sa pamilya namin simula sa pagbagsak ng negosyo at ang aksidenteng nangyari kina mama at papa. Pangalawa, ang pagkawala ng mga magulang ko. Pangatlo, ang pag traydor ni Schiven at pagdating ni Risha. Panghuli, pasukan na sa makalawa.
Nakakabaliw. Hindi ko na alam kung anong iisipin sa dami kong dinadalang problema.
Maya't-maya ay nakita na namin ang bahay na tinutuluyan namin. Pero napahinto ako nang biglaang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa braso ni Hailey nang makaramdam ako ng matinding panghihilo.
"Ahh!!" Napasigaw ako sa sakit na nararamdaman sa aking ulo. Para bang kumikirot ito.
"A-ayos ka lang?" napansin kong may binubulong at sinasabi si Hailey ngunit hindi ko ito maiintindihan. Tila ba nabingi ako at unti-unting nanghina ang katawan ko.
"Bessy!!"
Tanging paghawak nalang ni Hailey sa katawan ko ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.
~*~
"Is she okay?" narinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki.
Kilalang-kilala ko ang boses na ito at hindi ako nagkakamali. Hindi maaari. Bakit siya nandito?
"Mga apat na oras na ang lumipas nagmula nang nawalan siya ng malay," malungkot na sabi ni Hailey habang nakahawak sa kamay ko.
Gising na ako pero pinili kong huwag muna imulat ang mga mata ko. Naalala kong nawalan ako ng malay kanina siguro dahil na rin sa hindi ko na naman na control ang emosyon ko.
"I-i'm sorry," ani ulit ng lalaki. Naramdaman kong unti-unti siyang lumalapit sa kinaroroonan ko at napahinga ako ng malalim nang maramdaman kong hinawakan niya ang isang kamay ko habang sa kabila ay alam kong si Hailey.
"Bakit mo ginawa iyon?!" narinig kong may bakas na galit na wika ni Hailey. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
"I'm sorry. Hindi ko intensyong masaktan ng sobra si Althea. Sana mapatawad niyo pa ako," malungkot na sabi ni Schiven.
Oo tama. Si S-schiven. Alam kong siya ngayon ang kausap ni Hailey lalo na sa bangong dala niya at ang boses na hinding-hindi ko makakalimutan.
"Sorry?! Sorry lang? Alam mo ba kung gaano nasaktan si Thea sa ginawa mo, ha? Alam mo ba na walang araw na hindi siya umiyak simula noong nawala ang mama niya at dumagdag ka pa sa problema niya? Oo, alam kong mayaman ka pero wala kang hiya! Wala kang karapatang saktan si Thea ng gano'n! At panghuli, bakit ka ba nandito?!"
Mas lalo akong napapikit sa tensyon na nararamdaman ko ngayon sa paligid. Pansin kong pinipigilan ni Hailey ang sarili niya pero tila ba ay nadala aiya sa galit na naramdaman niya kay Schiven.
Ayokong imulat ang mga mata ko lalo na at hindi ako handang harapin si Schiven.
"Sis, stop." Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsalita ni kuya Topher.
"Stop?! Kuya pwede ba, ikaw ba ang nagdala sa lalaking ito dito? Alam mo naman kung ano ang nangyari sa kanila ni Althea, 'di ba?"
Napahigpit ang hawak ni Hailey sa kamay ko. Alam kong galit na galit na siya ngayon. Sorry Hailey. Tanging nasa utak ko lang ang mga salita na nais kong banggitin sa mga oras na ito. Para akong naduwag at natatakot sa posibleng mangyari.
"Hindi ang kuya mo ang nagdala sa akin dito," paliwanag ni Schiven. Kanina lang din siyang bumitaw sa kamay ko simula nang magalit si Hailey.
"Kung hindi siya, sino?!"
"A-ako. Ako ang tumawag sa kaniya papunta dito."
Mas lalo akong nalito. B-bakit? Bakit kilala ni ate Kyleen si Schiven?
Ayoko na. Para bang gusto ko nalang matulog habang buhay at huwag nalang magising.
"Schiven is my brother."
W-what? Brother?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top