Chapter 14: Bonding
Chapter 14: Bonding
Malapit ng gumabi at nandito pa rin ako sa duyan habang nagmu-muni muni. Pagkatapos ang mangyari kanina ay dumiretso ako sa kwarto upang magbihis at dumito sa dalampasigan.
May nakita akong duyan sa ilalim ng dalawang puno habang kita ang view ng dagat. Kaya naman napili ko munang tumambay dito.
Naguguluhan ako sa nangyari. Kanina pa ako nag-iisip kung bakit gano’n na lamang ang inasta ni ate Kyleen nang marinig niya ang pangalan ng mama ko.
Kilala ba niya si mama? O hindi kaya ay may alam ba siya sa nangyari sa buhay namin?
Umiling ako at baka nagkataon lang talaga kanina. Baka nasusuka or masama lang talaga ang pakiramdam ni ate Kyleen.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”
Tumabi sa akin si Hailey nang makita niya ako. Pareho kaming nakatanaw sa dagat. May mga lights din na nakapalibot na siyang nagsisilbing ilaw sa paligid.
“Pasensiya ka na ha. Baka masama lang talaga ang pakiramdam ni ate Kyleen kanina. Saka gano’n talaga siya kung magtanong dahil sa curiosity niya.”
Napatango lang ako sa paliwanag ni Hailey. Naintindihan ko naman siya. Siguro nagulat lang din ako kanina lalo na at ang mama ko ang pinag-uusapan.
“Alam mo bang nakakatawa ang unang kita nila ni kuya? 3 years ago, nasa isang coffee shop kami noon ni kuya. Pauwi na sana kami nang may napansin siyang naiwan na wallet sa isang table. Bagong kakalabas lang din ng may-ari at iyon ay si ate Kyleen. Kaya ayon sinundad ni kuya at iniwan ako. Buti nalang nahabol ko sila.”
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento ni Hailey.
“Gabi na rin iyon. At ewan ko kay kuya sabi ko sa kaniya tawagan ang number baka meron sa wallet or ID. Pero ayon sunod lang siya nang sunod. Natatakot na nga ako noon kasi nasa parang eskinita na. Napansin ko na ring natatakot na si ate Kyleen dahil binibilisan niya na ang lakad niya. Siguro akala niya holdaper si kuya.”
Napansin kong hindi maiwasang matawa si Hailey sa kwento niya kaya napangiti na lang din ako.
“Nagulat nalang ako nang hawakan ni kuya sa braso si ate Kyleen. At dahil tanga-tanga si kuya, bigla siyang sinampal nito and what worst? Sinipa rin ang maselang bahagi niya.”
Pagkatapos no’n ay hindi ko mapigilang matawa at maawa dahil sa nangyari kay kuya Topher. Pati si Hailey ay natatawa na rin habang inaalala ang pangyayari.
“Talaga? Anong sunod na nangyari?”
“Ayon lumapit ako sa kanila at sinabi kay ate Kyleen na kuya ko siya at nagmamagandang loob na isa-uli ang wallet niyang naiwan. Sorry nga nang sorry si ate Kyleen noon at nagkita ulit sila para bumawi siya kay kuya. Pero nagulat nalang ako one day, may relasyon na silang dalawa.”
Napangiti nalang din ako. Alam kong mabait na girlfriend si ate Kyleen at hinding-indi niya sasaktan ang kuya ni Hailey. Halata ring gusto ni Hailey si ate Kyleen para sa kuya niya.
“Nga pala bessy, ano palang trabaho ni ate Kyleen?” tanong ko dala ng kyuryosidad. Naalala ko kasi iyong sinabi niyang nakikita niya ako sa CUMC Hospital. Baka doctor siya.
“Isa siyang nurse, bessy. Nauna siyang nag graduate kay kuya pero pareho sila ng paaralan dati. Naalala ko pa na kwento ni kuya sa akin na madaling nakatrabaho si ate Kyleen kasi may-ari ng pamilya niya ang CUMC Hospital at marami ring clinics at hospital ang pamilya niya dito sa bansa.”
Napahanga na lamang ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang alam na ang lapit lang pala sa akin ang may-ari ng suki namin na hospital. Pati pagka confine ko last week ay doon pa rin ako napunta.
Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Ilang segundo ay nag ring ang cellphone ni Hailey.
“Hello, kuya?”
“Nasa may duyan po kami ni Hailey. Okay. Susunod na kami diyan.”
Binaba ni Hailey ang tawag.
“Kakain na raw.”
Tumayo na kaming dalawa at naalala ko na naman ulit ang nangyari kanina nang nag tanghalian kami.
Pagkarating namin sa restaurant ay gano’n pa rin karami ang pagkain. Parang busog pa ako pero masamang tanggihan ang grasya kaya kumain nalang din ako.
Tahimik lang kaming kumakain ngayong hapunan unlike kanina. Siguro awkward na dahil sa usapan kanina kaya walang nagsasalita.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami pero natigilan kaming lahat nang magsalita si Shawn.
“Mga ate at kuya Kristopher, hindi po ba tayo mag swim? I want to swim,” pagmamaktol niya. Natawa nalang ako sa inasta ni Shawn.
“Shawn, gabi na at bukas nalang ng umaga magswim. Baka mapagalitan ako,” paliwanag ni ate Kyleen sa kaniya. Parang ayaw makinig ni Shawn at nagpapacute pa siya kay ate Kyleen.
“Sige na, baby. Payagan mo na iyong bata. Tutal iyon din naman ang pinunta natin dito. Saka nandiyan naman sina Hailey at Thea para bantayan siya,” sabi naman ni kuya Topher.
Ilang segundo ay pumayag si ate Kyleen at masaya namang nagtalon-talon si Shawn. Dumiretso agad kami ni Hailey sa kwarto upang magbihis ng panligo. Sa pool kami maliligo ngayong gabi. Mayroon din kasing swimming pool ang resort na ito nina Hailey kaya complete package.
Hinintay muna namin si Shawn sa labas ng kwarto nila.
“Yes, insan. Kasama ko si Shawn ngayon.”
Narinig kong may kaphone call si ate Kyleen. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto nila kaya rinig dito sa labas.
“Nasa Iligan kami, sa private resort ng Silva family... What? Susunod ka dito?”
Nagulat pa ako dahil biglang lumakas ang boses ni ate Kyleen.
“Insan, safe naman sa akin si Shawn. Saka busy ka hindi ba?... Hayst. Ikaw bahala. Basta itext ko nalang sayo ang address.”
Maya maya pa ay lumabas si Shawn habang dala-dala ang cute niyang salbabida at naka swimming attire rin siya.
“Tara na ate Hailey at ate Thea! I’m excited!” Natawa nalang kaming dalawa ni Hailey.
“Kayo na muna ang bahala kay Shawn ha? Susunod lang kami ni Kristopher.”
Tumango lang kami sa bilin ni ate Kyleen. Paglarating namin sa swimming pool ah agad na nagtampisaw si Shawn sa pambata na pool kaya doon nalang din ako tumambay. Si Hailey ay diretso nag dive. Napairap ako dahil nagpakitang gilas na naman siya.
Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya mabuti pang sabayan ko nalang si Shawn sa pagligo at bantayan siya.
Pansin kong ang saya ni Shawn habang naliligo. Nag slide rin siya kaya ako ang nagsilbing tagasalo niya.
“One more, ate Thea!”
Kaya ayon hanggang sa ilang ulit siya nag slide at nag swimming swimming din siya. Medyo mahigit kalahating oras ma siguro kami nandito sa swimming pool at wala pa rin sina kuya Topher.
Nasa tabi lang ako habang masayang tinitignan si Shawn. Lumapit sa amin si Hailey dahil pagod na siguro siya kakalangoy.
“Matuto ka na kasi. Ayan tuloy, hindi mo ma-enjoy.”
“Enjoy ko naman eh kahit nasa gilid lang ako at nandito naman si Shawn kaya ayos lang sa akin.”
Tinapik lang ni Hailey ang balikat ko at lumangoy na ulit siya. Maya maya pa ay may tubig na tumalsik sa akin at nakita kong kagagawan pala iyon nina Shawn at Hailey.
“Let’s play, ate Thea!!”
Naghabulan lang kaming tatlo pero sa pambata lang kami ng pool. Sobrang saya at nagtatalsikan din ang mga tubig.
“Huli ka!” sigaw ko nang mahagip ko ang kamay ni Shawn. Kiniliti ko na rin siya kaya tawa siya nang tawa.
Nagulat nalamang ako dahil biglaang umilaw at iyon pala ay flash ng camera.
“Ang cute at saya niyong tignan.”
Mas lalo pa akong nagulat dahil sa nakita kong nakatayo habang hawak hawak ang isang camera.
“Kuya!!”
Takbo ni Shawn at niyakap agad niya ang lalaking nakatayo sa harapan namin. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko kung hindi ba ako nanaginip.
“Naging masaya ka ba bunso?”
Wait what? kuya, bunso?
Umahon ako galing sa pool at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko.
“Shawn? Bakit ka nandito? Paano ka napunta dito? Private to ah.”
Oo tama. Si Shawn. Shawn Clifford ay nasa harapan ko ngayon. Tahimik lang siya at nakita kong tinignan niya ang buo kong katawan.
Oh my ghad! Saka ko lang naalala na naka one piece pala ako kaya agad kong kinuha ang twalya. Akala ko kasi kami lang ni Hailey kaya naman confident akong mag swimsuit.
Nakita ko pang natawa si Hailey at lumapit din siya sa amin.
“Pasensiya na kung nagulat ko kayo. Naisipan ko lang na sundan sina ate Kyleen at itong kapatid ko. Wala naman kasi akong ginawa at nalaman ko nalang kanina nang kunin ko sana itong kapatid ko sa kanila ate Kyleen ay umalis pala sila at dito pumunta. Kaya ayon.”
Natulala lang ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Teka, pinsan? Kapatid? Ibig-sabihin magkapamilya sina ate Kyleen at Shawn at Shawn?
At siya rin ba iyong katawag ni ate Kyleen kanina?
“You mean pinsan kayo ng girlfriend ni kuya na si ate Kyleen? Tapos kapatid mo itong kapangalan mong Shawn?” Naguguluhan ding tanong ni Hailey.
Tumango lang si Shawn at ngumiti.
“You can call him Shan-shan. Iyon ang nickname niya. Para hindi na rin kayo malito nang tawag sa amin.”
Umupo sila sa may chair at kinakausap ni Shawn ang kapatid niya. Hinigit naman ako ni Hailey sa may gilid.
“Tama nga ang hinala ko na connected silang dalawa. Omg bessy! What a small world talaga! Hanggang dito sa resort namin at dapat ay tayo-tayo lang, nagpakita pa rin siya sayo.”
Pinisil ko nalang si Hailey para tigilan niya ang sarili niya. Umiiral na naman ang pala-asar niya.
Napansin kong nandito na rin sina kuya Topher at ate Kyleen habang naka swimming attire rin. May dala-dala silang bagong luto na barbecue at drinks. Kaya siguro sila natagalan.
“Ito nga pala si Shawn. Ang isang pinsan ko at kuya ni Shawn/shan-shan.” Pakilala ni ate Kyleen kay Shawn sa amin.
“Magkakilala na po kaming tatlo, ate,” masayang ani Hailey habang kumukuha ng barbecue.
“Talaga? Saan kayo nagkakilala?” tanong naman ni ate Kyleen.
Kumuha nalang ako mg barbecue at mainom.
“Basta mahabang kwento, ate Kyle,” singit naman ni Shawn at unti-unti siyang naghubad sa harapan namin.
Oh my ghad! Topless siya!
Muntik pa akong nabilaukan nang bumungad sa amin ang katawan niya. Ito namang si Hailey ay sinundot-sundot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Maligo lang po ako ha. Kanina pa kasi ako naiinitan.”
“Kayo? Hindi na ba kayo maligo?” tanong naman ni kuya Topher.
Umiling ako. “Kanina na po ako naliligo saka nilalamig na rin ako, kuya.”
“Sus. Kung alam ko lang na gustong-gusto mong maligo. Tara na,” bulong sa akin ni Hailey habang may halong tukso.
“Pwede ba tumigil ka na nga. Ikaw nalang maligo. Ikaw naman ang may gusto.”
“Sungit!!” sigaw niya at natatawang pumunta ng pool pagkatapos maubos ng barbecue niya.
Kumakain lang ako habang nakatingin sa kanilang lahat na naliligo. Ang saya nilang tignan. Ako nalang naiwan dito sa may mga upuan. Giniginaw na talaga kasi ako. Ewan ko ba, ganito talaga ako eh. Mabilis ginawin sa tuwing maliligo sa pool o beach.
Nakita ko pang kinawayan ako ni kuya Topher ngunit umiling lang ako. Kain pa rin ako nang kain. Ang sarap kasi ng barbecue.
“Bakit ayaw mo na maligo?”
Muntikan na akong matumba nang biglang nagsalita si Shawn at tumabi sa akin. Buti nalang nahawakan niya ang braso ko dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagkatinginan pa kami at nang matauhan ako ay naiwas ko ang tingin ko at umayos ulit ng upo.
“Ayaw ko lang. Giniginaw na talaga kasi ako. Isa pa, gabi na rin.”
Kumagat ako sa barbecue at gano'n din siya. Pinagmasdan niya rin sina Hailey, ate Kyleen, kuya Topher at Shan-shan na naliligo.
“Ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito at ngayon ko lang din nakitang ganiyan kasaya si Shan-shan.”
Napatingin din ako sa kapatid niya at tama nga siya. Ang aliwalas ng mga ngiti at halatang nagsasaya siya. Kanina palang nang makarating kami dito.
“Alam mo bang ang hirap pangitiin niyang kapatid ko kaya kanina, hindi ko pinalagpas at hindi ko na mapigilang kunan kayo ng litrato.”
Naalala ko naman bigla kanina iyong pagkuha nga niya ng picture sa amin. Napansin kong kinuha niya ang camera niya at kinuhanan sina Hailey na masaya pa ring naliligo.
Napangiti nalang din ako. Maya maya ay nagulat akong may nag flash din na camera sa side ko at huli na nang mapagtanto kong kinuhanan din ako ni Shawn. Feeling ko namumula na ako ngayon.
“Ang ganda ng mga ngiti mo, Althea.”
Hindi ko na alam ang sasabihin ang gagawin ko. Feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
“Bessy! Hali ka muna kadali. Papicture tayo kasama ka kay Shawn,” sigaw ni Hailey habang nasa may tubig. Matitingkad naman iyon.
“Sige na,” ani Shawn habang nakangiti.
Tumayo ako at nagdadalawang isip pa akong kunin ang twalya ko. Tutal nakita naman kanina ni Shawn kaya ano pa bang kinahihiya ko.
Dumiretso ako sa pool at tumabi sa kanilang apat.
“1,2,3... Smile!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top