Chapter 13: Curiosity

Chapter 13: Curiosity

Nakatanggap din ako ng email na nagsasabing congratulations kasi nakapasa ako. Pati si Hailey ay nakatanggap din.

Ni-open kasi namin ang email ko sa laptop niya dahil wala naman akong cell phone. Hindi ko kasi namalayang nabitawan at nahulog ko pala ito noong nasa labas ng hospital ako habang kausap si Doctor Cole sa nangyari kay mama.

Agad ko na iyong iniwakli na alaalala at ibinalik sa pinagkaabalahan namin ngayon.

Mas lalo pa akong nakaramdam ng tuwa dahil nakapasa rin pala ako sa scholarship. Ang mas masaya pa ay 100% kaya napayakap ako ng sobra kay Hailey.

"Congratulations, bessy! Deserve mo iyan at ikaw pa! Ang tali-talino mo kaya."

Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. Sadyang masipag lang talaga siguro ako at hindi ko rin naman gustong biguin sila mama na kahit wala na sila, nais ko pa rin ipagpatuloy ang pag-aaral kahit independent na ako ngayon.

Kumalas naman ako sa pagyakap kay Hailey at hindi pa rin makapaniwala sa mga results. Masaya kaming dalawa dahil pareho at kasama naming abutin ang mga pangarap namin.

Hindi na ako magpro-problema pa sa pagiging Senior High ko kasi sigurado akong ito ang para sa akin. Nais din kasi nila mama na mas mapalapit ako sa Diyos kaya tinuloy ko na rin ang pagdesisyunang sa Lourdes College mag-aaral kasi kilala ang eskwelahang ito na hinuhubog ang pananampalataya ng isang kabataan na mapalit pa sa Diyos.

“Girls!”

Nagulat kaming dalawa ni Hailey dahil sa biglaang may masiglang sumigaw. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang makita naming dalawa na nakatayo si kuya Topher  sa may pinto na malawak ang ngiti.

Akala ko ba kanina lang siya nakaalis? Kasi kanina pormal ang suot niya pero ngayon, nag iba na ulit ang suot niya. Naka khaki short at polo nalang na blue.

“What do you want?!” inis na tanong ni Hailey sa kaniya.

“Do you guys want to come?” nakangiti pa rin niyang tanong.

Unti-unti siyang lumapit sa amin. Tumingin ako kay Hailey at halatang naiinis pa rin siya sa kuya niya.

“Huwag mo na ngang pansinin,” sambit niya.

Umiling lang ako sa sinabi ni Hailey bago sinagot si kuya Topher.

“Saan kuya?”

“Ahm, mag bonding. Naisip ko kasi kanina dahil wala naman akong trabaho ngayon at malapit na rin ang pasukan niyong dalawa, sana makapag-bonding tayo. Nasabi ko na rin itong plano ko kina mommy. Magtatapos na kasi ang summer nang hindi man lang tayo nakagala. At namiss ko na rin kayong dalawang kasama,” mahabang paliwanag ni kuya.

Ngayon ko lang din naalala na puro trabaho lang inaatupag ko ngayong summer. Hindi ko man lang hinayaan ang sarili kong magsaya. Siguro except noong mga panahong sinasama ako ni Schiven.

Napangiti ako bago kinalabit si Hailey. Nakita kong umirap siya na ikatawa ko naman pati ang kuya niya.

“Baby sis—”

“Stop calling me that!”

“Okay, okay. Sis nalang. Sis, itigil mo na nga iyang kakairap mo at baka hindi na babalik sa normal iyang iris mo. Isantabi mo na muna ang inis mo sa gwapo mong kuya.”

“Tss.”

Natawa nalang ako bago ulit magsalita si kuya Topher.

“Namiss ko na talaga kasi kitang kasama at gusto ko rin namang bumawi sayo. Lalo na sa mga oras at panahong nagkulang ako pati ang mga magulang natin sayo. Kaya please?”

Nakahawak si kuya Topher sa kamay ni Hailey habang sinasabi ang mga katagang iyon. Na-touch naman ako sa sinabi ni kuya. Kahit papaano, hindi pa rin nawawala ang ka sweetan ni kuya Topher sa kapatid niya.

Naiingiit tuloy ako kasi hindi ko man lang naranasan ang magkaroon ng kapatid. Pero masaya akong trinato na rin nila akong parang tunay na kapatid at isang pamilya.

“Sige na nga!” Nakita ko pang napangiti rin si Hailey sa kaniya.

“Yehey! Thank you, baby sis.” Akmang yayakapin ni kuya Topher si Hailey pero biglaan nalang itong tumayo at pumunta sa CR. Tumingin naman sa akin si kuya at ako nalang ang niyakap niya.

“Get ready some things nalang. Saka ikaw Althea, manghiram ka nalang sa kapatid ko ng mga damit tutal kasya naman sayo ang mga damit niya. We will be out for 2 days and 1 night kaya maghanda kayo ng gamit na sapat sa mga araw na iyan. Understood?”

“Opo, kuya.” Ngumiti ako sa kaniya at ginulo na naman niya ang buhok ko.
“Ikaw nalang magsabi kay Hailey ha? Sa baba nalang ako maghintay sa inyo.”

Pagkatapos makalabas ni kuya Topher ay agad na kami nag ready. Nasabi ko na rin kay Hailey ang sinabi ng kuya niya kanina. Hindi ko mapigilang ma excite kasi ngayon lang ulit kami magkabonding.

Tig-isang bag lang kami ni Hailey. Pinahiram na rin niya sa akin ang mga extra hygiene products niya like toothbrush at iba pa.

Habang pababa na kami ay halata ring na -eexcite si Hailey kaya hindi ko magawang itago ang saya na baka dito na rin ulit magkaclose ang magkapatid.

Nakita naming naghihintay na si kuya Topher sa sasakyan niya habang naka cross arms at naka sun glasses. Masyadong maaraw din dahil sa palagay ko ay malapit na mag noon time. Baka mga alas diyes na ngayon ng umaga.

Ngumiti naman sa amin si kuya Topher at nagpauna na siyang pumasok sa driver seat.

Sa likod kami umupo ni Hailey. Dahil nabanggit niya kanina na baka raw sumama ang girlfriend ni kuya Topher kaya nakareserve daw ang front seat.

“Dadaanan muna natin si Kyleen ha? Sakto kasing wala rin siyang duty ngayon at pinasama ko na rin para mas masaya,” masiglang sabi ni kuya bago pinaandar ang sasakyan.

“Sabi sayo eh,” bulong sa akin ni Hailey. Pareho nalang kaming natawa.

Tama nga siya ng hinala. Sa naalala ko matagal na rin sila ng girlfriend ni kuya Topher. Mga taon na rin siguro silang kasama at stay strong pa rin.

“Saan nga pala tayo pupunta, kuya?” mahinanong tanong ni Hailey sa gitna ng byahe.

“Iligan,” matipid na sagot ng kuya niya.

Nakita kong parang nabuhayan si Hailey. “Wait, talaga? You mean—”

“Yes, baby sis. Kaya matulog nalang muna kayo dahil malayo pa ang biyahe.”

Gaya ng sabi ni kuya Topher ay pinikit ko nalang ang mga mata ko at unti-unting nakatulog.

~*~

Naalimpungatan na lamang ako nang may kumakalabit sa damit ko. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang isang cute na batang lalaki.

“Gising na kayo mga ate. Nandito na po tayo,” masaya niyang sabi habang si Hailey naman ang kinakalabit niya ngayon.

Nagising na rin siya at gaya ko, para siyang nagulat dahil may bata sa tabi namin.

Bumukas naman ang pinto ng sasakyan at agad naman akong nasilaw sa ganda na siyang bumukas nito.

“Nandito na tayo. Pagpasesniyahan niyo na ang pinsan ko. Sinama ko na rin siya dahil walang magbabantay.”

Agad naman niyang kinuha ang batang lalaki at nagkatinginan lang kaming dalawa ni Hailey. Pareho kaming excited na kinuha ang gamit at lumabas. Bumungad sa akin ang fresh air kaya napapikit ako.

“Welcome back to Iligan!!” masayang sigaw ni Hailey sa sarili niya.

Inilibot ko ang aking paningin at napagkaalaman kong nasa isang beach resort kami. Pero hindi yata siya public dahil wala masyadong cottage,  dalawa lang, at may isang malaking bahay sa isang tabi. May function hall din sa kabila.

Teka, parang pamilyar ang lugar na ito ah. Oo nga pala! Dito rin iyong nagpunta ang buo kong pamilya kasama sila Hailey noong mga bata palang kami.

Nakakamiss!

Rest house slash private resort nga pala ito nina Hailey. Nalaman ko nalang din na kami lang ang tao dito ngayon dahil iyon ang plano ni kuya Topher. May mga staffs na nag assist sa amin at pumasok na kami sa bahay na tutuluyan namin.

Magkasama kami ng kwarto ni Hailey habang sina ate Kyleen, iyong pinsan niya at si kuya Topher naman sa isang malaking kwarto.

Wala na rin sa amin iyon dahil matagal naman silang magkasama at pareho na rin silang nasa tamang edad.

Lumapit sa akin ang batang lalaki kaya kinuha ko naman ang kamay niya habang nakangiti.

“Ano ang pangalan mo?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Ang cute at pogi niya. Halatang may pinagmanahan. Ang kinis din ng balat at sobrang puti niya.

Ilang segundo ay sinagot niya ang tanong ko habang hawak pa rin ang kamay ko.

“Shawn po ate.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sh-shawn? Pareho pala sila ng pangalan ni Shawn. Hindi kaya?

Napailing nalang ako dahil kung gano’n, ang liit liit talaga ng mundo. Baka nagkataon lang.

“Ayos ka lang po ba?” tanong ng batang Shawn sa akin.

“Oo ayos lang. May naalala lang ako sa pangalan mo. Ilang taon ka nga pala, Shawn?”

“Five years old!” masaya niyang sabi. Tumakbo naman siya bigla habang hila-hila ang kamay ko.

Pumunta kami sa dalampasigan at nakita kong sumunod naman si Hailey sa amin.

Ang sarap ng simoy ng hangin pati ang tunog ng dagat. Kakaiba talaga basta nature. Malayo sa gulo at makaka refresh talaga ng utak.

Napaupo ako sa buhangin habang pinagmasdan ang paligid. Hindi ko akalaing ilang taon na rin akong hindi nakapagbigay oras para sa ganitong pagkakataon. Puro part time jobs lang ang pinagkakaabalahan ko.

“Ayos ka lang?”

Napatingin ako sa kakaupo lang na si Hailey. Tumango lang ako sa tanong niya.

Lumapit naman sa amin si Shawn at naglalaro ng buhangin sa harapan namin.

“What’s your name bata?” tanong ni Hailey.

“Shawn po ate.” Katulad ng reaksyon ko ay nagulat din si Hailey at bigla siyang napatingin sa akin.

“Naku, bessy. Hanggang dito sa Iligan hindi ka pa rin niya nilulubayan.” Halatang tinutukso na naman ako ni Hailey kaya inirapan ko nalang siya. Sakto namang tumunog ang tiyan ko. Siguro noon time na.

Maya maya ay lumapit sa amin si ate Kyleen at sinabing kakain na. Tumayo agad kami ni Hailey at inabot ko naman ang kamay ni Shawn. Sobrang hilig ko talaga sa mga bata kaya mahilig din akong makipagclose sa kanila.

Pinagmasdan ko si ate Kyleen. Sobrang ganda niya. Hanggang bewang ang haba ng buhok na wavy, tapos mala coca cola body. Mestisa rin siya at pang model talaga ang beauty. Kaya hindi halatang hard headed sa kaniya si kuya Topher.

Naupo na kaming lima sa mesa at parang nag ningningan ang mata ko dahil puno ito ng masasarap na pagkain. Nandito kami sa restaurant sa loob ng resort nila Hailey. May mga staffs pa rin na nandito kahit kami lang ang tao. Request siguro ni kuya Topher.

Hindi ko mapigilang magutom lalo sa mga pagkaing nasa harapan ko. Halos seafoods gaya ng crabs, shrimps, squid, mayroon ding grilled meat and fish, tapos nandito pa ang favorite kong dessert na mango float.

Ang daming pagkain. Mauubos kaya namin ito?

“Let’s pray muna,” sabi ni kuya Topher.

“Shawn, why not ikaw mag lead.” Tumango lang si Shawn saka siya nag sign of the cross. Gano’n din kaming apat habang nakangiti.

Pagkatapos manalangin ay kainan na! Tahimik lang kaming lima habang kumakain. Nakita ko rin ang kasweetan nina kuya Topher at ate Kyleen habang inaalalayan si Shawn. Para ngang anak nila si Shawn kaya hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kilig.

Nasa harap namin sila nakaupo habang kami ni Hailey ay magkatabi.

“Oo nga pala, your name is Althea right?” napatingin ulit ako kay ate Kyleen dahil sa sinabi niya.

“Opo,  ate Kyleen.”

“Your name sounds familiar. Parang narinig ko na kung saan ang pangalan mo. Pati ikaw mismo parang nakita na rin kita.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni kuya Topher sa sinabi ni ate Kyleen.

“Talaga, baby? Hindi ko pa naman siya nabanggit sayo dati? Kanina lang naman ‘di ba sa biyahe?” naniniguradong tanong naman ni kuya Topher.

Tumango lang si ate Kyleen at halatang nag-iisip ng mabuti kung saan niya ba ako nakatagpo.

Ilang minuto ay napasigaw si ate Kyleen na ikinagitla naming lahat.

“Ah!  I remember! Palagi kitang nakikita sa hospital na pinagtatrabahuan ko. May binibisita ka roon, hindi ba?” nakangiting tanong niya sa akin.

Ngumiti rin ako ng may bahid na lungkot bago ko siya sinagot.

“Yes po. Iyong mama ko po ang binibisita ko noon sa hospital.”

“Oh talaga? Can I ask if what’s the name of your mother? Baka kilala ko kasi eh,” patuloy niyang tanong habang kumakain pa rin kami.

Parang hindi na ako komportable kung saan man patungo ang usapan namin.

“Baby.” Napansin din ata ni kuya Topher.

“What?  I’m just asking out of curiosity. Wala namang masama ‘di ba, Althea?”

Tumango ako kay ate Kyleen at huminga muna ng malalim.

“Denisse Ebañez, po.”

Nagulat na lamang ako dahil napansin kong natigilan si ate Kyleen sa sinabi ko. Nahulog at nabitawan din ang kutsara’t tinidor niya dahilan para makagawa ito ng ingay.

Napatakip siya sa kaniyang bibig at tumayo bigla. “E-excuse me.” Biglaan siyang umalis at sumunod naman agad si kuya Topher na mukhang nag-aalala sa kaniya.

“Baby, what’s the problem?!” narinig ko pang sigaw ni kuya Topher bago pa sila makalayo.

Napayuko ako. A-anong nangyari?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top