Chapter 1: Precious Time
Chapter 1: Precious Time
"Pakatatag ka, mama ha. Alam kong malapit ka nang gumising at sa oras na mangyari iyon, masaya na ulit tayong mamumuhay."
Malungkot akong nakatingin kay mama. My mom was sleeping in peace with strange wires pierce around her at machine katabi ng kama niya. Malapit nang magdadalawang taong comatose si mama. Hawak-hawak ko ang kamay niya at ilang segundo ay pumatak na naman ang luha ko.
"Mama..." nanghihina kong sabi.
Mag 2 years na rin nagmula nang makaranas ako ng mga hinanakit sa buhay. Hindi na naging masaya ang takbo ng buhay ko simula nang mangyari ang isang trahedya dahilan upang mawala ang papa ko pati na rin naging coma ang state ni mama.
Sobrang lungkot ko na at hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalalaman ang mga dahilan sa likod ng mga pangyayari sa buhay namin.
Ngunit sa kabila ng mga pangyayari sa buhay ko, there is one person who is always beside me at parating nag che-cheer up sa akin kung down na down na talaga ako. Nag-iisang tao na siyang pinagkakatiwalaan ko ng sobra dahil siya lang ang palaging nagco-comfort at nagpapasaya sa akin simula noong aksidente. Dahil do'n, gusto kong magpasalamat sa Diyos, na kahit papaano ay may taong nandiyan palagi sa tabi ko para masandalan ko sa tuwing maalala ko ang mga pinagdadaanan ko.
Walang tigil ang buhos ng luha ko na ngayon ay tumutulo sa mga kamay ni mama. Kinuha ko ito at nilagay sa ibaba ng mukha ko habang hinihimas.
"Mama, gumising ka na oh."
Araw-araw akong pumupunta dito sa CUMC Hospital, mabisita lang ang mama ko. Madalas ay dito rin ako natutulog. Palagi kasi akong api sa bahay ng tiyahin ko kaya minabuti kong dito tumabay kaysa sa tinitirahan ko ngayon. Para bang cliché na pangyayari, I'm like Cinderella. Ginawa na kasi nila akong alalay sa bahay nila. Utos dito, utos doon. At, hindi iyon alam ni Schiven.
'Di ko kasi gustong mas mag-alala siya sa akin pag nalaman niya. Baka kasi sa oras na malaman niya, sa kanila na niya ako patitirahin at hindi rin naman ako sang-ayon. Isa pa, nakakahiya at hindi naman sang-ayon ng mga magulang niya sa relasyon naming dalawa.
Mayaman kasi sina Schiven habang ako ay isang ordinaryong babae lamang. Nakakain ng tatlong beses sa isang araw, may masusuot at may tirahan. Ano nga ba ako para sa kanila, 'di ba? Sa mga mayayaman lamang ang mga atensiyon ng magulang niya kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi nila ako matanggap para kay Schiven.
Kaya araw-araw nalang din akong nalulungkot sa t'wing maiisip ang mga problema na ito.
Madalas ko nang na-isip kung ano kayang nakita sa akin ni Schiven na wala sa ibang babae? Pero kahit gano'n, sobrang swerte ko pa rin kay Schiven at mahal na mahal ko siya na parang hindi ko nga kayang mawala siya. Minahal niya kasi ano mang uri at ano mang kalagayan ko. Minahal niya ako kung sino ako at hindi na siya naghanap ng iba pang babaeng mayaman katulad niya.
Kahit nagkawasak-wasak ang pamilya ko, wala na si papa, at na coma naman si mama, I'm happy to have Schiven to be part in my life.
Narinig kong bahagyang bumukas ang pinto at agad naman akong napangiti nang makita kung sino ito.
It's him.
Agad siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you. Did you cry again?"
Umiling lang ako at nakita kong napakunot noo naman siya. Bahagya nalang akong tumawa dahil sa naging reaksyon ni Schiven. Kapag kasi sa t'wing bibisitahin niya ako dito sa hospital ay sakto namang tatahan ang luha ko. I don't know why, maybe because of his presence kaya siguro hihinto ang mga luha ko.
Bahagya niyang ginulo ang buhok ko kaya kinanti ko naman ang kamay niya bago inayos ang buhok ko. Ngumuso ako na agad din niyang pinitik gamit ang mga hintuturo niya kaya sabay kaming napatawa.
Ilang segundo ay nagngitian kami na may bahid na lungkot. Nabaling ang atensyon ni Schiven kay mama.
Umupo siya sa tabi ko at gaya ko rin, hinawakan niya ang kamay ng mama ko. Pareho kaming nakahawak kaya parang ako na rin ang hinahawakan niya. Napangiti ako habang nakatingin sa kamay naming tatlo.
"Tita, alam mo ba na sobrang sinungaling ng anak ninyo?"
Bumaling sa akin si Schiven at bumalik ulit kay mama ang tingin. Napansin kong nagpalabas muna siya ng isang buntong hininga bago ulit magsalita.
"Please wake up as soon as possible, tita. It's for Althea's happiness at para na rin hindi na siya iiyak palagi. So please?" I smiled after hearing what Schiven said. Ngumiti rin siya ng kaunti.
"Nga pala tita. Hiramin ko muna si Althea, ha? Ibabalik ko siya mamaya bago gumabi at alam kong pagbalik namin ay malapit ka ng gumising. Right, baby?" Tango at ngiti lamang ang tangi kong naisagot sa tanong niya. Saan kaya kami pupunta?
Sabay kaming tumayo. Bago pa kami umalis ay iniyuko ko muna ang ulo ko at hinalikan ang noo ni mama.
"I love you, mama," bulong ko sa tenga niya at niyakap siya ng bahagya.
"Let's go?"
Hinawakan ni Schiven ang kamay ko at dahan-dahang naglakad para lumabas na mula sa private room kung saan naroon si mama. I glance to my mom once again. Pero tila ba nag-iba ang pakiramdam ko. Kinabahan ako bigla sa hindi malamang dahilan. Umiling nalang ako at tuluyan na kaming nakalabas sa room.
"Okay ka lang ba?"
"Ah, yes. Paranoid lang siguro," sagot ko sa tanong ni Schiven.
Habang naglalakad kami sa gitna ng hospital ay sakto namang nakasalubong namin si Doctor Cole, ang personal doctor ng aming pamilya at ni mama.
Napatigil ako sa paglalakad at gano'n din si Schiven. Nakita kong nagkatitigan silang dalawa pero hindi ko na iyon pinansin.
"Doc, ikaw na po muna bahala kay mama. Aalis muna kami ni Schiven pero babalik lang din po kami mamaya bago gumabi," paalam ko sa kaniya. Doc answered me with a smile.
"Sure ija, iyon naman talaga ang trabaho ko. Tawagan nalang kita kung may balita. Either it's good or bad news."
Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Doctor Cole. Tinapik niya muna ang likod ko bago siya tuluyang umalis sa harap namin.
Nang makalabas kami ni Schiven sa hospital ay binalingan ko uli ng tingin si Doc na nakatalikod sa amin habang patuloy pa rin sa paglalakad sa gitna ng pasilyo sa hospital.
"Hey, baby. Are you really alright? Baka gusto mo dito nalang muna tayo?" Tumingin ako pabalik kay Schiven at ngumiti lang sa kaniya.
"No, no. Ayos lang talaga ako. Saka matagal na tayong hindi nakalabas nang tayong dalawa lang kaya sulitin muna natin ang araw na'to."
Ngumiti siya sa akin sabay halik sa noo ko. "Babawi ako sa'yo ngayong araw at papasayahin kita, okay?" Ngumiti ako sa kaniya sabay halik sa pisngi ni Schiven.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa parking lot at tumungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto na siyang nakasanayan ko na at pumasok na sa loob.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkatapos niyang ilagay ang seatbelt sa katawan ko.
"You will know later. Just sleep, baby. Malayo pa ang destinasyon na ating tatahakin."
Gaya nga ng sabi niya ay natulog lang ako sa gitna ng biyahe. Hindi ko namalayang sobrang himbing pala ng tulog ko.
Naalimpungatan ako nang may halik nang halik sa noo ko. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad agad sa akin ang nakangiting Schiven.
"Rise and shine, beautiful. Nandito na tayo." Agad akong napabangon at inilinga ang paningin sa labas ng sasakyan. Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita.
"Dahilayan?"
He nodded. Napatili ako bigla at mabilis na lumabas mula sa sasakyan. Dala ng nadarama ay napatalon ako sa tuwa. Ang tagal ko ng gustong makapunta rito. Kung saan kasi ay tampok na tampok ang Dahilayan na isa sa tourist spot dito sa Bukidnon.
"Easy. Nakakahiya sa ibang tao." Napahinto naman ako sa pagtalon saka inilinga ang paningin sa lugar. Halos lahat ng nandito ay nakatingin sa karoroonan ko kaya napatigil ako at bahagyang napayuko.
"Sabi ko sa'yo eh," bulong sa akin ni Schiven. Tsk, pinalo ko ang braso niya at hindi nalang pinansin ang kahihiyang nagawa ko.
I hugged and thanked him kasi dinala niya ako rito. Isa kasi ito sa pangarap na gustong puntahan ko kasama ang pamilya ko pero masaya pa rin ako na si Schiven ang una kong nakasama pagdating ko dito sa Dahilayan.
"I'm glad na nakita ko na naman ang Althea na minahal ko. Salamat at napasaya kita. I love you, baby."
Niyakap naman ako ni Schiven at bumitaw din agad. Nagsimula na kaming naglakad papasok sa loob at hindi na ako makapaghintay pa sa posibleng mangyari ngayong araw dito sa pagpasyal namin sa Dahilayan.
Sa tuwing may madadaanan kaming pwedeng kunan ng litrato ay agad kaming nag pi-picture. Minsan ay siya muna kukuha sa akin tapos ako sa kaniya saka kaming dalawa kaya mas lalong sumaya ang aking nararamdaman.
Sumunod naman kami sa pagpila para sa ticket sa entrance ng Dahilayan Adventure Park. 100 pesos per head. Siya na ang nagbayad at naghintay nalang ako sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay lalo na sa mga rides.
Pagpasok palang namin ay hila ako nang hila sa kaniya. Halos nga siguro ay picture ko karamihan ang nasa phone niya. Lalo na roon sa Forest nila na may mga istatwa ng iba't ibang hayop.
Another memorable day happened in my life and to the both of us. Paniguradong hinding-hindi ko na naman makakalimutan ang panibagong araw na ito.
~*~
"Nag-enjoy ka ba, baby?" tanong ni Schiven sa akin habang naglalakad palabas ng Dahilayan Park.
"Oo naman. Sobrang saya ko ngayong araw."
I'm really really happy today. Halos lahat ng rides ay nasakyan namin. Gaya ng Zipline, Luge, Zorbit, Trampoline at iba pa. Kahit natatakot ako ay pinapalakas naman ni Schiven ang loob ko. Nakakatuwa talaga lalo na at kasama mo ang taong mahal mo.
Lumingon ako kay Schiven na hawak-hawak ang aking kamay kaya napangiti ako.
Pumikit ako sabay bulong, "Thank you Lord at binigyan mo ako ng Schiven sa buhay ko."
Dumiretso agad kami sa sasakyan niya at 'di kalaunan ay pinaandar na niya para uuwi na kami sa lungsod. Malapit na kasing gumabi at mahigit one hour pa ang biyahe kaya gagabihin talaga kami ng uwi.
Lumipas ang mahigit isang oras ay napahinto ang sasakyan ni Schiven nang may biglaang tumawag sa kaniya. Nakatingin lamang ako sa kaniya na nakatitig sa phone niya. Tumingin muna siya sa akin bago sinagot ang tawag.
"Hello?... Y-yes, I'm with her..." Lumingon siya siya sa akin na may halong lungkot kaya nakaramdam ako ng pag-alala kung saan tungkol at sino ang kausap niya, "but... okay dad, I will.. bye." Ibinaba niya na ang cellphone sabay hawak sa aking kamay.
"Bakit baby? May problema ba?" nag-alala kong tanong sa kaniya.
"Hindi na kita mahatid sa hospital baby eh. Napatawag kasi si dad at may emergency. I'm sorry. Babawi ulit ako sayo sa susunod na mga araw, okay?"
Ngumiti lang ako sa kaniya. 'Di bale, bibili pa rin pala ako ng mga prutas para may s-stack sa private room ni mama at may makain siya kung sakaling gigising siya.
"Naku, wala iyon baby. Huwag kang mag-alala, I can go to the hospital safety. Ingat ka pauwi, okay? Mahal kita." Inilapit ko ang mukha ko papunta sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Lumabas na ako sa sasakyan at kumaway sa kaniya bago niya pinaandar ang sasakyan.
Nagpalabas muna ako ng mahinang buntong hininga bago tumungo sa prutasan at bumuli ng mga fresh fruits.
Pagkatapos kong bumili ay sumakay muna ako ng tricycle. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa CUMC.
Nakangiti akong naglalakad papapasok sa hospital. Ilang kilometro nalang mama, makikita na ulit kita. Tumingin ako sa dala-dala kong mga prutas at tiningala ang langit sabay pikit.
"Lord, sana pagbalik ko ay gising na si mama." Saktong pagbukas ko ng dalawang mata ay tumunog ang cell phone ko kaya excited ko itong kinuha.
'Di nga ako nagkamali na si Doctor Cole ang tumatawag. Naalala ko naman ang sinabi niya sa akin kanina. It's either good or... bad news. Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko kaso umiling nalang ako at inisip nalang na maganda ang balita. I smiled as I take the call.
"Hello Doc! Si mama, kamusta?" masaya kong tanong sa kabilang linya. Narinig kong napabuntong hininga si Doctor Cole sa kabilang linya at katahimikan ang namamayani.
"Doc?"
"Althea ija.." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses ni Doc. No, it can't be. Umiling lang ako at inisip na baka nag jo-joke lang siya.
Tumawa-tawa na muna ako bago nagsalita. "Naku doc, iyan ka na naman. Huwag ka ngang mag bi--"
"Althea, your mom... your mom passed away already."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top