CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

"YOU said what you've said, Cleo. You said, GO LOVE!" Halos gayahin na ni Josanne ang pagsigaw ko kanina sa pageant. Wala akong naging tugon doon. Nakita ko naman ang pagsapo ni Kendrah sa noo niya. Tulad ni Josanne, parang hiyang-hiya siya sa ginawa ko.

"Goodness, you just cheered the Ginoong Kalikasan 2019," halos problemadong saad ni Josanne. Nakunot ang noo ko.

"What's bad about cheering him?" I innocently asked them. They just glared at me.

"Girl, may girlfriend 'yon and you just called him Love kanina." Napataas ang kilay ko.

"And this is the hottest tea. Sa pagkakaalam ko, naroon rin ang girlfriend niya kanina sa event. Shems, this will be a future riot."

"Gaga, tinatakot n'yo lang ako," pagpapalubag loob ko sa sarili at nahiga sa kama sabay buntong-hininga. Hindi ko naman kasi sinasadyang maicheer siya ng ganoon kanina. Isa pa, hindi naman niya ako kilala. Hindi ko rin naman siya kilala. Bukod roon, magkaiba naman kami ng school na pinapasukan kaya ayos lang sa akin. Basta sisiguraduhin ko lang na hindi na kami muling magkikita pa. Sinisiguro kong iyon na ang last na kahihiyang gagawin ko.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta kapag nakita ka niya, tumakas ka na lang para sa buhay mo," payo sa akin ni Kendrah at napahikab na.

"Good night, girls." Nagtalukbong na siya ng kumot tulad ni Josanne. And yes, we're living together in a dorm nearby our university. Ako na ang nagpatay ng ilaw para sa kanila. Matapos makapag-ayos ng sarili, humiga na rin ako at napatitig na lamang mag-isa sa blangkong kisame. Inaalala ang mga nangyari kanina.

"Nakakahiya ka talaga, Cleo. Ginawa mo ba talaga iyon?" bulong ko sa sarili. Nag-e-echo pa rin sa ulo ko ang mga sigawan kanina. Kung paano kami nakipagsiksikan sa napakaraming estudyante. Kung paano ako sumigaw. Kung paano ako tumakas sa kahihiyan at nakakamatay na tingin ng mga taga-LSPU. Shocks.

Ngunit sa kabila ng ginawa kong kabobohan kanina, hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi. Agad kong hinagilap sa study table ang DSLR. Iniscan ko ang mga pictures. Puro siya ang nakikita ko rito. Mas lalo tuloy natuwa ang kaloob-looban ko. Alam mo 'yon? Feeling ko crush ko na agad siya kahit kanina ko lang siya nakita. At sa malayuan pa.

Hindi ko na tuloy nalaman kung ano ang resulta ng pageant na iyon dahil kasalanan ko rin naman.

Para akong timang na nakamasid lamang sa camera. Maya't maya akong napapangiti.

"Love, itulog mo na 'yan. Antok lang 'yan, Cleo."

Nawala ang ngisi ko sa labi nang magsalita si Josanne na nakatitig na pala sa akin. Love ampota.

"Don't tell me crush mo na agad?"

"Epal."









"So you called him love in his pageant, right?" Agad akong natawa. Halos mamilipit ako sa sakit ng tiyan kakatawa. Pinahid ko ang luha na naging resulta ng sobra kong kasiyahan habang inaalala kung gaano ako katanga dati na sumigaw-sigaw pa kahit sobrang daming tao.

"Obviously, nakakahiya talaga iyon," sagot ko sabay takip ng mukha upang hindi makita sa camera.

"Anong nasa isip mo noon at iyon ang naisigaw mo?" tanong ng director na nasa likod lamang ng camera. Sa set na ito, ako lamang ang nakikita sa cam kaya bantay-sarado pati ang reaksyon ko. Napangisi lamang ako at umiling.

"I really don't know. I just. . . feel like I'm inlove at first sight. Parang ganoon," paliwanag ko pa with hand gestures.

"And you really are inlove?" Sa puntong iyon ay hindi ko na mapigilang mapangiti at tumango.

"Yes. I was inlove with a candidate from a pageant." With that, I literally laughed so hard.











"KINALIMUTAN ko na ang nangyari last week. Ba't ba pinapaulit-ulit n'yo pa?" naiirita kong sambit kina Josanne at Kendrah pero pinagtawanan lamang nila ako. Minabuti kong ubusin na ang pearl sa milktea cup ko at huwag na silang pagtutunan ng pansin.

"Sige, love. Ikaw ang masusunod," ani Kendrah na natatawa pa. Pinipigilan lang ng gaga. Masamid sana ito ng milktea na iniinom niya. Hayup.

"Wait, girls. Wait." Tinapik kami ni Josanne na parang nakakita pa ng multo dahil sa sobrang gulat. Napakunot-noo ako.

"What?"

"Taga-LSPU siya 'di ba?" turo nito sa isang lalaking nakasuot ng white polo shirt at nakasuot ng face mask. Napakaputi nito at ang itim nitong buhok ay sobrang pinasadahan ata ng hair wax. Pumasok ito mismo rito sa milktea shop kung saan kami nakatambay.

"Bes, Broadcasting student ata? Look at his ID lace," bulong ni Kendrah. Naningkit ang mga mata ko.

"Oo, so Communication student rin?"

"Ata?" Nagkatinginan kami. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsipsip ng milktea nang magsalita ang crew nitong milktea shop.

"Jenis, congrats nga pala, Ginoong Kalikasan. Iba talaga karisma mo, aba! Back to back ang award, ha? Humahataw!" Nagfist bump sila at halatang magtropa talaga. Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin niya ang suot niyang facemask. Nakita ko ang kabuuan niyang pagmumukha.

"Salamat. Chamba lang iyon e, eme kumbaga," sagot nito at ngumiti nang pagkalapad-lapad habang naglalagay na rin ng apron ng shop. Otomatiko kong naibuga ang pearl ng milktea at napaubo dahil bumara pa ata ang isang butil nito sa lalamunan ko. Lintek!

"Uy, Cleo ayos ka lang?" tanong ni Kendrah. Napaubo ako muli dahilan para mapatingin na sa akin iyong Jenis at tropa niya. Napatungo ako kahit samid na samid pa rin.

"Cleo?" Mas nilakasan ni Josanne ang pagtawag kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata. Halata namang sinasadya na nila.









"Iyong pearl talaga ng milktea, seryoso nasa lalamunan ko pa. So ang ginawa ng dalawa kong kasama, nakihingi na sila ng water kay kuyang crew." Parang gusto ko nang kainin ng lupa habang nagkukwento.

"Ang nakakahiya pa, si Jenis ang nag-abot ng tubig sa akin. I literally hoped that I could evaporate that time, I swear," I laughed and looked at the camera.

"And that dude, he really reach out my ID just to confirm that I was the girl who cheered and called him love the day of his pageant."

Dahil roon, nasamid akong muli nang maalala kung paano ako tinukso ng mga kaibigan ko sa paghawak pa lang ni Jenis sa ID lace ko. Potangina.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top