Epilogue I
"What happened?" Iyan ang unang tanong sa akin ni Jake nang makarating ako sa McDo at agad siyang nilapitan sa table kung saan siya naka-upo.
Naupo ako sa kaniyang harap at hindi makatingin sa kaniyang mata. I honestly feel awkward at this situation, pero kung ayaw ko mag commute ay wala akong choice kung hindi ang makisabay sa kaniya.
"Xavi... I can see that you put make-ups on certain parts of your neck, you're hiding something. The way you walk kanina, you were limping. What happened? And your call was so sudden. Anong problema? You can tell me, I'm your bestfriend." he softly said, I kept my head hang low as I play with my hands that is on the table.
"I understand if you feel a bit distanced from me. Matagal tayong hindi nagkita, simula nang mag college tayo napalayo na tayo sa isa't-isa." ani nito at dama ko ang kalungkutan sa kaniyang boses.
Kumuha ako ng lakas ng loob na magsalita at huminga ng malalim, pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay maiiyak ako sa harap niya.
"Jake... gusto ko lang muna umuwi." ani ko bago saka nag-angat ng tingin. Saka nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko na bahagyang napakunot ang kaniyang noo.
"Huh? I mean... sure, I understand na napapagod kana sa trabaho mo. Pero Xavi, kilala kita. You value your work so much. You're a hardworking person. May problema-"
"I saw Bright kissing his ex." Putol ko sa kaniya at agad kong naramdaman ang paninikip ng aking lalamunan.
Nakita ko siyang natigilan at nanatiling naka-upo doon habang nakatulala s aakin. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang nanlaki sa gulat.
"What?" ani niya at nakita ko ang pagguhit ng inis at galit sa kaniyang mukha.
"But I know he didn't want it. He even pushed the girl, he's mad that she kissed her. I know he didn't mean it pero... masakit." ani ko sa nanginginig na boses. And few second later that's when I felt my tears slowly flowing down my cheeks.
"Xav... I know masakit, and I'm sorry, pero... instead of running away form the problem, bakit hindi niyo pag-usapan? You're being overwhelmed by your emotions, Xav." ani niya at agad akong umiling.
"Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kaninang tanghali sabi ko noong makita ko sila ay ayos lang dahil nga alam ko naman na hindi niya rin gusto ang nangyari. Pero nasasaktan nga ako! At ayaw ko muna siyang makita." sagot ko dito at utay-utay siyang tumango bago pinagalaruan ang susi ng kaniyang sasakyan sa kaniyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
"Birthday ko pa man din ngayon." bulong ko at nakita ko ang pag-angat ng kaniyang ulo.
"Oo nga pala, what did he got for you? Aside from that kiss?" sarkastiko niyang tanong at napatawa ako ng mapait bago nagpahid ng luha.
"A birthday sex." Maikli ko sagot at bigla siyang nasamid na siyang ikinatawa ko ng bahagya.
"Wow... wow, that's too much information woman." ani niya at mas lumakas ang pagtawa ko.
"You know what, let's just order, okay? Tapos uwi na tayo?" tanong niya at tumango ako bago nagpahid ng luha.
"What do you want?" tanong niya nang tumayo mula sa kaniyang kinatatayuan.
"Ahm... 2 pieces spicy chicken." sagot ko at tumango ito bago naglakad na papunta ng cashier.
Ilang minuto ko siyang hinintay doon habang hawak-hawak ang aking cellphone. Napapatingin ako sa oras sa aking cellphone. Malapit nang matapos ang shift ni Bright, gusto ko na maka-alis kami ng Manila bago pa man siya maka-uwi. Baka may makakita sa amin dito at kapag nagtanong siya kung sino man ang nakakita sa akin ay baka mahabol pa niya kami. Gusto ko lang ng space. Kung magtatanong man siya, kay Addi siya may mapapala. Kung puntahan man niya ako sa bahay, edi puntahan niya. Baka nga kung hindi ganito kabigat yung nararamdaman ko. Baka magpaalam pa ako sa kaniya pero alam ko na hindi naman siya papayag na aalis ako nang hindi kami nag-uusap tungkol doon. Pero ayaw ko pa nga pag-usapan yung nangyari. Hindi ko pa alam kung anong ire-react ko. Alam ko na ang may kasalanan ng lahat ng ito ay si Ianna. Pero hindi ko maiwasan ang magalit kay Bright.
"Hey, you look... still frustrated, tara na, sa sasakyan na natin kainin." ani ni Jake habang nakatayo sa harap ko, hawak-hawak ang bag ng McDo. Tumango ako at tumayo na bago kami lumabas ng McDo.
Sumakay na kami sa loob ng sasakyan niya at umalis na, "Pwede ba na itigil mo muna sa may 7/11, bibili lang ako ng Ice Cream." ani ko sa kaniya at tumango ito.
Alam ko na may malapit na 7/11 sa dadaanan namin, kaya nang tumigil siya sa harap nito ay agad kong kinuha nag wallet ko at lumabas ng sasakyan kasunod siya.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong lumapit sa mga Ice Cream at kumuha ng isang tub ng cookies and cream. Sunod akong kumuha ng mga ice cream cone, kumuha na rin ako ng tupperware at kustara. Pati Oreos ay kumuha na rin ako.
"Aside from today's sex, kailan pa kayo nag sex?" tanong sa akin ni Jake habang nagbabayad ako.
Aba pota, ang ingay naman nito! Nakakahiya kay ate cashier!
"Sira, mamaya kana magtanong." ani ko bago ini-abot ang bayad ko.
"Thank you ma'am." ani ni ate nang i-abot sa akin ang supot na laman ang mga pinamili ko at saka ay lumabas na kami ng store at muling sumakay sa sasakyan niya.
"Pwede mo na ba ako sagutin?" tanong niya habang nagmamaneho at ako itong naglalagay na ng ice cream sa tupperware at nagdudurog ng apa at oreo dito.
Napabuntong hininga bago nag-angat ng tingin sa kaniya, "Jake, kung iniisip mo na naglilihi ako, pakyu." ani ko bago sumubo ng ice cream, napahagalpak siya ng tawa at ako itong tahimik an kumakain nang may biglang pumasok sa isip ko.
"Shit, pills!" ani ko bago ipinatong ang tupperware at hinalukay ang bag ko para kunin ang pills ko.
Habang ako itong natataranta na uminom ng pills ay si Jake naman itong tawang-tawa sa tabi ko.
"Ninong ako ha-"
"Puta ka." Mura ko dito. Alas doze ako umiinom ng pills, eh hindi nga pala ako nakakain ng tanghalian dahil umiyak ako nang umiyak at nag-impake na.
"Congrats na ba in advance?" tanong niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Sira, tatadyakan kita." Pagbabanta ko dito bago muling kinuha ang aking ice cream.
Ipinaghalo ko rin siya sa isang tupperware at sinusubuan siya ng ice cream. Kawawa naman siya.
Nang mag alas otso an ay napatigil kami sa Atimonan para kumain ng McDo na binili namin kanina pa. Madilim na rin pero tumigil kami sa parking lot ng Jollibee para kumain. Mabilis lang iyon at muli kaming bumalik sa kalsada.
Alas doze nang maka-uwi kami ng Tagkawayan. Patay na ang ilaw sa bahay namin kaya naman kinailangan pang bumosina ni Jake para magising sila mama.
"Xavi! Bakit napa-uwi ka?" tanong ni mama habang nagtatakbo palapit sa akin at niyakap ako.
"Birthday ko diba, nag leave muna ako para umuwi. Kakatapos lang din ng exams ko, magpapahinga lang ako." ani ko bago kumalas sa yakap.
"Si Jake ba yan? Ang laki mo na." ani ni mama at napangiti si Jake na nakasandal sa kotse niya.
"Nakisabay na ako para iwa sa hassle sa pag co-commute." ani ko at tumango sila mama.m
"Tara na, pasok na tayo, salamat Jake!" ani ko bago dire-diretso pagpasok ng bahay.
"Bakit hindi mo kasama yung boyfriend mo?" tanong ni mama nang maisara ang pinto ng bahay.
"Ah, busy sa trabaho, sabi ko ako nalang muna ang uuwi." ani ko habang sinusubukan na maging normal ang boses.
"Ah ganun ba? Sige, tutulog kana ba?" tanong ni mama at tumango ako.
"Bukas nalang tayo mag celebrate." ani ko at tumango sila bago ako umakyat na kami sa itaas.
Tapos na akong magpalit ng damit at nag check ng phone ko nang makita ko ang mga message sa akin ni Tera at Addi.
from Ter-ter:
Gaga, asan ka?
from Ter-ter:
Huy, hinahanap ka ni Bright! Gaga nag-iiyak yung isa!
from Ter-ter:
Xaviana, don't tell me naghiwalay na kayo?!
form Ter-ter:
huy!!
Halos ganon din ang mga message sa akin ni Addi. Iyon nga lang ay ang sabi niya, noong tanungin siya ni Bright kung alam niya kung nasaan ako, ang sabi niya ay hindi niya alam dahil nararamdaman daw niya na hindi namna talaga masama ang pakiramdam ko kundi ay nag-away kami ni Bright. At dahil kaibigan ko siya, hahayaan daw niya na mag-alala si Bright kaya naman napatawa nalang ako at hindi muna sinagot ang mga messages nila.
Si Bright naman... wala siyang message sa akin. Which is weird pero hahayaan ko na siya.
Kinabukasan ay tanghali ako nagising dahil sa puyat, ang unang kain ko na ay tanghalian dahil 11AM na rin ako bumaba. Pagkakain ay nanatili lang ako sa sala at nanonood ng TV. Sila mama at papa naman ay may mga sariling ginagawa. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sala.
Nagising ako ng bandang alas tres. Bumangon na ako at naligo at nag-ayos ng sarili. Mga bandang alas kwatro ay saka ko na inaya sila mama na kumain. Bumili na rin kami ng cake at sa restaurant nag celebrate.
Pagkauwi namin ay saka ako nag-post ng pictures namin nila mama. Gusto ko sanang i-hide ito kay Bright pero naisip ko na huwag nalang. Ano naman kung malaman niya kung nasaan ako, hindi ko naman siya tinataguan. Naglayas lang ako, magkaiba 'yon.
I close my laptop and sigh. I remove my specs and went down my bed to get my water bottle and take a sip. I spaced out after I drink and just stare into my blank wall.
I snap back to reality, I pursed my lips and let out another sigh before putting down my water bottle and sitting once again on my bed and grab my phone from my bedside table.
I checked my messages and saw that my friends sent messages to our group chat. A small smile form on my lips as I realized those messages are for me. Checking of how I'm doing or how am I feeling right now. Until I read Yen's message..
From Dra. Yen Santos:
Kamusta naman ang kaibigan naming wasak sa pag-ibig?
I scoffed as I read her message. I thought it was a serious question. Turns out she still jokes about it.
From Engr. Mikaila Pajero:
Ang bad mo Yen! Broken na nga!
Napatawa ako nang bahagya nang mabasa ang message ni Aila. Siya lang talaga ata ang may pake sa pagka wasak ko.
From Dra. Yen Santos:
Diwaw, sabi ko naman kasi. Mukha talagang playboy 'yang lalaki ni Xavi. Tigas kasi ng ulo!
I frown as I read Yen's message. Mukha ba talaga? He looks decent naman. He doesn't look like playboy I usually think and imagine.
From Engr. Mikaila Pajero:
@Dra. Yen Santos, uy online na sa @Dra. Xaviana Alvarez. Hello! Kumain kana?
I wide smile form on my lips as I read Aila's message. Among of them three she's the sweetest. Yen is the most sassy while Arven.. pinaghalong ugali naming tatlo.
I started typing a reply, I pause for a moment to look what time is it. It's just 5:30 pm. It's too early for dinner.
To Kunyare Matitino Na Tayong Tao😉😉:
Breakfast palang, masyado pang maaga para mag lunch.
From Engr. Mikaila Pajero:
Ah okay, pero bakit wala kang gana? Lagi ka namang magana kumain.
From Dra. Yen Santos:
Oo nga! Buntis ka 'no?!
My eyes widened and immediately started typing. What the fuck Yen?!
To Kunyare Matitino Na Tayong Tao😉😉:
What?! NO!! Gaga kaba!?
From Engr. Mikaila Pajero:
Patay tayo jan! Nagkatotoo pangarap ni Xavi na magka-anak siya tapos ano... basta 'yon! Itatago niya kay Bright 'yung bata tapos magkikita ulit sila. Tapos drama.
I shut my eyes and take a deep breath. Kung ano anong sinasabi ni Aila. That's not even my dream! To have an unexpected child. Then I'll keep the baby away from Bright because he don't want to have kids but unexpectedly I got pregnant and drama.
From FA Arven Mardillo:
Sinong buntis? Bakit may buntis akong nabasa? Buntis ka Xavi?! Hala ka! Diba nag hiwalay na kayo ni Bright?! Tapos ayaw niya sa baby?! Paano na 'yan?! Single mom ang peg?!
I almost throw a tantrum inside here my room. I started typing a reply, then hit send.
To Kunyare Matitino Na Tayong Tao😉😉:
For fuck's sake I am not pregnant! Bahala nga kayo jan!
I said and put down my phone, I stare blankly on the air before I heard my name being called.
"Yes?!" I shout before jumping out of bed and heading out my room.
"May naghahanap sayo." My mom said as I walk down the stairs.
My brows furrowed. Wala naman akong inaasahang dadating. Who's this?
"Sino daw?" I ask my mom as I arrived at our living room.
"Nasa labas, kausap ni papa mo." My mom replied.. with a furrowed brows I went out..
I look by the gate.. and that's when my eyes widened.
It's him!
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita si Bright na nasa labas ng bahay namin at may dala-dalang maleta.
"Bakit ka andito?" Iyon ang una kong tanong.
"Xavi, may-usap muna kayo." May halong pagbabanta sa boses ni mama.
Napasimangot ako bago tumango at hinayaan siya na pumasok ng bahay.
Ako ay naupo sa sofa at ganun din siya. Si mama at papa ay umakyat muna ng sa itaas at siguro ay nararamdaman na rin nila ang kakaiba tension sa hangin.
"Xav... I'm sorry." Siya ang unang nagsalita.
"Please, hindi ko naman ginusto 'yon. Please? Please Xavi? Please believe me. You saw me push her away, inaway ko pa siya. I shouted at her. Please Xav, huwag ka nang magalit." Nanatili akong nakatulala sa pader habang siya itong nag-iiyak na sa tabi.
"Nang hindi kita madatnan sa bahay at wala yung gamit mo, halos magtatakbo ako sa daan dahil hindi ko alam ang gagawin ko. I asked your friends pero ang ending galit din sila sa akin." he said while crying. Ako naman itong na gui-guilty na.
"Sorry na, please, huwag mo na ulit akong layasan. Next time kapag may problema pag-usapan natin, please? Please Xav?" Saka niya ako nilingon at doon ko nakita ang namumugto niyang mata kakaiyak. Para siyang bata na nagmamaka-awa sa akin dito sa tabi ko. His hands are clasped together and his elbow on his legs.
Napabuntong hininga ako, "Halika nga dito." ani ko bago siya utay-utay an niyakap. Nang ibalot niya ang kaniyang braso sa akin ay animo'y ayaw na akong pakawalan.
"Galit ka pa?" tanong nito habang nag-iiyak sa balikat ko.
Umiling ako, "Di na, di na ako galit." ani ko at kumalas siya sa yakap. Hinalikan ko siya sa noo.
"Hindi na ako galit, hindi naman talaga ako galit, kaunti lang pero okay na ako." ani ko at ngumuso siya na dahilan ng bahagya kong pagtawa.
Mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang labi, "Ipagluto mo sila mama ng pagkain, tara." Dinala ko siya sa aming kusina at doon ay nagsimula kaming magluto. Kung ano-ano ang niluluto niya at ako naman itong tumutulong lang. Siguro ay nakatulog na sila maam sa kwarto nila dahil hindi sila bumababa.
Sakto na oras ng pagkain ng matapos kami. Sinamahan ako ni Bri sa taas para tawagin sila mama para kumain.
Kumatook ako sa pinto ng kwarto nila.
"Ma, Pa, kain na po tayo. Nagluto po kami ni Bright." ani ko at maya-maya ay bumukas ng pinto at bagong gising nga ang dalawa. Bumaba na rin kami at nagsimulang kumain dahil nakahain na ang mga pagkain.
"Bakit hindi ka kasama ni Xavi noong dumating dito noong isang araw?" tanong ni mama habang kumakain kami.
Nakatinginan kami ni Bright at napangisi siya, "Naging busy po kasi ako sa trabaho kaya natagalan po na mag file ng leave." sagot ni Bright at tumango sila mama.
"Ahm... tita, tito..." tawag ni Bright at sabay nag-angat ng tingin sila mama at papa.
"Magpapaalam lang po sana ako na... ahm... nalimutan ko sasabihin ko." Napakamot si Bright sa ulo niya at napatawa si mama at papa habang ako naman itong kinakabahan na.
"Hihingin ko po sana ang basbas niyo na pakasalanan si Xavi, wala pa po akong hawak na singsing ngayon pero baka pagbalik po namin ng Manila saka ko po siya ayain ng kasal." ani niya at ako itong nanlaki ang mata habang nakatitig kay Bright.
Narinig ko ang malakas na pagpalirit ni mama habang si papa naman itong napapalakpak.
"Siyempre hijo payag kami ng tito mo! Matagal na namin gusto na magka-asawa si Xavi! Alam mo naman na matanda na kami ng tito mo at gusto na magka-apo. Siyempre payag na payag kami!" ani ni mama sa galak na galak na boses. Ang aking kamay ay napagapang sa kamay ni Bright na nasa kaniyang hita.
Napapisil ako dito at nilingon niya ako para ngumiti.
"Paano ba 'yan, nag yes na si tita at tito, yes mo nalang ang hihintayin ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top