44
"Xaviana, ayan nakita na rin kita. Kaloka ka!" Napakunot ang noo ko nang makita si Addi na naghahabol ng hininga matapos magtatakbo papunta ng quarters namin.
"Nasabihan kana ba ni Jake?" tanong nito at napakunot ang noo ko.
"Noong... isang linggo nagkita kami dito, labas daw tayo minsan?" Hindi ko siguradong sgaot, malay ko ba naman kasi kung iyon ba talaga ang sinasabi ni Addi.
"Ah, good, kasi nag message siya sa akin, if free ka daw ba bukas ng gabi? Diba day-off mo? Mag day-off na rin ako tomorrow para makasama tayo. Si Aila na-contact na niya, si Ken din at si Tera, g daw yung mga 'yon." ani niya at utay-utay akong tumango.
"Bakit ako hindi niya sinabihan?" tanong ko dito, bahagya pa na naaksimangot.
Nagkibit-balikat si Addi, "Awan, pero sabi naman sa akin, ako na daw ang magsabi sayo since magkatrabaho naman tayo." sagot nito at napatango ako nang dahan-dahan.
"Sige... paalam lang ako kay Bright." sagot ko at tumango siya bago naglakad na papalayo.
Dahil malapit naman na rin matapos ang shift ko ay hinintay ko nalang na maka-uwi ako sa bahay namin kung saan ko siya natagpuan na nagluluto ng hapunan.
"Wow naman, tuna pasta, sarap naman." ani ko nang pagkapasok ko palang ay naamoy ko na ang kaniyang niluluto.
"Glad you like the smell, sana magustuhan mo rin ang lasa." ani niya bago ako nilingon at ngumiti.
Nginitian ko rin siya, "Of course naman, I'll just take a quick shower then we can eat na?" tanong ko dito, I hear him hum from the kitchen.
"Sure, go on." sagot niya at tumango na ako bago tuluyan na pumasok ng kwarto para maglinis ng katawan. Like what I just said, mabilis lang ito, I just washed my hair, and my body then change in to comfortable sleeping wear. Hindi ko na tinuyo pa ang buhok ko at hinayaan ito na nagtutulo.
"Luto na?" tanong ko nang lumabas ako ng kwarto, naabutan ko siya na naghahanda na ng lamesa at gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi.
"Yeyyy!!" Turan ko na parang bata, nagtatalon pa ako papunta sa kaniya at niyapos siya mula sa likuran. Nang mag-ayos siya ng tayo ay halos lumambitin ako sa kaniyang leeg dahil sa tangakd nito.
"I also bought Ice Cream cake on my way home, you might want it for dessert." ani niya habang umuupo na kami sa bangko.
Napanguso ako, "Ang dami-dami natin laging pagkain, mananaba ako niyan." ani ko habang naglalagay ng pasta sa aking pinggan.
"That would be great!" ani nito at lalo akong napasimangot.
"Ayaw ko nga tumaba pa, hindi na ako bagay sayo kapag nanaba ako." Nakasimangot kong turan, saka siya nag-angat ng tingin sa akin habang kumukuha ng kaniyang pagkain.
"Xavi..." huminga ito ng malalim bago napasaltik ang kaniyang dila.
"I am speechless... hanggang ngayon pa rin ba? Oh my... we're not gonna argue about this." He didn't sounded mad, just... frustrated kaya naman napatawa ako ng pagak.
"Eat... kain lang nang kain. Masyadong stressing ang ospital, nakakapayat ang stress, kaya kumain ka nang kumain. At lagi kang nalilipasan ng gutom, that's why I want you to eat a lot when you're here, when you're with me." Dagdag pa nito, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil sa pagpipigil sa pagtawa.
Tahimik nalang kami kumain habang may tumutugtog na kanta sa speaker sa sala, kasabay nito ang tunog ng kutsara at tinidor na tumatama sa pinggan.
Sa gitna ng aming hapunan ay may bigla akong na-alala, "Ay, Bright, magpapaalam lang sana ako." ani ko na naka-agaw ng kaniyang attensyon. He hum first before lifting his head up.
"What is it ?" tanong nito habang ngumunguya.
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko, "Si Jake, remember him? My bestfriend, inaaya kami na lumabas bukas with our other friends." ani ko, napakunot ang noo niya ng ilang segundo bago utay-utay tumango.
"Ah... him... sure, no problem, you should definitely go, he probably misses you." he replied before continue eating, hindi nakalusot sa akin ang tono ng kaniyang pananalita. He sounded so passive aggressive and I find it so funny.
"Di ka galit? Di ka selos? Okay lang? Sure ka? Walang masamang loob? Walang halong pagbabanta? Baka kulamin mo si Jake?" Pang-aasar ko dito, narinig ko itong bumuntong hininga at napamasahe sa kaniyang sintido na ikinhagalapak ko ng tawa.
Nag-angat ito ng tingin, "Of course wala, why would I be?" tanong niya at muli akong napatawa.
"Well... alam ko lang na hindi mo siya bet, hindi kayo okay." ani ko at muli itong napabuntong hininga.
"Xavi, he's your friend, I know he will take care of you once you guys are out. I trust him, don't worry, we're good." ani niya at napatawa ako ng pagak bago umiling-iling at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos kaming mag dinner ay kinuha na niya ang ice cream sa ref at kumain na kami noon habang nanonood ng ng TV. When we finished eating ice cream, ako na ang naghugas ng pinggan cause it's time for him to rest naman. I also put the remaining tuna pasta sa container at inilagay sa ref para initin namin bukas at pwede niya na rin iyon baunin sa trabaho.
"What if ipagdala kita ng pagkain bukas sa trabaho?" ani ko habang nakahiga na kami s akama. He's doing something on his tablet while I'm reviewing for an exam next month.
"That sounds great, expect ko 'yan tomorrow ha?" ani niya at parehas kaming napahagikhik.
"What time and lunch break niyo?" tanong ko sa kaniya.
"12:30 until 1:30 PM." sagot niya at tumango na rin ako. We stayed awake until 11PM, he's still working while I'm reviewing. Sakto lang na natapos ako nang natapos na rin siya at natulog na kami.
Maaga akong nagising para ipagluto siya ng almusal, wife material dapat. Since wala kaming kanin kagabi para gawing fried rice, nag toast ako ng tinapay, nagluto ng itlog, tocino at ipinaghanda na rin siya ng kape. Gumawa rin ako ng salad kung sakali man na gusto niya. Kung ayaw niya, edi sa akin. Ininit ko na rin ang tuna pasta na niluto niya kagabi at inilagay ito sa isnag container para baunin niya.
Paglabas niya ng kwarto ay naka-ayos na siya, naka polong puti, pantalon na itim at naka-ayos an rin ang buhok.
"Kain kana," ani ko nang ilapag ang pinggan niya. Napangiti siya bago naglakad muna papunta sa akin at hinawakan ako sa aking tagiliran para halikan sa ulo.
"Good morning, did you sleep well? Ang aga mo nagising, puyat ka, matulog ka mamaya." ani niya bago ako bitawan at pumunta na sa kaniyang bangko para kumain.
After he ate, he went back sa kwarto para magsipilyo, at sa muli niyang paglabas ay dala na niya ang kaniyang bag.
I handed him the small bag na laman ang baon niya, "Wait, medyo nagulo buhok mo." I reach for his hair and fix the strand na gumugulo sa ayos niya.
When I finished, I look at his eyes and both of us smiles before he lean for a peck.
"I'll be going now, huwag ka masyadong magpaka stress sa day-off muna, relax, may pupuntahan kapa mamayang gabi." ani niya at tumango lang ako bago pinanood siya na lumabas na ng bahay.
Taliwas sa kaniyang sinabi, ilang minuto palang siyang nakaka-alis ay kinuha ko na ang aming pinagkainan at aking pinaglutuan. Matapos iyon ay nag-mop ako ng sahig, nagpunas ng mga cabinet, yung banyo nilinis ko na rin.
Sakto na malapit nang mag 11:30 nang matapos ako kaya naman nagsimula na akong magluto. Nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker, bago nagluto ng buttered pork steak, habang nagluluto ng steak ay gumawa na rin ako ng vegetable salad. Naghanda na rin ako ng chocolaes for dessert. Hindi ko na rin kinalimutan si Tera at isinama na rin ang pagkain niya sa niluluto ko. Hindi ko na nga lang sinamahan sa kaniya ng vegetable salad dahil hindi naman ito mahilig sa gulay. Hindi talaga niya pinapansin ito. Kaya naman nagluto nalang ako ng nuggets para sa extra niya na ulam. Hindi kasi ako tipid na tayo.
12:15 nang matapos ako sa pagahahanda, kaya namna dali-dali akong nagpalit ng damit at umalis ng bahay. Ilang minuto lang naman na biyahe ang papunta sa kumapanya nila Bright. Pero siyempre sinugrado ko na maayos akong tingnan. Naligo na rin naman ako kanina, mabilis lang kaya mabango ako. Idagdag mo pa na gumamit ako ng pabango. Nakakahiya naman kung ang losyang kong tingnan doon. Baka sabihin pa ng mga katrabaho ni Bright, pumatok siya s alosyang.
12:31 nang marating ako, dali-dali akong umakyat sa floor na pinagtatrabahuhan ni Bright at nakasalubong ko pa ang iba niyang katrabaho. Pagpunta ko sa cubicle niya ay kausap na nia si Tera.
"Oh, andito na si Xavi oh." ani ni Tera at saka ako nilingon ni Bright.
"Hey... you're on time, wow." ani niya bago ako niyakap.
"Yep, here's your lunch, Tera isinama ko na ang lunch mo diyan. Sayo yung yellow set." ani ko at nanlaki ang mata ni Tera.
"Wow ha, salamat." ani nito, binuksan ni Bright ang bag at ini-abot kay Tera ang yellow na lunchboxes.
"Una na ako, ako naman ang kakain." ani ko at tumango si Bright.
"Thanks, Xav, alam kong masarap 'to." ani niya bago ako hinalikan sa noo.
I smiled at him, "Thanks, enjoy your lunch." ani ko bago sila tinalikuran. Akmang pagkaharap ko sa aking unahan ay doon ko nakita ang pamilyar na mukha.
"Bright..." tawag ko dito, narinig ko itong mag-hum.
"Isn't that... Ianna?" turo ko sa babae na nakatingin sa gawi namin habang may kauspa na iba.
"Oh... yes, anak siya ng CMO namin. I'm a bit surprise to see her here." ani ni Bright at utay-utay akong tumango. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa gawi namin kaya naka-isip ako ng idea. Muli kong hinarap si Bright bago ito hinalikan sa pisnge.
"Una na ako, enjoy, bye!" ani ko bago naglakad na papalayo, kung si Ianna ay hindi nag-aalis ng tingin sa akin ay ganun din ako. Kumulo yata bigla an dugo ko dahil sa kaniya, gutom lang 'to.
Pag-uwi ko ay nagsandok na ako ng kanin at kumain mag-isa habang nanonood ng TV. Nakataas pa ang paa ko sa sofa at kung dadatnan ako ni Bri sa ganitong sitwasyon ay baka tawanan ako nito.
Nang matapos akong magtanghalian ay nagpahindag ako habang naghuhugas ng aking pinaglutuan at pinagkainan. Matapos iyon ay pumunta na ako sa kwarto at muling nag review. May exam kasi ako bago pa man ang birthday ko, ang galing talaga.Pero at least mag ce-celebrate ako ng birthday na wala nang exam na iniisip.
Mga bandang alas tres nang matapos akong mag review, naisipan kong matulog at magpahinga gaya ng sabi ni Bright.
Nagising ako sa dahan-dahan na haplos sa aking braso. Sa takot ay agad akong napa-upo sa kama at parehas kaming nagkatainginan ni Bright na may gulat na ekspresyon sa aming mga mukha.
"Are you okay?" tanong niya, napahaplos ako sa aking noo at tumango.
"Akala ko kung sino," ani ko bago humagalpak ng tawa. Pati siya ay napatawa ng pagak at napatakip ng kaniyang mata. He pull me by my nape and pull me closer to him and hugging me tight.
"Looks like you had a good afternoon sleep, may bakat ng buhok sa noo mo." ani nito at napatawa ako ng pagak sa kaniyang balikat.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso, "Sira ka, anong oras na ba?" tanong ko dito habang nanatili na nakayapos sa kaniya.
"It's 6PM, I bought snacks." ani niya habang hinihimas ang likod ko.
"Bumili ka pa, ang dami natin pagkain." ani ko bago kumalas sa yakap.
"It's donut," ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko.
"Ay weh? Tara kain tayo." Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinatak siya palabas ng kwarto. Nakita ko ang kahon ng donut na kaniyang sinasabi.
"Ay wow! I love these!" ani ko bago binitawan ang kaniyang kamay at binuksan na ang kahon ng donut at kumuha ng isang piraso.
"Addi said 8PM daw kayo sa bahay ni Jake." Nilingon ko si Bri na hawak ang cellphone ko at tinitngnan ang messages namin ni Addi.
"Ah okie, ask mo address ni Jake." ani ko habang patuloy na ngumunguya ng donut. Nakita ko siya na nag type sa cellphone ko at ako naman itong kumuha ng fresh milk mula sa ref.
"She sent the address, its a subdivision, susunduin ka daw niya." ani nito nang umupo ako sa aking upuan.
"Nino?" tanong ko bago ibinaba ang baso na may laman na fresh milk.
"Si Addi," ani niya bago inilapag ang cellphone ko at umupo sa tabi ko at kumuha ng donut.
"I won't eat dinner na here." I said while chewing on my donut.
"Sure lang, no problem, I'll jus cook for myself." ani niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Napansin ko agad ang tono ng boses niya kaya napangisi ako bago pinunasan ang aking kamay ng tissue.
"Aww, sad ang bebe ko!" ani ko na parang bata ang aking kinakausap, napalingon siya sa at nanlaki ang mata.
"I'm not, by the way, don't forget to enjoy there. Don't worry about me, I promise, hindi ako nagseselos, nag-aalala ako pero I know you will take care of yourself and your friends will take care of you." ani nito bago hinimas ang aking buhok.
"It almost 7PM na, aren't you gonna get ready?" tanong nito at napangisi ako.
"Kiss muna!" Ngumuso ako sa harap niya at napahagikhik ito bago ako hinawakan sa aking pisnge at mabilis na hinalikan sa labi.
"May gatas kapa sa labi, go on, get ready na, baka maaga kang sunduin ni Addi." ani niya at tumango ako bago inilagay sa lababo ang baso na ginamit ko at pumaosk an ng kwrato para maligo ulit. Nakakahiya naman kasi if mabaho ako mamaya. So I once again shampood my hair and conditioner. Then wash my body and put on a decent clothes.
"What do you think about this clothes? Isn't it a bit revealing?" I ask Bri as I show him the clothes I'm wearing. I'm wearing a beige trouser and a polo that is a bit short that shows my stomach.
"It looks nice, wala naman masama if medyo revealing." sagot niya at utay-utay akong tumango habang tinitingnan ang aking balat na labas at sinubukan an ibaba ang polo.
"Don't pull it down, hindi bagay kapag pinipilit mo na higitin pababa, let it be." ani niya sa akin at tumango ako hinayaan na ito. Humarap ako sa vanity table at nagtuyo na ng buhok bago naglagay na ng make-up.
"Do I look nice?" tanong ko dit nang matapos akong maglagay ng make-up. He look up from his phone and smiled.
"Perfect, beautiful." ani niya at napanguso ako.
"Yes or no lang eh," ani ko bago dinampot ang aking pabango, narinig ko siyang tumawa at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.
"Let's take a picture." He wrap his left arm around my waist as hi pull out his phone, he place his chin on my shoulder before taking a mirror selfie from the vanity mirror.
"I'm letting people know who owns me." ani niya at napatawa ako ng pagak. May Instagram nga pala ito na halos mukah ko rin ang laman, minsan ay gamit o kung ano man, basta hindi niya mukha.
Biglang umalingawnagw ang katok sa buong condo na nasundan ng pagtawag ni Addi, nakatinginnan kami ni Bright at ngumisi sa isa't-isa bago kumalas siya mula sa pagakahawak sa beywang ko at lumabas ng kwarto habang ako naman itong kinuha na ang aking bag at sumunod na kay Bright sa labas.
"I'm here na," ani ko nang lumabas ng kwarto, nakita ko si Addi na nasa pintuan.
"Bakit di ka pumasok?" tanong ko dito,
"Ayaw ko, amo'y kasalanan yung condo niyo." ani niya at nanlaki ang mata ko.
"Gaga ka! Tara na nga! Aalis na kami, bye!" Kumaway ako kay Bright at kumaway siya pabalik bago lumabas na kami ni Addi at naglakad sa hallway.
"Siraulo ka, last week pa 'yon." ani ko dito bago kami sumakay ng elevator.
Paglabas namin ng building ay sumakay na agad kami sa Taxi papunta sa bahay ni Jake.
"Laki ng pinagbago ng bahay na 'to." ani ko nang tumigil kami sa harapan ng bahay nila Jake.
"Siya nalang ang nakatira diyan, nasa US na sila tita." ani ni Addi, may katulong na ipinagbukas kami ng gate at pumaosk na kami.
Malayo palang ay si Ken na agad ang nakita ko.
"Long time no see!" ani niya bago ako niyakap at ganun din si Addi.
"Nasa loob na sila, nagsisimula na." ani niya at pagdating nga namin sa sala ay nakahelera na ng mag alak sa lamesa.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag inom.
"So kailan ang kasal Xavi-"
"Alam niyo pati sila mama, tapos father ni Bri 'yan din ang tanong. Patapusin niyo muna ako ng residency, please lang." Putol ko kay Ken, nararamdaman ko na yung kalasingan ko at kung ano-ano na ang sinasabi ko.
"Kayo? Ano na? Love life niyo? Wala? Napaka lungkot ng buhay niyo!" ani ko bago sumubo ng pulutan, si Addi an lasing na ay nakasandal na sa braso ko.
"Jake? Ikaw? Walang Americana na bet? Naka-ilang punta kana sa US ah?" ani ko bago uminom ng shot ko.
Nakita kong napangisi si Jake, "They're not my type," ani nito at napasimangot ako.
"Ano ba type mo?" tanong ko bago ini-abot kay Tera ang sot niya.
"Someone like you..." natigilan kaming lahat sa knaiyang tinuran.
Nanahimik kami at nagkatinginan kami ni Jake, "But you're taken, so I'm looking for someone who have the same trait like you." Dagdag niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"Jake, huwag kang masyadong malandi ano ba! Baka magalit yung jowa ni Xavi!" Sita ni Ken at napahagikhik kami ng tawa at maski si Jake at napatawa.
"Ay speaking of Bright, nabanggit na ba niya sa'yo na lapit sa kaniya nang lapit yung Ianna? Ex niya daw yun sa highschool eh." Natigilan ako sa pagtawa sa sinabi ni Tera, nilingon ko siya at napakunot ang aking nooo bago utay-utay umiling.
"Not yet, wala siyang nababanggit." ani ko at maski siya ay napakunot nag noo.
"Baka nakakalimutan lang, maski siya naiinis na eh, masyadong malandi yung ababe na 'yon. Minsan nga gusto ko nang sapukin on behalf of you kaso na-alala ko, anak ng CMO namin." ani ni Tera bago humagalpak ng tawa, ako itong nagpeke ng tawa bago naptingin sa kawalan.
Wala naman siyang nababanggit, pero wala naman nag kaso yun. Ex na nga eh, kahit nauna siya, natapos a sila at ako na ang present.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top