Chapter 10: knight in shining armour
Samuela's Point of View.
"Sigurado ka?"
Buti na lang nakayuko ako kaya hindi niya makikita ang bahagyang nanlalaki kong mga mata. I was taken aback by that joke. I don't understand why they should dig in more to this case. There is nothing more to this. Wala namang gold o malaking pera kapag mahuhuli nila ang totoong may sala. Why are they working their butt off for this. I did the right thing.
Should I kill them too?
Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko sa nag-aabang na police officer sa harapan ko. Ngumiti ako at tumawa nang bahagya para mabawasan ang tension na nararamdaman ko.
Pero bago ko pa man masagot ang tanong niyang iyon ay may isang taong humila nang pagkalakas-lakas sa braso ko upang mapatayo kaagad ako. Gulat akong lumingon sa taong gumawa niyon at nagpupuyos sa galit ang tatay ko ang sumalubong sa akin. Halos magdikit na ang dalawang kilay niya. Napansin ko rin ang bitbit niyang bagpack ko at of course pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Sino ba namang hindi, eh dalawang naka-uniporme ng police ang nakapalibot sa iyo.
Kulang na lang handcuffs para nasa akin ang spotlight ng lahat.
"Let's go, Samuela." Hinatak niya ako papalayo kay mamang police officer. Katulad ko ay gulat din ito sa pagsulpot ng daddy ko. Hindi niya ata alam kung ano ang gagawin dahil nakatayo lamang siyang pinagmamasdan kami.
Pilit kong inaalis ang mahigpit na kamay ni daddy sa braso ko. "Sandali lang. I need to talk to--"
"At sino naman ang may sabi? Hindi kita pinaaral para lamang sumama sa mga police, Samuela. Tapos na ang kasong ito bakit nandito ka pa rin Anthony?" singhal ni daddy sa officer na kausap ko kanina. Now I recalled that he introduced his name as officer Anthony at sir Andresio's house, sadly I easily forgot about that.
Pinagkiskis ni sir officer Anthony ang mga palad niya na parang nilalamig habang kausap si daddy. Akala mo naman kung gaano ka-intimidated ang matandang ito.
"Actually, napadaan lang po ako sir hindi rin naman ako magtatagal." Tinapunan niya ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. "Pasensya na sa isturbo, Samuela."
After that, daddy dragged me to his police car park just right outside the exit gate. Binawi niya lamang ang kamay na nakadiin sa braso ko matapos niya akong papasukin sa sasakyan niya. Pagupo sa driver seat ay tinapon niya kaagad ang nanahimik kong bagpack sa back seat. Hindi na lamang ako nagsalita habang nasa byahe kami dahil napapagod na akong makipagtalunan sa kaniya.
Bilang isang ama, may karapatan naman siya para mag-alala pero sana lang pinapayagan niya ako sa mga gusto ko. Sana yung mga ginagawa niya ay nakakapasaya sa akin. Nang dahil naman sa kaniya kaya ako nagkakaganito.
"I am sorry, Samuela hindi mo pa pala kaya mag-aral. Hahayaan muna kitang magpahinga bukas." Uminit kaagad ang ulo ko sa sinabi ni daddy. Kaagad akong lumingon sa kaniya. Taliwas kanina ay tila umuusok ang ilong niya ay ngayon tila anghel na nahulog sa langit. Kanina ay halos mabali niya na yung buto ko pero pasalamat naman ako ngayon ay kumalma na siya.
"Kaya ko na po, dad." Halos walang kabuhay buhay akong sumagot. Paulit-ulit na lang nakakayamot na siya, ah. Kailangan ko atang makipag-meet up sa kaniya kundi ay matatapon ako sa presinto nang wala sa oras.
"It's been hard when your mom left us and it is the same right now. What do you think of transferring to another school?"
I clenched my teeth and heaved a sigh. Fuck I'm sick of this.
"We can start off new there. I am thinking of a province, Samuela, it is not that bad..." As if he was day dreaming telling me what's good in the mountain. May mga puno nga doon pero may mga rebelde naman at hula ko walang wifi roon. Ano na lang aatupagin ko kung wala akong makakausap sa loob ng bahay? Sasanib sa mga rebelde? I think that was the worst idea I have every think of.
"Anong oras na ba at bakit kayo nandito?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin at sa tanawin lamang sa bintana ako nakapukos.
"Your teacher called me. Hindi ka raw pumasok matapos ang lunch time kaya dumiretso na ako sa paarala mo. Do you know how worried I am when she told me you are not comfortable yet with your classmates?"
Madami pa siyang binanggit na hindi ko na pinakinggan pa at umidlip na lamang.
"Samuela, ingat sa pag-uwi. Don't worry about us." Nagulat ako nang may humapit sa bewang ko at pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. Tila may humaplos sa puso ko pagkakita sa mga kaibigan ko noon. Ganoon pa rin ang kulay ng buhok ni Amelia noong huli ko siyang makita. May purple highlights siya na bagay na bagay naman sa kaniya. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng kaibigan ko.
Hindi ko maiwasang ngumiti sa kaniya. Nais ko siyang kamustahin pero iba ang lumabas sa bibig ko. "We'll do it next time I promise. May emergency lang talaga sa bahay." I sounded so apologetic this time.
Hindi lamang si Amelia kundi may halos sampu pang studyante ang nakaupo sa sahig ng covered court namin. Naalala ko ang araw na ito, we were going to practice for our cheer dance when a call canceled it.
Labis akong naguluhan nang kusa na lamang gumalaw ang mga pares ng paa ko papalayo sa kanila tungo sa pamilyar na daan. May nalalampasan akong mga saradong classroom na mukhang umuwi na ata ang lahat dahil napakatahimik na ng hallway. Maya-maya ay lumiko ako sa pinakaunang kanto patungo sa susunod na palapag na kung saan may pinihit akong pintuan papasok.
Nais kong tumigil pero hindi ako pinapayagan ng mga paa ko. Ano ba kasing ginagawa ko rito bakit ba ako narito. Sasaktan na naman ba ako?
Makulimlim na ang kalangitan pagtapak ko sa rooftop ng school namin. Hind ko alam kung anong oras na pero mukhang mag a-alas sais na ata dahil dismissal time na, at maliit na lang ang bilang ng mga studyante.
Nakakapagtaka lang din kung bakit nandito ako sa lugar na ito. Sa pagkakatanda ko ay may nangyaring kagimbal-gimbal dito na pilit kong inaalis sa memorya ko.
As if on cue, I saw a familiar figure standing before me. Mahigpit ang kapit niya sa metal na bakod na nakapaligid sa rooftpp at nililipad ang mahaba at maitim niyang buhok. Napatitig ako sa mga paa niyang walang sapin at saka pumintig ng malakas ang puso ko.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya pero nanginginig na ang mga kamay ko. Gusto ko na rin sumigaw upang humingi ng tulong pero para bang wala akong lakas.
Nang nasa likuran niya na ako ay lumingon siya sa akin at nasilayan ko ang maamo niyang mukha. Nakangiti si Mama sa akin habang tinatawag niya ang pangalan ko.
Nanunubig ang mga mata ko at nagawa ko nang mapabulong sa hangin. "Mama."
May maputing balat si Mama at nakasuot siya ng puting bestida. Namamayat na rin ang mukha at katawan niya pero hindi ko maitatangging maganda pa rin siya. May kaunting kulubot na rin ang noo niya.
Inabot ko ang kamay niya at tagumpay ko naman itong nahawakan kaya napangiti ako.
Mama, na-miss kita.
Nais ko iyon sabihin sa kaniya. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero bakit ayaw na naman bumukas ng mga labi ko. Gusto ko siyang yakapin pero napagtanto kong limitado lamang ang mga kilos ko.
Nasaan ba kasi ako at gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito!
May tumulong mga luha sa mga mata ni mama. Walang tigil ang mga ito. At ang mas nakakagimbal pa sa lahat ay nakatitig siya sa mga mata ko na walang bahid na anumang reaksyon. Umiiyak siya pero nakadilat lamang ang mga mata niya.
Nanindig ang balahibo ko sa batok at napalingon-lingon sa paligid ko. Wala akong nakikitang ibang tao kundi kami lamang. Hindi rin ako makasigaw.
"Ma—mama?" pumiyok ang boses ko dahil sa takot.
Nanginginig na ang kalamnan ko nang paunti-unti siyang napangiti. Malapad ang ngiti niya. Dikat ang mga mata at basang-basa ang pisngi dahil sa mga luha.
“Anak, bakit mo ako pinatay?”
Iyon ang huli kong narinig mula sa kaniya at kasabay nito ang pagdilat ng aking mga mata na para bang nasa isang panaginip ako. Sumalubong sa akin ang pamilyar kong kwarto pero hindi na naman ako makagalaw habang nakahiga sa kama ko.
Tila mga mata ko lamang ang naigagalaw ko at ipinikit ko ulit ang aking mga mata pero mukhang maling aksyon ata ito dahil bumalik na naman ako sa rooftop.
Sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan, lalong lalo na ang ulo ko. Tila naging mabigat ang pakiramdam ko at dinadalaw na ako ng antok. Mabaho rin na parang metal sa gilid ko at paglingon ko rito ay may dumadanak na pulang likido sa semento.
Wala akong ideya kung saan ito nanggagaling at hindi ko kayang maigalaw ang mga binti at braso ko, at pagtingin ko rito ay nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung anong nangyari sa akin.
Mula sa kinahihigaan ko ay ang nataas na gusali ng paaralan namin na binagsakan ko. Nabali ang binti at braso ko. Nakayupi pa ang binti ko at may buto na lumabas. Nakaharap ako sa gusali nang maaninag ko ang ulo na may mahabang buhok. Tantiya ko ay ito si Mama na nakita ko kanina sa rooftop.
Ngunit bakit ako narito. Bakit ako—
Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko kung paano bumulusok na pagkahulog si Mama papunta sa akin at bago pa man niya ako matamaan ay napabalikwas na ako ng bangon pero nakaupo pala ako sa arm chair ko at nahulog ako sa upuan at unang tumama ang pwetan ko.
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Umugong ang bulungan nila at pangungutya sa akin na kesyo attention seeker daw ako at siguro na baliw na.
Ngunit sa kabila niyon ay sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko na ito nakayanan at tumayo na ako. Parang umikot yung mundo ko pero pinilit ko pa rin ang sarili kong umalis sa classroom na iyon. Bahala na kung magsirko-sirko akong maglakad na parang lasing.
Nang makita ko ang malapit na upuan na 'di gaanong matao ay doon na ako nagpahinga at magpalipas oras na lamang.
Nagpapasalamat din ako dahil mahangin dito at unti-unting kumalma ang puso ko. Hindi na rin gaanong umiikot ang paningin ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Saka napanaginipan ko na naman si Mama. Ang pait nga lang dahil nakita ki yung sarili kong naliligo sa sarili kong dugo. Which was a first time for me.
Binangungot naman ako tungkol kay Mama pero first time yung parang realistic talaga na katapusan ko na. Siguro dahil lang ito sa stress.
Napabuga ako ng hangin haang nakayuko pero napatingala kaagad ako nang maaninag ang dalawang pares na sapatos sa unahan ko. Puro pamilyar ang mga ito dahil uso ito ngayon yung mga white korean sneakers na sapatos.
Naguguluhan akong nakipagtitigan sa dalawang pares na mga mata ngayon. Mukhang nakita ko na sila pero hindi ko maalala. Hindi rin sila nakauniporme kaya baka nakita ko lang sila sa kanto bilang mga adik na katulad ni si Andresio—joke lang!
Tinaasan ko sila ng isang kilay nang hindi sila magsalita. Nahagip pa ang ngisi ng isa na may piercing sa magkabilang tainga niya. Nakasuot siya ng kulay maroon na coat na bagsak papuntang binti niya, at sa loob nito ay white turtle neck, sa baba naman ay brown trousers. May katangkaran din siya na lagpas sa height ko. Mas matangkad siya sa kasama niya at mas attractive.
Ang isa naman ay simpleng long sleeves na kulay black lang at black din na trousers ang suot. Naalala ko tuloy si Winny sa kaniya, except lang dahil naka-eye glasses ang isang ito.
Nang magtama ang mga mata namin ay nagsalita siya. “Pinatay mo raw ang kaibigan namin?” tanong ng apat na mata sa akin na wala man lang bahid na hiya.
Sa totoo lang ako pa yung nahihiya sa kanila dahil dalawang lalaking may mukha sa harapan ko. Kung malandi pa lang ako ay siguro naglupasay na ako sa sahig o hindi kaya pakiusapan sila na buntisan ako—ew bakit ko naman ito naiisip.
Tumayo na ako para naman hindi mangalay itong leeg ko kakatingala sa kanila.
Magka-height lang kami ni apat na mata at mga 4 inches lang din ang pagitan namin ng isa.
“Maling tao ata ang tinatanong niyo, wala akong alam sa mga—”
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinambunutan ako ng lalaking naka-coat na akalain mo napakalamig ng Pilipinas.
Itinagilid niya ang ulo ko at halos mabale na ang balakang ko sa pagsambunot niya sa buhok ko. Napahawak ako sa braso niya at napa-angal sa ginagawa niya. Mukhang balak niya pa ata ako kalbuhin!
“My friend we're asking you nicely, bitch. Did you kill Chen?” si kuyang nakasambunot ang nagtanong na naman sa akin.
Pakiramdam ko namumula na yung mumha ko at makakalbo na ako sa ginagawa ng lalaking ito. Ang sakit-sakit ng anit ko, na parang mahihiwalay na sa ulo ko.
Pero ang putangina hinigpitan pa kaya napapikit na lamang ako.
Malapit lang ang mga mukha namin ng isa, nararamdaman ko na nga ang mainit niyang hininga at nakaisip ako ng paraan upang mas asarin pa sila.
“Kuya, you wanna know what happen? This is a top secret though, wanna hear?” I smirked to irk them.
Walang inaksayang oras ang lalaking nasa harapan ko at inilapit ang kaniyang tainga sa bibig ko para marinig ang sasabihin ko. Nag-alinlangan pa ako sa gagawin dahil baka matetano ako sa kay daming piercings pala itong tainga niya. Parang mapupuno na nga.
Pero bago ko pa ito gawin ay nabitawan na ako nang isa dahil may unexpected na dumating na akala mo ay knight on shining armour ko.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top