01💧Grenade
Atalanta Jinelle Diaz
School days were always hell.
With hell, what I meant was we don't have the enough leisure and privilege to enjoy our sleep!
Dali-dali akong sumakay sa sasakyan kasama ang butler namin dahil mahuhuli na ako sa klase. I blew out some air to ease my panting. As I sat on the second seat of the car, my phone vibrated from the inside of my skirt's pocket.
Eunika bombarded me with almost a hundred messages, pero hindi na ako nag-abalang pansinin pa ang mga ito, sa halip ay isinandal na lamang ang aking ulo upang maibsan ang pagod at inis na nararamdaman.
I was certain that I turned on my alarm last night, but it turned out that my phone was at silent mode kaya hindi ako nakagising nang maaga at ngayo'y ma-l-late na nga sa klase.
"Thanks, manong."
I didn't wait for his reply and instantly got down from the car. I knew that it was rude but I hope he understood that I was in a hurry. Sumabay na lang ako sa ibang mga mag-aaral papasok ng paaralan.
I sighed in relief when I saw students in the school ground wandering and doing their stuff. Clearly, the school bell haven't yet rang. I silently scoffed as I remembered that I didn't take my breakfast with the thought of getting late.
I guess, I have to visit the campus canteen later.
I was about to take the track towards the Engineering Building when someone harshly gripped my arm. Napaigtad ako sa higpit nang pagkakahawak nito sa 'kin at akmang manunumbat kung hindi ko lang ito nakilala kaagad.
"Really, Tala? Ang bagal mo. Alam mo bang naririndi na ako rito kahihintay sa 'yo kasama ang mga walang hiyang 'to?!" panimulang sermon sa akin ni Eunika nang nakapameywang.
I sighed and rolled my eyes. Siya lang naman kasi ang dahilan kung ba't nagkanda-ugaga na ako kanina sa bahay dahil sa pag-aakalang sobrang nahuhuli na ako sa klase. Her text messages were all exaggerated to the point that I literally thought that I was late for more than an hour!
Hindi ko na lang ito pinansin at binalingan ng tingin ang dalawang lalake sa isang gilid na animo'y nagtatalo na naman.
"Ang sakit no'n, ah! Ba't mo ako pinalo?!" asik ni Nik.
"Hala, 'di ako 'yon. Si Ethan kaya ang gumawa no'n. Kita ng dalawang mata ko kung paano ka niya pinalo," depensa naman ng lalakeng nakahalukipkip at pasimpleng sumisipol. Napabuntong-hininga ako. They were fighting nonsense again over gibberish things!
Nik's eyes narrowed as he heard Steele's defense. "Huwag mo akong niloloko, Steele. Kausap ko si kuya at bigla na lang may kung sinong walang-hiya ang nanapak sa likod ko. At wala na akong ibang kilala na mananapak maliban sa 'yo at kay Eunika," anito sabay tingin sa direksiyon namin.
Eunika scowled. "Nasali pa talaga ako riyan sa mga kalokohan n'yo? Nananahimik na nga ako rito."
"Hindi nga kasi ako 'yon! Good boy ako at nag-b-behave lang dito sa tabi," saad na naman ni Steele sabay tingin sa direksiyon namin at biglang nagliwanag ang mukha.
"Nandito ka na pala, Tala?" Nanlaki ang kaniyang mga mata habang sinisipat ang aking kabuuan.
"Hindi Steele, kaluluwa niya lang iyan," pangbabara naman ng babaeng kasama namin.
I slightly raised a brow as I saw him dismayed.
"Gano'n ba? Akala ko pa naman siya na si Tala," nanghihinayang saad nito.
Hindi na ako nagulat nang malutong itong binatukan ng babae. I merely face palmed because of their childish acts. Goodness! We were in the middle of the hallway and they acted like we weren't in public! Ako iyong nahihiya sa kanila!
"Ang loko-loko mo talaga kahit kailan. Si Tala nga iyan, Steele! Hindi mo siya makikita kung kaluluwa lang siya! Puwede ba, gamitin mo naman iyang utak mo kahit ngayon lang?" Eunika was irritated badly. Binara niya pa kasi gayong alam naman niyang medyo may turnilyo ang utak ng lalake.
"Huh? Ba't sinabi mong kaluluwa lang niya iyan? Tapos ngayo'y sasabihin mong si Tala nga iyan? Ikaw nga itong magulo, eh!" The guy retorted making the others sigh in frustration.
Well, what do we expect? Steele is sometimes a hopeless case.
Nagpatuloy pa rin ang dalawa sa kanilang pagbabangayan nang marinig namin ang nakaririnding tunog ng school bell ng paaralan.
"Alright, I'm out of here." Agaran kong hinila si Nik at bumaling kay Ethan na ngayo'y natatawang nakatingin sa dalawang patuloy pa ring nagtatalo. He turned to my direction when I waved at him. Tinanguan ko siya, sinasabing siya na ang bahala sa dalawa. Sumaludo ito sa akin kaya napangiti na lang ako.
Nauna na kaming umalis ni Nik papuntang Engineering Building. Both of us took engineering. The only difference was I took Naval while he was in Civil. Si Eunika naman ay kumuha ng HRM, since mahilig itong magluto at gusto niyang gamitin iyon sa kaniyang pag-aaral. On the other hand, Steele took up Nursing while Ethan decided to go with Education.
We were supposed to get inside our building when suddenly a girl blocked my way. Huli na upang maiwasan ko ito kaya nagkabanggaan kami't nahulog ang mga librong dala-dala nito.
"Watch where you're going, nerd!" bulyaw nito at matalim akong tiningnan.
Tinulungan naman ni Nik ang babae sa pagpulot ng kaniyang mga dala. Napayuko na lang ako nang unti-unti naming nakuha ang atensiyon ng ibang estudyante sa daan. I wanted to scold myself for not paying so much attention to the people around me. Pero alam kong may kasalanan din ang babae dahil nakaharang ito sa daanan.
Humingi ako ng paumanhin para makaiwas sa gulo bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa ang pagalit na tugon ng babae at iilang bulungan sa paligid, ngunit hindi ko na ito pinansin.
The guy beside me muttered a 'tsk' kaya napabaling ako rito.
"I know that I don't have the right to bring this up, Tala," he gave me a side glance before continuing, "but it would be better if you'd take off your disguise. Hindi ka makararanas ng mga pangmamaltratong ito kung makikita lang nila ang totoong anyo mo. I just . . . I don't think you deserve their cruel treatment."
My lips curved up, showing a hint of agreement to what he said.
Wearing a disguise every day to conceal my true appearance is taking a toll on me. Mahirap magsuot ng makapal na wig at salamin lalo na't hindi ako sanay, but I have to endure this if I didn't want to experience again what happened years ago. The trauma was still within me and I couldn't bear feeling it again.
"You know what? You're right," pagsang-ayon ko sa lalake dahilan para matigilan ito. I halted on my track and faced him. "But it would also be better if you'd treat me something to eat at the canteen. You don't want me attending class with an empty stomach, right?"
He squinted his eyes, which made me smile. "Bibilhan kita pero magsusumbong pa rin ako kay kuya."
"Hey—" I wasn't able to continue my words when he instantly disappeared from my sight.
Palihim na lang akong bumuga ng hangin. Well, at least I diverted his attention to something more significant and sensible. Dumiretso na ako sa ikatlong palapag ng gusali kung saan naroroon ang silid-aralan ng mga taga-Naval Engineers. Without a second thought, I pushed the door open and was slightly shocked to be greeted by five students on their seats. Tumaas ang isa kong kilay, ngunit hindi ko na ipinahalata.
May himala siguro't naging lima na sila. Kadalasan kasi'y isa o dalawa lang ang madadatnan ko rito sa umaga. And looking at these people, it was without a doubt that the Engineering students in this university were considered the most pasaway compared to the courses. Napaismid ako dahil pati kaming mga matitino ay nadadamay sa mga kalokohan ng iba.
Umupo na lang ako sa aking upuan at kinuha 'yong librong binabasa ko. Napagsiyahan kong magbasa muna habang hinihintay ang pagdating ng iba kong blockmates at ng pinakamamahal naming guro.
- - -
Time flew fast and we were already at our last subject which was the most boring one.
History.
I had no idea why was there still a History subject in college, especially in my course dahil hindi naman nauugnay ang Naval Engineering sa sinaunang panahon.
Kasalukuyang nagsasalita ang aming propesor sa harapan tungkol sa paglalakbay ni Magellan sa buong daigdig. I want to literally face palm and scream in frustration. Like seriously, I've known that topic since elementary tapos uulit-ulitin pa rin nila hanggang ngayon?
Ano'ng tingin nila sa 'min, mga mangmang?
An hour was intended for this subject but it felt like I was already sitting here for a century! Overstated it was but I damn hate history. As if namang puwede naming balikan ang nakaraan.
I tried to look on the wall clock in our room to check the remaining time, but it only disappointed me even more. Fifteen minutes pa lang naman ang lumipas no'ng nagsimula ang klase.
God! Nababagot na ako rito!
Walang gana kong binalingan ang guro naming nagmumukhang pari kung maka-discuss sa harapan. He was just talking monotonically, which causes us to not pay attention to his class! He could have just did some activities para naman hindi kami mamamatay rito sa umay. He was wasting his saliva for absolutely nothing!
Inibot ko ang aking paningin sa buong silid para sana aliwin ang sarili ko, ngunit lalo lang akong napasimangot sa nakita.
Kadalasan sa mga kaklase ko'y natutulog. Iyong iba naman ay nag-s-sound trip at mayroon ding nakatutok lamang sa kani-kanilang mga cellphones. May mga nagsusulat din ng kung anong hindi ko alam sa kanilang mga kuwaderno.
Napabuntong-hininga ako. Lately, I was already feeling stressed, yet I never thought that this class could increase my stress fivefold!
Kinuha ko na lang ang aking doodle notebook at naisipang mag-doodle para naman maibsan nang kahit kaunti 'yong pagkabagot ko. Akmang magsusulat na ako nang bigla kaming binulabog ng isang kakaibang tunog sa buong silid.
Umangat ang aking tingin sa fire alarm light. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong umiilaw iyon, senyales na may nangyayaring sunog sa paligid.
"Shit." Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit.
"No pushing to avoid stampede. The staffs are doing their best to extinguish the fire," pahayag ng aming guro pero hindi na ito nagawang pansinin ng iba sa kadahilanang natataranta na rin ang mga ito.
Damn! May sunog ba?
Oh, goodness, Atalanta! What a nice question.
Napailing na lang ako at kaagad lumabas dahil ako na lang pala mag-isa ang naiwan sa aming silid. The fire alarm was still enveloping the whole third floor and I can already smell the faint scent of smoke and . . . gasoline?!
Mabilis akong lumabas ng silid at tatawirin na sana ang daan patungong fire exit, ngunit mabilis na natigilan nang may kung ano akong naapakan.
Kahit nagmamadali ay nagawa ko pang yumuko at tingnan ito nang maigi.
"What the—" Halos manlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano iyon. Kaagad akong kumaripas ng takbo at hindi na lumingon pa.
Who the hell would place a grenade without its safety pin in the middle of the hallway?!
Alam kong may kalayuan na ang aking distansiya sa bomba pero tumalsik pa rin ako nang sumabog iyon. Naramdaman ko na lang ang paglipad ng aking katawan at ang pagtama ng aking ulo sa isang pillar sa hallway. I heard a deafening sound after the explosion and my vision started turning.
"Tala!"
Someone was calling my name, but I didn't have the chance to familiarize the voice. My mind became hazy and my head started throbbing. Tinanggal ko iyong wig at glasses ko nang sa gayon ay makaramdam ako ng kahit kaunting ginhawa.
Tiningnan ko naman ang aking mga kamay nang maramdamang may kung anong malapot na likidong naroon, at halos panawan ako ng ulirat nang makitang dugo pala iyon.
Ganoon ba kalakas ang pagtama ng aking ulo sa pillar para dumugo ito?
"Tala! Tala, ayos ka lang? Ha? Shit! Dumudugo 'yong ulo mo!" napasigaw si Nik nang makitang may tumulong dugo mula sa aking ulo. My eyes immediately felt drowsy. Lumalabo na rin ang aking paningin at pakiramdam ko'y ano mang oras ngayon ay babagsak na ang aking katawan.
"Shit. Shit. Shit. Tala, no! Hold on!"
Boses ni Nik ang huli kong narinig bago sinakop ng kadiliman ang aking paningin.
HagaraSibs, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top