Part 2

"Malapit na tayo?" tanong ko sa kanya. Nasa bangka na kami ngayon. Nag sasagwan siya habang ako ay nakaupo lang sa gilid.

Kanina pa nga ako nagtataka, dahil nag sasagwan siya, samantalang lahat ng bangka na nakikita ko ay may mga motor. Natatangi lang itong kanya na di sagwan pa rin. Nagkibit baliakt na lang ako.

Azucarado island pala ang tawag sa maliit na island nila. Naikwento kasi sa akin ni Carding na taga roon siya, dymadayo lang siya sa island bates pra daw makapagtinda ng mga tubo at mga kamote. Sabi pa niya, ang isla raw nila ang may pinaka matamis na tubo at kamote. Kaya nga ng sinabi niya 'yon ay na excite ako, isa kasi sa paborito kong pagkain ang kamote. Lalo na yung matamis.

Hindi sa kalayuan ay may lumitaw na isla, nasa malapit siya sa gitna ng dagat. Nakakagulat naman na mayroon palang ganito dito sa bates? Parang hindi ko kasi ito nakita nung nasa biyahe ako papunta sa bates.

"Ayan na ba ang isla ninyo?" tanong ko kay Carding ng maingat niyang itabi ang bangka. Nauna pa nga siyang bumaba, itinali niya kasi ang makapal na lubid sa gilid ng batong patusok doon sa may daungan.

"Oo. Ito ang isla ng azucarado. Maligayang pagdating, Daisy." aniya.

Naliit naman akong tumiklop ng humangin ng malamig muntik pa nga akong ma out of balance ng gumalaw ang bangka, mabuti na lang at hawak ni Carding ang kamay ko kaya hindi ako natumba.

"Salamat." sabi ko at hinayaan ko na siyang buhatin ako para maibaba sa bangka.

Inayos ko ang bag ko ng mahulog 'yon sa balikat ko.

Ilang lakad pa ang gianawa namin at nakaahon kami sa mataas na parte ng isla.

"Wow.." bulala ko ng makita ang kabuuan ng lugar nila.

Ang ganda.. maraming puno at malinis. Puro bahay na kahoy ang narito ngunit mukhang matibay naman.. may iilang bata na nagtatakbuhan at ang mga kalalakihan naman ay may hawak na itak, at kanya kanyang putol sa mga tubo. Nalingunan ko rin sa kabila ang tinatawag nilang Kins lomihan. Mukha siyang luma sa peesonal ngunit malinis naman. May iilan din na kumakain doon.

"Ang ganda ng lugar ninyo!" sabi ko kay Carding.

Ngumiti naman siya. "Maganda talaga ang Isla azucarado. Maliit man ngunit mayaman at masagana." aniya.

"Oo nga.." sabi ko din at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Nasaan ang pamilya mo?" tanong ko ng makalagpas kami sa mga natataga bg tubob o sugarcane.

"Wala na akong magulang. Ang tanging pamilya ko na natira ay ang kapatid kong lalaki, ngunit nag asawa na siya at sa isla bates siya namamalagi."

"Ah! So..ikaw na lang pala mag isa ngayon?"

"Oo ako na lang." aniya. Tumigil kami sa tapat ng isang maliit na kubo. May upuan ito sa labas, sa gilid, isang mahaba ngunit maliit na upuang kahoy.

"Dito ang bahay ko." aniya.

Nagulat ako doon. "Oh?" nilingon ko ang ibang bahay. Magkakalapit lang sila ngunit sa pwesto ng bahay ni Carding ay medyo malayo. Tapos may iilan din na bahay na katulad ng kay Carding.

"Kuya Carding, sino siya?" sabay kaming napalingon ni Carding don.

Isang batang babae naman na kulot. May bitbit siyang sugarcane at paminsan minsan ay sinisipsip ito.

"Gare, ikaw pala 'yan?" si Carding at umupo doon sa upuang kahoy at hinarap yung bata. "Upo ka," aya nito sa akin.

Umupo naman ako.

"Ah, siya si Ate daisy, bagong kaibigan ko." aniya at inayos ang medyo mahaba at kulot din niyang buhok. Nakasuot ng 3/4 na longsleeves at pantalon. Naka sandals din siya na leather na kulay brown.

Pinagmasdan ko si Carding habang nakikipag usap sa bata.

Hindi ko alam kung bakit pero napakagaan ng loob ko kay carding. Komportable ako sa kanya, na kahit kakakilala ko pa lang kahapon sa kanya ay sumama na agad ako sa dito sa bahay niya. Ganoon ako kakomportable. Mabait siya.

Palagay na agad ang loob ko sa kanya.

"Kasintahan mo siya?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ng bata.

"Ah..hin-"

Napatingin ako ng humalakhak si Carding.

"Huy, baka isipin niya totoo." sabi ko sa kanya. "Magkaibigan lang kami ng kuya carding mo." pagtatama ko.

"May gusto ako sa kanya, Gare." ani ni Carding. Nagulat ako doon sa sinabi niya. "Mabait si ate daisy at maganda pa, bagay ba kami?"

Namula ang pisngi ko. Pakiramdam ko biglang uminit.

"Opo. Bagay kayo. Aasawahin mo na ba siya?" tanong pa ulit nito.

Magsasalita na sana si Carding pero inunahan ko na. Baka kasi ano na naman sabihin niya.

"Gare, palagay ko ay masyado ka pang bata para sabihin 'yan." sabi ko. Akala ko nga ay sasagot pa siya ngunit sinipsip niya lang ang tubo at nagkibit balikat tsaka naglakad palayo.

Tumayo naman Carding at binuksan ang bahay niya.

"Tuloy ka," sabi niya.

Sumunod naman ako doon sa loob.

Sinilip ko pa sa labas kung nakaalis na si Gare. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na si Gare. Binalingan ko si Carding na nahuli kong nakatingin sa akin. Pinalo ko siya ng mahina sa braso.

"Ikaw, kung anong sinsabi mo sa bata!" pagalit ko sa kanya.

"Totoo naman lahat 'yun. Maganda ka." aniya.

Napalunok ako. Nakatitig lang siya sa akin at pakiramdam ko nawawala ako dahil doon. Pakiramdam ko nasa kabilang mundo ako, lumilipad kasama siya.

Nakita kong nilapit niya ang sarili sa akin. Dahan dahan at maingat niyang nilagay ang kanyang kamay sa aking pisngi. Bumibigat na rin ang paghinga ko dahil sa paghihintay..

Alam ko na sa sarili ko kung anong gaagwin niya, ngunit wala akong umatras o gawin ang kahit ano.

Napapikit na lang ko ng tuluyan na niya akong hinalikan.

Magaan at maingat.

Piantong ko ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Naibaling ko ang aking mukha sa kabilang bahagi tulad ng ginagawa niya.

Bawat hagod ng labi niya ay para akong hinihele.. masyadong mabigat na pakiramdam ko ay matutumba ako.. Napaurong ako ng ipasok niya ang dila sa aking bibig at hapitin ako sa beywang.

"Hmm.." hindi ko mapigilang daing ng mas tumagal ay lalong sumasarap ang halik niya.

Nakakaadik.

Hinabol habol ko pa nga ang labi niya ng ihiwlay niya ito sa akin. Hinihingal ko siyang tinignan.

"Daisy.." hinihingal nita ring sambit.

"Carding.."

"Paumanhin, hindi ko napigilan ang aking damdamin." aniya at bigla akong niyakap.

Wala sa sariling napangiti ako.

"Okay lang.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top