m22: find 🐈

[Hoseok's POV]

"Kumalma nga muna kayong dalawa! Mahahanap natin sila!" Sigaw ni Namjoon bigla kaya napahinto kami ni Taehyung sa kakalakad paikot-ikot sa bahay nila.

"Paano ako kakalma, hyung? Yung boyfriend ko nawawala! Kahit isang bakas, wala! Saan ko siya hahanapin, Namjoon hyung? Saan ko hahanapin si Jungkook?" Halos maiyak-iyak na sabi ni Taehyung. Matagal ko ng kaibigan itong si Taehyung at ngayon ko lang talaga siya nakita na ganito kataranta.

Ako rin, natatakot, natataranta, naguguluhan na rin ngayon. Mahirap mag-isip ng positibo ngayon pero kailangan, para kay Yami rin naman ito.

Dapat ko lang isipin na ligtas sina Yami at Jungkook. Na walang nangyaring masama sa kanila. Pati na rin sa ibang hybrids. Happy thoughts, happy thoughts, ha--

"PAANO KUNG MAY NANGYARING MASAMA SA KANILA NGAYON? PAANO KUNG DI KO NA MAKITA SI YAMI?" Sigaw ko naman bigla.

"Putangina Hoseok! Wala talagang mangyayari kung puro kayong reklamo! Di lang naman kayo yung natataranta kasi pati kami natataranta na rin! Kaibigan din naman namin yung dalawa." Naasar na sabi ni Yoongi.

"Huwag nga kayo mag-away!" Suway ni Jin kaya napatahimik ang lahat. "Mag-isip muna tayong lahat nang mabuti." Dagdag niya. Mga ilang minuto rin lumipas na tahimik lang kaming lahat hanggang sa nagsalita ulit si Taehyung.

"Sa totoo lang may napansin ako nung mga huling araw. Lagi akong may nakikitang lalaki na puti yung buhok tuwing kasama ko si Jungkook. Mga kasing-edaran lang natin. Payat pero nakakatakot yung aura niya. May nakikita rin ba kayong ganun?" Pagkwekwento niya.

"Wala naman." Sagot ni Jimin. Ganun din naman yung sagot ng iba.

"Nakikita ko rin yun. Kung di ako nagkakamali, si Saeyoung iyon?" Sagot ko naman.

"Saeyoung? Yung Han Saeyoung? Yung gumawa ng hybrids? Diba patay na yun?" Tanong ni Jin at nagkibit balikat naman ako.

"Di ko alam Jin. Nagtataka rin ako pero kamukhang-kamukha niya. Binalita na rin yun nung isang araw. Lagi ko rin siyang nakikita kapag kasama ko si Yami." Pagkwekwento ko.

"Ibig sabihin niyan sinusundan niya yung mga hybrids. Nagmamasid siya. Matagal na niyang plano yun. Kaya ngayon, yang Saeyoung na yan ang target natin ngayon." Dagdag na sabi ni Namjoon at tumango-tango naman ang lahat.

"Saan naman natin mahahanap ang Saeyoung na yan?" Tanong ni Taehyung kaya napatingin kaming kahat kay Namjoon.

"Scientist si Saeyoung. Ang scientist ay may lab. Di kaya sa kaniyang dating laboratory? Matagal nang abandonado yun kaya di na binabantayan ng mga tao. Baka inayos niya yung lugar na yun." Sabi ni Namjoon.

"Sure ka diyan?" Paniniguradong tanong ni Yoongi.

"Hindi pero may ibang lugar ka pa bang naisip?" Tanong sa kaniya pabalik.

"Paano kung hindi iyon yun? Paano kung gumawa siya ng bagong building niya? Saan at paano natin mahahanap yun?" Tanong ko naman.

"Mamaya na natin problemahin yan kapag wala talaga sila sa kaniyang lumang lab." Sagot sa akin ni Namjoon.

"Huwag na kayong tumunganga diyan. Hahanapin at ililigtas ko pa jowa ko." Sabi ni Taehyung at naglakad na palabas ng resturant na pinagkakainan namin. Sinundan nalang namin siya.

"Huwag ka mag-alala, Hoseok. Mahahanap din natin sila Yami." Pagkakalma sa akin ni Jin. Sana nga.

Mahigit sa kalahating oras ang lumipas bago kami nakarating doon sa dating lab ni Saeyoung. Napatigil naman kami sa di kalayuan nang makita na agad namin yung building. Malaki na pabilog yung shape nito tapos may mataas na gate na nakapaligid. Hindi madaling makapasok.

"Tama ba itong ginagawa natin? Yung tayo-tayo lang ang susugod? Ano tayo? Bida sa isang kwento?" Tanong bigla ni Jimin na kanina pang tahimik.

"Malay mo." Matipid at kalmadong sagot ni Yoongi.

"Guys, may point din naman si Jimin. Saka 2069 na, ang dami nang naimbento throughout the years. Malay niyo pagtapak palang natin paalis sa pwesto natin, biglang may mag-alarm sa lab niya." Sabi naman ni Jin.

"Natatakot ako. Di ko alam kung tama ba itong lugar na ito o mali pero guys, scientist yung kinakalaban natin. Wala naman tayong powers." Dagdag ko pa sa mga sinasabi nila.

"Sisilip lang tayo. Titingnan lang natin kung ito ba yung lugar o hindi." Sabi naman ni Namjoon.

"Sige Namjoon, plano mo yan, ikaw gumawa." Utos ni Yoongi.

"Di niyo ako sasamahan?" Tanong ni Namjoon at umiling naman kami.

"Tara Namjoon hyung. Gusto ko nang makita si Jungkook." Sabi ni Taehyung na tumayo bigla. Napatahimik naman kaming lahat sa tapang at determinasyon ni Taehyung.
Sana ako rin. Sana may tapang at determinasyon din ako katulad ni Taehyung pero wala eh. Alam ko naman na duwag ako at di ko kayang pigilan ang sarili ko na di matakot. Gusto ko rin iligtas si Yami pero paano kung malaman na nandito kami at mas ikakapahamak yun nila Yami? Ayoko. Natatakot ako.

"Kapag di kami nakabalik after 10 minutes, tumawag na kayo ng pulis." Sabi ni Namjoon.

"Namjoon hyung, teka. Di ba masyadong risky yang ginagawa niyo?" Nag-aalalang tanong ni Jimin.

"Mas risky ang kalagayan nila Jungkook kapag wala tayong ginagawa." Sagot sa kaniya ni Taehyung.

Naglakad na sila palayo pero napansin nalang namin na tumatakbo pabalik si Namjoon sa pwestong tinataguan namin.

"Bakit ka bumalik? May nangyari bang masama kaagad? Si Taehyung, nasaan? Nahuli ba siya?" Sunod-sunond kong tanong. Kanina pa ako natataranta dito.

"Hindi, may mas maganda na akong plano. Hoseok, nagtake ka ba ulit ng gamot mo kanina lang?" Nag-isip muna ako nang mabuti at agad na umiling.

"Hindi, bakit?" Sagot ko at ngumiti naman si Namjoon.

"Most of the hybrid population ay pusa at aso. Magrereact ka kaagad kapag may pusa nang nasesense ang katawan mo." Pagpapaliwanag niya.

"A-ayoko Namjoon. Natatakot a--" Di ko na natapos sabihin ang gusto kong sabihin dahil hinila na agad ako patayo ni Namjoon at sinama sa kanila ni Taehyung.

"Kaligtasan ng girlfriend mo ang nakasalalay dito hyung. Huwag ka nang mag-inarte diyan." Suway sa akin ni Taehyung kaya wala na akong nagawa kung hindi sumama nalang talaga sa kanila.

Di pa kami ganun nakakalapit sa gate pero di ko na napigilan ang sarili ko na bumahing.

"Achoo!" Napangiti naman bigla sina Namjoon at Taehyung.

"Lapit pa tayo ng kaunti sa gate. Kapag sumunod-sunod yung reaksyon mo, nandito na talaga yun." Sabi ni Namjoon. Mas kinakabahan tuloy ako. Baka dito pa ako mamatay sa allergy ko kasi ramdam ko na talaga yung grabeng kati ng katawan at ilong habang mas lalo kaming lumalapit sa building.

"Achoo! Achoo! Achoo! A--" Tinakpan kaagad ni Taehyung yung bibig ko dahil ang ingay ko.

Patuloy lang ako nang patuloy sa pagbabahing at kamot ng katawan ko. Nakikita ko na rin ang pamumula ng braso ko.

"Hoseok, bumalik ka na. Bago pa lumala ang allergy mo." Sabi sa akin ni Namjoon. Tumango ako at nang pagkalingon ko ay bigla akong napatigil.

"Bakit ka nandito, Noora?" Tanong ko na pinipigilan ang sarili ko sa pagbahing. Gagi, ex-crush ko nandito. Ngayon nalang ulit kami makapag-uusap neto.

"May boyfriend din akong hybrid na nawawala. Magtulungan tayo?" Sagot niya at ngumiti sabay pakita ng backpack niya na punong-puno ng mga gamit na maaaring makatulong sa amin.

Bago pa kami makasagot ay bigla nalang tumunog nang napakalakas ang siren ng building.

"Intruder alert. Intruder alert. Intruder alert."

***

Last 8 chapters

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top