Chapter 36
MICHELLE
During the investigation, pilit na tinanggi ni Edward ang paratang na balak niyang kidnapin si Zac.
Pero wala siyang matatag na alibi kung bakit iniwan niya si Yaya Imelda sa mall bukod sa binalewala niya ang agreement sa visitation rights niya.
Ang isa pang hindi niya malusutan ay ang traces ng sleeping pill na lumabas sa blood work.
Kinausap ni Officer Sandoval si Doctor Ramos tungkol sa medical result at ginamit itong ebidensiya laban kay Edward.
Kinumpirma din ng psychiatrist na niresetahan niya si Edward ng Ambien dahil sa nahihirapan itong matulog.
Nang hindi na siya makalusot, inamin ni Edward na totoo ngang nagselos siya ng malaman kay Zac na nakikipagkita ako kay Carmen.
Pinigilan siya ng abogado na huwag ng magsalita pero hindi ito nagpaawat.
"She knows I love her but she doesn't want anything to do with me. If I can't be happy, she doesn't deserve to be happy either. I know she loves Zac and it would kill her if something happens to him."
"Mr. Alvarez..." Tinawag siya ng abogado pero binalewala siya ni Edward.
"I'm not going to hurt him. Mahal ko ang anak ko. Gusto ko lang na ilayo siya kay Michelle. But when he wouldn't wake up, nagpanic ako so I brought him back to her place."
It was discovered na nung tumigil sila sa isang restaurant para kumain, nilagyan niya ng sleeping pill ang iniinom na orange juice ni Zac.
"He was starting to get anxious so I thought I'd do something to calm him. It was just half a pill. I didn't think it would knocked him out." Katwiran pa niya.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Edward ang mga bagay na iyon.
Akala ko, he would spare Zac.
But if didn't hesitate to hurt me, who's to say that he's not capable of hurting someone else?
Masakit lang dahil anak niya mismo ang nilagay niya sa alanganin.
He was charged with attempted kidnapping.
Guilty ang plea ni Edward kahit nagpumilit ang mama niya na ilaban ang kaso.
Pero matibay keep ang mga statement na binitawan niya during the investigation.
Masakit din sa akin ang nangyari.
There was a part of me that was in disbelief.
Nang una kaming magkakilala, he was this sweet guy.
When Zac was born, umiyak siya when the nurse gave him the baby.
Nang magsama na kami, I saw who he really was.
Pero dahil pinakasalan ko siya at gusto kong manatiling buo ang pamilya namin, nagtiis ako.
Nagdasal na sana dumating ang araw na magbago siya.
But that day never came.
Nasukol na ang pasensiya ko kaya nagpasya ako na humiwalay sa kanya.
Ang sakit ng realization na dahil gusto niya akong saktan, gagawin niya ang mga bagay na iyon para makaganti.
Iyak ng iyak ang mama niya habang nilalayo ng mga pulis si Edward.
Pati ang papa niya, naiyak din.
Bago sila umalis, sinigawan ako ng mama niya.
Kasalanan ko daw kung bakit nagawa iyon ng anak niya.
"If he listened to me and married Bernadette, then his life wouldn't turn out like this."
Nawala ang simpatiya na naramdaman ko para sa kanya.
Dahil sa nangyari, I told Carmen I needed space.
What happened to Zac and I was overwhelming and there was a part of me that felt like I failed him.
Kahit sinabi ni Nanay na hindi naman namin alam na gagawin iyon ni Edward, hindi pa din ako mapakali.
Kung may nangyari kay Zac, mamamatay ako.
Pagpasok ng December, nakaabang ako sa unang Biyernes and felt foolish for it.
Oo nga pala.
Hindi darating si Carmen.
Nang kinausap ko siya, ang sabi niya lang, she understands.
It was hard to see her go.
Nang tumayo siya, gusto kong hawakan ang kamay niya dahil ayoko naman talaga siyang umalis pero pinigil ang sarili ko.
Zac came down the stairs at niyakap niya ako pagkaalis ni Carmen.
Nasa dresser ang mga damit at pabango niya.
I wore her pajamas to sleep but instead of feeling comforted by her scent, lalo lang akong nalulungkot.
Mahal ko siya pero priority ko si Zac.
Siya na din naman mismo ang nagsabi sa akin na alam niya naman kung ano ang lugar niya sa buhay ko.
Pero habang lumilipas ang mga araw na hindi ko siya nakikita, pakiramdam ko, I made a mistake.
I knew I finally found my happiness with her but I held back because of fear.
Ginagawa ko na naman ba dati ang ginawa ko dati kay Edward?
Am I using Zac as a reason not to pursue my own happiness?
Bakit ba lagi na lang akong takot sumubok pagdating sa kaligayahan ko?
Dahil the last time I did, muntik ng makidnap ang anak ko. Katwiran ko.
But was it Carmen's fault? Tanong ng munting tinig sa isip ko.
Dumating at umalis ang pasko na hindi ko man lang naramdaman ang saya na dala ng okasyon na iyon.
Nang dumating kami, napansin ko na nakatingin si Tatay sa pintuan na parang may hinihintay.
"Nasaan si Carmen?" Tanong niya pagkatapos kong magmano.
"Hindi ko po alam." Sagot ko sabay lapit kay Nanay para magmano.
Ang hirap pilitin na maging masaya.
Kapag kasama ko ang pamilya ko o kapag nasa bahay kami ni Zac, I try to make it seem like I was okay.
Nakikipagkuwentuhan ako sa kanila, nakikipagtawanan, nakikipagtsismisan.
Pero kapag ako na lang mag-isa sa kuwarto, doon ko nararamdaman ang lungkot.
Paano kung mapagod na siya sa kakahintay sa akin?
Paano kung maubos na ang pang-unawa niya at pasensiya?
Paano kung totohanin niya ang sinabi niya na dadalhin niya ang bagong girlfriend niya sa bahay na pinapatayo niya?
Paano na ako?
Pwede ko naman siyang tawagan pero lagi na lang akong nagdadalawang-isip.
Paano kung hindi ko na naman kayang pangatawanan ang desisyon ko?
Makikipagbreak na naman ako sa kanya?
Hanggang kelan ko ito gagawin kay Carmen?
Kung ako man ang nasa katayuan niya, malamang matagal na akong bumigay.
Pero mahal ko siya at hindi ko iyon nasabi sa kanya nung magkasama kami.
Alam na din yata ni Christine ang nangyari sa amin dahil kapag nagkikita kami sa mga basketball games ni Zac, wala siyang nababanggit tungkol sa kapatid niya.
Naasiwa tuloy ako kapag nag-uusap kami kasi nakikita ko na meron siyang gustong itanong sa akin pero hindi niya magawa.
Ganun din ang gusto kong gawin pero nahihiya naman akong magtanong sa kanya kung kumusta na si Carmen.
Hinayaan ko na lang hanggang sa kalaunan, hindi na ako nag-aksaya ng panahon.
Mula ng muntik ng makidnap si Zac, nagyaya si Nanay na magsimba kaming lahat tuwing Linggo.
Sumasama na din si Tatay sa amin pati sina Kuya Alex at Kuya Roman.
Minsan pumupunta kami sa Jollibee para mag-almusal o di kaya ay tumutuloy kina Nanay para doon kumain.
Kababalik lang namin galing sa simbahan ng hinila ako ni Kuya papunta sa labas ng bahay.
"Kumusta na kayo ni Carmen?" Biglang tanong niya.
"Kuya, nagbreak na kami."
"Ha? Bakit? Akala ko mahal mo siya?"
"Basta. Gusto kong magfocus kay Zac."
"Eh di ba ginagawa mo na iyan?"
"Bakit ba interesado ka sa lovelife ko?"
"Kasi alam ko na hindi ka masaya."
Hindi ako nagsalita.
"Tol, isa kang mabuting ina. Alam naman ni Zac na hindi mo siya pababayaan. Pero hindi mo pwedeng balewalain ang kaligayahan mo. Isa pa, halata naman na namimiss mo yung dyowa mo."
"Dyowa ka diyan?" Hinataw ko siya sa braso.
"Sige ka. Baka mamaya mainip yun sa paghihintay, bumalik yun sa Canada. Ang dami pa namang chicks dun. May blonde, blue eyes, pula ang buhok, single at sexy." Ginamit pa niya ang kamay niya para ipakita ang Coca-Cola figure.
"Loko ka, Kuya."
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Mabait pa naman si Carmen at saka mahal na mahal ka. Baka mamaya maunahan ka."
Pumasok na siya sa loob at iniwan akong nag-iisip.
Paano nga kaya kung mainip si Carmen?
Anong gagawin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top