Chapter 35
CARMEN
What happened was one of the most awkward situations I have ever experienced.
Pagkaalis ni Mang Ernesto, kinausap ako ni Tita Mariana.
"Pasensiya ka na. Nabigla kasi siya."
"Naiintindihan ko naman po."
Tinanong niya si Michelle kung sigurado siya sa ginagawa niya.
"Opo, Nay."
"Kung ganun, gusto ko lang malaman mo na walang problema sa akin. Nakikita ko naman na masaya ka at mukhang inaalagaan ka naman ni Carmen."
Nginitian ako ni Tita.
"Ako din, 'tol. Walang problema sa akin pati kina Roman at Cesar."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Nag-usap kami nung birthday ni Tatay nung nakaalis na ang mga bisita. Halata naman na may something sa inyo eh."
If Michelle was tense and worried a while ago, she smiled at what Alex said.
I was glad they were okay with us.
Four people in favor of us was better than the other way around.
"Salamat po, Nay, Kuya." Sabi ni Michelle.
"Pero nasidetracked tayo. Kailangan nating hanapin si Zac."
"I think we should go to the police." I told Michelle.
"I think so too."
I drove to the local police station.
Nagfile si Michelle ng missing person report at binigay niya ang description ni Zac at ni Edward.
She showed them a picture of him with his beard and without.
Binigay niya ang phone number niya pati ang contact information ng parents niya.
Lumabas ang plainclothes police officer who introduced herself as Cassandra Sandoval who was assigned the case.
She was tall, lean and stood ramrod straight.
Her dark brown hair was in a French braid and she has freckles on top of her aquiline nose.
Nakasuot siya ng black leather jacket over a white shirt, dark jeans at black leather boots.
Hindi siya mukhang pulis.
Parang galing siya sa isang rock concert.
When she smiled, my doubt was quelled dahil it was warm and genuine.
Binigay niya kay Michelle ang phone number niya and told her she will keep in touch.
Pagbalik namin sa bahay, nagpakulo si Tita ng tubig para sa kape at umakyat naman si Michelle para magpalit ng damit.
Lumabas ako ulit para tawagan si Mama to let her know I'll be over at Michelle for a few days.
Natunugan niya sa boses ko na something was wrong and I told her what happened.
"Oh my god! Sana naman walang nangyari kay Zac."
"I hope so too, Ma."
Pagpasok ko, nasa dining table sina Michelle.
Her hands were wrapped around the coffee mug pero hindi siya uminom dahil nakatulala lang siya.
"Uminom ka muna ng kape." Tinuro ni Tita ang bakanteng pwesto.
Hinila ko ang upuan at tumabi ako kay Alex.
"Wala na ba tayong pwedeng gawin kundi ang maghintay?" Biglang nagsalita si Michelle.
"May alam ka ba kung saan pwedeng dalhin ni Edward si Zac?" Tanong ni Tita.
"Wala po, Ma." Napasandal siya sa upuan at hinawakan ang sintido niya.
Like her, I felt helpless.
Nag-aalala din ako pero mas doble ang takot na nararamdaman niya.
I glanced at my watch.
It was almost ten in the evening and I was starting to feel exhausted.
"Carmen, bakit di ka umakyat para makapagpahinga ka?" Tanong ni Michelle.
"It's okay. I will wait with you."
"Kailangan ninyong magpahinga." Sabi ni Tita.
"Oo nga." Sang-ayon ni Alex.
"Pero hindi naman ako makakatulog lalo na at nag-aalala ako." Katwiran ni Michelle.
Tiningnan siya ni Tita.
I could see that she understands what Michelle was going through.
"Yosi muna ako." Tinulak ni Alex ang upuan ng tumayo siya.
Binitbit niya din ang mug na may lamang kape bago lumabas ng bahay.
"Nay, paano kung may nangyari kay Zac?" Tumulo ang luha ni Michelle.
Tumayo si Tita at niyakap siya.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan. May awa ang Diyos. Uuwi si Zac."
I remained in my seat and watched Tita consoling Michelle.
For a brief moment, I was overcome by guilt.
Was it my fault kaya nangyari ito?
If I didn't pursue her, siguro this wouldn't have happen.
Zac would be home and Edward wouldn't do something stupid.
It doesn't make sense.
Kahit sino ang kasama ni Michelle at gusto niyang magselos, gagawin pa din niya ang gusto niya.
"Hoy!" Tinawag ako ni Michelle.
Bumalik na pala si Tita sa pwesto niya at hindi ko man lang napansin.
"Anong iniisip mo?"
"Wala naman."
"Nakatulala ka tapos wala?"
"It's nothing. Don't worry about it."
"Sinisisi mo ba ang sarili mo sa nangyari?"
Hindi ako sumagot.
"Huwag mong gawin iyan. Wala kang kasalanan."
"Inisip ko lang na if I wasn't in the picture, this wouldn't have happened."
"Carmen," Nagsalita si Tita.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi natin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Edward. Nagbabakasali pa din ako na maliliwanagan ang isip niya."
May narinig kaming sumigaw sa labas at napatayo kaming tatlo.
Tumakbo si Michelle sa pinto at paglabas namin, nakahiga sa lupa si Edward at sinusuntok siya ni Alex.
Nagkalat ang basag na baso sa lupa at nasa backseat ang natutulog na si Zac.
"Kuya, ano ba?" Tinakbo ni Michelle at Tita Mariana si Alex para awatin.
Ako naman, lumapit sa kotse para kunin si Zac.
Ang himbing ng tulog niya at ni hindi man lang gumising ng kinarga ko.
"Tang-ina mo, Edward!" Sigaw ni Alex.
Hawak na siya sa braso ni Tita Mariana habang nakatayo naman si Michelle sa harap ng dating asawa.
"Papatayin kita, hayop ka!" Susugurin niya sana ulit si Edward pero hinila siya ni Tita.
"Tama na, Alex." Sigaw ni Tita.
Bumukas ang ilaw ng mga kapitbahay.
Narinig ko ang pagbukas ng gate at lumabas ang mga ito para makiusyoso.
Papasok sana ako sa bahay karga si Zac pero nakita ako ni Edward.
"Yan ba ang pinagpalit mo sakin?" Dinuro niya ako.
Hindi ako nakahakbang at napatingin ako sa kanya.
"You lied to me, Michelle. I asked you then but you wouldn't tell me anything. Is she that important to you that you have to protect her?"
"Pwede ba huminahon ka?"
"I thought I was going crazy but I was right. You were having an affair with a fucking lesbian."
"Mali ka, Edward. Nung muntik mo na akong patayin, there was nothing going on between us."
"You expect me to believe you?"
"I don't dahil I don't care what you believe."
Natigilan si Edward sa sinabi ni Michelle.
By now, ang dami ng taong nakapaligid sa amin.
"Ang dami kong chance na binigay sa'yo para ayusin ang buhay mo pero wala kang ginawa. You took me for granted at ngayon, kinidnap mo ang anak mo para makaganti sa akin. Anong klase kang ama kung pati ang anak mo, kaya mong saktan?"
What she said got people's attention.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero kung kanina ay divided ang mga tao sa narinig nila, now their sympathy was towards Michelle.
Hinarangan nila si Edward para hindi ito makatakbo.
May lumapit na lalake sa kanya at hinawakan nito si Edward sa braso.
"Michelle, gulpihin ko na 'to?" Inambahan niya si Edward.
"Huwag, Gardo. Ang mabuti pa, dalhin natin siya sa presinto."
Binalik ko ang atensiyon kay Zac.
Ni hindi ito nagising kahit malakas ang sigawan sa paligid niya.
Lumapit ako kay Tita Mariana.
"I think there's something wrong with Zac?"
"Tulog pa din siya?"
"Opo."
Napatingin ako kay Michelle at tinawag ko siya.
"Anong nangyayari?" Tiningnan niya ang anak na hindi man lang kumikilos.
"We need to go to the hospital."
Si Alex ang sumama sa presinto at tumuloy kami nina Michelle at Tita Mariana sa Santos General Hospital.
Agad na dinala si Zac sa Emergency Room at umupo kami sa waiting area.
Hindi mapakali si Michelle at maya-maya itong tumatayo para magtanong sa nurse for an update about Zac.
"Anong sabi ng nurse?" Tanong ni Tita.
"Wala pa pong balita."
Lulugo-lugo siyang umupo sa tabi ko.
"He's going to be okay." Hinawakan ko ang kamay niya.
"What if he's not okay?" Tumulo ang luha niya.
"He was breathing when I carried him and that's a good sign."
Bumukas ang pinto at lumabas ang doktor.
He was short with a comb-over to hide his bald spot.
Tinawag niya si Michelle na agad na tumayo.
Sumunod kami ni Tita Mariana.
Nagpakilala si Dr. Ramos sa amin bago sinabi na Zac is going to be fine.
"Thank God." Huminga ng malalim si Michelle.
"Dok, ano pong nangyari sa apo ko?" Tanong ni Tita.
"We took some blood work and there were traces of a chemical component for sleeping pills in his system."
"Ano po?" Gulat na tanong ni Michelle.
"Yun ang lumabas sa resulta." Hinarap siya ng doktor.
"Are you taking sleeping pills?"
"Hindi po."
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Is there anyone in your house who takes it?"
"Wala po."
"That's strange." Napaisip ang doktor.
Tiningnan niya ako.
"Doc, there's something I need to tell you."
Kinuwento niya sa doktor ang nangyari before we got to the hospital.
"I see. Kung kailangan ng pulis ang statement ko, puntahan lang nila ako dito."
"Sa ngayon po, anong pwede naming gawin?"
"Hintayin lang natin siyang magising. We have to keep him here for a few days so we can monitor his condition. Huwag kayong mag-alala. I will do the best I can to take care of your son."
Nagsalamat si Michelle sa kanya at nagpaalam na sa amin si Dr. Ramos.
"My god, Edward! Anong ginawa mo?" Tanong ni Michelle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top