Chapter 28
MICHELLE
May outing sa Tagaytay Residence Zoo ang Angels basketball team.
Nagfile ako ng dayoff dahil may trangkaso si Yaya.
Hindi din pwede si Kuya Alex at si Kuya Roman dahil may trabaho sila.
Si Nanay pwede sana kaso inatake naman ng rayuma at hindi makabangon sa higaan.
Nagvolunteer si Tatay pero ako na ang tumanggi dahil sino ang maga-asikaso kay Nanay kung sasama siya sa field trip?
Pinayagan naman ako ng boss ko dahil hindi naman ako uma-absent.
Isa pa, kung kailangan niya akong mag-overtime, hindi din ako tumatanggi.
Maaliwalas ang panahon ng araw na iyon.
Asul na asul ang ulap at tirik na tirik ang sikat ng araw.
September na kaya medyo may konting lamig sa simoy ng hangin.
Dalawang van ang arkilado ng school at pagdating namin, kami na lang ang hinihintay.
Nakasakay na lahat at nahuli kami dahil may banggaan malapit sa lugar namin.
Nahagip ng jeep ang isang tricycle at naging one-way tuloy ang kalsada.
Nag-aalala nga si Zac na baka hindi kami umabot pero tinext ko ang driver para hintayin kami.
Abot-abot ang paghingi ko ng pasensiya pagdating namin.
Nakaidlip ako sa biyahe dahil puyat ako nung nakaraang gabi.
Napilitan akong tapusin sa bahay ang monthly report dahil kailangan ito ng manager para sa presentation niya sa top management.
Maga-ala-una na ako nakatulog at gising na din ng alas-kuwatro ng maaga para maghanda sa field trip.
Bumangon si Yaya para ipaghanda kami ng almusal pero pinabalik ko din siya sa higaan dahil ubo ng ubo bukod sa mataas ang lagnat.
Binigyan ko siya ng Alaxan dahil masakit ang katawan niya.
"Mommy, nandito na po tayo." Naramdaman ko ang pagtapik ni Zac sa balikat ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita na nagsibabaan na ang mga kasama namin.
Tumayo ako at hinintay na makababa si Zac.
Nakarinig kami ng mga nagtatawanan at paglingon ko, si Benji pala.
Tumakbo si Zac papunta sa kanila at hindi ko inaasahang makita si Carmen.
Nagtama ang paningin namin at natigilan ako.
Nang ngumiti siya, tango lang ang sagot ko.
Siya pala ang chaperone ni Benji.
Tatlong buwan na mula ng huli kaming magkita.
Nang maghiwalay kami ng araw na iyon, akala ko okay ako pero hindi pala.
Bakit ako nag-offer ng friendship sa kanya?
Oo nga pala.
Dahil kay Sasha.
Nang inakbayan siya ni Carmen, nakadama ako ng selos.
Kahit hindi dapat, hindi ko naman mapigil ang sarili ko.
Siguro nga nakamove on na siya kay Helene at sa akin.
Feeling talaga ako dahil kailangang isingit ko ang sarili ko sa eksena.
Nanlulumo akong bumalik sa van ng araw na iyon.
Nawalan ako ng ganang pumasok sa trabaho at bad trip ako buong araw na iyon.
Tinawag kaming lahat ni Mrs. Sarmiento.
Hawak niya ang itinerary at pinaalala na pwede kaming gumala sa loob ng zoo at kailangang bumalik ng alas-onse sa tapat ng entrance ng zoo.
Pupunta kami sa picnic grove para doon mag-lunch.
Tuwang-tuwa ang mga bata habang pumapasok sa zoo.
Magkaakbay si Zac at Benji at nakasunod ako sa likod nila.
Naramdaman ko na tumabi sa akin si Carmen at nilingon ko siya.
"Hi." Nakangiting bati niya.
"Hi ka din." Sagot ko.
Gray chinos ang suot niya, navy blue Henley, gray hoodie at blue Nike's.
Shit!
Nakalimutan kong magdala ng jacket.
Kahit maganda ang panahon sa umaga, alam ko na lumalamig sa Tagaytay kapag hapon.
"Is everything okay?" Nakatitig si Carmen sa akin.
Parang apoy ang kulay ng brown niyang mga mata na nasisinagan ng araw.
"Yes." Sagot ko.
Umandar na ang pila at pumasok na kami sa zoo.
Pagpasok namin, ang matinis na huni ng ibon ang sumalubong sa amin.
Amoy din ang pinaghalong damo, lupa at dumi ng mga hayop.
Nakisali sina Zac at Benji sa mga kaibigan nila at nakasunod lang kami sa likod nila.
Karamihan sa mga magulang at chaperone, busy sa pagkuha ng selfies.
"Can we talk?" Hinawakan ako ni Carmen sa siko.
Nilingon ko siya at seryoso ang itsura niya.
"Tungkol saan?"
Naiwan na kami ng mga kasama namin at halata ko na binagalan niya ang paglakad.
Sinabayan ko ang hakbang niya.
"Why did you ask me to be your friend?" Diretsang tanong niya.
"Bakit? Ayaw mo bang maging friends tayo?"
"No."
"Pero paano si Sasha?"
"She'll be fine." Nakangiti siya na parang okay lang ang lahat.
"Anong she'll be fine?" Biglang tumaas ang presyon ko.
Buti na lang at malayo na ang mga kasama namin kaya walang nakarinig sa sinabi ko.
"Anong klaseng babae yung papayag sa ganito?" Pabulong na tanong ko.
"Isang babae who happens to be a good friend of mine."
Natigilan ako sa sagot niya.
"Good friend?" Kulang na lang mautal ako.
"Yeah. What did you think?"
"Akala ko kasi kayong dalawa eh."
Tumawa si Carmen at namiss ko tuloy ang tunog ng tawa niya.
Malalim kasi ang boses niya at kapag tumatawa siya, parang galing sa balon ang tunog.
"Is that why you wanted us to be just friends?" Nanunukso ang mga mata niya.
Hindi ako sumagot.
Hinawakan niya ako sa braso.
"Michelle, you know that's not what I want for us."
Ako din. Naisip ko.
"But if that's what you really want..."
Pinigilan ko siya sa pagsasalita sa pagpatong ng hintuturo ko sa labi niya.
"Hindi din naman iyon ang gusto ko."
Inalis ni Carmen ang kamay ko at pinisil ito.
"But?"
"Kaa-annul lang ng kasal ko."
"I understand."
"Okay lang ba sa'yo if we take it slow?"
"Of course. As long as it means I get to spend time with you, I will wait."
Pinisil ko ang kamay niya.
"Hay salamat." Huminga ako ng malalim
"Salamat?" Kunot-noong tanong ni Carmen na halatang naguguluhan sa reaksiyon ko.
"Akala ko kasi, wala na tayong pag-asa." Pag-amin ko.
"So, umaasa ka din pala tulad ko?" Lumakad na kami ulit.
Nasa baba na ang mga kasama namin.
"Medyo."
"Medyo lang?"
"Oo. Medyo lang. Baka lumaki ang ulo mo eh."
"To be honest, I miss you a lot."
"Talaga?"
Tumango siya.
"Eh bakit ni hindi ka man lang nagtext?"
"I thought you needed time to be alone. A lot has happened to you. I don't want to push you into something you don't want to do so I waited."
"Tama ka naman eh. Sa dami ng nangyari sa akin, I needed the time to put my life in focus."
"Is it in focus now?" Tumigil kami sa tapat ng hawla ng mga loro.
"Oo. Nakakapag-usap na kami ni Edward ng hindi nagbabangayan. Isa lang naman kasi ang gusto namin at yun ang kapakanan ni Zac."
"I'm happy to hear that."
"Ako din. Nung umpisa, nakakalungkot din kasi permanent na talaga yung ginawa namin. Pero kapag nakikita ko na masaya si Zac dahil hindi niya na kami nakikitang nag-aaway, pakiramdam ko, I made the right decision."
"Are you happy with it?"
Tumango ako.
"Tama ka sa sinabi mo sa akin dati. Mas mabuti ng nasa single-parent home si Zac kung saan alam niya na mahal siya kesa naman yung magkasama kami ng ama niya pero..."
Natigilan ako dahil naalala ko yung hapon na muntik niya akong mapatay.
Bumalon ang luha ko at mabilis na pinahid ko ito gamit ang kamay ko.
Inabutan ako ni Carmen ng panyo.
"Here."
Dinampi ko sa mata ko ang gray na panyo.
Naamoy ko ang pabango niya na nakatatak na sa isip ko.
"I want you to know that if you need someone to talk to, I'm always here for you."
"Thank you." Inabot ko ulit sa kanya ang panyo pero hinawi niya ang kamay ko.
"Keep it."
Pagbalik namin sa St. Michael's ng hapon na iyon, magaan ang pakiramdam ko.
Nasa kabilang van sina Carmen at Benji pero nasa kanya ang isip ko.
Masaya ako na naiintindihan niya ang sitwasyon ko at handa siyang maghintay.
Nakadama ako ng excitement.
I never felt an attraction to someone tulad ng nararamdaman ko sa kanya.
I guess I'm lucky she felt the same way for me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top