Chapter 26
CARMEN & MICHELLE
Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Edward, nagdesisyon ako na tumira malapit sa mga magulang ko.
Hindi sila nagulat sa desisyon ko.
Ang totoo nga, masaya sila dahil mapapalapit ako sa kanila.
Inamin ni Nanay na mula ng tumira kami malayo sa kanila, lagi daw siyang nag-aalala.
Lalo daw nadagdagan ang takot niya dahil sa ginawa ni Edward.
Kinausap ko ang manager namin at inamin sa kanya ang dahilan kung bakit bibitawan ko ang pwesto bilang senior accountant.
Nagulat din siya sa nangyari pero naiintindihan naman niya na mahalaga ang kaligtasan namin ni Zac.
Tinulungan niya din ako na magtransfer ulit sa branch namin sa Makati.
Dahil sa maganda naman ang performance ko bukod sa matagal na din akong empleyado sa kumpanya, naging madali ang paglipat ko.
Si Zac naman, masaya dahil sa magkakasama sila ulit ni Benji.
Nagkita kami ni Christine during enrolment.
Nagulat siya ng makita ako sa pila at sinabi ko sa kanya ang nangyari.
Nashock siya ng malaman ang ginawa ni Edward pero hindi ko na binanggit ang tungkol sa picture namin ni Carmen.
Tatlong linggo mula ng makalipat kami ulit sa Makati, tumawag ang biyenan kong lalake.
Gusto daw nila akong makausap.
Kung pwede daw, magsama ako ng abogado para mapag-usapan ang tungkol sa annulment.
Sa araw ng meeting namin, bukod sa abogado, kasama ko din sina Tatay at Nanay.
Pinaalalahanan ko si Tatay na huwag maghuramentado kapag nakita niya si Edward.
Pagdating namin sa law office sa Makati, naghihintay na sila.
Nakaupo siya sa gitna ng mama at papa niya.
Kung dati, laging nakataas ang noo mama niya dahil sa pagmamalaki, himala na nakatungo ito ng makita ako.
Si Edward naman, parang nangayayat bukod sa natatakpan ang mukha ng balbas.
Umupo kami sa tapat nila at sinimulan ng abogado na i-discuss ang proseso ng annulment.
Nakatungo lang si Edward at tahimik na nakikinig.
Bago matapos ang meeting, humingi si Edward ng permiso kung pwede siyang magsalita.
Tumango ang abogado bilang pagpayag.
Magkadaop ang palad niya habang nagsasalita.
"I don't know what came over me." Tumingin siya sa akin ng diretso.
"I will forever regret what I have done. I hope the time will come when you can forgive me."
"Bigyan mo ako ng panahon."
Tumango siya.
Nauna kaming lumabas ng opisina.
Alam ko na nakasunod sila sa amin pero hindi na ako lumingon.
Pareho kaming cooperative ni Edward sa mga schedule.
Dahil sa nangyari, mas pinatunayan niya na hindi na talaga kami pwedeng magsama.
Ang sabi ng abogado ko, isang taon ang usual process pero maaaring mapabilis pa dahil walang opposition sa magkabilang party.
Kasama sa kundisyon ang visitation rights ni Edward.
Supervised lagi at pumayag ako.
Siya pa din ang ama ni Zac at alam ko na mahal niya ang anak namin.
Nang huli kaming magkita, sinabi niya na nagka-counselling siya.
"I'm not a bad person, Michelle, but I know I can be better." Sabi niya.
Nung una, ayaw sumama ni Zac sa kanya dala na din ng trauma.
Hindi naman siya pinilit ni Edward.
Pinaliwanag ko kay Zac na kung handa na siya, magsabi lang sa akin.
Tatlong buwan din ang lumipas bago siya pumayag.
Kasama niya ako nung dinala siya ni Edward sa mall para magshopping.
Maasikaso si Edward sa kanya dahil mukhang nago-overcompensate sa nangyari.
Binilhan niya si Zac ng bagong basketball shoes pero ang kinatuwa ko naman, nagtanong muna siya sa akin kung okay lang na bilhin niya ito.
Nagulat ako dahil ang dating Edward, hindi ako tinatanong.
Perhaps he was finally learning how to be an adult.
Nang dumating ang June, excited na ginising ako ni Zac.
Pero kahit alas-singko kami nagising, 6:15 na kami dumating sa St. Michael's dahil sa traffic.
Halos mapuno na ang parking lot at ang spot na nakita ko ay nasa bandang dulo.
Pinaandar ko ang van at kakanan pa lang ako ng biglang may asul na Lexus SUV na bigla na lang umagaw sa pwestong minamataan ko.
Napahigpit ako ng hawak sa manibela.
Gustuhin ko mang magmura, nasa backseat si Zac.
Bumaba ang sakay ng SUV at isang matangkad at red hair na babae ang lumabas.
Nakalong-sleeves siya na kulay asul, maong at gray Tom's slip-on shoes.
Parang kanin ang kulay niya dahil sa sobrang puti ng kutis.
Papaandarin ko na sana ang van para maghanap ng ibang pwesto ng makita kong bumaba si Carmen.
Kasama niya ang mga anak ni Christine at lalong hindi ako nakagalaw sa pwesto ko.
Kung dati ay parang hindi siya kumakain dahil sa sobrang payat, ngayon medyo mabilog ang pisngi niya.
Bukod pa dun, pinkish ang kulay ng balat niya at makinang ang mga mata.
Kung hindi pa ako binusinahan ng driver sa likod, hindi ko paaandarin ang sasakyan.
Hinatid ko si Zac papunta sa school grounds.
Hindi ko na ulit nakita sina Carmen kahit pa mabilis na sinuyod ko ng tingin ang mga tao.
Hinalikan ako ni Zac sa pisngi at bago ako umalis ay naisipan ko na pumunta muna sa CR.
Malapit na ako sa CR ng biglang bumukas ang pinto.
Lumabas ulit ang red-haired na babae at kasunod niya si Carmen.
Nagkatitigan kaming dalawa at parehong natigilan.
"Hi." Siya ang naunang nagsalita.
"He...hello." Nauutal na sagot ko.
Napatingin siya sa babae.
"Sasha, this is Michelle." Tinuro niya ako.
"Michelle, Sasha." Ngumiti siya sa babae.
"Hi." Kumaway ako.
"Hello." Kumaway din ang babae.
Sa malapitan, kulay green na may orange specks ang mga mata niya.
"I'll wait for you over there." Tinuro ni Sasha ang puno ng mangga na malapit sa CR.
Nang makaalis na siya, nagkatinginan lang kami ni Carmen.
"Kumusta ka na?" Ako ang unang nagsalita.
"Okay naman. Ikaw? Kumusta ka na?"
"Okay din ako."
Suot niya na naman yung pabango niya na laging nagpapaalala sa akin ng amoy ng sea breeze.
Khaki ang pantalon niya at nakatupi ang manggas ng indigo long-sleeved shirt.
Wala siyang suot na medyas sa suot na dark brown moccasins.
Ang cute niyang tingnan.
Kinikilig pa din ako at parang may mga paruparo na lumilipad sa paligid kapag nakikita mo yung taong gusto mo.
"That's good to know." Sabi ni Carmen.
Medyo nakakaasiwa dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay namin nung huli kaming magkita.
Pero mula ng araw na iyon, may isang bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
"Carmen, gusto ko nga palang magpasalamat sa'yo."
"For what?"
"Kundi dahil sa'yo, hindi ako magigising."
"Hindi ko maintindihan."
"Nung magkakilala tayo, may nabuksan sa isip at puso ko." Paliwanag ko.
"I realized na I was always sacrificing my happiness for the sake of other people. When I met you, naging masaya ako ulit. Natuto akong umasa at mangarap. Kahit hindi man naging tayo, nagpapasalamat pa din ako sa'yo dahil kung hindi tayo nagkakilala, baka I'm still negotiating my happiness with what others want for me."
"I'm glad to hear that."
Inabot ko sa kanya ang kamay ko.
"Friends?"
"Friends."
Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil.
Nagpaaalam na siya at bago pumasok sa CR, lumingon ako ulit.
Nakaakbay siya kay Sasha habang naglalakad sila papunta sa parking lot.
Kahit medyo may kurot sa puso ko, masaya pa din ako.
Carmen came to my life to teach me something.
Hindi man naging kami, I could see that she's happy with Sasha.
Ako naman, nakuha ko na din ang gusto ko—ang mamuhay ayun sa gusto ko na hindi dinidikta ng iba kung ano ang dapat kong gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top