Chapter 22
MICHELLE
Mula ng kausapin ko ang magulang ko tungkol sa amin ni Edward, hindi ko siya matiyempuhan.
Habang tumatagal at hindi ko nasasabi sa kanya ang gusto kong mangyari, bumibigat ang dibdib ko dahil nawawalan ako ng lakas ng loob.
Meron na akong nakarehearse na speech at sa paglipas ng bawat araw, napagbabali-baliktad ko na ang mga namemorize ko.
Alam ko na hindi madali ang gagawin ko pero hindi naman pwede na ganito ang set-up namin.
May pader sa pagitan namin at lalong lumalawig ang hindi namin pagkakaunawaan kung hindi kami magkikibuan.
Pagkatapos ng huling away namin , si Zac lang ang kinakausap niya.
Nagu-guilty ako dahil pati ang bata, naiipit.
Maraming tanong sa mga mata niya pero hindi naman ito nagsasalita.
Ano nga ba ang masasabi niya eh kahit ako, naguguluhan din sa sitwasyon?
Hindi ko alam kung ano ba ang gustong mangyari ni Edward dahil hindi naman siya gumagawa ng paraan para kausapin ako.
Naisip ko na i-text siya pero parang hindi tama.
Ang problema, hindi ko naman siya maabutan dahil magkaiba ang schedule namin.
Pag-alis ko sa umaga, tulog pa siya.
Pag-uwi naman niya, tulog na ako.
Nagbibihis lang siya tapos diretso higa na.
Ang sabi ni Yaya Imelda, kumakain lang ito ng pananghalian tapos diretso na din sa trabaho.
Lagi daw nitong tinatanong kung kumusta na si Zac.
Hindi naman daw ako hinahanap.
Kailangan ko na talagang umaksiyon.
Hindi pwede na ganito kami palagi.
Ang tanong, kelan ko siya mahahagilap?
Nakatira nga kami sa isang bubong pero daig pa namin ang hindi magkakilala.
Nagulat na lang ako ng isang hapon pag-uwi ko, naabutan ko siya sa bahay na nanonood ng DVD.
Wala si Yaya dahil sinundo niya si Zac sa school.
Nagkatitigan kami ni Edward pero hindi siya nagsalita.
Binalik niya ang tingin sa pinanonood na war movie na hindi ko alam ang title.
Ang nakita ko lang sa screen ay mga sundalo na pinangungunahan ni Brad Pitt.
Pinatong ko ang bitbit na purse sa ibabaw ng glass-topped center table.
"Edward, kailangan nating mag-usap."
Kinuha niya ang remote at pinause ang TV.
"I agree. I think this talk is long overdue." Sumandal siya sa sofa at tiningnan ako ng diretso.
"Gusto kong makipaghiwalay sa'yo." Walang kagatol-gatol na sinabi ko.
Kumunot ang noo niya at nanigas ang panga.
"What?"
"Narinig mo ang sinabi ko. Di ko na kailangang ulitin pa." Pagmamatigas ko.
"Michelle, why are you doing this? Bumalik ako para ayusin ang relasyon natin tapos ngayon you're telling me you want to separate?"
"At ano ang gusto mong gawin natin? Patuloy tayo na magkunwari na may future pa sa ating dalawa? Yun ba?"
"Is there someone else?"
"Bullshit!" Sigaw ko. "Bakit ba iyan na lang ang laging tanong? Can't it be because of the fact na wala nang kapupuntahan ang relasyon natin? Na matagal na tayong hindi masaya sa isa't-isa?"
"Because I don't believe that there's nothing left for us." Umusod siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Michelle, I know I made a lot of mistakes but I'm willing to change if you'll let me."Nangungusap ang mga mata niya pero hindi ko makita ang sincerity sa sinasabi niya.
"Kung gusto mo talagang ayusin ang relasyon natin, bakit hindi ka gumawa ng paraan noon? Why now when it's too late?"
"It's not too late. Give me another chance. I promise I'll do better."
"Edward, ilang promise pa ang sisirain mo?"
"Just one more chance, Michelle. If I fail this time, ako na mismo ang lalayo. I won't bother you and Zac again."
Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko pero unti-unti akong bumitaw.
"Pagod na ako sa paghihintay, Edward. Suko na ang puso ko sa patuloy na pag-asa na magbabago ka. Ilang taon akong nagdasal at nangarap na sana maging maayos at mabuo ang pamilya natin pero hindi ka dumating ng mga panahon na iyon. Nagkamali ako sa desisyon na pakasalan mo ako dahil hindi ka handa. Siguro kung nanindigan ako sa gusto ko, baka naging masaya tayo kahit magkahiwalay ang landas natin."
"Don't give up on me. I could be the same guy you fell in love with if you let me."
"I'm sorry pero hindi tayo pwedeng patuloy na mabuhay sa anino ng nakaraan nating dalawa. Gusto ko din lumigaya. Tulad mo, gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko. Ayoko ng ganito na lagi tayong nag-aaway at hindi magkasundo. Ayokong mamulat si Zac sa ganitong klaseng environment. He deserves peace in his life. Siguro mas mapapalaki natin siya ng maayos kung magkahiwalay tayo at hindi yung magkasama nga tayo pero hindi natin matagalan ang isa't-isa."
"I'm begging you, Michelle. What do I have to do to earn your forgiveness? Gusto mo bang lumuhod at magmakaawa ako dahil I will do that?"
"Ayoko na ng drama. I want you be an adult and to listen to what I'm trying to tell you."
"What if I tell you that I don't like what I'm hearing?" Nag-iba na ang tono niya.
Kung kanina ay mahinahon siya, ngayon matigas at tumaas na ang boses niya.
"Well it's too bad. Things won't always go your way. May mga bagay na masakit sa tenga pero ganun talaga ang buhay. God knows I have to deal with unpleasant things when..." Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko.
"When what?" Paangil na tanong niya.
"Nothing."
"Sisisihin mo na naman ba si Mama sa nangyari sa atin?"
"Kaya nga hindi ko sinabi di ba?"
"Why do you have to blame her for everything?"
"Gusto mo talagang malaman ang sagot?"
"Oo."
"Dahil ni minsan, hindi mo pinadama sa akin na kaya mo akong ipagtanggol sa mama mo. Nung nakatira pa tayo sa kanila, siya ang lagi mong kinakampihan. Kahit masakit ang mga sinasabi niya sa akin, hindi mo siya sinasaway. Tumatahimik ka lang at hindi mo siya pinipigilan. Kapag sinasabi ko sa'yo ang nararamdaman ko, lagi mong sinasabi na intindihin ko ang mama mo. Ako, Edward? Inintindi mo ba ang nararamdaman ko? Naisip mo ba na nasasaktan din ako?"
Hindi siya kumibo.
"Lagi na lang tayong ganito. Kapag meron tayong disagreement, laging nadadawit ang mama mo dahil you don't want to hear what I have to say about her.
I'm not being disrespectful. Ang gusto ko lang naman ay pakinggan mo ang side ko at hindi yung lagi kang handang ipagtanggol siya. You invalidate my feelings and this situation has gone on long enough. I'm done and I want to move on with my life."
Bumuntong-hininga siya.
Kita ko sa mata niya ang pagkadismaya.
Ako naman, gumaan ang pakiramdam.
Ilang taon kong kinimkim sa dibdib ko ang mga bagay na sinabi ko sa kanya.
"Kung takot kang humarap sa mama at papa mo, huwag kang mag-alala. Kakausapin ko sila at isosoli na kita. Yun naman ang matagal na gusto ng mama mo di ba?"
Tumayo na ako at iniwan ko siya sa sala.
Pumasok ako sa kuwarto at umupo sa kama.
What I told him wasn't what I memorized.
Tumayo ako at nagpalit ng damit.
Paglabas ko ng kuwarto, hawak ni Edward ang phone ko.
"Anong ginagawa mo?"
Hinarap niya sa akin ang phone.
Nakadisplay sa screen ang picture namin nina Carmen at Zac ng pumunta kami sa Tagaytay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top