Chapter 2
A/N:
Hello;
I apologize for the weird margins in Chapter 1.
When I checked the app, the layout looked like it had a mind of its own.
I have no idea how it happened and I hope it didn't bother your reading pleasure.
I swear I try to edit :)
LCC
***
MICHELLE AND EDWARD
"Hindi ka na naman makakapunta sa laro ni Zac?"
Kung dati ay hindi ko pinapahalata kay Edward na galit ako, two years after naming maghiwalay ay wala na akong pakialam.
This was the third time na hindi siya makakapanood ng basketball game and I'm tired of making excuses for him lalo na at hindi naman tanga o manhid ang anak namin.
The last time Edward couldn't make it, sinabi ko kay Zac na his dad was stuck in a meeting.
Ako ang nagulat nang sabihin sa akin ni Zac huwag na daw akong magsinungaling.
Sanay na naman daw siya na wala ito.
It was my idea na maghiwalay na kami ni Edward.
From the start, hindi talaga ako gusto ng Mama niya.
Malas lang kasi nabuntis ako.
Ayoko din naman na magpakasal sa kanya pero hindi pumayag si Tatay.
Dapat daw panagutan ni Edward ang ginawa niya.
I felt it was a mistake marrying him lalo na at nakita ko ang galit sa mata ng mama niya.
She wanted Edward to marry a different girl.
Anak ito ng amiga niya at kapareho nila ng katayuan sa buhay.
Mayaman kasi sila samantalang working student ako at iskolar ng bayan.
Hindi ko naman siya type nung umpisa.
Kahit sinasabi ng mga barkada ko na he's a good catch dahil bukod sa guwapo ay mayaman nga.
But I never cared for those things.
Ang gusto ko kasi, responsableng tao.
Bonus na yung may itsura.
Hindi ko kailangan ng guwapo dahil sakit pa ng ulo yan lalo na kung may mga malalanding babae na aali-aligid.
Pero hindi ako tinantanan ni Edward kahit pa sinabi ko na wala akong time na makipag-date.
"I'll wait till you're ready."
Englisero siya talaga.
Minsan, I find it rude lalo na kung Tagalog siya kinakausap ng mga barkada ko pero dun daw siya kumportable.
Whatever!
First year college kami ng magsimula siyang mangulit.
Third year na kami ng sinagot ko siya.
Hindi kasama sa plano ko ang mabuntis pero dapat sinama ko sa plano ko ang hindi makipag-sex.
That was stupid.
When I told Edward na two weeks na akong delayed, ako pa ang tinanong niya ako kung ano ang dapat naming gawin.
"Ano pa eh di pumunta tayo sa Mercury para bumili ng pregnancy kit?" Yamot na sagot ko.
Para siyang aso na nakasunod sa akin habang naglalakad kami sa aisle at hinahanap ang kailangan namin.
Naghihintay siya sa labas ng CR sa mall habang hinihintay ko ang resulta.
Nang lumabas ang plus sign, para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
My worst nightmare came true.
Nang makita niya ako, atubili siyang nagtanong kung anong nangyari.
"Buntis ako." Walang gatol na sagot ko.
"Shit!" Sabi niya.
Edward suggested we keep my pregnancy a secret.
"Sira ka ba? Paano ko itatago ang paglaki ng tiyan ko?" Nasa loob kami ng kotse niya habang pinag-uusapan kung ano ang gagawin namin.
"Maybe you can tell them you're constipated or bloated?"
Tinitigan ko siyang maigi.
Nang oras na iyon, gusto ko siyang batukan.
"At sa palagay mo, gaano ko katagal pwedeng gamitin ang alibi na iyan?"
"Just until such time that I'm able to think of something."
"By something, anong ibig mong sabihin?"
Nag-aalala ako na baka gusto niyang ipa-abort ang dinadala ko.
Kahit hindi ako ready na maging nanay, hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag ang baby.
Natahimik si Edward at nabasa ko sa mata niya ang bagay na naisip ko.
"Eh tarantado ka pala eh." Sinuntok ko siya sa balikat pero ako lang ang nasaktan dahil matigas ang muscles niya.
"Kung di mo ko kayang panindigan, magkalimutan na tayo."
Binuksan ko ang pinto ng kotse para bumaba pero hinila niya ako sa braso.
"Michelle, let's talk about this."
"Di ba iyan ang ginagawa natin kanina pa?" Singhal ko.
"I can't think with you screaming and panicking."
"Wala kang dapat pag-isipan pa, Edward. It's either panindigan mo ang ginawa mo o maghiwalay na tayo."
Lumabas na ako ng kotse at di na niya ako pinigilan.
Hindi ko balak na itago ang sitwasyon sa pamilya ko.
Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo.
Mahigpit ang parents ko sa akin dahil ako lang ang babae sa apat na magkakapatid.
Kung sila ay malayang nakakagala, ako, dapat nasa bahay na pagkagaling sa school.
Hindi nga nila alam na meron akong boyfriend.
Kaya ang sakit sa ulo dahil di ko alam kung paano ko sasabihin ang nangyari.
Bukod sa mahigpit sila sa akin, ang laki ng expectation nila na makakatapos ako ng college.
Sina kuya kasi, hindi nakatapos dahil puro bulakbol.
Si Kuya Alex, fourth year high school lang ang natapos dahil ayaw niyang magcollege.
Nagtrabaho siya agad sa factory ng electronics.
Si Kuya Roman naman, nakatungtong ng first year college kaso laging nakikipagtalo sa mga prof niya.
Feeling niya kasi, mas matalino siya sa mga ito.
Hindi na siya nag-enrol sa second year dahil sayang lang daw ang oras niya.
Si Kuya Cesar naman, umabot ng third year kaso nabuntis ang girlfriend niya.
Pinilit din siya ni Tatay na pakasalan ang babae.
Wala daw sa mga anak niya ang tumatalikod sa responsibilidad.
Kaso, hindi na tinustusan ni Tatay ang pag-aaral niya dahil ang katwiran nito, dapat daw matuto siyang tumayo sa sarili niyang paa.
Imbes na mag-aral, nagtrabaho na lang si Kuya para buhayin ang pamilya niya.
Inisip ko ang sitwasyon ni Kuya Cesar ng malaman ko na buntis ako.
For sure, pipilitin ni Tatay na pakasalan ako ni Edward.
Kahit ayoko, mangingibabaw kay Tatay ang kahihiyan ng pamilya namin.
Tanda ko ng tinanong niya si Kuya Cesar kung gusto niyang maging bastarda ang bata.
For sure, history will repeat itself sa kaso ko.
Pagbalik ko sa school, nakasandal si Edward sa harap ng itim na hatchbox na Honda Civic.
Kausapin daw namin ang magulang ko.
"Nagsabi ka na sa inyo?"
"No."
"Handa ka bang mapakasal sa akin?"
"Why do we have to get married? I'm taking responsibility for what happened. Isn't that enough?"
"Hindi mo kilala ang tatay ko."
Isang buwan kong tinago ang pagbubuntis ko.
Kaya lang, dumating ang time na nakaranas ako ng morning sickness at di naiwasang sumuka pagkatapos kong kumain ng almusal na sinangag at tuyo.
Nasa hapag kainan kami nina Tatay, Nanay, Kuya Alex at Kuya Roman na nakatira pa din sa bahay namin ng bigla na lang akong tumayo para pumunta sa banyo.
Halos di ako umabot sa toilet bowl ng nilabas ko lahat ng kinain ko.
Paglabas ko ng banyo, nakatingin silang lahat sa akin.
Nakapalibot silang lahat sa akin sa sala at doon ko inamin ang lahat.
Pinatawagan ni Tatay si Edward at pinapunta sa bahay.
Pagdating niya, kasama niya ang Mama at Papa niya.
Nakataas ng noo ng Mama niya ng pumasok sa bahay namin.
Ang Papa niya naman, magalang na nagpakilala sa magulang ko.
Sa tingin ko, andres de saya ang tatay ni Edward dahil ni minsan, hindi ito nagsalita habang kausap si Tatay.
Ang asawa niya lang ang sumasagot.
Kapag napapatingin siya sa akin, umiismid.
Tinataasan ko lang siya ng kilay dahil imbiyerna din ako sa kanya.
Parang business transaction ang lahat dahil sa bilis ng pangyayari.
Mas matagal pa nga kesa mag-grocery shopping dahil kailangang maghintay sa pila ng check-out counter para magbayad.
Yung arrangement ng kasal namin ni Edward, natapos in less than thirty minutes.
A month later, kinasal kami sa munisipyo.
Lumipat ako sa bahay nila at hindi tinago ng mama niya ang pagkainis sa akin.
Kahit may katulong sila, ako ang naglalaba ng mga damit namin bilang bayad sa pagtira sa bahay nila.
"Your food and lodging is already free." Sabi ng biyenan ko.
"I guess you can manage to take care of your laundry."
Kaya ko naman.
Hindi din ako nag-expect na magbuhay señorita sa piling nila.
Sanay din naman akong magbanat ng buto.
Ang hindi ko lang matagalan ay ang mga pasaring ng biyenan ko.
Saan daw ba ako napulot ni Edward?
Kesyo wala daw akong class at etiquette.
Kung si Bernadette daw ang nabuntis niya, okay lang dahil they belong to the same strata of society.
Bullshit!
Mahirap nga kami pero hindi naman kami busabos.
Public school teacher si Tatay at kahit housewife si Nanay, pinalaki nila kami ng maayos.
Tatlong linggo pa lang akong nakatira sa bahay nila ng makunan.
Iyak ako ng iyak.
Nang sinabi ko kay Edward ang nangyari, lalo akong nadismaya sa reaksiyon niya dahil para siyang nabunutan ng tinik.
Ang malas nga lang niya dahil hindi tulad ng miscarriage ko, hindi niya pwedeng bawiin ang kasal namin.
Pati ang mama niya, mukhang naibsan ng malaman ang nangyari.
Ang papa niya lang ang umalo sa akin.
Nung nakatira kami sa bahay nila, doon ko lang narealize na mama's boy si Edward.
Kung ano ang sabihin ng mama niya, oo lang ng oo.
Pati ang pag-aaral ko, napagdiskitahan nilang mag-ina.
Dapat daw tumigil ako sa pag-aaral para maging full-time housewife.
Ang sabi pa ng mama niya, baka kaya daw ko nakunan dahil sa nahihirapan akong pagsabayin ang school at married life.
"If you stay at home, you can take better care of Edward." Mungkahi ng mama niya.
Sang-ayon naman ang mokong pero hindi ako pumayag.
Isang taon na lang at matatapos ko na ang accounting course ko.
Habang nakikilala ko si Edward, lalo ko lang napatunayan na hindi ako pwedeng umasa sa kanya.
Five years later, nabuntis ako ulit.
Nagtatrabaho na ako nun sa accounting department ng SM.
Masaya naman ako dahil bukod sa kasundo ko ang mga katrabaho ko, stable ang kumpanyang napasukan ko.
Isa pa, kapag nasa trabaho, malayo ako sa anino ng biyenan ko.
Nag-suggest ako kay Edward na bumukod kami tutal may trabaho na din naman siya bilang sous chef sa isang restaurant pero ang katwiran niya, bakit daw kami aalis sa piling ng mama niya eh libre naman lahat?
Sinabi ko sa kanya na kung gusto naming bumuo ng pamilya, mas mabuti kung magsarili kami.
Hindi siya pumayag.
Ang masama pa, nagsabi siya sa mama niya.
Kinausap ako ng biyenan ko at sinabi na hindi praktikal ang ideya ko.
Hindi ko lang masabi sa kanya na gusto kong umalis sa bahay nila dahil gusto kong matuto si Edward na magdesisyon on his own at hindi yung lagi na lang nakakapit sa laylayan ng palda niya.
Nang malaman niya na buntis ako ulit, okay lang ang sinabi niya.
Sa awa ng Diyos, hindi naman naging maselan ang pagbubuntis ko.
Nang pinanganak si Zac, sobrang saya ko.
Nakita ko na ganun din ang nararamdaman ni Edward.
It was foolish of me to think na dahil may anak na kami, magbabago din siya dahil mas lalo siyang naging dependent sa mama niya.
Ni hindi niya kinakarga ang bata kundi laging hinahayaan na katulong ang nag-aalaga dito.
Ang biyenan ko, lalo ding naging pakialamera.
Naniniwala ako sa bakuna pero nagkaroon kami ng mahabang diskusyon tungkol dito dahil iba na daw ang panahon ngayon.
Di daw ako sigurado kung safe ang bakuna.
Baka imbes daw na makabuti, baka magkasakit si Zac.
As usual, Edward took her side.
Bwisit na bwisit ako sa kanya dahil wala akong desisyon na pinaboran niya.
Nang dinala ko si Zac sa pedia, pinabakunahan ko.
Ang katwiran ko, anak ko, desisyon ko.
Nang magkaanak kami, parang dalawang bata ang inaalagaan ko dahil Edward was more fuzzy than Zac.
Kapag ginagabi ako from work, hindi ako tinatantanan ng katatalak.
There was one time na nabwisit ako sa kakadaldal niya na hinagisan ko siya ng suot kong high heels.
Buti na lang at nakailag siya dahil kung hindi, sapul siya sa noo.
Habang tumatagal, lalo akong nalulungkot sa kinalabasan ng relasyon namin.
Habang lumalaki si Zac, nag-aalala ako na wala siyang matatag na father figure dahil ang daddy niya, buhay binata pa din.
Nang magtrabaho siya sa restaurant na pag-aari ng kaibigan ng mama niya, malimit itong gabihin ng uwi.
Ni hindi niya tinuturuan si Zac sa homework nito.
Kaming dalawa lang lagi ang magkasama dahil kahit pagod ako sa trabaho, I make it a point na tulungan siya sa mga subjects niya.
Mahal siya ng lolo at lola niya pero ang hindi ko gusto ay ang pangi-spoiled na ginagawa ng biyenan kong babae.
Kapag ayaw niyang kumain ng gulay, okay lang sa biyenan ko kahit puro hotdog ang kainin ng bata.
Napalo ko minsan si Zac dahil ayaw niyang kainin ang carrots.
Tumakbo ito at nagtago sa likod ng palda ng lola niya.
Nang time na iyon, I had a bad feeling na baka matulad sa ama niya ang anak ko.
Bago iyon mangyari, nagdesisyon ako na umalis kami.
Hindi pumayag si Edward.
Ang tanong pa niya, bakit ang kulit ko?
Ang sagot ko, dahil makulit din siya.
"Why do you have to make life difficult for us?" Nanggagalaiting tanong niya.
"Dahil gusto kong maging maayos ang pamilya natin."
"Bakit? Hindi ba maayos ang buhay natin?"
"Ano sa palagay mo?"
"I think you're being ridiculous."
Nabwisit ako sa sinabi niya.
"Edward, pagod na ako. Hindi na kita hihintayin na gumawa ng desisyon."
"What do you mean?"
"Kung ayaw mong umalis, I'm taking Zac with me."
"You can't do that, Michelle."
"Try me." Hamon ko.
Nagpasundo ako kina Kuya Alex at Kuya Roman.
Galit na galit ang biyenan kong babae pero for the first time, kinampihan ako ng papa ni Edward.
Pinigilan niya ang asawa niya na habulin kami.
Kina Tatay muna kami tumuloy habang nililinis pa ang apartment na lilipatan namin.
Nang gabing iyon, sumunod si Edward.
Akala ko, kapag humiwalay kami sa mama niya, mas makakabuti sa aming dalawa pero nagkamali ako.
Sobrang tamad ni Edward.
Lahat inaasa sa katulong namin.
Malimit kaming mag-away dahil gusto ko na tumulong siya sa gawaing bahay.
Di ko alam kung nagrerebelde siya pero lalong napadalas ang paglabas niya kasama ang mga barkada niya sa trabaho.
Pati ang mga mumunting repair sa bahay tulad ng pagpapalit ng bumbilya, ako pa ang gumagawa.
Nasagad ang pasensiya ko ng pag-uwi ko isang gabi, naabutan ko na madilim ang bahay.
Pagpasok ko, may nakasinding kandila at nakaupo sa sofa ang katulong habang pinapaypayan ang natutulog na si Zac.
Naputulan daw kami ng kuryente.
Nang umagang iyon, pinaalala ko kay Edward na bayaran ito.
Ang sabi ng katulong, maaga daw umalis ang kuya niya dahil birthday ng katrabaho.
Pagdating ni Edward bandang hating-gabi, lasing na lasing ito.
Todo ang pagkatok niya pero hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.
Kahit pa sumisigaw siya, tinakpan ko ng unan ang tenga ko.
Kinaumagahan, hinatid siya ng biyenan kong babae.
Sinermonan ako dahil sa ginawa ko.
Nabastos daw ang anak niya sa ginawa ko.
Kesyo hindi daw iyon gawain ng matinong babae.
"Sa palagay niyo, matino ang ginawa ng anak niyo?" Buwelta ko.
"He made a mistake, Michelle. It was just a small thing. That's not a good reason to embarrassed my son." Nanlalaki ang butas ng ilong niya.
"You know what? Ang mabuti pa, dalhin niyo pauwi ang anak ninyo. Kapag kaya niya ng alagaan ang sarili niyang pamilya, saka na lang siya bumalik."
Namutla ang biyenan ko sa narinig.
"You're being irrational." Banat ng magaling kong asawa.
"I'm being irrational." Sigaw ko.
"Edward, trenta y dos anyos ka pero kung kumilos ka, akala mo bente anyos ka lang. Kung nasa bahay ka, wala kang ginawa kundi kumain o di kaya matulog. Pati ang maliliit na bagay, hindi mo kayang gawin. Isa lang ang anak ko pero daig mo pa ang isang sanggol."
"That's enough!" Sigaw ng magaling kong biyenan. "You have no right to say that to my son."
"You have no right to talk to me like that." Dinuro ko siya.
Sawang-sawa na ako na lagi na lang nila akong pinagkakaisahan.
"Nasa pamamahay ko kayo at wala kayong karapatan na maliitin ako. Kung hindi magbabago ang anak niyo, dalhin niyo siya pabalik sa bahay ninyo tutal doon naman siya masaya."
"Michelle, let's talk about this." Pagmamakaawa ni Edward.
"I'm tired of talking. You never listened to me anyway."
Hinila siya ng mama niya sa braso.
"You don't deserve this kind of treatment, hijo. Ang mabuti pa, umalis na tayo."
Nanatiling nakatayo sa pagitan namin si Edward na parang nag-iisip kung ano ang gagawin.
"Are you coming or not?" Sigaw ng mama niya.
Sa isang singhal lang, sumunod siya agad na parang asong bahag ang buntot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top