Chapter 18
MICHELLE
"Saan ka ba nagpunta?" Hindi pa naisasara ang pinto ay binanatan na agad ako ni Edward ng tanong.
Tumingala tuloy sa amin si Zac dahil sa galit na tono ng ama niya.
"Naglakad-lakad lang ako sa mall." Katwiran ko.
Totoo naman kasi na iyon ang ginawa ko pagkatapos naming mag-usap ni Carmen.
Tuluyan na akong nawalan ng gana na tapusin ang pelikula ng malaman ko na babalik na pala siya sa Canada.
"Di mo man lang naisip na hinahanap ka ng anak mo?" Umupo siya sa sofa para tanggalin ang suot na rubber shoes.
Si Zac naman, pumasok na sa kuwarto niya at sinara ang pinto.
"Kasama ka naman niya di ba?" Umupo ako sa single sofa.
"Oo nga pero you shouldn't leave like that."
"You're one to talk." Bulalas ko.
Lumaki tuloy ang butas ng ilong ni Edward dahil sa sinabi ko.
"Is this how we're going to be?" Pinasok niya ang hinubad na medyas sa loob ng sapatos.
"Look, Michelle. I came back dahil gusto kong ayusin ang pamilya natin. Kahit galit si Mama sa ginawa ko, I chose to be with you and Zac."
"Yun naman pala eh." Sumigaw ako.
"Bakit parang sinisisi mo ako sa naging desisyon mo? Walang pumilit sa'yo na bumalik dito kaya huwag mong ipamukha sa akin na utang na look ko sa'yo na gusto mong gampanan ang papel mo bilang anak at asawa." Nanggagalaiting sabi ko.
"I don't understand you. Mula ng bumalik ako, I feel like you're a completely different person. I feel like I don't know you anymore."
"Tama ka. Nagbago na nga ako. You were gone for two years, Edward. Sa loob ng panahon na iyon, nagbuhay binata ka. You enjoyed your freedom habang pinapalaki ko si Zac mag-isa. Ang mga obligasyon mo, binalewala mo. Ako ang nagpapakahirap magtrabaho para mabuhay kaming mag-ina. Do you really expect me to be the same Michelle na tahimik lang na sinusunod ang gusto mo at ng mama mo?"
"Huwag mong idamay si Mama dahil wala siyang kinalaman dito."
"Pinagtatanggol mo pa siya? Eh di ba kaya nga nagkaleche-leche ang buhay natin dahil sa puro desisyon niya ang nasusunod?"
"She only has the best intentions." Pagtatanggol niya.
"Best intentions for you but not for this family."
"You're being unfair."
"Ako pa ang unfair ngayon? Umpisa pa lang, sinabi ko na sa'yo na bumukod tayo pero ayaw mong lumayo sa magulang mo."
"We were just starting then." Katwiran niya.
"Wala tayong sariling bahay at bakit tayo mangungupahan kung libre naman tumira kina Mama?"
"Nakipisan tayo sa kanila for five years." Inangat ko ang kanang kamay.
"Wala din naman tayong naipon sa loob ng mga panahon na iyon. Bili ka ng bili ng bagong damit at sapatos. Kapag pinupuna kita, nagagalit ka. Sinasabi mo na napakacontrolling ko, na I don't know how to have fun and live my life. Sa palagay mo kung puro pagi-enjoy ang ginawa ko, mapag-aaral ko ba si Zac sa magandang eskuwelahan?"
"Why are you being like this? Tinanong lang naman kita kung saan ka nagpunta tapos ngayon you're being hysterical." Iniba niya ang usapan.
"Ikaw ang nagsimula nito kaya huwag mong ibahin ang usapan."
Bigla siyang tumayo at lumapit sa kuwarto.
"There's no point in arguing with you dahil hindi ka naman papatalo." Pumasok na siya sa at sinara ang pinto.
Pag-alis niya, kumatok ako sa pinto ni Zac.
Hindi siya sumagot kaya pinihit ko ang doorknob.
Bukas ito at naabutan ko siyang nakahiga sa kama at balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa.
Ang liwanag ay galing sa pulang lampshade na may mukha ni Spiderman.
Umupo ako sa dulo ng kama.
"Anak, tulog ka na ba?"
Walang sagot.
Hinila ko pababa ang kumot pero hinablot niya ito.
"Pasensiya ka na sa amin ng Daddy mo." Hinawakan ko ang paa niya at naramdaman na binaluktot niya ito.
Bumangon si Zac at sumandal sa headboard.
"Di mo na ba mahal si Daddy?" Inexpect ko na baka umiiyak siya pero tuyo ang mata at pisngi niya.
"Hindi ko alam, anak."
"Eh bakit po kayo pumayag na bumalik siya dito?"
"Akala ko kasi magiging masaya tayo kung magsasama tayo ulit."
"Dahil ba sa akin, Mommy?"
Tinitigan ko siya.
Eight years old lang si Zac pero matalino siyang bata.
Kung dati, naniniwala siya sa mga pagtatakip ko sa daddy niya, habang lumalaki siya, nakakahalata na.
Kaya naman nung sinabi niya na sanay na siya na wala ang daddy niya, alam ko na I owe him the truth.
The more na tinatago ko ang totoo, baka dumating ang time na kung totoo na yung sinasabi ko, hindi na siya maniwala.
Gumapang si Zac palapit sa akin tapos niyapos ako.
"Mommy, okay naman po tayong dalawa dati di ba? Ako yung superhero mo tapos kayo naman ang super mommy ko. Bakit di na lang tayo bumalik sa dati para di na po kayo nalulungkot?"
Biglang tumulo ang luha ko.
Hindi ko inasahan ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
"Ayaw mo ba na nandito ang daddy mo?" Hinaplos ko ang buhok niya.
"Eh nandito nga po siya pero lagi naman kayong nag-aaway? Ayoko po na nakikita kayong umiiyak."
"Sorry, anak."
"Okay lang po, Mommy. Smile na kayo kasi ako, di ko kayo iiwan."
"Halika nga dito." Hinila ko siya sa braso at niyakap ng mahigpit.
Nang gabing iyon, magkatalikod kami ni Edward sa higaan.
Naghihilik siya na parang hindi apektado sa pagtatalo namin kanina.
Kunsabagay, ganun talaga siya dati pa.
Kahit anong away namin, kapag sumandal na ang likod niya sa higaan, tulog na siya.
Ako itong dilat na dilat at hindi dalawin ng antok dahil sa binabagabag ng kunsensiya.
Kasalanan ko ba na nagpakasal siya sa akin?
Naging miserable din ba siya dahil sa naipit kaming dalawa?
Hanggang kailan namin pahihirapan ang isa't-isa eh halata namang hindi na kami masaya?
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga.
Sana simple lang ang sagot sa mga tanong ko.
Pero kung lalo kong gagawing kumplikado, lalong hindi makakatulong.
Dahan-dahan akong pumihit hanggang sa nakaharap na ako sa kanya.
"Anong nangyari sa atin, Edward?" Tanong ko sa dilim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top