3rd Paper

3rd Paper
Babae

"Jesca, dress nicely. We'll go to the gym and eat out later." Pumasok si Mama nang napaka-agap para lang maghatid ng magandang balita. It's six am, Mama.

"Hmm. Who would want to go out on a Saturday-rest-day?" pikit-mata kong reklamo.

"Magji-gym tayo, kasama si Lai at Drian. Wala si Jarvy kaya tayo lang apat."

Did Mama just say the magic word?

Awtomatik na naramdaman ko na ang excitement ng bawat klase ng hormones sa katawan ko. Hindi nga lang ako tumayo dahil ang hirap kaya. It's six am, okay? Six. AM.

Laki ng issue ko sa six am, sensya na. Sabado, e.

"Sige lang, Mama. Mamaya pagkababa ko ay sexy na ako." Ibinalot kong muli ang sarili ko sa kumot para umidlip.

Sasama ako mamaya sa gym only because hubby is there. Kasi, sino ang magpapahid sa pawis niya kapag tumutulo na, diba? O, syempre si wifey. Hindi ako magwe-weights, or jog, or whatever because I love my body for me to change it. I am contented. Charing!

And being contented meant the acceptance of my excess fats. Plus, the people who hate fats are piteous! Ayaw ba nila ng portable matress, ha?

But it's their loss anyway.

Ako ang nagbitbit ng gym bag ni Mama, tutal ay wala naman daw akong dalang sarili. Masaya ko naman siyang binitbit dahil ito na ang mismong exercise ko. Hindi na ako magpapa-lago pa ng mga muscles doon. Dumiresto na kami sa gym dahil nauna na pala roon sina Tita Lai at Drian.

Si Kuya Jo ang naghatid sa amin dahil hindi naman gaanong marunong magmaneho si Mama. Pagkadating ay kinausap ni Mama ang nasa front desk tapos nagpunta na kami sa lockers.

"Hindi ka ba magpapalit, Jesca? Bakit naman mukha kang maglalakwatsa sa mall?"

Naka-pants lang kasi ako at maayos na tshirt. E kasi nga wala naman talaga akong balak mag-gym diba. Nakakapagod kaya. Ayokong magta-takbo sa treadmill tapos ay mamaya ibabawi ko rin naman ang pagod ko sa pag kain. O diba, wala rin.

"Ayoko, Ma. Papanoorin ko na lang kayo." At syempre si hubby ko.

Paniguradong pagpapawisan na ako roon, sa hotness ba naman ni Drian eh. Tignan ko lang kung di ako pawisan.

Hindi naman na namilit si Mama. Feeling ko kasi alam niyang wala rin siyang mapapala. Nauna akong lumabas para sana maghanap ng mauupuan. Nakakita naman ako ng couch. Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na upuan at tsaka ibinaon ang mukha ko sa phone.

"No, silly. Ikaw lang talaga..."

Dumating si Drian at Tita Lai. Napansin ko ang pakikipagusap ni Drian gamit ang phone niya. Ngiting ngiti siya kaya't nawawala na naman ang mga mata dahil sa kasingkitan. Sino kaya ang kausap n'on? Must be one of his friends.

"Gym lang ako. I'll call you later. Love you." Huli niyang sabi bago itinago ang kanyang phone.

Okay...?

Well, it's not like guy friends don't say that to each other, right? Pero hindi ko alam na uso na rin pala iyon sa mga lalaki.

Just great. Sige pa, Jesca, asa pa!

Pero sino nga kaya iyon? May girlfriend na ba siya? Imposible! Kung meron ay dapat dati ko pa nalaman. Sa daldal ba naman ni Mama at ni Tita Lai, nako, kulang na lang ay malaman ko pa kung ano ang kulay ng suot na brief ni Drian kada araw.

"Aren't you gonna lift or what?" tanong sa akin ni Drian. Inaayos niya ang gamit niya na nakapatong sa table na malapit sa kinauupuan ko. Halos magtatalon na ako rito dahil kinausap niya ako!

"H-Hindi na." I'm stuttering. God! "Bakit?"

Tanong lang, para naman humaba ang usapan namin kahit 0.0001 second lang. Pero tignan mo nga naman, hindi na siya sumagot. Nagkibit lang siya ng balikat, pagkatapos ay uminom ng tubig. Matapos noon ay hinubad niya ang tshirt niya at nagpalit sa gym clothes. Sa harap ko!!! Okay, iyong pantaas lang naman. Pero kasi parang... parang nagutom ako bigla. At nauhaw!

Nagsimula siyang mag-lift ng weights, una ay maliliit pa lang ang binubuhat niya. His moves were flawless, para bang wala lang sa kanya ang bigat ng mga iyon. Seryoso ang mukha niya, at halatang fresh na fresh pa ito. Sabagay, kakasimula pa lang naman niya.

Dumako ang mata ko kina Mama at Tita Lai na ngayo'y nagyo-yoga kasama ang isang babaeng instructor. Hanggang dito ay hindi nagtigil ang kwentuhan nila. Talaga nga naman.

Now, I'm bored. Tapos na ang show ni Drian dahil umalis siya para gumamit ng ibang gym equipment. I know I will creep him out if I look for him. At tsaka, sige, hindi ko na muna siya kukulitin ngayon. Di ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong nabawasan ng landi hormones.

"Ma! Tulog lang ako. Pa-gising later kung aalis na." Lumigon sandali si Mama sa akin habang tuloy pa rin ang pagyo-yoga niya.

Dinama ko ang masarap na upuang pinagkakahigaan ko. Dito ko naituloy ang naudlot kong tulog kaninang umaga. This is really nice. Siguro ay matagal tagal din akong nakatulog dahil medyo sumakit pa ang leeg ko, but the sleep is relieving, nonetheless.

Mas lalo akong nagising sa nakita ko. May kausap muli si Drian, at katulad kanina ay panay ang pag-ngiti niya. Intrigang intriga na ako kung sino iyon. Nakakainggit dahil napapatawa niya si Drian.

Sus, kaya ko rin iyan. Sooner or later.

"I don't know if I can sneak out, but I will still try to meet you later," bulong niya sa phone niya. Nagaayos na siya ulit ng gamit, maybe he's already done with his workout. "Okay. Can't wait to see you."

Nakangiti siya nang matapos ang call.

Tinakpan ko nang mariin ang tenga ko para hindi marinig kung may susunod pa siyang sasabihin. Nope! Okay na iyong narinig ko iyon kanina, ayoko lang marinig pa ulit. Kasi, wala lang. Ayoko ng paulit ulit.

His expression turned dull when he saw me watching him. Dahil kagigising ko pa lang at wala akong masyadong lakas ay umiwas na lang ako ng tingin. Pumunta ako kina Mama at Tita para tanungin sana kung uuwi na kami. Pero nilagpasan lang nila ako.

"We're still going to shower. Kung gusto mo ay mauna na kayo ni Drian sa Romeo's."

"What?" I mouthed at no one since Mama at Tita already had their back on me.

I know it was food that Mama talked about, but suddenly it felt like my appetite had gone somewhere else. Gusto ko na lang umuwi at matulog ulit kahit hindi na ako inaantok. Or maybe even watch a movie, and then I'll invite the girls over.

Pero alam kong wala akong magagawa. Kung si Drian nga ay hindi makaangal kay Tita, ako pa kaya? Gee, mothers!

Umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina, pero hindi na ako nakahiga o nakaupo ng maayos kasi nakaupo na rin doon si Drian. Now I have to stay lady-like. Sus! Kahit naman umasta akong parang lalaki ngayon ay baka hindi rin niya mapansin. Nakatuon na naman ang atensyon niya sa phone niya.

"Hey," biglang salita ng gwapo kong katabi. Tumingin ako na para bang wala lang ang pag tawag niya sa akin, pero gusto ko na talagang ngumiti.

"Umuna na raw tayo sa Romeo's, sabi ni Mom." Tumayo siya at isinakbit sa kanyang balikat ang gym bag niya. He looked fresh again right now. Sayang lang at tulog ako noong nag-shower siya.

Pero hindi ko naman sisilipan, ano! Ano lang... iisipin lang.

"What? Do you want to come or not?"

Tumayo ako kaagad at mas nauna pang lumabas ng gym kaysa sa kanya. Mabuti nang mauna ano, kesa ako pa ang iwan niya. Siguro ay iyong sasakyan nila ang gagamitin namin. Doon na ako sa unahan sumakay para hindi na niya ako mapababa pa at mapalipat sa likuran ng sasakyan.

He looked at me for about a second or two when he found me cozily sitting on shotgun. Pero hindi ako tumingin sa kanya pabalik. Nope, ayaw kong lumipat sa likod. Please lang.

"Please do me a favor and behave."

"What?!" Umirap ako with all my might. Gusto kong mag-sungit eh. Siguro ay malapit na ang dating ng period ko. Hindi pa rin kasi ako regular. "As if I'll not behave."

"Yeah, just shut up."

Or what? You'll kiss me? Tss. As if I'll want that... because I'll very very much much want that. Heehee.

Habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan ay naalala ko noong mga bata pa kami. Kapag umaalis kami kasama sina Drian ay palaging kami ang nasa likuran ng sasakyan. Katabi rin namin si Kuya Jarvy at ang iba ko pang pinsan na ngayo'y nasa US na. Minsan naman ay ang mga pinsan nila ang kasama namin, basta ang point ay hindi kami naghihiwalay na tatlo; Me, Drian and Kuya Jarvy.

Kadalasan ay nakabukas ang bintana ng sasakyan kahit ayaw nina Mama dahil baka raw may madisgrasya sa amin. Pero dahil mga bata kami at sadyang makukulit, hindi kami nagpatalo. Lagi kaming nagpapaligsahan noon sa paramihan ng sasakyan base sa kulay na napili namin. Laging pula ang akin at orange naman ang kay Drian.

See, pati ba naman sa kulay ay halos magkalapit sa color wheel. Heehee.

Noon ay lagi kaming magkasundo ni Drian. Doon nagsimula ang pagtatambal sa amin ng families namin dahil ayon sa kanila ay 'we really clicked together.' Hindi naging issue sa akin iyon dahil gusto ko pa nga, pero nang unti-unting magbinata si Drian ay unti-unti rin ang pag-layo niya sa akin. Tapos ito, hanggang sa nag-sungit na siya. Epekto yata iyon ng pagtuli sa kanya, ewan ko lang, ha.

Maireklamo na lang iyon kay Tita Lai minsan. Talo rin kasi niya ang may dalaw eh.

Iba na nga ngayon. Sana maging bata na lang ulit kami, para fun fun lang. But today's fun na rin pala! Magkasama kami eh. Ngayon lang, dahil mamaya ay darating na rin sina Mama rito sa restaurant.

"Mom said let's order already. Ano ang sayo?" Nakatingin na siya sa menu nang tanungin niya ako.

Gusto ko sanang sagutin siya ng 'As if you don't already know' pero huwag na at baka magalit. Baka matusta pa ako sa pagsusungit niya, but it's okay, medyo mas gwapo naman siya kapag galit eh.

"Thai Chili beef," sagot ko.

He fixed our orders just before he fixated his eyes on his phone. Again! Nakakainsulto na ha, ako ang ka-date niya rito pero sa phone niya siya nakatingin.

"Hintayin mo na lang ang orders niyo. Do me a favor, Jesca," he said.

Habang umiinom ako ng tubig ay tumayo siya. Aalis na ba 'to?

"Just tell Mom I'll be with a friend for dinner."

Kumunot ang noo ko. You are ditching me, hubby? Ano ba 'to, ayoko nang kumain! Wala na akong gana. De, joke lang. I'm really hungry.

"Friend? Sino? Sina Denn, Jixen, Bart?" Kung hindi ko pa siya nakitang napapikit ay baka nai-enumerate ko na ang pangalan ng mga lalaki sa batch namin.

"Wala sa kanila. It's not my classmate nor yours. So quit bugging," inis niyang sagot.

Tumayo rin ako at humarap sa kanya. Aray, napasama yata ang pagkakatama ng tyan ko sa table. Ouchie.

"Sino? Babae ba... Drian?"

Ngumisi siya at tumawa nang pabahagya. "Kung ikatatahimik mo ang sagot. Then yes, Jesca. Babae."

Um, okay. Umupo na lang ulit ako at tahimik na naghintay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top