Chapter 19

Yumiko POV

The next day..

Sunday ngayon. Nakakainip na dito sa mansyon. Kahapon mula ng magkasagutan kami ni Lance, di na kami nagpansinan. Kahit kagabi nung dinner, hindi sya sumabay samin kumain ni James.

Lumabas nako dito sa kwarto ko. Ewan ko pero naisipan ko tumambay muna sa may pool sa garden. Di ako magsswimming. Tatambay lang ako para medyo ma-refresh naman utak ko.

Dito nako sa may pool. Umupo ako sa gilid. Bale yung paa ko nakatampisaw sa tubig. Sarap sana magswimming.

Kung wala lang injury yung braso ko edi sana kanina pa'ko nag-swimming.

Magsoundtrip nalang ako. Dala ko iPod ko and headset.

Now playing: Manhid by Vice Ganda

Bagay na bagay. Manhid kasi si Lance. Di ba nya nararamdaman na mahal ko na sya? Di ba nya yun nararamadaman sa way ng pagtugon ko sa halik nya? Bakit ba sya ganon?

Ilang beses kong tinanong yung sarili ko kung bakit ko sya minahal. Bukod sa masungit sya at cold, lagi pa nya ako sinasaktan. Psh.

I hate this feeling.

"Aaahhh!"

Nagulat ako. Bigla kasing may humihip sa tainga ko. Natanggal ko tuloy headset ko at napalingon. Pagtingin ko, si James pala. Pasaway.

"Problema mo? Nagsesenti ka dyan." Tanong ni James saka tumabi sakin dito sa gilid ng pool. Nakalublob din paa nya sa pool.

"Hindi ako nagsesenti Istorbo ka. Nire-relax ko lang isip ko." Sagot ka kahit ang totoo, sa halip na ma-relax isip ko, na-sstress pa lalo dahil laging pumapasok sa isip ko si Lance.

"Wag ka ng mag-deny. Boring talaga dito sa mansyon 'no?" Sabi ni James.

"Sinabi mo pa. Sobrang boring." Sagot ko. Kasi naman ang tahimik sobra. Walang mapagka-abalahan. Kung wala akong injury baka kanina pa'ko nasa mall.

"Hindi ka na mabo-boring mamaya." Sabi ni James.

"Huh?"

"Nasa airport si Bro. Sinusundo yung bunsong kapatid namin. Galing bakasyon yun sa Paris."

"May kapatid pa kayo?"

"Oo. Bunso namin. Babae. Highschool student palang yun pero pabaka-bakasyon nalang. Haha. Pasaway kasi yun. Sa SWU din yun napasok. Dimo palang nami-meet."

Bigla akong na-excite sa idea na may mas bata pa silang kapatid. "Alam mo ba James, pinangarap ko dati na magkaroon ng little sister. Ang lungkot kasi ng bahay namin sa Japan. Nag-iisang anak kasi ako."

"Ituring mo nalang kapatid si Fancy." Nakangiting sabi ni James.

"Fancy?"

"Yeah. Fancy Jewel Abellano."

"Waaa. Ang cute ng pangalan nya!" Bigla akong natuwa kasi naman yung name nya kakaiba. Ang cute.

"Tch. Ewan ko ba ang astig ng pangalan nun. Si Bro alam mo ba full name nya?"

Huh? "Lance Abellano diba?"

"Mali. Ewan ko pero ayaw gamitin ni Bro yung buong pangalan nya. Sasabihin ko sayo, wag ka maingay ha? Mapepektusan ako ni Bro 'pag nagkataon."

Ibig sabihin short name lang ni Lance yung name nya? "Ano yun?"

"Dominador Lance Abellano."

"Seriously?"

"Joke lang. Haha."

Akala ko yun eh. Handa na sana ako tumawa ng malakas. Haha. "Ano nga kasi?"

"Lance Reid Abellano."

"Ang ganda ng name niya. Bakit ayaw nya gamitin?"

"Ewan ko dun."

So Lance Reid pala. Tawagin ko kaya syang Reid? Haha. "Eh ikaw James? James lang talaga?"

"Syempre hindi. Ayoko lang din pinagkakalat full name ko."

"Eh ano nga?"

"Baby James Yap."

What the hell?

"Hahahahahaha. Joke lang."

"Ano nga? Diko pagkakalat."

"Promise?"

Tumango ako. "Promise."

"James Patrick Abellano."

"Magaganda naman pangalan nyo bakit di nyo pinagsasabi?"

"Ginagaya ko lang si Bro. Para isang pangalan lang tandaan nyo. Haha. Baka kasi yung iba, James itawag sakin tapos ang iba ma-trip-an ako tawagin sa second name kong Patrick. Edi ang gulo. Si Mama, JP tawag sakin."

Di ko sila gets. "Oo nalang."

"Basta mamaya, humanda ka na. Kung makulit ako at jolly, triple si fancy kaya mag-ingat ka dun. Madami yun alam na kalokohan. Haha."

"Matakot sya sa katarayan ko." Sabi ko. Ano naman kung makulit yun? Mas gusto ko yun kesa sa isang Lance na daig pa ang rebulto. Di gumagalaw.

"Bawal mo syang tarayan. Dahil lalo kang bu-bwisitin nun. Haha."

Ewan ko pero na-excite naman ako sa kapatid nila. Gusto ko sya makilala.

"Padala ako dito ng dessert gusto mo?" Tanong ni James.

"Sige."

"Dito kalang ha?"

Tumango ako. "Oo."

Umalis na si James. Pumasok sa loob ng mansyon.

Napaisip na naman ako.

Lance Reid Abellano..

Reid na itatawag ko sa kanya. Haha. Lagot si James pag nalaman ni Lance na sinabi sakin ang full name nya.

Teka? Bakit ko nga pala sya tatawagin? Eh diba nga diko na sya papansinin? Waaa. Kainis.

Lance POV

Dito ako sa airport. Ang tagal ng magaling kong kapatid.

Oo. Uwi ngayon ng bunso naming kapatid. Si Fancy. Arte arte gusto pang ako magsundo sa kanya. Tch.

Si Fancy nga pala, tunay kong kapatid. Di katulad ng kay James na half lang. Bale si Fancy yung bunso namin.

Nagbakasyon kasi sa Paris. Na-suspend kasi yun ng 3 months sa SWU. Kababae kasing tao napakadaming alam na kalokohan

Ang pagkakaalam ko ang dahilan ng suspension nun ay yung gumanti daw sa kaklase. Lagi daw kasi binu-bully nung kaklaseng lalaki kaya ang ginawa ng kapatid ko, nag-utos ng isang lalaking student na pasukin sa men's room yung nambully sa kanya at patagong picturan. Ayun napicturan labas ang pwet.  

Ayun pinagkalat sa buong SWU highschool campus ang picture pati sa social network. Diko maintindihan kapatid kong yun. Kakaiba ugali. Lakas naka-trip.

Para syang triple ng ugali ni James. Kahit ako suko dun pero pag seryoso ako, takot sakin yun.

Kung tutuusin pwede naman syang hindi i-suspend dahil sa connection ng pamilya namin pero si Papa na mismo nagparusa. Ayun nga suspended tatlong buwan. Baliw na kapatid ko kasi hindi marunong tumanggi. Inamin nya na sya nagpakalat ng picture. Lakas ng loob nun eh. Pinaglihi yata yun sa alien.

Maya-maya napatingin nako sa mga naglalabasan sa airport. Malayo palang tanaw ko na kapatid ko.

Maka-kaway parang wala ng bukas. May dala pang malaking cardboard.

HELLO HANDSOME BROTHER! MISS ME?

Nag-effort pa gumawa nun. Sa halip na ako ang may dala ng cardboard. Tch. Baliw na babae.

Sinalubong ko na sya at kinuha bagahe nya. Diretso kami dito sa kotse ko.

"Miss me, Reid?"

Yan sinasabi ko. Tinatawag ako sa second name ko. Hindi yan marunong tumawag ng Kuya. Tatawag lang yan kapag may hihilingin. Tch.

"Lance ang pangalan ko." Masungit na sabi ko.

Kaya ayaw kong ipagkalat full name ko eh. Naiirita ako pag tinatawag akong Reid. Kapatid ko palang, iritado na ako. Paano pa pag dumagdag pa iba? Tch.

"Whatever Reid. Pakibilisan nga sa paglagay ng maleta ko sa compartment. I'm so tired na."

Demanding pa. Maarte pa. Wala pang galang. Tch. Ipapatapon ko yan sa pluto eh.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong iwan kita dito sa airport." Sabi ko.

"You're so mean Reid. Let's go na please?"

Pasalamat talaga 'to mabait ako.

Sumakay na kami dito sa kotse ko saka ko pinaandar.

"Kuya, you text Yaya naman. I want to eat baked mac. Please?"

Yan ang sinasabi ko. Kuya tawag nya sakin pag may hihilingin yan.

"Ayan phone ko. Tumawag ka sa bahay." Sabi ko.

"Why so sungit Reid? Psh. I'm tatawag na nga." Sabi ni Fancy saka nag-dial sa phone ko.

"Gorgeous Fancy here. I'm not Lance, hello! I'm so gutom and I want baked mac. Magpa-deliver kayo dyan sa mansyon. Okay?"

May pagkamataray din kasi kapatid kong yan.

"I see. Basta make it sure na pagdating namin dyan ng gwapo kong Kuya, it's ready na h?"

"K." Tinapos na nya tawag tapos tumingin sakin. "Kuya, okay daw. Hm, I heard from Papa nga pala na yung fiance mo nakatira sa mansyon natin? Is she beautiful? Is she sexy? Is she cute like me? Is she fashionable?"
 
"Stop it Fancy. Sa lahat ng sinabi mo, ang sagot lang ay oo."

Bakit? Maganda naman talaga si Yumiko. Sexy din. Maganda manamit. Cute din lalo na pag naka-pout.

"Ohmyholychuvaners! I'm so excited to meet her Reid! Bilisan mo na mag-drive ng kotse."

"Gusto mo pababain kita? Ang ingay ingay mo." Reklamo ko.

Ewan ko lang pala kung magkasundo sila ni Yumiko. Ugali ng kapatid kong yan? Ewan talaga.

"Sorry okay? So sungit talaga. Sisiraan kita sa fiance mo. You will see."

As if I care? Wala na kaming pakialamanan ni Yumiko.

"I will tell her na you have balat sa pwet... hmm, ano paba?"

"FANCY SHUT UP!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top