Chapter 15

Yumiko POV

"Sasabihin ko kay Papa na ako nalang ang ipakasal sa'yo. Pinag-isipan ko 'tong mabuti kagabi. I'm willing to be your fiance."

Anong sinasabi ni James? He's willing?

For real?

"Sorry Yumi pero hindi ko na kayang makita kang nasasaktan dahil sa kapatid kong ugok."

"Pero James.. Are you serious?"

Tumango sya. "Seryoso ako. Mamaya kakausapin ko si Papa. Pupunta ako sa mansyon."

Talagang gagawin ni James ang bagay na yun? "Hindi mo naman kailangang gawin 'to James. Wag mong i-sacrifice ang happiness mo." Sabi ko.

Hindi ko alam kung pabor ako sa idea ni James. Basta ang sa'kin lang, ayokong mag-sacrifice sya para sa'kin.

"Masaya naman akong nakakasama ka Yumi kaya wala akong isa-sacrifice na happiness. Magaan ang loob ko sa'yo. Hindi ko masasabi kung gusto ba kita o ano. Basta ayokong nakikita kang nasasaktan."

Bakit ganyan si James? Akala ko isip bata pa yan pero..

He's really matured because of that decision.

"James.."

"Wag kang mag-alala Yumi, pag nakausap ko na si Papa at least wala ng dahilan para magpansinan pa kayo ni Lance. Pwede mo na syang iwasan. Wala ng mamamagitan sa inyo."

Ouch. Parang may sumakit sa dibdib ko nung sabihin nya na wala ng mamamagitan sa'min ni Lance?

Kunsabagay. Mahal ko na kasi si Lance.

"James parang.."

"Wag ka ng kokontra okay? Kahit naman dika pumayag, wala kang magagawa pag kinausap ko na si Papa."

Papayag kaya Papa nila?

Oh my.


James POV

Nakaupo lang ako dito sa sofa. Si Yumi nakatulog pagkatapos nyang inumin yung gamot nya.

Seryoso ako sa mga sinabi ko kay Yumiko. Pinag-isipan kong mabuti yun kagabi.

Wala akong nararamdamang attraction sa kanya pero sa tuwing makikita ko syang umiiyak.

Nararamdaman ko na kailangan ko syang protektahan. Ewan ko ba.

Masyado na yatang matured ang pag-iisip ko ngayon. Pero willing talaga ako.

Hinihintay ko lang yung nurse na inutusan kong magbantay muna kay Yumi para makapunta na ako sa mansyon.

Wala akong pakialam sa magiging reaction ni Papa.

Kung si Lance, siguradong matutuwa pa yun. At least malaya na sya. Hindi na nya kailangan pang lumapit kay Yumi.

Tutal nasasaktan lang naman si Yumi sa kaniya. That bastard. Aish.

Bumukas yung pinto.

Oh! Sina Chelsea at Janna.

"James!"

"Chelsea. Janna.."

"Andito kami para dalawin si Yumi. Maaga naman kaming lumabas sa SWU." Sabi ni Chelsea.

Buti naman. Tamang-tama. Pwede na'ko umalis.

"Buti andito kayo. Sakto may pupuntahan sana ako saglit."

Ngumiti sila. "Sure James!" Sabi ni Janna.

"Ingat ka! Kami na bahala kay Yumi." Sabi naman ni Chelsea.

I smiled to them. "Thanks."

Pagkasabi ko nyan lumabas nako ospital.

Sigurado na talaga ako sa sasabihin ko kay Papa.

Sa mansyon..

Pagpasok ko palang ng mansyon, nabungaran ko na agad si Lance. Mukhang kakadating lang din galing SWU.

"What brought you here?" Tanong ni Lance. As always, cold yan.

"Kakausapin ko si Papa. Gusto mo bang makinig?" Tanong ko.

Mas mabuti ng marinig nya para may idea na sya.

"No." Sagot nya saka umakyat na sa taas.

Tch. Tingnan mo 'to. Paano ko ba naging kapatid ang isang yan?

Umakyat na ako sa taas. Punta ako sa office ni Papa.

Nang makarating ako dito sa may office ni Papa sa may master's bedroom, huminga muna ako ng malalim bago kumatok at binuksan ang pinto.

Naabutan ko si Papa na nagbabasa ng papeles.

"James, iho." Nakangiting bati ni Papa.

"Pa.."

"Problem?" Tanong nya sakin.

Umupo ako sa sofa. "May gusto lang akong sabihin 'Pa."

Tumayo si Papa at tumabi sa'kin dito sa sofa. "Ano yun."

Biglang bumukas ang pinto at...

Tingnan mo 'tong si Lance. No daw pero andito? Tch. Sarap pektusan eh.

"Oh Lance?"

"Gusto ko lang makinig sa sasabihin ni James." Sabi ni lance saka naupo sa single chair.

Ayos. Lalaki sa lalaki ang usapan ngayon.

Tingnan lang natin ano magiging reaksyon mo Bro.

Lance POV

Naku-curious ako sa sasabihin ni James kay Papa kaya sumunod ako dito sa office ni Papa.

"Anong sasabihin mo iho." Tanong ni Papa kay James.

"Alam ko pong hindi biro ang hihilingin ko sa inyo pero sana pagbigyan nyo ako." Panimula ni James.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Mukhang seryosong bagay yan." Sabi ni Papa.

Tumango si James. "It's about Yumiko po."

Ano daw? Pa'nong si Yumiko? Isusumbong ba'ko ng kumag na'to dahil sa nangyari kay Yumiko?

Aish.

"What about Yumiko?" Halatang naguluhan din bigla si Papa.

"I like her."

Ano daw?

Ngumiti pa si Papa. Di ako makapag-react sa sinasabi ni James.

"You like her?" Tanong ni Papa.

"Yes Pa. I like her so I'm requesting na ako nalang ang ipakasal niyo sa kaniya sa halip na si Lance."

Napatayo ako. "What the hell are you talking about James?" Galit na sabi ko.

Tumayo din sya at hinarap ako. "I want to be her fiance. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ko syang alagaan at protektahan." Matigas na sabi nya.

Pumagitna na sa'min si Papa. "Hindi ko maintindihan ang inaasal nyo."

"Papa gusto kong maging fiance si Yumiko. Alam ko naman na ayaw ni Lance sa arranged marriage."

"You..." Malapit na akong mabwisit. Pasalamat sya andito sa Papa.

"What Lance? Wag mo sabihing di ka papayag sa gusto ko? Diba ayaw mo naman kay Yumi? May iba ka na ngang gusto eh. Si Nicole! Kaya ako nalang ang magpapakasal kay Yumi."

Hindi ko maintindihan pero gusto kong suntukin si James. Tangina lang. Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?

Kung tutuusin dapat matuwa ako dahil kung sya magiging fiance ni Yumi, lalaya na ako. Diba nga yun usapan namin ni Yumiko? Ang umatras sa kasal.

Pero bakit parang hindi ko kaya? Bakit hindi ako sang-ayon sa gusto ni James? Bakit ayokong mapunta si Yumiko sa iba? Bakit?

"Lance what can you say?" Tanong ni Papa. I'm sure, balewala sa kaniya ang hinihiling ni James. Anytime pwede syang mag-agree dahil pareho lang kaming Abellano.

"Ano Lance? Paubaya mo na sa'kin si Yumi. At least alam ko sa sarili kong maaalagaan ko sya." Sabi ni James na lalong ikinainit ng ulo ko. Damn it.

"Damn you James! Hindi mo ako mapapapayag." Matigas na sabi ko.

James gave me his fake smile. "Bakit Lance? Bakit dika pumayag para wala ka ng alalahanin? I can offer my condo to Yumiko para magkasama kami. Or ako ang titira muna dito sa mansyon habang andito si Yumiko."

Sinusubukan talaga ako ng kapatid kong 'to. Talaga bang may gusto na sya kay Yumiko? Damn it.

Nababadtrip ako! "Kahit anong gawin mo hindi mo ako mapapapayag."

"Oh talaga Lance? Desidido ako sa request ko kay Papa."

Umawat na sa'min si Papa. "Tumigil na kayong dalawa. Mukhang pareho nyong gusto si Yumiko."

"No!" tanggi ko.

"Bakit hindi mo ipaubaya sa kapatid mo ang fiance mo?"

"Hindi ko alam 'Pa. Basta ayoko." Bakit nga ba? Wala akong idea. Basta ang nararamdaman ko, ayoko siyang mapunta sa iba.

Napansin ko ang paghawak ni Papa sa sentido niya. "Kayo talaga oh. Sige ganito nalang. James, Lance kausapin nyo si Yumiko. Then, next week kakausapin ko sya ng masinsinan kung sino sa tingin nya ang karapat-dapat na maging fiance niya. I'm busy. May flight pa ako sa New York mamayang gabi kaya sige na, iwan nyo na ako."

Lumabas na kami sa office ni Papa. Masama tigin sakin ni James.

Pero naiisip ko ang sinabi ni Papa.

Si Yumiko ang tatanungin ni Papa? Si Yumiko ang magde-decide?

DAMN IT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top