Chapter Six
Territory
Elias Martin Orejon's
THERE is a possibility – no not a possibility anymore, I was so sure that the moment Ruel showed up in my office that afternoon, something is up. Inaya niya akong pumunta sa isang client meeting – isang bagay na hindi ko maintindihan dahil kahit nasa iisang corporation kaming dalawa ay nasa magkaibang kompanya kami. Ruel holds the main business, I managed one of the branches of it – the textile business, kasama ko rito si Felipe – pero wala si Felipe ngayon, he is somewhere in Europe with that baby girl of his. But that's not the point, the point is, something is up and I kept on asking him about what client he was talking about, what business it is, pero ang sabi niya na lang sa akin ay it's for me to find out. I told him that I needed to know the input in case the client asked me. Hindi siya sumagot. Tinapik – tapik niya lang ang balikat ko tapos ay hinarap na naman ang phone niya.
I know that he is talking to Andy – of course, it's Ruel. He is head over heels in love with his wife. Pareho nga sila ng ugali, parang lahat ng bagay ay trip lang sa kanila. But Avo told me that this is the happiest Ruel has been...
"And I wished my Martin that you will be happy soon..."
What Avo told me kin of stuck with me. How can I be happy if I couldn't find the mother of my child and my child? Gusto ko lang naman makasama si Ireena. Gusto ko siyang alagaan dahil walang nag – aalaga sa kanya. She was fine with me. She was safe with me. Wala akong lakas ng loob para harapin siya noon, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na ako at hindi si Ruel ang nakasama niya noong gabing iyon, na ako ang ama ng anak niya. Oo, naduwag ako, hindi ko kasi alam kung paano but that doesn't mean that I couldn't take care of her. I want to take care of her. I am willing to do everything for her. If she'll just come back to me, pero sa pagkakataong ito, alam kong wala nang pag-asang mangyari iyon. Hindi na babalik si Ireena sa akin. Hindi ko na yata siya makikita pero hindi rin ako ganoong kadaling sumuko.
All of a sudden, I was taken a back when Ruel told the driver to bring us back to our building. He just smiled at me.
"What the fuck, Ruel?" He kept on smiling and that was when I realized what was happening. Hindi na ito possibility. I knew it! Andy was with Ireena! Makikipagkita siya dapat sa akin at ang mga bagay na iyon ay nakumpirma ko nang sampalin ako ni Andy pagdating na pagdating niya sa bahay namin.
"I could file a case against you!" Galit na galit siya sa akin. Kaagad siyang pinigilan ni Ruel dahil baka bigla niya akong kalmutin. Nakatitig lang ako, alam kong nagkakagulo ang lahat, alam kong malabo pa rin ang sitwasyon pero nandoon ako sa katotohanan na sinubukan akong makita ni Ireena, ibig sabihin ay may pag – asang maayos ito, may posibilidad kaming mag-usap, baka pakinggan niya ang paliwanag ko, baka sakaling bumalik siya sa akin at baka sakaling bigyan niya ako ng pagkakataon para makasama ang bata sa sinapupunan niya.
I couldn't sleep that night. Nanunuot sa buto ko ang kasabikang makita siya. Siguro ay hindi pa niya ako kayang makita, baka nawalan siya ng lakas ng loob. Naiintindihan ko naman kung ganoon siya sa akin. Andy was right, I kidnapped Ireena, she must have a trauma. Hindi niya ako mapapatawad. Ginawan ko siya ng mali. Naiintindihan ko talaga kung hindi niya ako gugustuhing tingnan but the fact that she tried, it gave me so much hope. I guess, I just have to be good. I need to be patient. Maybe she will try again and when that happens, hinding – hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon. I will talk to her. I will face her kahit na hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya.
"Will you ever forgive me, Ireena?" I whispered while I was looking at her picture which I took from a far back in Singapore. Ireena Consunji is the most beautiful woman I had ever laid eyes on. She needs to be taken cared of. She needs to be with a person that will be patient and understands her. I could be that person. I will be that person.
xxxx
Ireena's
THE maid gave me a glass of milk and I mumbled a soft thank you as she leaves me in my room. Nakaupo ako sa chair na nakaharap sa balcony ng silid ko. I could see the lights coming from the city and it somehow relaxes me. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa umbok ng tiyan ko habang nakatingin ako sa mga ilaw na iyon.
All I could do is sigh – kung may magbibilang ng buntong – hininga ko, baka napagod na siya sa pagkakataong ito. Right now, all I could think of is that I don't know what to do. Wala akong trabaho – although I have my own money. Sa tagal kong nawala sa pamilya ko, my father thought that I don't want to work for the hotel anymore – I think that's okay. Hindi naman ako masaya sa trabahong iyon, maliban sa napilitan akong lumipad ng Singapore at mag -stay roon ng ako lang, hindi ako masaya dahil malayo sa pamilya ko. I never wanted to be a part of the family business. I wanted to do something else, pero bumagsak din naman ako because I wanted to please my father – it's just that, it was too hard to do, kaya sumuko na lang ako.
The memories of us – my father and I – those lovely memories will only be in a distant past. Hindi na kami babalik ni Papa sa dati. Ni hind inga niya ako matingnan, at kung tingnan man niya ako ngayon, may kasama pang pandidiri iyon. Maybe he doesn't even want my baby – I don't care. I am all that I need. Matalino naman ako, somehow, I will figure things out and I would know what to do. Nasa first steps naman na ako.
I have my own home, savings and my own money. The first thing I did was to hire help and made sure that my house is ready to live in. Namili ako ng mga kailangan ko – furniture, food, and all the necessary. Tomorrow, I will be going around the mall to buy my baby things. Kahit paano ay nakakaramdam naman ako ng excitement dahil sa pagbili ng gamit. I like shopping and shopping for baby clothes is something that I am looking forward to.
My thoughts were brought back to reality when my phone vibrated again. It was out of habit that I checked who called. I remembered always wishing that it will be Papa Hermes, even if it's a simple message asking if I had eaten already or whatever, pero tumigil na rin ako sa wishful thinking kong iyon. Hindi naman mangyayari iyon, hindi naman ako si Ate Artie o si Ody o si Oliver o si Irish, si Ireena lang ako, anong halaga ko sa kanya? Of course, it wasn't my father, si Mama ang paulit – ulit na tumatawag sa akin mula pa kaninang umaga. Nababasa ko rin ang text messages niya pero hindi ko rin sinasagot.
In fairness to my mother, she wants me to come home, aalagaan niya raw ako. Alam ko namang gagawin niya iyon. Mahal ako ni Mama, but it's my father that I cannot stand. Kaya ko naman ang sarili ko, bakit pa ako uuwi? Nag-aalala rin ako kay Mama, baka iyak siya nang iyak, baka lalong makaramdam si Papa sa akin ng galit dahil nakikita niyang iyak nang iyak ito. Baka sisihin na naman ako noon, kaya ayoko talagang umuwi sa bahay namin. I can take care of myself. Wala namang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Matagal ko nang sinamay ang sarili kong ako na lang. I will have this baby alone, and I will love him or her with all my heart.
"It's just us, Love." Mahinang wika ko habang paulit – ulit kong hinahaplos ang maliit na umbok ng tiyan ko. "Mama will be strong for you. I want you to be healthy, okay? Can you please do that for Mama?" I felt a kick coming from the left side of my tummy. Napangiti ako. Maybe that's my baby's way of telling me that everything will be okay because right now, I am not alobe anymore. Nandito na ang anak ko, hinding – hindi na ako mag – isa.
Dahan – dahan akong tumayo mula sa silya, balak ko nang mahiga sa kama. I am feeling a it tired and sleepy pero bago iyon, naisip kong inumin ang gatas na dinala sa akin ng maid. I was about to get the glass when the door opened. Nakaramdam ako ng munting kaba, but that was replaced by surprise when I saw my sister – Ate Artie standing just outside the door, looking at me from head to toe. Kapansin – pansing tumigil ang tingin niya sa umbok ng tiyan ko, saka siya nagbuntong – hininga at pumasok na.
I had to brace myself.
"What are you doing here?" I asked her. Ate Artie just looked at me, bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Nakatayo lang naman ako roon at hindi ako gumalaw. Hindi ko siya niyakap. Hindi ko kailangan ng yakap niya, o ng awa ng kahit na kanino man. I am fine by myself. Kailangan kong maging okay kasi wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko lang.
Artie finally let me go. She brushed the hair that fell into my eyes and then she cupped my cheeks.
"Bakit hindi ka umuwi sa bahay? Sabi ni Mama tinatawagan ka niya, noong isang araw ka pa niya hinihintay. Wala ka bang balak makipag – usap sa amin? Bakit hindi ka umuwi? Wala kang kasama rito. Hindi mo naman kilala ang mga maids na iyon. Hindi ko naman sila sini-sino pero mas maalagaan ka sa bahay, Ireena, umuwi ka. Aalagaan ka naming. Excited kaming lahat sa baby mo. Mahal ka naming lahat, umuwi ka na. Nag – aalala rin si Luna sa'yo, gusto ka niyang makita. Sinabi ko sa kanya na buntis ka kaya excited siyang makilala ang magiging pinsan niya! We can go shopping for baby things tomorrow! I can help you! May dalawang anak na kami ni Plata, kaya alam na alam ko ang gagawin." Hinawakan ako ni Artie sa braso tapos ay simpleng hinatak niya ako palabas sana ng silid na iyon. "Let's go! Mama has been waiting for you! She even cooked your favorite soup! Let's go—"
"SHUT UP!" I squirmed away from her hold. Natigilan si Artie at napatitig lang siya sa akin. "SHUT UP! Can you shut up even for a minute?! Hindi mo ba alam na sobrang nakakairita iyang boses mo, Artemis? Hindi mo ba maintindihan na ayokong umuwi? Bakit ba kahit kailan, hindi inalala ng pamilyang ito kung anong gusto ko? Did you ever stop and wondered what I wanted to do? Hindi naman diba? Lahat kayo, tingin sa akin tau-tauhan lang! I hate living under your shadow! I don't want to be under you anymore, so just leave me alone! Ayokong nandito ka!"
For the first time in my life nabingi ako ng katahimikan ni Artemis Consunji. I saw her glassy eyes, she looked as if she's just a blink away from crying but I don't care. Bakit ba pinipilit nila ako sa isang bagay na ayoko naman? I hate.
"Ireena, galit ka lang, hindi mo alam kung anong sinasabi mo."
"Oo, galit ako. Ang tagal nang masama ng loob ko sa'yo, kay Papa at sa mga kapatid natin. I used to endure it all, kasi mas pinipili kong manahimik na lang, but now, I don't care anymore. What's there to lose? Wala naman na. Wala na akong pakialam. I was gone for a long time, fuck! I was kidnapped! But no one in this family looked for me that was the last straw. Kaya please lang, kung may halaga pa sa'yo ang pagiging magkapatid nating dalawa, aalis ka. Umalis ka na at hinding – hindi ako uuwi sa bahay na iyon. I can live alone. I will take care of my child alone. I will make sure that my daughter will never feel neglected like me. Leave, Artemis. Please lang."
Nang hindi siya gumalaw ay ako na mismo ang lumabas ng silid ko, pumasok ako sa guest room at doon naupo sa kama. Tahimik akong umiyak. Ayokong marinig ako ng kahit na sino. I just wanted to be left alone, bakit ba hindi nila iyon maintindihan? Matagal naman na silang walang pakialam sa akin, why now? Oh, 'cause they are guilty for not looking for me while I was kidnapped? Iyon lang naman iyon. Hindi lilinis ang konsensya nila dahil lang sa gusto na nila akong alagaan ngayon.
Bahala sila sa buhay nila, at bahala na ako sa buhay ko.
xxxx
Martin's
IT was a Sunday morning, I decided not to work for today. Linggo naman kaya nagpunta ako sa mall kasama si Ruel. He wanted to do some shopping for Andy. Hindi ko alam kung ano pang kulang kay Andy, parang araw – araw ay nireregaluhan niya ang asawa niya.
"That's not healthy, you know." Komento ko habang nananingin si Ruel ng mga alahas para sa asawa niyang walang ginawa kundi ang irapan at murahin ako tuwing nakikita ako. "Love bombing ang tawag diyan." Sabi ko pa kay Ruel pero parang hindi naman niya ako narinig. He was so deep in his bubble that he doesn't really care. Nagpasya na lang akong umikot sa loob ng jewelry shop na iyon. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko, maybe I was just letting time pass by, or whatever, or maybe I was just trying to forget the fact that I still couldn't talk to Ireena. Kumusta na kaya siya? Kumakain ba siya? Sino kaya ang kasama niya at nag – aalaga sa kanya? Noong magkasama pa kami, sa mga oras na ito, tulog pa siya, habang ako naman ay sinisiguro kong maayos ang pagkain niya pagkagising niya. I would watch her having breakfast in the gazebo alone. She would read a book, watch tv, fall asleep while watching tv or she would do this little toys she loves so much.
That's Ireen's secret hobby. She once told me before, kung hindi ko raw siya palalayain, kung pwede raw na ibili ko siya ng mga materials na iyon. She asked for a bunch of wood, tools, pencils and sketch books. Hindi ko alam kung anong gagawin niya, but two days later, I saw a little wooden mouse lying around the bedside table. Akala ko kung ano lang, but as the days passes by, dumarami sila.
Nagkaroon ng wooden dog, wooden cat, then there's a little wooden house with a little wooden human being. It made me smile thinking that she's happy while doing all these things. Naiwan ang lahat ng iyon sa bahay kung saan ko siya dinala. Hindi ko iyon tinanggal. I bought a glass case and put all her creations inside. Sa tagal ng panahon na kasama ko siya, nakabuo si Ireena ng isang buong wooden farm – oh it's so cute. She was already starting her village when she got away. Hindi na niya natapos ang dapat niyang tapusin, pero itinabi ko iyon with the hopes that she will come back soon.
I sighed again. I miss her. I really hope that she's doing well.
"Do you need to see the rings, Sir?" Bahagya pa akong nagulat nang magsalita ang babae sa harapan ko. Hindi ko napansin na nakahinto pala ako sa tapat ng mga singsing. In front of me were diamond rings – engagement rings and a ring caught my eyes. It's a princess cut diamond rings surrounded by pink gems, and somehow it reminded me of the mother of my child. Naisip kong bagay iyon sa kanya. Naisip kong suot niya iyon but I had to shake my head because I am getting so ahead of myself right now. Ngumiti na lang ako sa babae at saka tumalikod na. Si Ruel ay abala pa rin sa pagkuha ng kung ano – anong alahas kaya lumabas na muna ako. Dinala ako ng mga paa ko sa isang baby shop where they sell wooden cribs. Something caughr my eyes – not the crib but a familiar figure in a peach dress.
Si Ireena. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, may mga kasama siyang unipormadong maids at kasalukuyan niyang kausap ang isa sa mga store attendant. She was smiling at the woman she was talking too. I feel the urge to come closer and try to talk to her, pero pagkatapos ng nangyari kahapon – na sinubukan niyang makita ako pero umatras siya – alam ko kung saan ako lulugar. Hindi pa siya handa at ayoko namang ipilit sa kanya ang isang sitwasyong hindi naman niya kakayanin pa. Ayokong ma-stress siya o ang baby. Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili kong nakatayo sa labas ng store at pinanonood siya.
She looked so good, but I also noticed that she lost weight. There are dark circles under her eyes and this made me really want to come to her. Pigil na pigil ako. Hindi ko siya dapat puntahan. Hindi ko siya lalapitan. Nang mapansin kong palabas na si Ireena sa store ay nagtago pa ako sa gilid. Baka kasi matakot siya kapag nakita niya ako rito. I saw her with bags – she's really shopping for our child. It made me happy – but I could've been happier if I am with her now.
Sinundan ko siya ng tingin. Nang medyo malayo na siya sa akin ay lumakad ako. Ihahatid ko lang siya hanggang sa kung saan man siya pupunta. Fuck, I look like a love sick teenager right now. Kapag nakita pa ako ng mga kapatid ko ay pagtatawanan pa nila ako, but then I don't care. Lahat para kay Ireena kasi si Ireena ito. Lahat talaga ay gagawin ko para sa kanya.
I guess she wanted to go to another store, pero napansin kong bumagal ang pagkakalakad niya, alerto naman ang mga maids na kasama niya, agad nilang nilapitan si Ireena pero hindi nagtagal ay talagang nawalan na siya ng malay. Hindi ko na naisip ang mga bagay na hindi ko dapat gawin. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Lumuhod ako at dinaluhan si Ireena. She looked so pale, walang kulay ang mga labi niya, malamig rin siya. Siguro ay nagtataka ang mga maids pero wala akong pakialam sa kanila. Binuhat ko si Ireena. Sakto namang nakasunod pala si Ruel sa akin.
"We need to get her to the nearest hospital, Ruel! Please! Please!"
"Okay! Okay! Let's go!" Agad na tinawagan ni Ruel ang driver niya. Mabuti at nasa same floor lang kami kung saan siya naka-park. Iyong isang maid ni Ireena ay sumunod sa amin. Kasama namin siya sa sasakyan. I was only holding Ireen. Praying that she will be okay, na walang mangyayari sa anak naming dalawa. I could hear Ruel talking to the phone with Andy. He told her what happened. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari. Basta nang dumating kami sa ospital ay agad namang dinaluhan si Ireena. Dinala siya sa ER, naiwan kaming dalawa ni Ruel sa waiting area.
"Fuck!" I hissed. What is happening?! Hindi pa nga kami nagkakausap nang maayos tapos ganito na. What if I didn't follow her at the mall? What would happen to her? I hate the things in my head right now.
"Sir..." Biglang lumapit ang maid ni Ireena sa akin. "Tatawagan ko po ba ang Mama ni Ma'am? Kasi sabi po ng Mama niya kapag may nangyari raw po ay kailangang ipaalam sa kanya..." Napatingin ako kay Ruel. Would Ireena want her mom here? Maybe? I don't know. Hindi mana siguro masama. Ang alam ko naman kasi si Mr. Hermes Consunji ang hindi kasundo ni Ireena. Siguro mas okay kung nandito ang Mama niya. I gave her a curt nod. Agad naman niyang tinawagan ito. Bahagya pa siyang lumayo sa akin.
"Andy's here." Ruel announced. She looked so worried to but that changed when she saw me.
"What the fuck did you do to Ireena?!" She hissed. Niyakap kaagad siya ni Ruel tapos ay nilayo sa akin. Mukha kasing kakagatin na niya ako. As if on cue, the doctor came out, hinahanap na ang kamag – anak ng pasyente. Andy stepped in.
"I am her cousin. Andromeda Consunji."
"Orejon." Bulong pa ng kapatid ko. I only rolled my eyes.
"Well, Miss Consunji, the patient is okay now. Overfatigue ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. She's pregnant, siguro naman ay nasabi sa kanya na bawal siyang magpuyat at ma-stress." Matapos iyon ay ibinigay kay Andy ang isang papel. "You can fill this up. Right now, she's being transferred to a private room. I would like to keep her here for a night of observation." Wika noong doctor pagkatapos ay iniwanan na kami.
"Hah!" Andy exclaimed. Parehas kaming nagulat ni Ruel. "Nakita ka niya kaya na-stress siya at nawalan ng malay!"
"That's not true! She didn't even see me. I don't know what happened, basta na lang siya nawalan ng malay. Jusko naman, Andy, 'wag mo naman isisi sa akin ang lahat. I know that I did her bad. I may have cause her trauma—"
"May have?! May have?!" Ulit ni Andy sa mukha ko.
"I caused her trauma because I kidnapped, yes. But I never treated her illy!"
"Oh please! Iyong fact na kinuha mo siya, at inilayo sa pamilya niya, napakalaking trauma na noon kay Ireena. Bakit sa tingin mo, umayaw siyang makipag- usap sa'yo kahapon? Kasi nga hindi niya pa kayang harapin ka dahil mas lamang ang takot niya sa'yo! I don't know what you did to her in that fucking house, but when Ireen gains the guts, I will convince her to file a case on you! Fuck you!"
"You think I treated her badly?" I hissed. Si Ruel ay nasa pagitan na namang dalawa ngayon. "I will never do that! I am willing to give her the world, Andromeda!"
"And why is that?! Are you in love with Ireena? Is that it? What a joke!"
Hindi ako sumagot. Nakipagtitigan lang ako kay Andy. I have no obligations to answer her or whatever. Kung anuman ang nararamdaman ko, akin iyon, hindi ko kailangan sabihin sa kanya. When she realized that I wasn't gonna fight back anymore, she stared, and I saw her eyes widened in disbelief.
"I think that's your cue." Ruel tapped my shoulder. Mabigat man sa kalooban ko ay umalis nga ako. "Andromeda, please, that's a territory you shouldn't try to invade..." I overheard Ruel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top