Chapter Five
Reasons
Consunji's
"Bakit hindi ka pupunta? Graduation kaya natin iyon."
Grade six na ako pero hanggang ngayon kaibigan ko pa rin si Vincent. Hindi na nga rin ako masyadong nilalapitan ng ibang classmates namin – lalo na kapag kasama ko siya pero wala akong pakialam. I'd rather have Vincent as my friend kaysa naman roon sa mga kaibigan ni Rina at Martin na walang ginawa kundi ang pintasan siya. He's a good person. Ipinakilala ko siya kay Mama at Papa noong may school program and they both liked him. Laki siya sa ampunan, but he is very respectful. Minsan ay naitanong ko sa kanya kung paano siya nakapag-aral dito sa private school, he said na may sponsor daw siya – parang si Martin, may sponsor din – noon ko nalaman na laki sila pareho sa ampunan na iyon. Hindi halata kay Martin kasi kung umasta siya, para bang kay yaman niya. Hindi ko na lang pinagsabi kasi baka pag-initan niya si Vincent.
"Hindi na lang." Mahinang wika niya. Nakaupo kami sa stairs noong building na iyon. Umiiwas – iwas pa ako kasi may mga umaakyat. Napanguso ako. Tinabihan ko na si Vincent.
"Nakakainis ka naman. Ikaw iyong class valedictorian tapos hindi ka a-attend. Para pala saan iyong speech na ginawa mo? Dali na. Susumbong kita kay Sister Cecilia." Tukoy ko sa nangangalaga sa kanya. Napansin kong napakamot siya ng ulo. Nakatago pa rin ang mukha niya sa scarf – pero iyong scarf na iyon ay bigay ko sa kanya, regalo ko noong birthday niya. Sabi niya kasi sa akin wala pa raw siyang kahit anong regalong natatanggap mula sa ibang tao tuwing birthday niya, kaya noong Grade four kami, I made sure that I could give him something, and I gave him this Hermes scarf. He's always using it and I am very happy to see him wear it.
"Nakakahiya kasi. Baka matakot iyong ibang bata.
"Bakit?" Nagtataka ako. Naiintindihan ko naman siya. Makakaramdam talaga siya nang ganoon kasi naman wala sa traditional aspect ang hitsura niya, but I want him to understand that what counts is the beauty inside. Hinawakan ko ang kamay ni Vincent.
"Ikaw talaga. Hindi ka naman nila kilala para matakot sila sa'yo, saka proud ako sa'yo, Vincent, kasi you've overcome so many things and now you're here. Kahit na binu-bully ka ni Martin o ni Rina, o kahit ng ibang teachers, you've excelled. You should be so proud of your achievement."
"Ikaw? Hindi ka ba papagalitan kasi salutatorian ka?"
"Hindi. Proud sa akin iyong Papa ko at Mama ko. Ginawa ko naman iyong best ko. Basta dapat nasa graduation ka ha?"
"Wow, ang sweet naman noong magboyfriend. Ano, Ireen, kamusta na si halimaw ang boyfriend mo?" Napadaan si Martin kasama ang iba niyang mga kaibigan. Inirapan ko sila, si Vincent naman ay inalis ang kamay ko sa kanya.
"Naiinggit lang siguro si Martin sa'yo kasi kasama moa ko. Baka naman kasi crush niya ako at nagseselos siya sa'yo." Tuwirang wika ko habang nakatayo ang mga gago sa harapan namin. Nabigla ako nang sipain ni Martin si Vincent sa tagiliran. Napadaing ang huli. Napatayo ako.
"Hoy! Susumbong kita sa teacher!" Sigaw ko. Si Melo, iyong isa pa naming classmate ay hinablot ang scarf ni Vincent, exposing his face. Naitakip niya ang mga kamay niya sa mukha. "Susumbong kita sa Tita mo!" Sigaw ko pa.
"Ahhh! Halimaw! Pangit! Kamukha ni Squidward." Tumayo si Vincent at kinuha ang scarf niya saka tumakbo palayo. Naiwan ako. I saw the other guys looking at us. Lahat sila ay tumatawa dahil sa nangyari kay Vincent.
"Does that make you all a better person than him?" Tanong ko sa kanila. Matapos iyon ay sinundan ko si Vincent. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, hanap ako nang hanap sa kanya pero hindi ko na siya nakita. Bumalik na lang ako sa room namin. He's there, nakayuko. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya.
All he wanted is acceptance. Ako, tanggap ko siya kahit na anong mangyari, mabait siya sa akin, friends na talaga kami kaya tuwing may ganito ay ginagawa ko ang lahat para maipagtanggol siya. Vincent doesn't deserve to be treated like this.
xxxx
"Dito pa rin ako mag-aaral, Vincent, Ikaw ba?"
It was the day before graduation. Wala na kaming class kaya naglakad – lakad na lang kami sa school premises. Our other classmates were having a small party inside our classroom, but we decided not to join kasi para naman sa akin, lahat sila ay mga plastic talaga.
"Depende sa sponsor ko."
"Sana dito rin kasi gusto pa rin kitang classmate."
He smiled. Huminto ako para harapin siya. Mas matangkad siya kaysa sa akin, so I had to tiptoe to give him a kiss on his cheek. Napahawak siya sa pisngi niya pagkatapos ay napatitig sa akin.
"Ireena..."
"I just thought you deserve it. Thank you for being my friend."
We held hands that day.
Kinabukasan, sa graduation ay ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ko siyang dumarating kasama si Sister Cecelia. Nagmano ako sa kanya tapos ay ipinakilala ko siya sa parents ko. Nagkasundo – sundo naman sila Mama. Mabait kasi talaga si Vincent, maayos ang pagpapalaki sa kanya ng mga madre, ewan ko lang kay Martin siguro nahulog siya noong mga sister sa sahig noong bata pa siya kaya sumama ang ugali niya.
In his speech, Vincent thanked the nuns that took care of him and his sponsor. Affected ako ng speech niya kasi pinasalamatan niya rin ako. He said that he's one example of a dreamer that didn't give up on his dreams – napakasarap marinig noon.
Pagkatapos noong ceremony ay niyaya pa ni Papa sila Sister Cecelia na kumain sa labas pero sa pagkakataong iyon ay tumanggi na sila. May munting selebrasyon raw sa ampunan para kay Vincent at sa iba pa nilang alaga na naka-graduate. I waved him goodbye, even blew him a kiss. I could feel that he's so ecstatic right now. Masaya akong makakasama ko pa siya sa susunod na taon.
Sumakay na kami sa kotse. Mama and Papa were in front, ako naman ay nasa likod kasama si Odelon – my seven month old baby brother. Isinama ni Mama kasi wala siyang mapag-iiwanan, all my brother's and sisters are in CLPH – nagbabakasyon na sila roon, susunod kami bukas.
I was dozing off but I am looking at my baby brother. He's so cute and he's so chubby. Sinusubukan niyang kainin iyong daliri niya sap aa.
"Mama, look, kinakagat niya iyong big toe niya." Sabi ko pa. I was giggling.
"Ireen, look after him. Baby pa si Odelon, ikaw ang Ate, palagi mo siyang aalagaan."
"Opo." I looked at him again. He was smiling at me. "Aren't you a cutie pie?"
"Hermes, what's wrong?" I heard Mama. I looked at them. Hindi nagsalita si Papa but he was trying something doon sa kung anuman. He looked at Mama after a while.
"Walang break." He said.
"What?!"
Hindi ko alam kung paano ako kakalma, I know what that means, kinabahan ako. We were on the hi-way at ang daming sasakyan. Papa started to avoid the vehicles. Mama was yelling.
"Ireena, iyong kapatid mo!" Sigaw ni Papa. I looked at Odelon, he doesn't have any idea what's happening. I crawled to get near him but our car has been hit. Malakas ang impact noon, nagpagulong -gulong kami and I tried my best to get a hold of the baby – but I didn't.
xxxx
Orejon's
I looked at Manuel. He just got off the phone. Kausap niya si Andy at kahit naririnig ko ang boses ng asawa niya sa kabilang linya ay hindi ko naman maintindihan ang daloy niyon. Binaba ni Manuel ang phone at inutusan ang driver niya na ibalik na lang kami sa bahay. Lalong kumunot ang noo ko. Maaga niya akong ginising dahil may pupuntahan raw kaming dalawa – mahalagang bagay raw kaya hindi ako pwedeng tumanggi. Pinilit niya akong mag-ayos at kahit ilang beses kong sabihin na may lakad kami ni Avo – kahit wala naman ay hindi niya pa rin ako tinigilan.
"Where are we going?" I asked him. He just flatly said;
"Home."
"What? Akala ko ba may kakausapin tayo? Hindi mo nga sinasabi sa akin kung sino o kung kliyente ba iyan."
"Nag-back out na. Sa ibang araw na lang." Hindi ko siya maintindihan. Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa bahay ay nagbago na agad ang isip? Kung alam ko lang, hindi na talaga ako sumama. Balak kong magpunta sa mga pulis ngayon para i-report ang pagkawala ng asawa ko. Kailangan ko na siyang makita – habang tumatagal na wala siya ay lalo akong nag-aalala. Paano kung bigla na lang siyang mapaanak, wala siyang kasama, wala siyang pera – saan siya pupulutin? Dapat talaga binantayan ko siyang maigi para hindi ako nagkakaproblema ngayon.
Wala naman talaga akong balak ikulong si Ireena nang ganoon katagal. I just wanna make sure that Manuel got Andromeda first, before I let her go, but my plans changed when she told me she was delayed and that she needed to make sure. Ano't anuman ay alam kong anak ko ang batang iyon – wala naman siyang ibang nakasamang lalaki kundi ako lang.
I was her first. It happened that night when she went to the mansion. I turned the lights off because I wanted to talk to her, but we ended up making love to each other at kahit na gaano kasakit marinig na habang ako ang kasa-kasama niya ay si Elias Manuel naman ay tinatawag niya ay tinanggap ko iyon.
Handa akong lunukin ang lahat para lang makasama siya. Kahit sa sarili ko ay hindi ko maintindihan.
I had the best time of my life when I was with her. Tuwing gabi lang kami nagkakasama pero I make it a point na nag-uusap kami nang maayos. I have known her – pakiramdam ko nga mas kilala ko pa siya kaysa sa sarili niyang pamilya. I know all her pains and fears, nangako ako sa sarili kong aalagaan ko siya kahit na anong mangyari.
We got to the house. Pagbaba namin ni Manuel ay naroon na si Andromeda. She gracefully walked toward us. She kissed Manuel and faced me. I thought that she was going to shake my hand but to my surprise, she slapped me – napakalakas noon at bumiling ang ulo ko.
"Andy, what the hell?!"
"I can file a case against you. Kidnapping, sexual harassment and rape – or whichever way! Gusto kitang makulong." Gigil na gigil na wika niya. Hindi ko siya maintindihan, nakatitig lang ako sa kanya pero habang tumatagal ay naiintindihan ko kung anong nangyayari.n
"You know where she is."
"Yes, but I will never tell you. Kung gusto mong sabihin ko sa'yo kung nasaan siya, mamatay ka muna, maybe then I will change my mind."
Tinalikuran ako ni Andy. I looked at Manuel. He just shrugged.
"She's the boss, brother."
This is so unfair!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top