Chapter 21

Sariah

NOONG pumasok ako kung saan kami magkikita ni Rio Achilles ay agad na may tumawag sa akin. Sinabi nila na kaibigan raw sila ni Rio Achilles at bumibili lang raw ito ng pagkain para sa amin. Nakakatuwa naman, napaka-supportive nilang kaibigan.

"Ito na pala iyong ka-date mo eh, Sariah. Pare, bilisan mo na! Kanina pa siya naghihintay sa iyo eh," sabi ni Lam

Ilang minuto pa ay nagsalita na ang isa sa kanila. Medyo kinabahan na ako, sana ay mag-mukha akong maayos sa harapan niya. Sa harapan ng crush at favorite author ko. Diyos ko, ayaw ko naman kasing mapahiya ano.

Noong lumapit siya sa akin ay kita ko ring kinakabahan siya, parehas naman kami pero hindi ko pinapahalata sa kanya. Ayaw kong maging marupok kahit sobrang natili na ang inner self ko. Gusto kong kumalma at uminom ng tubig ngayon dahil sobrang gwapo pala talaga niya. No wonder kaya gustong-gusto siya ni Rocky ay dahil good looking at mabait siya.

"M-magandang tanghali. Ang ganda mo. Este, kumain ka na ba ng tanghalian? Ito, binili na kita ng pagkain. Sana ay magustuhan mo iyan. Hindi ko naman kasi alam ang paborito mo kaya ako na mismo ang pumili para sa iyo," sabi niya sa akin

Ramdam kita, akala mo ikaw lang ang kinajakabahan? Ako rin kaya, hindi ko naman kasi ine-expect na mangyayari ito. Sino ba ako para pagbigyan mo ng oras eh sikat kang author sa Wattpad hindi ba?

"Are you okay? Ang lamig kasi ng kamay mo. Hindi, sasabayan na kitang kumain. Umupo ka na, kumain na tayong apat ha? Huwag kang kabahan. Nanginginig ka na eh," sagot ko naman

"Apat? Dalawa lang tayo. Paanong hindi ako kakabahan eh sobrang ganda mo? No wonder, magugustuhan ka talaga ng Stanley na iyon. Kamusta ka?" sagot naman niya sa akin

Natatawa na lang ako sa iyo kasi kung anu-ano ang sinasabi mo. Alam ko namang bino-bola mo lang ako dahil para sa akin ay hindi ako maganda. Actually, mas maganda pa nga sa akin si Rocky. Pero dahil inis ako sa kanya ay pinaghandaan ko talaga itong date natin para maayos naman akong humarap sa iyo.

"Apat tayo because Lam and Red asked me kung pwede silang sumama sa atin. Okay lang naman sa akin kaya pumayag na ako. Bakit naman hindi diba? They are your friends after all," sagot ko

Agad niyang tiningnan nang masama ang dalawang kaibigan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matawa. Ang cute nilang tingnan, para silang batang nag-aaway pero magbabati rin naman kaagad.

"Peace man, tinanong lang naman namin siya and we didn't know na ganoon siya kabait. Hayaan mo, sa pinakadulong table kami para may privacy pa rin kayo. Hindi namin kayo maririnig, masosolo mo pa rin siya ngayon. Sige, usap na kayo. Bibili na kami ni Lam nang makakain," nakangiting sabi ni Red

"Osige ha, doon kayo sa pinakadulo! Ayaw kong makita mga mukha niyo. Mga lokong 'to," sabi ni Rio Achilles

"Baliw ka. Bakit ka naman ganoon sa kanila? Syempre, gutom na rin ang mga iyon. Buti nga at tinulungan ka nila rito," sagot ko

"Alam mo, Sariah iba naman kasi ang usapan naming tatlo. Hindi ito ang plano namin," sagot ni Rio Achilles

Pagkatapos noon ay bigla niya akong binigyan ng bulaklak at chocolates. Napaka-ganda noon, sobrang appreciated ko. Actually, this is my first time receiving these kinds of gifts. Alam kong late na pero wala akong magagawa.

"Hey, this is for you. Pasensya ka na ha, iyan lang ang nakayanan ko eh. Babawi na lang ako next time," sabi ni Rio Achilles

"Ano ka ba? This is so much. Ayos na ito. I mean, this is more than enough for me, thank you!" sagot ko pagkatapos ay inamoy-amoy ang bulaklak

"Salamat naman at nagustuhan mo ang bigay ko. Tara na, kumain na tayo?"sagot niya

Binaba ko ang mga regalo at nilagay lang sa tabi, inayos niya ang pagkain namin at tuwang-tuwa naman ako. This is my first time na makaranas ng ganito. Parang princess ang peg ko kahit ang totoo ay matanda na ako.

Habang kumakain kami ay kinilala na namin ang isa't isa. Aba ang Rio Achilles ay mahilig pala talagang bumanat, hindi niya ako tinigilan. Kahit na halata ko namang nahihiya siya ay sinusubukan pa rin niyang maging cool. I like his attitude, may laban.

"Hmm, so.. Rio Achilles ba talaga ang name mo o iba pa? Medyo mukhang fictional character kasi kaya hindi ako naniniwalang tunay iyon," sabi ko

"Ah, oo. Hindi iyon tunay pero medyo hawig iyon sa tunay kong pangalan. Just call me Achie," sagot naman niya

"Ah Achie. Ilan taon ka na? Pwede bang malaman?" tanong ko naman 

"Ah, matanda na. 28 years old na ako eh. Ikaw ba? Siguro, bata ka pa talaga eh.  Niloloko mo lang siguro ako," hirit pa niya

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na 25 years old na ako, nakalimutan mo na ba?" sagot ko

"Malay ko ba kung totoo iyon, ang baby face mo eh. Siguro, 20 years old ka lang ano?" biro pa niya

"Hindi ah, 25 years old na ako pero wala pa ring boyfriend," sagot ko

"Gusto mo, ako na maging boyfriend mo? Pwede naman. Ready na ready ako," hirit pa niya

"Loko ka talaga, inaasar mo pa ako sa pagiging single ko eh. Kumain ka na nga dyan," sagot ko na para bang naiinis pero hindi talaga

"Hala, sorry na. Kaya nga ako nandito para hindi ka na maging single eh. Ano kayang purpose ng pagkakilala ko sa iyo sa Wattpad kung hindi kita mapapangasawa? Diba?" todo hirit pa niya

Oo nga naman, we've known each other for two months now and naudlot lang iyon dahil kay Rocky. Ngayong may pagkakataon na nga kami to level up our relationship, bakit hindi nga namin i-try? Una pa lang naman ay alam na namin kung may gusto ba kami o wala sa isa't isa.

Malinaw naman sa gestures namin na may connection. Ano nga ang sabi ng mga kabataan roon? Spark? May spark nga ba sa aming dalawa kaya hindi pa rin namin binibitawan ang isa't isa? 

"Asawa agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna?" tanong ko

"Ah, ang tanda na natin para sa ganyan. Bakit hindi na natin ituloy sa kasalan?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top