Chapter 20

Rio Achilles

NGAYON na ang araw kung kailan ko haharapin si Sariah. I called Lam and Red to help me. Sa aming tatlo ay sila naman ang chickboy so alam nila kung ano ang mga gusto ng babae. Mabait ako eh so ang alam ko lang ay maging loyal sa kanila.

"Pare, ano ka ba naman? Balak mo lang yata akong inggitin sa date mo eh," sabi ni Lam sa akin over the phone

"Tanga, hindi iyan mang-iinggit. Kabado na iyan kaya kailangan na ng tulong natin. Sige, we'll meet you later!" sagot naman ni Red

"Salamat mga pare. Maaasahan talaga kayo," sagot ko pagkatapos ay binaba na ang aking cellphone

Kumain na ako at naligo agad. Excited na kinakabahan ako para sa araw na ito. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Hindi naman ako gwapo at wala akong panama sa ibang lalaki, lalo na sa Stanley na iyon.

Pagkatapos kong maligo at kumain ay dumating na rin ang dalawa kong kaibigan. Himala, they are on time right now. Ako ba talaga ang makikipag-date o sila? Kakaiba eh, pormang-porma at todo pa ang pabango nila. 

"Ano pare, ready ka na ba sa date mo ngayon?" tanong ni Red

"Hindi ko nga alam eh, bahala na mamaya. Alam ko naman na tatanggapin niya ako kahit na ano pa ang itsura ko hindi ba?" sagot ko

"Oo naman, gwapo ka kaya pare. Ayos na ayos na iyan. Stay positive lang!" sagot ni Red

Pagkatapos noon ay umalis na kami. Papunta kami ngayon sa flower shop at bibili na rin kami ng chocolates para sa kanya. Hindi ko alam kung anong paborito niya kaya ko isinama ang dalawa kong kaibigan. Kung ano na lang ang alam nilang nakaka-kilig ay iyon na lang ang bibilhin ko. Sa pagkaka-kilala ko naman kay Sariah, she will appreciate all kinds of gifts.

Bumili kami ng dalawang red rose, dalawang white rose at dalawa ring pink. Wala na kasi akong pera kaya six pieces lang ang babili ko at hindi isang dosena. Sariah is a girl who's not asking for too much kaya naman alam ko sa sarili kong ayos na ito.

Bumili rin akong 12 pieces ng chocolate. Iba't ibang klase, mamili na lang siya kung ano ang una niyang kakainin dyan. Ang mahalaga ay matuwa siya sa araw na ito. Humingi rin ako ng card para ilagay sa roses at doon sa chocolates para mas lalong magng sweet ang gesture kong ito. 

Halos 15 minutes lang kaming bumyahe at nandito na agad kami sa pupuntahan namin. Hindi ko pa nakikita si Sariah kaya inutusan ko muna ang dalawa na tumingin ng mauupuan at ako'y oorder na sa counter ng kakainin namin. 

Pagbalik ko ay nakikipag-tawanan na sila Red at Lam sa isang babae. She has the sweetest voice, para ngang gusto kong gawing lullaby ang boses niya sa sobrang ganda.

"Ito na pala iyong ka-date mo eh, Sariah. Pare, bilisan mo na! Kanina pa siya naghihintay sa iyo eh," sabi ni Lam

Nanginginig akong lumapit sa kanya. Inabot ko ang aking kamay para makipag-shake hands, kinuha niya naman ito habang nakangiti. Hindi talaga ako makapaniwala, akala ko'y nasa langit na ako eh. Para kasi siyang anghel mula sa langit. Sobrang ganda niya, bagay na bagay kami.

"M-magandang tanghali. Ang ganda mo. Este, kumain ka na ba ng tanghalian? Ito, binili na kita ng pagkain. Sana ay magustuhan mo iyan. Hindi ko naman kasi alam ang paborito mo kaya ako na mismo ang pumili para sa iyo," sabi ko

"Are you okay? Ang lamig kasi ng kamay mo. Hindi, sasabayan na kitang kumain. Umupo ka na, kumain na tayong apat ha? Huwag kang kabahan. Nanginginig ka na eh," sagot niya sa akin

"Apat? Dalawa lang tayo. Paanong hindi ako kakabahan eh sobrang ganda mo? No wonder, magugustuhan ka talaga ng Stanley na iyon. Kamusta ka?" sagot ko

"Apat tayo because Lam and Red asked me kung pwede silang sumama sa atin. Okay lang naman sa akin kaya pumayag na ako. Bakit naman hindi diba? They are your friends after all," sagot naman niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Well, oo. Mabait nga talaga siya dahil kahit hindi naman niya ang dalawang asungot na kasama ko ngayon ay pumayag pa rin siya sa gusto ng mga ito. But, why? Akala ko ay private na moment na namin ito. Hindi pa rin pala. Naloko ako nitong mga kaibigan ko, kaya pala ang aga nila at todo porma eh dahil kasama talaga sila sa date ko.

Tiningnan ko sila nang masama. Tawang-tawa ang mga loko dahil sa mga pinaggagagawa nila sa akin. Dapat pala ay hindi na ako humingi ng tulong sa mga ito. May bayad naman pala ang paggalaw nila. Nakakainis, akala ko'y masosolo ko na si Sariah eh.

"Peace man, tinanong lang naman namin siya and we didn't know na ganoon siya kabait. Hayaan mo, sa pinakadulong table kami para may privacy pa rin kayo. Hindi namin kayo maririnig, masosolo mo pa rin siya ngayon. Sige, usap na kayo. Bibili na kami ni Lam nang makakain," nakangiting sabi ni Red  sa akin

"Osige ha, doon kayo sa pinakadulo! Ayaw kong makita mga mukha niyo. Mga lokong 'to," sagot ko na may itsurang inis na inis

"Baliw ka. Bakit ka naman ganoon sa kanila? Syempre, gutom na rin ang mga iyon. Buti nga at tinulungan ka nila rito," sagot ni Sariah na natatawa

"Alam mo, Sariah iba naman kasi ang usapan naming tatlo. Hindi ito ang plano namin," sagot ko

Nakita ko ang flowers at chocolates sa lamesa kaya naman agad ko itong binigay sa kanya.

"Hey, this is for you. Pasensya ka na ha, iyan lang ang nakayanan ko eh. Babawi na lang ako next time," sabi ko

"Ano ka ba? This is too much. Ayos na ito. I mean, this is more than enough for me, thank you!" sagot ni Sariah pagkatapos ay inamoy-amoy ang bulaklak

I was right, she's into simple things. Thank you Sariah. Thank you for coming into my life. I promise, I will marry you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top