CHAPTER 9


Chapter 9

Plan

Third Person's POV

"Magkamukhang magkamukha talaga kayong dalawa. Kung hindi ko lang alam na kambal kayo ay pagkakamalan kong ikaw siya." ani Lizette habang sinusuklay ang mahabang buhok niya.

"Sigurado ka bang hindi nila malalaman?" Nag-aalalang tanong ng babaeng nakaupo sa harap ng salamin at inaayusan ni Lizette.

"No. Just remember everything we practiced. Remember everything I've said. And don't act impulsively, Marianne..." Mariing sagot naman ni Lizette.

Marahang tumango si Marianne at tinitigang mabuti ang sarili sa salamin.

"This is just right and just," she uttered in her mind.

Colleen's POV

"Oh my gosh! We did it. I did it." Paulit ulit kong sambit habang naglalakad lakad sa sala ng condo ko.

"Ano ka ba, jus relax!" Natatawang utos niya sa akin.

"What if they found out that we did it?!"

Nabura ang ngisi sa labi niya at matalim akong tinitigan, "It's just the two of us, honey. Nobody's gonna know what happened to her if you will remain silent."

"Her parents are looking for her now, right?" Kinakabahang tanong ko.

"We'll let them investigate. Hayaan nating sila mismo ang makakita at makaalam na aksidente ang pagkamatay niya." Tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"No one will ever know this dirty little secret, best friend."

Tinapik tapik pa niya ang pisngi ko habang nakatulala lang ako sa mukha niyang may bahid na naman ng tuwa.

"We deserve to celebrate! Let's go clubbing? Deserve nating magsaya dahil natanggal na ang tinik sa buhay natin. We will now get everything we deserved."

We went to bar hopping, luxury bars for the night to celebrate her death. The whole week was a blast. Parties after parties and I guess, everything's just fine. There's nothing to worry about.

*/Kring~~

*/Kring~~

*/Kring~~

"Sh*t!" Nahulog ako sa kama sa pagpipilit na abutin ang telepono kong walang tigil sa pag-ring.

"WHAT?" Galit kong tanong sa kung sino mang panira ng umaga ko.

"Get up! You didn't open your social media accounts, don't you?"

Para akong nahimasmasan ng marinig ko ang boses niya.

"What?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya at saka hinilot ang sentido ko.

Arrggg! Tequila sucks. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa puyat at hangover.

"May sapusa yata ang babaeng yun!" Gigil na sambit ng kausap ko.

"Who?" Nagtatakang tanong ko.

Tumahimik pansamantala sa kabilang linya. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Tila pinipigilan ang tuluyang pagsabog ng inis at galit.

"The b*tch is still alive, Colleen! She's still alive! Sh*t!" Sigaw niya sa akin bago ako binabaan ng telepono.

Nalaglag ko naman bigla ang cellphone ko. No! This can't be happening! She's supposed to be dead. At kung mahahanap man siya, she's as good as dead na dapat! It's been a almost a month! Bakit ngayon lang?

Pinulot ko ulit ang cellphone ko at nagbukas ng mga applications. Pag-open ko sa IG ay nakita ko ang post niya.

She posted a picture of herself, wearing a bathing suit while sitting on a lounger with a fresh buko juice on her side.

Last day of vacation after almost getting drown! 😜

That was her caption written at the bottom of pictures.

Dahil sa pinaghalong inis at galit na nararamdaman ko ay naibato ko ang cellphone ko sa pader ng kuwarto ko.

"No!!! Patay ka na dapat! Dapat nalunod ka ng tuluyan! Dapat hindi ka na nabuhay! Buwisit ka! Buwisit, Salot! Salot ka sa buhay ko!" Humahagulhol kong sigaw. I don't care whoever hear my sentiments.

"Akin lang si Allen, Marianne... you will not take him away from me." Mariing bulong ko sa hangin.

Third Person's POV

Isang babaeng nakasuot ng maganda at mamahaling bestida ang bumaba mula sa sasakyan. Maya-maya pa ay naglakad na ito papasok sa malaking mansiyon. Samantalang tinulungan naman siya ng driver na itaas ang kaniyang bagahe sa mga baitang ng hagdan.

Bukas ang napakalaking pinto ng mansiyon. Nakatayo lang siya sa bungad ng pinto habang nagmamasid.

"Bakit hindi ka pa tumuloy papasok sa loob? Bakit parang kinikilala mo pa ang sarili mong bahay?" Nakangiting sambit ng babaeng nasa malawak palang sala ng mansiyon.

Inalis niya ang kaniyang salamin at ngumiti ng malawak sa babaeng kaharap.

"Good morning, Avah! Did you know that every gising is blessing? Are you blessed?" Nakangiting bati niya rito.

Natigilan naman ang kausap at saka unti unting lumapit sa kaniya. Bigla itong ngumiti nang mas malawak at saka siya niyakap nang mahigpit.

"I miss you, Marianne. Nakapagtatampo na hindi mo ako isinama sa bakasiyon mo. Samantalang magkakasama lang naman tayo no'ng gabing iyon sa bar para magsaya..."

"Well, it is a sudden decision. Allen and I had a fight, and I need to temporarily move away para magpalamig muna ng ulo." Nakangiting paliwanag ni Marianne.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Avah at natuptop ang sariling bibig. "Ang balita ko nga no'n ay naabutan ka raw ni Allen ni mayroong kahalikan sa CR! You know, he's really mad at that moment! Siyempre nahuli ka ba naman niya sa aktong panloloko mo sa kaniya.."

Nabura ang ngisi sa labi ni Marianne at saka lumapit ng husto kay Avah.

" Well... Avah, for the record, I didn't cheat on Allen. I didn't kissed another guy, but I was harassed," maikling paliwanag niya at saka tinapik ang kaliwang pisngi ni Avah.

Halos mapakislot naman ang huli dahil sa lumukob ditong kaba. Parang ibang Marianne ang kaharap niya ngayon.

Napatulala na lang sandali si Avah sa tapat ng malaking pinto nang lumakad paalis sa harap niya si Marianne. Paakyat pa lang ito sa hagdan nang sinalubong ng ilang katulong. Tinulungan nila itong dalhin ang bagahe nito sa taas.

Nang mahimasmasan ay saka sinundan ni Avah ng tingin ang likuran ni Marianne na umaakyat sa hagdan.

Hindi niya mawari sa kaniyang sarili kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Kung totoo bang si Marianne ang nasa harap niya o isang impostora.

She then thought of a plan to decipher her doubts. Aalamin niya ang katotohanan, kung bakit buhay pa ang babaeng nasa loob ngayon ng itinuring niyang sariling tahanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top