CHAPTER 8


Chapter 8

Tragedy


Marjorie's POV

It feels surreal. Parang nanaginip lang ako. Grabe! Sa rami ng lugar sa Pilipinas, dito pa talaga kami sa club pinagtagpong magkapatid.

Kusang tumulo ang mga luha ko. I am genuinely happy, yakap ko na ulit ngayon si Marianne.

"K-Kumusta ka?" tanong ko bago humiwalay ng yakap sa kaniya. "Ayos ka naman ba? Nakakapaglakad ka na..." Manghang sambit ko.

"My surgery was quiet a success, A-Ate..."

With her answer, I got more teary eyed. Hanggang sa panibagong pagbaha na naman ng luha ang naganap. I can't contain the happiness inside my heart. Nagkita na ulit kami ng kakambal ko. Nay, nagkita na po ulit kami, natupad na po ang pangako ko sa 'yo.

Nang maalala ko nga si Nanay ay bahagya akong nalungkot, paano ko sasabihin iyon kay Marianne? Na kaming dalawa na lang ang pamilya...

"M-May sasabihin pala ako sa 'yo..." panimula ko.

"Si Nanay, Ate? Kumusta? Sumasakit pa rin ba ng baywang niya?" naiiyak na tanong niya sa akin. Gusto kong sagutin siya ng deretso pero hindi ko kaya... nahihirapan ako kung paano ko ibabalita sa kaniya na hindi siya masyadong masasaktan.

Umiling ako sa kaniya habang patuloy pa rin ang tahimik na pag-iyak.

"Marianne... si Nanay-"

"Marianne?! What are you doing there?" Lumingon siya sa tumawag sa kaniya. Kinuha ko namang oras 'yon para umalis. Gusto ko lang kausapin si Marianne, wala akong planong magpakita o magpakilala sa mga kaibigan niya, lalo na sa lalaking nagnakaw ng halik sa akin.

Marianne's POV

"A-Avah... bakit?"

"Ang sabi nila Allen sa akin ay nasa CR ka raw, kailan pa naging CR 'tong hallway?" Mataray na tanong niya sa akin.

"Himala at kinausap mo sina Allen? I thought you don't like him?" Pang-aalaska ko naman sa kaniya.

I move a little and tried to look where did my sister go pero hindi ko na nalaman pa maski ang paglabas niya.

Pagbalik ko ng tingin kay Avah ay nakatitig na sa akin ang nagtatanong niyang mga mata, "Sinong kausap mo kanina? Why are you crying? Are you seeing someone here... secretly?"

Agad akong umiling bilang pagtanggi.

"No, I just bump into someone earlier. Medyo mahaba kasi ang pila kanina sa ladies room kaya naisipan kong maghangin muna sana saglit..." ani ko at tinanaw ang ladies room na mayroong dalawang babaeng nakatayo sa labas ng pinto.

"Pila ka na habang hindi pa sila ulit dumarami. Baka magka-UTI ka niyan sa pagpipigil mo ng ihi mo," aniya at saka naunang naglakad papuntang CR. Sumunod naman na ako para wala ng iba pang pag-usapan. I'm not yet that ready to introduce my sister and I'm sure she is too. Darating din siguro kami sa ganun pero hindi pa ngayon.

I went inside the cubicle to pee. Samantalang si Avah naman ay nagpaalam na kukunin muna ang pouch niya sa sofa para makapag-retouch. Kaunti lang naman ang iniihi ko dahil hindi naman talaga naiihi kanina. It was just an alibi to follow the girl, which turned out to be my twin sister.

Nag-fluflush na ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at mabilis na pagsara nito.
Paglabas ko'y wala ng ibang tao sa mga cubicle maliban sa akin at sa lalaking natayo sa tabi ng pinto. Ginapangan ako ng kaba. Bakit ba bigla na lang walang tao ngayon sa CR? Samantalang may nakapila kanina?

I'm nervous but I will not show it. Lalabas na sana ako sa pinto nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Without further ado, he attacked my lips.

T*ng*na. Hindi. ko. kilala. ang. taong. 'to!

Puwersahan ko siyang itinulak palayo at nang maghiwalay ang labi namin ay sumigaw agad ako, "Get off me!!!" At saka inundayan siya ng sampal.

Sa halip na saktan ako pabalik ay ngumisi lang siya at saka dinilaan ang kaniyang labi.

"Hindi ko masyadong nalasahan, isa pa nga..." Before I could even react, his lips met mine again but this time it is more aggressive, parang kinakain niya na ang buong bibig ko, I could actually feel his saliva on mine and I don't want it! It's disgusting! I don't even know him!

Pumiglas ako nang pumiglas but to no avail, I can't escape from his firm hold on me. Tikom ang bibig ko kahit gaano pa dikit na dikit at mapaghanap ang labi niya.

Nagulat ako nang pisilin niya bigla ang bawayang ko. Imbes na makawala mula sa kaniyang hawak ay halos nastatwa ako lalo na ng galugarin ng dila niya ang loob ng bibig ko. Kusang kumawala ulit ang luha ko habang pilit na iniiwas ang mukha ko na nasusundan niya naman agad.

Biglang bumukas ang pintuan sa gilid namin. Kitang kita ko ang nandidilim na ekspresiyon ng mukha ni Allen. 'Tsaka naman bumitaw sa halik ang lalaking nasa harap ko.

Pumiglas ako sa hawak niya sa akin at tagumpay naman akong nakaalis. Nanlalambot ang tuhod kong lumapit kay Allen habang umiiling. I want to think and to feel that with him right now, I am finally safe. Pero sa nakikita kong galit sa mukha niya... I guess, I am not yet safe.

"A-Allen... he haras-" napabaling ang mukha ko sa kanan at halos matumba ako mula sa kinatatayuan ko.

Awtomatiko akong napahawak sa kaliwang pisngi ko. Namamanhid agad ito sa sobrang hapdi ng sampal na iginawad niya sa akin. Napahagulhol ako habang mapait na napangiti. My sweet Allen has a fair share of flaws too and this is it. When he's mad, he's literally mad, a beast, a monster, but I still love him beyond that.

Nabura lang ang ngiti ko nang malasahan ang kalawang sa labi ko. Hinawakan ko iyon at tinitigan ang d-dugo... ayoko sa dugo!

Nanginig ang kamay ko hanggang sa kumalat iyon sa buong katawan ko.

Allen suddenly burst and attacked the man behind me. Hindi ko na alam kung ano'ng sumunod na nangyari dahil nandilim na lang bigla ang paningin ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakapikit pero nagising akong nakahiga sa likurang bahagi ng kotse, maalog ang sasakyan, maya-maya ay nalaglag ako mula sa upuan but I can't help myself to stand or to sit. I can hear some faint talkings, parang nagtatalo. I can see a blur body of a long haired... girl. Maybe I'm with my friends?

The next time I know, I woke up in front of the steering wheel of my car disoriented. Hanggang sa naramdaman kong para lumulutang na ako sa ere kasama ng sasakyan ko. I hit my face on the steering wheel and on my car's window.

And then the last thing I can remember is I am drowning and there's no one... who came to save me.

I am just wishing that Allen will come to my rescue, but he's mad at me for cheating with someone I don't even know. I am rooting for my sister to come and rescue me, but we just met earlier. A pool of hot blazing sadness escaped from my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top