Chapter 1

Margaux POV

Hinang hina na ako ang tagal ko pa makapunta sa bayan . Salamat at may buwan ngayon na nag sisilbi ilaw sa daanan ko . Madami matatayog na puno bawat nilalampas ko ' medyo malamig dito sa kagubatan  .

Mga tunog ng insekto at iba't ibang uri ng hayop  na ngingibabaw sa gabi tahimik. Gusto ko na ipikit mga mata ko 'pero kailangan ko makapunta agad sa bayan .

Narinig ko ang agos ng ilog hindi kalayuan sa pwesto ko . Malalaki bato ang bumungad sakin . Pinalutang ko aking sarili para maiwasan mga mababato daan. Muntik na ako mawalan ng balanse buti at hindi ako nahulog.

Nang marating ko ilog kita ko nag liliwanag ito na kulay asul. Binaba ko muna ang hood ko sa ulo at yumuko ng unti . Uminom ako gamit ng kamay ko nilagyan ng tubig na galing sa ilog . Naramdaman ko na unti unti na bumabalik ang aking lakas . Uminom ako na ulit hanggang sa nawala na pang hihina ko kanina.

Dumaan sa harapan ko mga aliptap maganda sa mata kung panuorin mo lumilipad sila. May mga iba't ibang uri ng halaman dito sa parteng ilog . Tumitingkad mga kulay nila parang nagkaroon ng liwanag ang gabi.

Nakakamangha na nanatili parin kagandahan ng gubat. Muntik ko na malimutan na pupunta pala ako sa bayan . Inayos ko muna ang hood na suot ko.

Ginagalaw ko pa dalawa ko kamay . Bumalik na talaga lakas ko pwede ko na ako mag patuloy sa pag lalakad.

****

"Ano gusto mo hija? Black sword,wand,puppet ..."Pinutol ko agad sinabi ni manong . Wala ako ma ibabayad sa paninda nya .

Paalis sana ako ng may maka agaw pansin sa mata ko. Nilapit ko at sinuri ang paninda ni manong. Bukod sa sinabi nya pag pipilian ko ay may nag bubukod tangi sa lahat.

Nakalapag ang lahat ng paninda sa mesa na may telang itim . Kinuha ko muna ang isang bilog na bagay' kulay asul at pula nakapalibot . Napansin ko ang mukha ni manong sakin na puno ng Pagtataka.

"Ah sensya na manong kung hinawakan ko ito bilog na bagay"Ibabalik ko sana sa paninda ni manong ng pinigilan nya ako.

"Sayo na'yan hija . Yan lang hindi mabenta sa mga paninda ko dito"Ngiti nyang sabi sakin.

Sigurado ba sya na ibibigay nya ito sakin na walang bayad ? Puno ng alikabok ang bilog na bagay na hinahawakan ko bukod dun . Ano naman gagawin ko nito? Parang useless naman .

"Nakita ko lang yan hija sa isang gubat kung tatawagin ay forest of angel. Nasa damuhan yan nung nadatnan ko hindi ko alam kung ano klase bilog na'yan pero sa tingin ko makakatulong yan ."

"Ito po ba?"Habang pinapa ikot ko sa kamay. "Sa tingin nyo po may kakaiba ba sa bilog na'to o may mahika?"Tumingin sakin si manong .

"Hindi ko alam  hija kung meron o wala "

"Salamat po sa binigay mo. Teka lang po"Pumunta ako sa tabi ni manong at binulungan.

"Meron po bang bago balita ngayon dito sa bayan?"

"Huwag tayo dito mag usap hija "Tumalikod si manong sakin at may kung ano ito cast ng spell . Bigla nagkaroon ng isang pinto sa wall breaks. Sumenyas sya na pumasok ako sa loob.

Pagkapasok ko ay namangha ako may mini table at kagamitan na pang  bahay.

"Upo hija "Kumuha ako ng upuan na gawa sa kahoy. Abala si manong pag titimpla.

Nilibot ko tingin sa paligid. Madami gamit kasama na dito ay mga paninda nya . Iba't ibang paninda nya binebenta mula sa sword at mga maliliit na bagay.

"Mag isa lang po ba kayo sa buhay?"Tanong ko sa kanya . Dala nya ang tasa papunta sa pwesto ko.

Umupo sya sa kabilang upuan . Inisod nya ang tasa na may lamang tsaa papunta sa direksyon ko . Pina ikis nya ang kanyang mga braso sa ibabaw ng mesa. Tumingin sya sakin ng seryoso.

Inihip ko muna ang tsaa bago inumin. Pagkatapos ko ma inum ay nilapag ko ito sa mesa at hinintay ang sasabihin ni manong.

"Matagal na hija . Wala na ang asawa ko pinatay sya ng mga Dark Empire nung nag lakbay kami sa miechican land . Sa araw na'yun sinumpa ko na babagsak ang Dark Empire na may isang makapangyarihan na nilalang na tatalo sa kanila"Parang iiyak na kaharap ko ngayon pero pinipilit nya hindi magpakita ng kahinaan .

Ang Dark Empire ang pinakamasamang kaharian sa lahat kung sino ang mag tangka kumalaban sa kanila ay ipapatumbahin nito.

Tatlo kaharian na malalakas ito ay ang Muszak
Empire ,Nurxiviz Empire,Dark Empire.  Ang orihinal na maunlad at malakas ay ang Nurxiviz Empire hindi sila gumamit ng dahas tulad ng Dark Empire. Ang Muszak ay mapayapa sa tatlo .

"Sensya na po at napunta ganito usapan. Teka po  bago ako umalis dito ano bago balita dito sa bayan?"Pagtatanong ko sa kanya.

"Pupunta ang bawat guild dito  mamaya mga ala una ng madaling araw. Kukuha sila ng bago membro. Dapat labing walong taon gulang pa taas ,lalaki na may malakas na ability o may kasanayan sa pakikipag digma . Ang hindi pwede sumali ay babae"

Parang kumirot ang puso ko nung huli sinabi ni manong. Hindi pwede isali ang mga kababaihan sa war. Nawalan kami ng karapatan na wala kami silbi . Masyado na nila minamaliit ang kakayahan namin.

"Ganun po ba"Malungkot ko sabi.

"Parang interesado ka sumali sa guild hija . Mahigpit na pinag babawal sumali ang babae sa digmaan. Pinapatawan ng kamatayan ang lumabag sa kautusan"

"Gusto ko sana sumali .Gusto ko mag higante . Pero pano kung ..."Naputol agad ang sasabihin ko nang may nilapag si manong sa mesa . Napatingin ako kung ano bagay na'yun.

"Gamitin mo iyan hija "Sabi ni manong. "Ipag higante mo rin ang pagkamatay ng asawa ko hija. Alam ko na bawal pero ito paraan na matalo ang Dark Empire . Pag nakapasok ka sa isang guild wag mo sabihin sa kanila na babae ka kundi lagot "

"Para saan po ang singsing na'to?"Ganda ng pagkagawa ng singsing may bato ito sa gitna.

"Maitatago nyan ang tunay mo anyo at pag nasa panganib na mangyayari sayo kusa lilitaw ang pangalawa mahika ng singsing"

"May tali po ba kayo dyan?"

"Oo,San mo gagamitin hija?"

"Gagawin ko lang po kwentas manong "

****

Ang dami tao dito sa bayan. Nakipagsiksikan pa ako para mapuntahan ang anunsyo. Sabik na ako makita ang mga tao magpakitang gilas para makapasok sa guild.

Nag bigay lahat ng daan . Dumating ang apat na grupo 'sa mga itsura palang nila ang lalakas na bukod dun sa aura palang hindi sila basta basta .

Ngayon palang kinakabahan na ako ito ang una  beses ko gagawin na sumali sa ganitong bagay.

"Sana mapili  ako sa Mexivan Guild . Para masasarap pagkain matitikman ko "Sabi ng mataba lalaki habang kumakain ito ng karne ng manok.

"Pagkain na lagi iniisip mo "Sabat ng katabi nya payatin.

"Eh dito ako kumukuha ng lakas pag may laban "

Tinuon ko nalang atensyon sa anunsyo dito sa bayan. Lahat ng lalaki dito ay halata na sabik na makasali sa isang guild. Ako lang nag bubukod tangi babae sa lahat. Wala nakaka alam ang totoo ko pag katao mas mabuti pa ganito 'pag nakapasok ako sa guild ay chance ko na mapuntahan ang Dark Empire. Plano ko na ito dati pa at ngayon andito na ako para humarap sa test kung papasa ba ako o hindi.

Nag bago na anyo ko ngayon wala na mahaba ko buhok . Naging maikli ito pero ang hindi ata masyado umepekto ang mahika ng singsing sakin. Mukha parin ako babae yung dibdib ko naman nilagyan ko nang benda para hindi ma umbok kung tignan. Katawan babae parin ako buhok lang nag bago.

Pumunta sa gitna isang lalaki magulo ng unti buhok nito parang bago gising. Hinintay sya ng apat na grupo kung ano ability nya .

Kinumpas ang daliri ng isang membro ng guild. Ang pangalan ng guild na'yun ay Savafura .

Bigla lumitaw ang isang ahas may apat na ulo ito at iisa lang katawan. Kumikinang pa balat nito . Nakakatakot tignan nilalang nakita namin lahat. Umatras kami malayo sa may white line . Ang white line ay nag sisilbing barrier para wala masira sa paligid o madamay na iba tao.

Lahat nang sasalang para sa test ay seryoso nanunuod . Hinintay kung ano gagawin ng lalaki sa kaharap nya .

*Ssss!!*

Sumugod ang ahas papunta sa direksyon ng lalaki . Sobrang bilis wala pang isang minuto at umatake agad ito .

"Hanep pano nagawa nya bagay na'yan?"Tanong ng isa ko kasabay para sa pag susulit.

"Pinatay nya ang dambuhalang ahas. Na ganun lang"

Madami nag bulungan . Nasasikhan namin ang kakaiba kakayahan ng nasa loob ng white line. Nakakamangha na ganun pala sya kalakas .

Nung umatake sa kanya ang ahas ay agad nya ito sinakal . Ang kanyang kanang kamay ay bigla nagkakulay itim. Umusok ng ang kamay nya  unti unti nalulusaw ang ahas . Gumapang ang kulay itim papunta sa katawan ng ahas akala namin masusunog ito pero hindi iba nasaksihan ng dalawa ko mata. Parang nabulok ang katawan nito .

"We don't know if your ability is special or a curse "Mapang asar na sabi na isang membro ng guild tawag sa grupo nila ay nuvazkie . Lahat kami ay tumahimik ' kakilala nya ba ang kalahok? Parang iba tuno pananalita nito.

"Stupid "Mahina sambit ng kalahok.

"Bumunot ka kung saan ka guild mapapabilang"Sabi ng matanda lalaki parang nasa 50's na'to may tungkod ito dala at naka suot ng cloak.

Bumunot sya sa isang kahon . Nang matapos nya maka bunot ay binigay nya ang kulay itim na papel sa matanda .

"Atava Guild ka nabibilang "Walang gana sabi ng matanda .

Lumingon ako kung saan ang atava na grupo. Parang ang bigat ng presensya nila kung titignan ko mga ito hindi ko alam kung bakit . Napansin ko na lang pumunta ang lalaki na magulo buhok papunta sa bago nya guild.

Mapapasa ko ba ang una pag susulit? Kung malalakas naman ang makakaharap ko. Saan naman ako guild mapapabilang ?

Bahala na kung ano mangyari basta gagawin ko nalang  ng maayos sapat na'yun .

****

Madami nakapasa at nakapasok sa apat na guild. Ako ang pang huli susubok magpakita ng kakayahan.

Expected ko na magpapalapabas sila ng halimaw sa harapan ko o kaya higante agila . Hay nako gusto ko na matapos ito madaling araw na at malapit na mag bukang liwayway.

Hindi ko namalayan may tao sa harapan ko . Teka saan ang halimaw na makakalaban ko?

Nakatitig ang lalaki sakin parang walang emosyon mga mata nya. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala kaharap ko ngayon.  Tama lang tangkad nito may mga muscle pa ito sa braso  ' mga mata nya ay kulay dark brown na pag tinignan mo ito ng maigi ay para ka malulusaw . Ang tangos ng ilong nya at jaw line ay tama lang, ang masasabi ko lamang ay napaka perpekto ng kanyang mukha parang nahiya ang ang mga tagyawat tumira . Ang kinis ng balat nya sana ganyan rin sakin .

"Tapos ka na ba tumitig sa mukha ko?"

Shit ! Hindi ko namalayan napa sobra pag titig  ko sa kanyang mukha. Wala parin pag babago wala ka emosyon sya tumingin sakin.

Simulan ko na magpakita gilas. Inatras ko ng unti  ang kaliwa ko paa at inabante ang kanan paa ko . Mga kamao ko ay handa na manuntok .

Ginaya nya ginawa ko . Hindi ko alam kung ano ability meron sya kaya mas mabuti ilabas nya ang kung ano meron sya para maging handa ako.

Tumatakbo sya papunta sa direksyon ko . Hinintay ko pumunta sya dito at gamitin ko lakas para matumba sya.

*Boom!!*

"Shit! Muntik na ako matusta"Buti naka iwas ako sa ginawa nya. Habang pumunta sya sa direksyon ko nag labas sya ng apoy sa kanyang mga kamay. Tinapon nya pa sakin.

Umiwas agad ako sa mga tira nya ' patalon talon pa ako na parang kangaroo . Naging magaan katawan ko dahil nakokontrol ko kahit papano ang gravity .

*Boom!!!*

Nawasak ang semento sa banda likuran ko. Papano ko sya matatalo kung kaharap ko ay fire ability. Pwede nya ako mapatay nito lahat ng tao sa paligid namin tuwang tuwa sa mga nangyayari. Tatlong guild naman ay naka focus sa kalaban ko ngayon.

Hindi ko basta basta magamit ang ability ko na ganun lang . Dapat makalapit ako sa kanya hindi ako makapag handa dahil sa ganito' pag alam nya na gagamitin ko na ability ko ay pinapatama nya kanyang apoy sakin.

Sobra hirap 'napapagod na ako kakaiwas sa ginagawa nya.  Kailangan makahanap ako ng paraan.

*Boom!!*

*Boom!!!*

*Boom!!*

Hindi nya ako natamaan kahit na sunod sunod ang pagtama ng apoy sakin' Tumambling ako papunta sa kanya.

Ginamit ko ang ability na maka control ng gravity. Pinalutang ko ang mga bitak na lupa papunta sa direksyon nya. Kita ko na abala sya pag tama ng mga apoy  lumilipad na mga bitak na lupa .

Kinuha ko ang pagkakataon na makalapit sa pwesto nya . Lumundag ako napaka taas at pumunta sa likuran nya. 

Agad ko sya sinipa at sinuntok para hindi nya gamit ang kanyang ability.

Pinahid nya dugo sa kanya labi na may sugat. Nakaramdam ako ng konti takot ng tignan ko mga mata nya hindi ko maiwasan na mangamba .

Pinagsusuntok ko at sipa sya . Pumasok sa isip ko mga nangyari dati . Ang ate ko na kinuha ng Dark Empire para gawin alipin at aliwan. Ang pagkamatay ng mga magulang namin dahil sa sunog . Gusto ko umiyak at sumigaw sa pinakamataas na bundok 'ilabas lahat ng nararamdaman ko na poot at galit. Galit ako dahil sa kamalasan nangyari sa buhay ko.

"Tapos na ang pagsusulit"Anunsyo ng matanda sa lahat.

Bigla ako napa kurap ang aking mga mata . Tapos na ? Ibig sabihin hindi ako makapasok isa sa mga guild?

Napansin ko nawala na ang white line napa libot samin.

"Bullshit"Rinig ko pag mura ng lalaki kaharap ko. May pasa ito sa braso at sugat sa bandang labi.

Napa sobra ata ginawa sa kanya. Nakaka konsensya hindi ako sanay ng ganito na may kaaway .

"Sorr--"

Umalis agad sya . Halata na galit ito . Hihingi sana ako ng sorry sa kanya pero parang alam ko na hindi nya ako mapatawad sa ginawa ko.







Pinapunta ako sa harapan para bumunot . Nakapasa ako at makakasali na sa guild.

Nanginginig pa kamay ko habang pinapasok sa kahon. Nang may papel na ako naramdaman ay binunot ko ito at binigay sa matanda.

Tumitig pa ito sa mata ko. Kabado ako hindi ko alam kung bakit ganito nangyayari sakin.

"Swerte ka " pinakita nya papel sakin Kulay asul ito 'Tumingin muna ako sa apat na guild. Nuvazkie kulay pula ang atava kulay itim 'Vurzka ay kulay puti . Ang pinaka huli ay mexivan  kulay asul kung saan ako mabibilang.

Sana matino ang mexivan na wala sila gagawin ng kalokohan. Ito na siguro simula na makapasok sa isang guild at makapag higante at kunin ate ko sa Dark Empire.




****

A/N: -_- Imbento ko lang mga rules dito at pagpasok sa guild. Sabaw utak ko ngayon . May tanong ako Guild ay grupo ng mga tao ? Baka may mali sa ginawa ko at pwede ko iayos .   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top