Chapter 31

C H A P T E R   T H I R T Y   O N E   |   T H E   T R U T H   O F   H E R


Neah's Point of View

Bakit ang dilim dito? Nasaan ba ako? Am I dead already? Ang huli kung natandaan ay nakalaban ko si Naiah na isang Ordus at nasaksak niya ako. Ganon din siya, nasaksak ko din siya at hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay na. Ako buhay pa kaya ako? O nandito na ako sa kabilang buhay. Naiwan ko sila, ang sakit sakit.

"Neah," napatingin ako sa tumawag sa'kin ngunit wala akong nakita.

"Neah oras na para malaman mo ang iyong nakaraan." Ani ng isang boses na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Sino ka? Magpakita ka! At nasaan ako?" Tanong ko sakanya.

"Nandito ang iyong kaluluwa sa Land of Memories. Nandito ka para tignan ang nakaraan mo." Sagot nang isang boses. Hindi ko alam kung kaaway ba siya o hindi.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Nawa'y mapatawad mo ako sa aking paglilihim. Gusto ko lang kung ano ang makakabuti sa iyo."

"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan, maari ka bang magpakita?" Tanong ko. Ngunit wala akong narinig na boses mula sakanya. Kung hindi boses ng mga tao. Napatingin ako sakanila, nakikita ba nila ako?

Wait pamilyar ang kaharian na ito.

Is this the Harvena?

"Ina!" Tawag ng isang babae. She looks like me. Ako ba iyan? Pero bakit hindi ko matandaan.

"Aenaiah anak." Aenaiah? The last name are familiar. The Naiah, hindi ba siya iyong nakalaban ko? Ibig sabihin si Naiah ito? Pero bakit parang ako? Ang gulo!

"Ina tignan niyo may nahuli akong paru-paru. Dati ay kulay puti lang pakpak niya pero gamit ang kapangyarihan ko naging rainbow ang kaniyang pakpak." Masayang sambit ng babae.

"Napakagaling mo naman. Ipinagmamalaki kita." Sabi ng kaniyang ina. Bakit pamilyar ang boses niya? Habang tinitignan ko ang reyna nang Harvena ay unti-unti ko siyang nakikilala.

She's lola Angela, so this girl probably my mom. Bigla akong nakaramdam ng saya nang sumagi iyan sa isip ko. Mukhang nagmana ako kay mama na mahilig sa paru-paru. Nanagilid ang mga luha sa mga mata ko.

"Mama." Hindi ko mapigilang sambitin. Ngunit parang hindi niya ako narinig.

Bakit iba ang sinabi ni lola sa'kin? Bakit sabi niya na nong mamatay ang kaniyang asawa ay lumipat sila sa Mortal world. Pero bakit reyna pa siya dito, hindi ba at namatay ang aking lolo noong sanggol palang si mama. Maari kayang nagsinungaling sa'kin si lola? But why would she do that? Why would she lie to me if she can tell me the truth straight. But she choose to lied.

"Hindi sa lahat ng panahon, kailangang ipaalam nila saiyo ang lahat. Minsan kailangang ikaw mismo ang maghanap ng kasagutan mo sa iyong sariling mga tanong." Sabi ng isang boses.

Biglang nag-iba ang lugar at ngayon nasa kagubatan ang aking ina kasama ang mga kawal ng Harvena at tatlong katulong. Nang may makasalubong silang mga Ordus. Naging alerto bigla ang mga kawal.

"Itago ang prinsesa." Saad ng isang kawal. Dinala ang prinsesa ng isang kawal para itago ngunit may nakasalubong silang batang lalaki. Who's this guy?

Nilabas ng kawal ng kanyang espada at tinutok ito sa batang lalaki. Teka wala namang ginagawang masama ang bata ha.

"Sino ka at anong kailangan mo bata?" Tanong ng kawal.

"Sa likod mo." Sabi ng bata sa kawal.

Napatingin sa likuran niya ang kawal at may Ordus nga na paparating. Nabitawan ng kawal si mama at nagsimulang makipaglaban sa mga Ordus. Bigla namang hinila ng lalaki si mama kaya sinundan ko sila. Natatakot ako baka may gagawin siya kay mama.

Nagtago sila sa isang halaman.

"Shh." Sabi ng batang lalaki kay mama.

"S-sino ka? At bakit mo kami tinulungan?" Kinakabahang tanong ni mama.

Ngunit may pinasuot lang siyang kwintas kay mama.

"Huwag mong tanggalin iyan kung ayaw mong makuha ka nila." Bulong ng batang lalaki kay mama. Nagtago parin sila sa halaman na dalawa.

"Nakita niyo ba ang prinsesa nila?" Tanong ng isang kawal na Ordus.

"Wala, nakatakas ata." Sabi naman ng isa.

"Bumalik na tayo." Sabi ng kawal. Narinig nila ng yabag ng mga kabayo paalis.

"Wala na sila." Sabi ng batang lalaki.

Hinila niya si mama palabas sa pinagtataguan nilang halaman. Ang mga kawal ng Harvena ay nakahandusay at wala ng buhay. Pati na rin ang mga katulong nila na kasama.

"Ang sasama talaga ng mga Ordus." Galit na sabi ng batang si mama.

"Not all." He said.

"Anong ibig mong sabihin na hindi lahat?" Takang tanong ni mama sa batang lalaki.

"Nothing." He shrugged his shoulders.

"Bumalik ka na sa Harvena, mag-ingat ka." Sabi ng batang lalaki at nagsimulang maglakad.

"Sandali..." pigil ni mama sakanya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni mama sa batang lalaki.

"Ishmael Hardin Grey." He answered.

"You?" The boy asked

"Aenaiah Sapphire Wesley." Mom answered.

"See you around, Ae." Tsaka ito nagsimulang tumakbo. Hahabulin pa sana siya ni mama ngunit may nakita siyang isang Ordus na tinatawag ang batang lalaki.

Is he and Ordus? Tanong ng batang si mama sa isip niya.

Nag-iba ang lugar at ngayon nandito kami sa kaharian ng Ordus. Malaki na ang batang lalaki na kanina'y bata pa. Nakakakilabot talaga dito.

"Anak." Ani ng isang boses. Pati boses nang nagsalita nakakapangilabot.

"Ama." Nagbigay galang ang lalaki sa kaniyang ama na naka-upo sa trono. Pulang-pula ang mga mata niya. A real evil, kung ganon tama nga si mama na Ordus ang lalaki.

"I'll send you to a mission," his father muttered.

"All you need to do is to kill the princess in Harvena." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaki dahil sa sinabi ng ama niya.

I can't, I love her

He said on his mind. Mahal niya si mama? Kung ganoon maaring siya ang papa ko. Maaring may dugong Ordus ako at masaklap pa nito, maaring prinsesa ako ng mga Ordus kung sakaling magiging Hari ang aking ama.

"Now start your mission, patunayan mong karapat-dapat ka sa tronong ito. Patunayan mong dapat kitang tawaging aking anak. Patayin mo ang prinsesa nila Ishmael." Tsaka ito humalakhak ng mala demonyo.

I'm sorry, I'm sorry my Ae.

Nag-iba na naman ang lugar at ngayon ay dalaga na si mama. Magkamukhang magkamukha talaga kami. Nasa labas siya ng gate ng Harvena.

"Ish!" Bati ni mama sa dumating na lalaki. Niyakap niya ang lalaki. Siya ang lalaking nasa Ordus kanina. Hindi kaya gagawin na niya ang pinapagawa ng ama niya sakanya. Papatayin niya kaya ang mama ko?

"How are you?" The boy asked mom with a genuine smile.

"I'm okay, you?" Mom asked.

"I'm more than okay since I see your beautiful face." Nakita ko kung paano ngumiti si mama. Ang saya ng mga ngiti niya, mukhang mahal na mahal niya din ang lalaki.

Naglakad sila at pumunta sa ilalim ng puno. Umupo sila doon.

Niyakap ni papa si mama.

"Ae I love you so much." I remember Asher
because of mom and dad. Sa puno din nag confess sa'kin si Asher dati. Nakakamiss pala ang bipolar na iyon.

"I love you too." Mom muttered. Nakahiga siya sa chest ni papa.

Will you accept me even if I'm evil? Will you fight for me even our love is forbidden? Papa asked in his mind while looking at mom's face.

"Pakasal na tayo Ish." Sabi ni mama. Kita ko ang gulat sa nga mata ni papa at the same time masaya.

"Aren't you joking?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama kay papa.

Ang saya pala nang pagmamahalan nilang dalawa. Sana ganon din ako, sana mahanap ko din ang lalaking para sa'kin. Ngunit napakalabo. Ngayong patay at wala na ako.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Natatawang tanong ni mama kay papa.

Biglang niyakap ni papa si mama ng napaka higpit. Tsaka niya ito hinalikan sa labi. Ramdam ko na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Sana hindi siya magtaksil kay mama, sana ay mahalin niya si mama ng lubusan.

"Then yes, we will get married Ae and we will be having our children." Nakangiting sabi ni papa habang yakap yakap si mama.

Their love is forbidden but I'm happy that dad didn't choose mom to kill. Nananaig ang kabutihan sa puso niya kahit isa siyang Ordus.

Ngayon ay nasa loob na sila ng palasyo ng Harvena. Napakaraming tao, makikita ang saya sa mga ngiti ng mga tao.

Nakita ko rin si lola Angela na nasa gilid. May hawak siyang dalawang korona. Pinalapit niya si mama, lumapit si mama sakanya at kinoronahan siya.

"All hail Queen Aenaiah." Lola Angela muttered.

"All hail Queen Aenaiah." Sabi ng mga tao at masigarbong nagpalakpakan.

Sunod na pinalapit ni lola Angela si papa at sinuot ang korona sakanya. Mukhang wala silang alam na Ordus si papa.

"All hail King Ishmael." Lola Angela says.

"All hail King Ishmael." The people said in unison.

"All hail to the new Queen and King." Sabi ng isang kawal.

"All hail to the new King and Queen." Ang mga tao sa loob ng palasyo. I heard an applause, masaya sila para sa bagong hari at reyna nila.

Naging iba ang paligid at ngayon ay nasa kwarto si mama at papa. Malaki na ang tiyan ni mama at mukhang buntis siya dito.

"Anong gusto mong ipangalan sa anak natin?" Tanong ni mama kay papa.

"I want the name of our babies came from your name." Dad said while looking at mom. Tsaka niya hinalikan ang singsing na nasa daliri ni mama na kapareho ng singsing niya.

"Babies? Ano kambal sila?" Natatawang aniya ni mama.

"What if they are?" Si papa.

"Sige kunyari kambal sila, ano sa palagay mo babae o lalaki?" Tanong ni mama

"Babae." Agad na sagot ni papa.

"Ayaw mo ba ng babae at lalaki?" Nagtatampong tanong ni mama.

"I want too, but I want a girl. Siguradong sa'kin sila magmamana." Nakangising sabi ni papa.

Napatawa naman si mama at nagsalita.

"Asa ka!"

"Ang gusto kung ipangalan sa mga anak natin ay Hanneah Sapphira." Si papa. Siya pala ang naka-isip sa pangalan ko, hindi ko mapigilang mapangiti.

"Nice name, yung Sapphira ay galing sa pangalan ko na Sapphire." Nakangiting sabi ni mama.

"Ako naman sa isa," Si mama. Nag-isip siya agad ng pangalan.

"Hannaiah Sabrina." Mom says.

Hannaiah or Naiah is quite the same or what if they're really one?

"Nice name for our twins." Napuno ng lambingan ang buong kwarto dahil sa kanila. Ngunit unti unti iyong naglaho at napunta na naman kami sa Ordus.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ng ama ni papa.

"You disappointed me! Na hulog ka sa babaeng dapat ay iyong pinatay." May itim na usok na pumalibot sa leeg ni papa.

No!

Napaka sama ng lolo ko.

All my father was to felt love, but this grandfather of mine don't let him get it. How fate can be this cruel?

"Mahal ko siya at hindi ko siya kayang patayin, ama." Nakita ko na umiiyak si papa. It touches my heart how my father love my mom, it was genuine.

"Mamatay siya sa ayaw at gusto mo, at sa anak niyong dalawa ibibigay ko ang trono." Mas lalo niyang sinakal ang ama ko.

"Hindi kita hahayaang gawing masama ang anak namin katulad mo!" Sigaw ni papa kahit nahihirapan na siya dahil sa pagkakasal ng lolo ko.

"Their descendants turn us into this, Ishmael. They make us a villain in front of everyone then we'll let them see what villains' are." Ngumisi ito at binitawan ang si papa. "Dalhin sa selda ang lapanstangang iyan." Utos niya sa mga kawal. Hindi makapanglaban ang aking ama dahil nakaposas siya. Naawa ako sakanya. Bakit kailangang sapitin pa nila ito?

Tumawag ang lolo ko ng isang Ordus.

"Tanggalan mo ng memorya ang aking anak, palitan niyo ng sakit at pagkamuhi sa kaniyang asawa. Ang alam lang niya ay buntis ito at kailangang kunin niya ang anak niya para maging tagapagmana ng Ordus at papatayin niya ang asawa niya." Parang umabot sa kabilang mundo ang ngisi niya.

"Masusunod." Tsaka ito umalis.

Nababalutan ng nakakakilabot na halakhak ng hari ang kaharian Ordus.

Pumunta ang babaeng inutusan niya sa selda ni papa. Gusto kong pigilan ng babae sa gagawin niya ngunit wala akong magawa. Hanggang tingin lang ako. If I can't change the past, then maybe I can change the future. Tulog si papa kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng babae.

Nagsisimula na ito at biglang nagising si papa dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Huwag kang malikot mahal na Prinsipe mawawala din ng sakit mamaya." Aniya ng babae.

"TAMA NA!" Hirap na sabi ni papa. Naramdaman ko nalang na may butil na tubig na tumulo sa mgaa mata ko. Hindi ko gustong makita ang sinapit ni papa at hinding-hindi ko rin gustong makita na magiging masama siya.

Biglang nahinto sa pagsisigaw si papa, agad akong kinilabutan ng makita ko ang pula niyang mga mata. Punong-puno ito ng galit, hinanakit, at pagkamuhi.

"Papatayin kita Aenaiah." Tsaka ito humalakhak.

Papa, alam kong hindi mo magagawa iyan kay mama. Naniniwala ako sa'yo. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ngunit lumagpas lang ako.

Papa

Unting-unting naglaho ang Ordus at nakabalik ako sa Harvena.

"The imprecation of prophecy are now starting. This is because of your forbidden love." A voice says.

"Your children will be born in chaos. One shall be with darkness and one shall be with light, one of them will be cursed and the rest will be the imprecation of prophecy," the voice from she heard continue. "From peace to destruction, destruction to peace. Imprecation prophecy will continue when one of them bear a guardian, risen from the dead. As she will fulfill her promise. The one who cannot produce, will be serve as a mother, in the end one of them will fall because it is stated to continue the untold prophecy." Ani ng boses.

"Yet, it will not last on a promise, it is a beginning of another ending." Biglang nagising si mama, mukhang kinakabahan siya based sa mukha nito.

"Mahal na reyna ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang katulong. Tumango si mama at nagsalita. "Pakitawag ang aking ina."

Nag bow ang katulong "masusunod." Bago itp umalis.

Hindi nagtagal ay dumating si lola Angela sa silid ni mama.

"Maiwan niyo muna kami." Sabi ni mama sa mga katulong. Sumunod ang nga katulong sa sinabi ni mama at lumabas.

Agad na niyakap ni mama si lola pagkatapos.

"Bakit anak?" Nag-alalanb tanong ni lola.

"Imprecation of prophecy." Sabi ni mama na parang takot na takot.

"What do you mean?" Lola asked curiously.

"One of my child will be cursed and be with darkness, and the other one shall be with light." She continue, "mother, our love is a forbidden one..." Umiyak si mama sa bisig ni lola.

"Did you mean that the man you married is an Ordus?" Lola asked mom. Mom nodded.

"You know that a royal blood should not marry an royal blood Ordus too. Napakalaking pagkakamali ang ginawa mo, Ae." I saw disappointment on lola's eyes.

"Alam ko, ina..." Niyakap niya si lola at doon siya humagulhol.

"Nangyari na at wala na tayong magagawa. Prophecy is already imprecate. We can't do anything about it, that's a prophecy. It shall be done, we can change something about it." Nanghihinayang na sabi ni lola habang yakap yakap si mama.

Kung kanina ay napaka matiwasay ng Harvena ngayon naman ay kabaliktaran ito. Ang gulo ng Harvena parang may nangyayaring digmaan. Tama nga ako, nakikita ko ang mga kawal na nakikipaglaban at nakikita ko rin si papa na pinapatay ang mga kawal ng Harvena.

Ngunit nabaling ang atensyon ko sa nagsalita.

"Mahal na dating Reyna Angela ang mahal na reyna ay manganganak na." Habol na hiningang sabi ng isang katulong. Agad na tumakbo si lola Angela patungo sa kwarto ni mama.

It's happening because of the forbidden love of Ae and Ish. The prophecy might be cursed because of their forbidden love.

Lola Angela said to her mind.

"Anak." Ani ni lola ng makarating siya sa kwarto ni mama.

"Ina manganganak na ako." Nahihirapang sabi ni mama.

Nandito na ang mga healer at inalalayan si mama.

"Umiri ka mahal na reyna." Utos ng isang healer kay mama. Sumunod si mama sa sinabi ng healer.

"Ahhh."

"Ire pa mahal na reyna malapit na." Sabi ng healer.

"Ahhh." Sa isang iglap nakarinig sila ng iyak ng sanggol.

"Kay gandang bata, isang babae." Sabi ng healer, habang hawak-hawak ako.

"Anong gusto mong ipangalan sakanya mahal na reyna?" Tanong ng healer sakanya.

"Hanneah Sapphira." Mommy said with a genuine smile.

Ako pala ang batang iyan.

"Ahhh ng sakit, manganganak pa ata ako." Sigaw ni mama.

Agad na umasikaso ang mga healer, binigay ako ng isang healer kay lola.

"Ire mahal na reyna." Sabi ng healer.

"Ahhh." Umire si mama at nakarinig sila ng iyak ng bata. Kinuha ng healer ang bata ngunit agad din itong binitawan. Iyak na iyak ang batang babae.

May ahas sa kaliwang mukha ng batang babae. Parang kilala ko siya, parang kilala ko ang batang ito.

"That kid is a cursed!" A healer shouted.

"Your child have been cursed!" Sabay na sabi ng mga healer. Agad na umalis ang mga healer sa silid ni mama. Naiwan si lola Angela at mama sa silid.

"M-mama." Biglang naglabas ng isang maskara si mama.

Parang naalala ko ang kwentong ito kay Naiah.

Nilapit ni lola Angela ang batang may ahas sa kaliwang mukha. Nilagay ni mama ang maskara sa kaliwang pisngi ng kapatid ko.

"You'll be called Hannaiah Sabrina." Then she kissed my sister's forehead.

"Only one can take this off,
Not me, not even you.
But only your sister." Hinang-hina na si mama dahil kakagaling niya pa lang sa panganganak.

"Anak nagsisimula na ang propesiya." Kinakabahang sabi ni lola.

"A-alam ko ina, alam ko." Malungkot na sabi ni mama. Nilapit at binigay din ako ni lola kay mama.

"Hanneah at Hannaiah nawa'y lumaki kayong may mabuting mga puso. Na kahit isa sa inyo ay mapupunta sa kadiliman huwag niyo sanang padaigin ang kasamaan sa mga puso niyo." Niyakap kaming dalawa ni mama. Ako na nasa kaliwang bisig niya at si Naiah na nasa kanan.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang aking ama na puno ng galit ang mga mata.

"Aking asawa... alam kong mangyayari ang araw na ito. Ang araw na gagamitin ka ng iyong ama." Malungkot na saad ni mama.

"Papatayin kita." Agad na sabi ni papa. At akmang lumapit kay mama pero naglabas ng usok sa mga kamay niya si lola.

Nakuha ako ni lola mula kay mama.

At naiwan si Naiah kay mama.

Naglabas ng mga daggers at shurekins si papa patungo kay papa ngunit winaksi lang ito ng espada ni papa.

"I-ina itakas mo ang mga anak ko." Paki-usap ni mama kay lola.

Kung sana may maitutulong lang ako sa sitwasyon nila ngayon ay gagawin ko. Ngunit wala, wala akong maitutulong dahil nasa kasalukuyan ako.

"Mama, papa tama na." Sabi ko kahit alam kong hindi nila ako naririnig.

"Hindi kita iiwan dito Ae, aalis tayo ng magkasama." Sabi ni lola.

Biglang hinagis ni papa ang espada niya patungo kay mama.

No!

"Mama!" Sigaw ko at napaluhod. Natamaan si mama sa may bandang dibdib niya.

Mama...

"I-itakas mo na ang mga... anak ko." Nahihirapang sabi ni mama.

"Ikaw ang isusunod ko." Sabi ni papa kay lola.

Puno ng paghihiganti ang mga mata niya. Hindi na siya ang papa ko, ibang-iba na siya sa papa ko. Kailan kaya mababalik ang papa ko? Maibabalik pa siya?

Hinagis ni papa ang dagger papunta sa gawi ni lola pero bago pa ito tumama ay tumigil at lumihis ito sa ibang direksiyon. Nagulat si papa kung paano nangyari iyon, maging si lola din. Tsaka biglang nabalot ng kalahating puti at kalahating itim na liwanag ang buong silid.

Dark and Light. Nakakasilaw ang dalawang liwanag. Kasabay ng pagkawala ng dalawang liwanag ay ang pagkawala ni lola at ang saggol na hawak niya na walang iba kung hindi ako.

Naiwan doon si papa na nakahandusay, si Naiah na iyak ng iyak at si mama na wala ng buhay.

Hindi ko sukat akalain na ang babaeng pumatay sa'kin ay siyang kapatid ko pala. Ang ang babaeng sinaksak ko at nagsaksak rin sa'kin ay kapatid ko. Kaya pala noong unang tingin ko sakanya ay parang nakatingin ako sa sarili ko. Dahil kakambal ko pala siya, kakambal ko ang nakalaban ko.

Biglang nawala ang imahe nina mama, papa at Naiah at napunta kami sa mortal world. Kung saan nandoon si lola at hawak-hawak ang sanggol na walang iba kung hindi ako.

Nandoon rin si headmistress Angelie.

"Erase the people'smemories Angelie, erase the memories about this battle. About the forbidden love of my daughter. Erase me being a queen in Harvena. Palitan mo na simula nong namatay ang asawa ko ay pinili naming manatili sa normal na mundo. Pinili naming maging normal at ayaw ng gulo. I'm counting on you." Lola said, she's like begging to her sister.

"I'll do that for you." Pangako ng kapatid niya.

"Mag-ingat kayo dito Angela." Tsaka umalis si headmistress at naiwan si lola at ako sa mortal world. Doon na tuluyang nawala ang mga imahe at wala ng sumunod.

All those memories that I have was lies. Some of what lola's said when we're in Harvena was lies.

"Pasensya ka na apo kung ngayon ko lang sinabi sa iyo ang mga ito." Nakita ko si lola. Siya pala iyong boses na naririnig ko simula pa kanina.

"Lola." Sambit ko.

"Hate me if you want, pero palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni lola." Niyakap niya ako. Na miss ko siya, na miss ko ang mga yakap niya.

Paano ako magagalit sakanya? Hindi ko kaya. Si lola nalang ang meron ako ngayon. Siya nalang ang meron ako.

"Ngayong alam mo na ang katotohanan tungkol sa totoong pagkatao mo. Siguro wala na ako ngayon sa tabi mo. Maaring sumakabilang buhay na ako o hindi kaya ay nakuha na nila ako. Huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita Neah." She kissed me on my forehead.

Ano bang pinagsasabi ni lola. Bakit ganiyan siya.

"Alam kong marami kang mga tanong. It's for your time to seek answers for your question. Seek and you'll find what you're seeking for, Hanneah Sapphira. Until we meet again my beloved grand daughter." He hugged me tightly. Parang ayaw ko ng bumitaw sa mga yakap ni lola.

"It's for your time to wake up Neah, they're all waiting to see you smile again. I may not be in your side but I'll be always there in your heart guiding you." After she said that she slowly vanished on my sight.

"L-lola, pati ba naman ikaw iiwan mo ako?" Nauutal na saad ko.

"Wake up now Neah."

May naririnig akong boses, mali isang hikbi pala.

"N-neah please wake up. Bakit ka ba umiiyak?" He asked.

Nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita, sobrang dilim.

"Neah, I miss you badly please wake up." He cried. Nasaan ba siya? Nasaan ba sila?

"Neah, gumising ka na please." Another voice. That's Chance, si Asher yung kanina. Nasaan sila?

Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Biglang umikot ang paningin ko and the next thing I knew I was looking at their faces.

The faces that I miss.

The faces that I'm longing to see.

The faces of them.

Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top