33

"Good morning, Lauan. I'm glad to see you again." Masayang bati sa amin ni ma'am.

Binati rin naman namin siya pabalik.

"Kumusta ang pasko at new year niyo?" Tanong pa nito.

"Okay naman po, ma'am." Sagot naman ni Kyle.

Kwentuhan lang at kulitan ang naganap sa buong oras namin kay ma'am, hanggang sa mag-bell na.

"Ano next subject?" Tanong ko kay Kenzo.

"Ewan ko, Science yata."

Tama nga siya, Science nga ang next subject namin. Pumasok na si Ma'am Collante kaya binati namin siya ng 'good morning'.

"Kumusta sembreak niyo? Sulit ba?" May ilang um-agree sa sinabi ni ma'am at may ilan ding nag-disagree. "Sa mga nag-disagree, bakit hindi niyo na sulit?" Tanong ni ma'am.

"Tinaguan kami ng mga ninong at ninong namin, ma'am." Sagot ni Rayden kaya naman lahat kami ay natawa sa sinabi niya.

"Matanda na raw kasi kayo kaya tinataguan kayo." Saad ni ma'am.

"Ma'am naman, bata pa po ako 'no." Sabi naman ni Rayden.

"Sige, pagbigyan natin baka umiyak ka pa eh." Tumawa ulit kami dahil sa sinabi ni Ma'am. "By the way, may ipapagawa ako sa inyo." Natahimik naman kaming lahat.

"Ano po ma'am?" Tanong ni Donna.

"Sino nakakaalam ng Elephant toothpaste?" Nagtaasan naman kami ng kamay.

"Iyon po ang gagawin namin?" Tanong ni Lucas.

"Correct! I'll group you by five, so count 1 to 5. Start sa iyo, Shane." ani ma'am kaya naman nagsimula nang magbilang si Shane.

"3," si Rayden.

"4," mabilis na sabi ko.

Nang matapos ang pagbibilang ay tinawag na ni ma'am ang mga magkaka-group sa harapan.

"Group 1, sino leader niyo?" Tanong ni ma'am kina Shane.

"Si Caila po." Sagot naman ni Gavin.

"Hoy, bakit ako? Ikaw na Ced." Sabi naman ni Caila.

"Sige, ako na." Pagpayag naman ni Cedric.

"Okay, so group 2 sino leader niyo?" Tanong ulit ni ma'am.

"Ako na po ma'am." Sabi naman ni Allison.

Pagkatapos kunin ni ma'am ang leader ng group ay hinayaan niya kaming mag-usap-usap para sa gagawin naming Elephant toothpaste.

"May napanood ako dati p'wede rin siya sa sponge pero mas maganda 'yong nasa bottle siya." Sabi ni Jishan.

"Ano-ano mga kailangan?" Tanong naman ni Joseiah.

"Peroxide, dish soap, food coloring, at potassium iodide." Sagot ni Kreios.

"Saan naman tayo kukuha ng peroxide at potassium iodide?" Tanong naman ni Lanna.

"Meron kaming peroxide, ako na lang ang magdadala." ani Frank.

"Eh, 'yong iodide?" Singit ko.

"Ako na, meron si papa no'n." Sagot ni Kreios kaya napatingin ako sa kaniya at saktong nakatingin din siya sa akin. Tumango-tango na lang ako.

Matapos naming mag-usap-usap ay pinabalik na kami ni ma'am sa kaniya-kaniya naming upuan. May ilan pa siyang diniscuss sa amin hanggang sa mag-bell na.

"Sa Thursday niyo na gagawin 'yon ha? Goodbye, Lauan." Paalam ni ma'am at lumabas na.

"Magka-group kayo ni Kenzo?" Tanong ko kay Elle.

"Oo, ikaw ka group mo si Kreios, 'di ba?" Tumango naman ako.

"E'di buo na naman araw mo?" Pang-aasar sa akin ni Kenzo, inirapan ko naman siya.

"Pake mo?" ani ko at tinalikuran siya.

Nang makarating kami ni Elle sa canteen ay agad na kaming pumila para bumili ng pagkain namin.

"Nasaan na si Kenzo?" Takang tanong sa akin ni Elle.

"Malay ko roon, akala ko nga nakasunod lang sa atin eh," sagot ko.

Tahimik lang kaming kumakain ni Elle nang maramdaman kong naiihi ako. B*wisit naman eh, ang sarap-sarap ng kain ko rito eh.

"Saglit lang, Elle. Iihi lang muna ako." Paalam ko, tumango naman siya kaya nagmamadali na akong pumunta ng cr.

Matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng kamay ko bago lumabas ng cr. Pabalik na ako ng canteen nang mahagip ng mata ko sina Kenzo at Kreios na nag-uusap. Agad namang kumunot ang noo ko, ano kaya pinag uusapan nila at bakit parang ang seryoso nila? Matanong nga kay Kenzo mamaya.

"Ang tagal mong mag-cr ah." Inip na wika ni Elle.

"Ano naman?" Inirapan naman niya ako.

Inubos ko na lang 'yong pagkain ko at pagkatapos ay bumalik na kami ni Elle sa room.

"Ay! Mauna ka na pala sa room, hahanapin ko muna si Kenzo." Sabi ko kay Elle.

"Hmm, sige." Sagot niya at nagsimula nang maglakad.

Kanina pa ako hanap nang hanap kay Kenzo pero hindi ko siya mahanap. Nakita ko naman si Shawn kaya agad ko itong nilapitan.

"Shawn, nakita mo ba si Kenzo?" Tanong ko.

"Hindi eh, bakit?"

"Ah wala, salamat na lang." Nginitian ko na lang siya at umalis na. Saan naman kaya nagsususuot 'yong lalaking 'yon?

Naglalakad na ako pabalik ng room nang matanaw ko si Kenzo na naglalakad 'di kalayuan sa akin. Mabilis naman akong tumakbo palapit sa kaniya.

"Kenzo!" Tawag ko sa kaniya at saglit na huminto para habulin ang hininga ko.

"Anong nangyari sa 'yo?" Kunot-noo niyang tanong no'ng makalapit siya sa akin.

"T-Teka, hihinga muna ako." ani ko habang hinahabol pa rin ang hininga ko.

"T*nga mo kasi, bakit ka kasi tumakbo?" Loko ito ah, murahin ba naman ako.

"Tinanga kita, ha?" ani ko at inambahan siya ng suntok. "Kanina pa kita hinahanap at may itatanong ako."

"Ano?" Huminga pa muna ako nang malalim bago magsalita.

"Ano pinag-usapan niyo ni Kreios?" Tanong ko, umiwas naman siya ng tingin.

"Wala 'yon, may sinabi lang siya sa akin."

"Ano nga?" Bumuntong-hininga naman siya.

"Wala, boy talk, bawal makisali." Sumimangot naman ako. Epal niya, tss.

"B*wisit ka!" Binunggo ko 'yong balikat niya at naglakad na paalis.

Buong hapon akong badtrip dahil kay Kenzo. Napaka-epal kasi eh.

"Hoy, ano't nakasimangot ka riyan? Sino kaaway mo?" Tanong sa akin ni Elle.

"Wala," maikling sagot ko.

"Okay, sabi mo eh. Gusto mo fishball?" Mabilis naman akong napatingin sa kaniya.

"Libre mo?" Tanong ko.

"Ayan, diyan ka magaling. Halika na nga!" Malawak naman akong ngumiti at sumunod na sa kaniya.

Nang makabili kami ay nagpunta na kami agad sa sakayan ng bus. Tahimik lang kami pareho habang kumakain.

Pagkababa namin ng bus ay saktong may dumaan na tricycle kaya agad nang pinara ni Elle.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na kaming nagbayad bago bumaba.

"Saan ka pupunta, ma?" Tanong ko kay mama nang masalubong ko siya.

"Diyan kina tita mo, may sasabihin lang ako saglit." Sagot naman niya, tumango-tango naman ako bago pumasok sa loob at para makapagpalit na ng pambahay.

Pagkalabas ko ng kuwarto ko sakto namang kapapasok lang ni mama.

"Ma, alam mo ba?" Sabi ko atsaka malawak na ngumiti.

"Hindi eh," napasimangot naman ako. Kailan pa natutong mamilosopo si mama?

"May group activity kasi kami sa science and guess what kung sino ka group ko?"

"Malay ko, sino nga ba?" Nang-iinis ba siya?

"Marami po kami eh, pero isa si Kreios sa ka group ko." ani ko.

"Ahh okay," wika ni mama saka iniwan ako sa sala.

Wahh! Bakit ganoon si mama? Nakaka ano ha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top