32
Ang bilis ng araw, parang pasko lang kahapon tapos ngayon malapit na mag new year.
"Clay, bilisan mo para maka alis na tayo." Sabi ni mama na nakadungaw sa pintuan ko.
"Opo ma, patapos na po ako." ani ko.
Pupunta kasi kami ngayon ni mama sa palengke para mamili ng ilulutong handa para bukas. Matapos akong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto.
"Tara na ma." ani ko.
Medyo marami ang binili namin ni mama dahil double celebration ang gaganapin bukas ng madaling araw.
Matapos naming mamili ay nilibre muna ako ni mama sa Mcdo. Dalawang mcfloat at isang large fries ang inorder ni mama.
"Ano po ang lulutuin ninyo bukas?" Tanong ko saka sumubo ng isang pirasong fries.
"Barbecue, graham, carbonara, ewan ko pa sa tita mo kung may idadagdag pa siya." Sagot niya. Tumango-tango na lang ako at saka inubos na 'yong kinakain ko.
Pagkauwi namin ni mama ay tinulungan ko siyang ayusin 'yong mga pinamili namin. At matapos 'yon ay nagtungo na ako sa kwarto ko para makapagbihis na ng pambahay.
Kagaya nang palagi kong ginagawa ay naglinis na ako ng buong bahay at nang matapos ay in-open ko 'yong tv at nanood.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang tumawag si Yuki. Ano naman kaya kailangan nito.
"Hello? Napatawag ka?" Bungad ko.
["Wala lang. Regalo ko ha?"]
"Ang galing mo naman." ani ko.
["Dali na, ate. Birthday ko naman bukas eh."] Pamimilit niya.
"Next year pa 'yon." Natawa naman ako nang mahina nang marinig ko siyang magmura.
["Pangit mo kausap, promise."]
"Bakit kasi tumawag ka pa? Tsaka same lang sa 'yo 'no."
["Paanong same?"]
"Tanong mo sa frog." Pangbabara ko.
["Putek na 'yan. Bahala ka nga. Bye!"] Tumawa naman ako nang malakas. Sa wakas, na-b*wisit ko rin siya.
Pagkatapos ng pinapanood ko ay tinulungan ko si mama na magluto ng tanghalian. At nang matapos, kumain na kami ni mama.
"Tumawag si Yuki sa akin kanina, ma." ani ko, napatingin naman siya sa akin.
"Oh, ano sabi?"
"Nanghihingi ng regalo."
"Bibigyan mo?" Tanong pa niya.
"Pag-uwi na lang po siguro nila, ililibre ko na lang siya." Sagot ko naman.
~~~
"Hello, Yuki. Advance happy birthday!" Sabi ko no'ng sagutin niya 'yong tawag.
["Next year pa 'yon 'kamo, 'di ba?"] Pinigilan ko namang huwag tumawa.
"Joke lang naman kasi 'yon eh, pikon ka naman kaagad." ani ko.
["Ano handa niyo mamaya?"]
"Barbecue, graham, carbonara sabi ni mama. Ewan pa raw kung may idadagdag pa si tita." Sagot ko. "Kayo, ano handa niyo?" Balik na tanong ko.
["Hindi ko alam."]
"Gara naman nito, bakit 'di mo alam?" Abnormal yata 'to eh.
["Tanong mo sa frog."] Putchpiee! Bumabawi si tukmol.
"Ah wait, hanap ako saglit ng palaka ta's itatanong ko sa kaniya kung bakit 'di mo alam." Akala mo ha, 'di papatalo ate mong maganda.
["Sōda ne."] Natawa naman ako.
[Translation: Yeah right]
"Inis yarn?" Pang-aasar ko pa.
["Ang pangit mo, bye!"] Natawa ulit ako nang babaan niya ulit ako.
"Elle, tulungan mo si Ayumi gumawa ng graham." Dinig kong utos ni tita kay Elle.
"Opo, ma."
"Psst, alam mo na." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Habang gumagawa kami ay kumakain kami ng mga dinurog naming graham cracker.
Nang matapos kami ay agad ko ng nilagay sa ref 'yong graham na ginawa namin.
"Tulong tayo mamaya mag-ihaw?" Tanong ko kay Elle.
"Tangek, dalawa raw tayo ang mag-iihaw sabi ni mama." Sabi naman niya.
"Ay okay," naupo kami ni Elle sa sofa namin at parehas na nag-cellphone.
Alas singko ng hapon nag-umpisa na kaming mag-ihaw ni Elle.
"Lutuin niyo nang mabuti 'yan ha?" ani tita, sabay naman kaming nag 'opo' ni Elle.
"Tikim tayo isa," sabi ni Elle saka nanguha ng isang inihaw sa platong pinaglalagyan ng inihaw namin.
"Huwag mong ipapakita kina mama ah, baka pagalitan tayo." Sabay naman kaming natawa.
Kagaya no'ng pasko, nagbilang kami at malakas na isinigaw ang 'happy new year'.
Ilang beses kong tinawagan si Yuki kaso ilang beses din niyang pinapatay kaya si papa na lang ang tinawagan ko.
"Nasaan po siya, pa?" Tanong ko kay papa.
["Nandito sa tabi ko, teka loudspeaker ko para marinig ka niya."]
"Yuki, Happy birthday! Sorry kung inaasar kita. Bati na tayo, please." ani ko.
["I'll forgive you if you give me a gift."] Dinig kong sabi niya.
"Kapag umuwi kayo rito ililibre kita." Sabi ko.
["Sabi mo 'yan ah? Pa, narinig mo 'yon, 'di ba?"] Narinig ko namang tumawa si papa.
"So? Bati na tayo?" Tanong ko.
["Hmm... Pag-isipan ko muna,"]
"Kazuyuki!" Narinig ko namang tumawa sila ni papa.
["Galit naman agad eh. Oo na, bati na tayo."]
"Gusto niyong kausapin si mama?" Tanong ko sa kanila, sabay naman silang nag 'oo' kaya lumabas ako ng bahay para tawagin si mama.
"Ma, kausapin ka raw nila papa." ani ko saka binigay sa kaniya 'yong cellphone ko.
Hinayaan ko muna silang mag-usap doon dahil kakain muna ako. Gutom na ako eh.
"Dami niyan ah, mauubos mo 'yan?" Tinaasan ko naman ng kilay si Elle. Ano akala niya sa akin, mahina? Tss.
"Oo naman, watch and learn." Inirapan naman niya ako bago pumunta sa labas.
Pagkatapos naming kumain ay kami na naman ni Elle ang taga hugas ng pinagkainan.
"Ayu and Elle, the taga hugas ng pinggan." Natawa naman ako.
Matapos kaming maghugas ay nakipag kwentuhan pa muna kami kina mama, matapos 'yon ay nagpaalam na kami sa isa't-isa na matutulog na.
Kinabukasan nagising ako dahil sa lakas ng videoke ng kapit-bahay namin. Ayan na naman sila.
At dahil may natirang graham kagabi ay iyon na lang ang kinain ko. P'wede naman siguro 'yon, 'di ba?
"Bakit 'yan ang kinakain mo? May pinainit akong carbonara doon, iyon na lang ang kainin mo." Sabi ni mama na kapapasok lang ng kusina galing sa likod.
"Ubusin ko po muna ito, ma." ani ko saka binilisang ubusin 'yong graham.
Matapos kong ubusin 'yong graham ay kumuha naman ako ng pinainit na carbonara ni mama. Mabilis ko ring inubos 'yon dahil maglilinis pa ako ng buong bahay.
At nang matapos akong maglinis ay pumunta na ako sa kwarto ko para manguha ng damit at tuwalya.
Bago ako maligo ay nagpa-init muna ako ng tubig dahil hindi ko kaya 'yong lamig. Nang kumulo ay nilagay ko na sa pang ligo ko at naligo na.
"Malapit na naman class resume." Tamad na wika ni Elle.
"E'di maganda, makikita ko na naman palagi si Kreios." Nakita ko naman siyang umirap.
"Kreios pa rin kahit na may Nixie na?" Sinimangutan ko naman siya.
"Eh, bakit ba, gusto ko eh."
"Pinsan ba kita o hindi? Bakit ganiyan ka? Saan ka pinagmana ni tita?" Tanong niya.
"Tanong mo sa kaniya, bakit sa akin?" Binatukan naman niya ako.
"Ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga, inaantok pa ako." Sabi niya saka lumabas na ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya.
Napahikab naman ako bigla. Putek na 'yan, nakakahawa ba 'yong antok ni Elle? Inantok din ako bigla eh.
Hindi ko na lang namamalayan na nakatulog na ako sa may sofa namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top