31
"Ayu, pakilagay nga ito sa labas." Agad ko namang kinuha 'yong salad kay mama at dinala sa labas. Naghahanda na kasi kami para sa pagsalubong ng pasko.
Pagkatapos kong ilagay sa lamesa ay tinawag naman ako ni tita para tulungan daw si Elle na buhatin ang maliit na lamesa nila.
"Babatiin mo si Kreios?" Tanong ni Elle.
"Ewan ko, hindi na siguro." Sagot ko, nagkibit-balikat naman siya.
Nang matapos naming ilabas lahat ng handa ay naupo muna ako at nag-cellphone na lang, tumabi naman sa akin si Elle.
"Tumawag na sa 'yo si Kenzo?" Tanong ko.
"Oo pero saglitan lang kaming nag usap."
"B*wisit 'yon dati eh," ani ko. Natawa naman siya.
"Bakit?"
"Tumawag lang para sabihing nasa US na siya." Lumakas naman ang tawa niya.
"May pagka abnormal talaga 'yong baklang 'yon." Sabi niya habang umiiling.
Ilang saglit pa ay lumabas na si mama at si tita para sabihing maghanda na dahil malapit na mag-twelve midnight.
Sabay-sabay pa kaming nag bilang at nang mag twelve na ay malakas naming isinagaw ang 'Merry Christmas'.
Pagkatapos naming magbatian ay namigay muna kami ng ilang handa sa mga kapit-bahay at pagkatapos ay sabay-sabay na naming pinagsaluhan 'yong mga niluto nila mama.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Agad kong tinawag si mama dahil sila papa ang tumatawag.
["Merry Christmas sa inyo!"] Masayang bati nila papa. Binati rin namin sila pabalik.
["Ano mga handa niyo?"] Tanong ni Yuki sa akin.
"Marami. May salad, spaghetti, palabok, mayroon ding paa ng manok, inihaw saka adobo."
["Padalhan mo ako rito ng paa ng manok, ate."] Natawa naman ako. Paborito niya kasi 'yong paa ng manok eh.
"Kaya ka mukhang paa eh, ang hilig hilig mo sa paa." Pang-aasar ko.
["Saya ka?"] Mas lalo naman akong natawa sa ginawa niyang pag-irap.
"Umuwi na kasi kayo rito para makakain ka na nito." ani ko saka ipinakita sa kaniya 'yong isang piraso ng paang kinakain ko.
Saglit pa kaming nag-usap bago siya magpaalam na ibababa niya na.
Matapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami bago magligpit ng pinagkainan. Dalawa kami ni Elle ang naghugas samantalang sila mama at tita naman ay nakikipag kwentuhan pa sa mga amiga nila.
Kinabukasan, mga 8 or 9 na ako nagising. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si mama na nagwawalis habang nagtatanggal ng mga decoration.
"Good morning, mama." Bati ko kaya napahinto siya saglit sa ginagawa niya at nginitian ako. "Tulungan ko na po kayo." ani ko.
Pagkatapos naming tanggalan sa loob ay sinunod naman namin sa labas. Nasa kalagitnaan kami ni mama sa pagtatanggal nang may humintong naka motor sa tapat ng bahay namin.
"Dito po ba nakatira si Ayumi Takahashi?" Nabigla naman ako sa itinanong no'ng kuya.
"Dito nga ho, sino ho sila?" Tanong naman ni mama. May kinuha siyang naka plastic sa box na nasa likuran niya.
"May nagpapabigay po sa 'yo nito." Nagtataka ko namang tinanggap 'yon.
"Kanino raw po galing?" Tanong ko.
"Hindi ko po alam eh, inutusan lang po ako." Sagot naman niya. Nagpasalamat na lang kami sa kaniya bago siya umalis.
"Sino naman kaya ang nagpapabigay niyan?" Tanong sa akin ni mama.
"Wala po akong ideya eh," sagot ko.
Tinapos na namin ni mama ang ginagawa namin bago pumasok sa loob. Matapos naming ilagay sa plastic ay pumunta na si mama sa maliit na stock room namin para itago 'yong mga Christmas decor. Samantalang ako naman ay nasa sala habang iniisip kung sino ang p'wedeng magbigay sa akin nito.
"Bakit hindi mo pa buksan at tingnan kung anong laman niyan?" Napatingin naman ako kay mama.
Kahit na nag-aalangan ako ay binuksan ko pa rin 'yong bigay ng kung sino. Pagkabukas ko ay nagulat na lang ako nang makita ang kwintas na nakalagay ang pangalan ko at nakasulat ito sa Japanese.
Napatingin naman ako kay mama, "Si Yuki ang nagbigay nito 'no? Ano sa tingin mo, ma?" Tanong ko sa kaniya.
"Edi tawagan mo para malaman kung siya talaga." Sabi niya kaya naman agad kong kinuha 'yong cellphone ko sa kwarto at idinial ang number ni Yuki. Hindi rin nagtagal ay sinagot niya na rin ito.
"May ipinadala ka ba?" Deretsong tanong ko.
["Huh? What are you saying? Wala akong pinapadala ah."] Kung hindi siya, sino?
"Sure ka wala?" Paniniguro ko.
["Wala nga, kahit itanong mo pa kay papa."]
"Eh, sino nagbigay no'n?"
["'Yong alin?"]
"Wala, sige bye na. I love you, muah!" Sabi ko saka ibinaba ang tawag.
Lumabas na ako ng kwarto ko at tinabihan si mama sa sala.
"Anong sabi ng kapatid mo? Siya raw ba?" Tanong niya, umiling naman ako. "Eh, sino naman? Baka naman may secret admirer ka?" Biro niya.
"Pati ba naman ikaw mama naniniwala diyan sa secret admirer na 'yan," ani ko.
"Oh bakit, totoo naman 'yon ah. Hindi mo lang alam naging ganoon na rin ang papa mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga, kahit itanong mo pa ang tita mo." Sabi niya, hindi naman ako nakasalita. "Hindi mo pa ba isusuot ito? Ang ganda-ganda nito oh."
"Isusuot po pero hindi po muna ngayon." ani ko.
"O'sige, itago mo na lang muna 'yan." Tumango na lang ako saka pumunta sa kwarto ko.
"Ayu, ngayon daw ang uwi ni Kenzo ah." Wika ni Elle.
"Sino sabi?" Tanong ko.
"Siya, tinext niya ako. Nag-aaya ngang mag samgyupsal." Sagot niya.
"Kailan magsasamgyup?"
"Mamaya raw yata, susunduin na lang daw tayo eh." Napatango na lang ako.
"Anak, Elle, lumabas kayo rito nandito si Kenzo." Nagkatinginan muna kami ni Elle bago tumakbo palabas.
"Akala ko ba mamaya pa?" Nagtatakang tanong ko kay Kenzo.
"Ayaw niyo ngayon?" Balik na tanong niya.
"Teka! Hindi pa nga kami nakakaligo eh." Natatarantang usal ni Elle.
"Nakaligo na ako, ikaw lang ang hindi pa." Natatawang sabi ko.
"Seryoso?" Tumango naman ako. "Amp*tcha! Saglit lang maliligo muna ako!" Sabi niya saka nagmamadaling tumakbo pauwi sa bahay nila.
Pinapasok muna ni mama Kenzo at ako naman ay nagpaalam na magbibihis muna. Simpleng pink t-shirt at leggings lang ang isinuot ko.
"Anong oras ka dumating?" Tanong ko kay Kenzo nang makalabas ako ng kwarto ko.
"Kaninang alas dos." Sagot naman niya.
"Hindi ka man lang nagpahinga, dumiretso ka kaagad dito?" Muli kong tanong sa kaniya.
"Nakapagpahinga naman ako nang kaunti eh, kaya okay na 'yon." Hindi na lang ako umimik.
"Puntahan natin si Elle sa bahay nila." Tumango naman siya kaya sabay kaming pumunta sa bahay nina Elle.
Pagkarating namin sa bahay nila ay saktong katatapos lang niyang magbihis.
"Tara na!" Sabi niya habang may suklay na dala.
"Hindi ka pa nga nakakasuklay eh." Wika ni Kenzo.
"Doon na ako sa sasakyan mo magsusuklay." Sagot naman ni Elle.
Sabay kami umiling ni Kenzo saka naglakad na palabas ng bahay nila Elle.
Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng sasakyan nang biglang magsalita si Elle.
"Wala kayong balak magsalita?" Tanong niya.
"Kumusta pasko mo, Ken?" Napatingin naman sa kaniya si Kenzo na nasa passenger seat.
"Okay naman, kayo?" Balik na tanong niya kay Elle.
"Masaya naman." Sagot naman ni Elle.
Bumaba na kami ng sasakyan nang makarating kami sa sikat na samgyupsal-an dito sa amin.
"Hoy ano ba 'yan, umayos nga kayong dalawa. Pinagtitinginan na tayo oh." Sita ko kina Elle at Kenzo.
"Ito kasi napaka-epal." Duro ni Elle kay Kenzo.
"Ako pa ang epal? Sa akin 'to tapos kinukuha mo." Tukoy ni Kenzo sa niluluto niya.
"Pahingi lang ng isa ang damot damot mo." Nakangusong wika ni Elle.
"Isa pero nakakailan ka na. Bakit kasi hindi ka magluto sa 'yo?" palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
Napahawak na lang ako sa sintido ko at kumain na lang nang kumain at hindi sila pinansin. Umiiral na naman ka abnormalan nila, jusko.
Pagkatapos naming kumain ng samgyupsal ay bumili naman kami ng milktea. Matapos kaming mag milktea ay inihatid na kami ni Kenzo sa bahay.
"Salamat sa libre, Ken. Sana 'di ka pa mamatay." Natawa naman ako sa sinabi ni Elle.
"G*go, mauuna kang mamatay sa akin." Bawi naman ni Kenzo pero tinawanan lang siya ni Elle.
Umiiling-iling akong pumasok sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top