03
"Clay, gising na. Handa na ang hapunan." Marahang gising sa akin ni mama. Nag inat-inat muna ako bago tumayo.
"Ma naman, bakit hindi mo ako ginising kanina. Hindi tuloy kita nasamahan magluto." Maktol ko.
"Paano kita gigisingin, eh ang sarap-sarap nga ng tulog mo. May binabanggit ka pang pangalan ng lalaki, sino 'yon? Manliligaw mo?" Napasimangot na lang ako sa tanong ni mama. Si Kreios, liligawan ako? Asa.
"Mama, walang pag-asang maligawan ako no'n," matabang na sagot ko.
"Bakit naman hindi, eh ang ganda-ganda kaya ng clay-clay ko." ani Mama.
Anong silbi ng ganda ko kung hindi naman ako ang gusto, 'di ba? Useless.
"May iba na po siyang nililigawan," sagot ko. Hindi ako sure kung talagang nililigawan na ni Kreios si Nixie. Pero sa nakita ko kanina, baka nga nagliligawan na sila.
Saglit kaming natahimik ni mama bago siya mag-ayang kumain.
"Ma, tumatawag ba sa 'yo si Yuki?" Tanong ko.
"Oo, kanina. Bakit?"
Loko 'yon ah. Bakit si mama lang ang tinawagan niya?
"Ang sama talaga niya. Hindi niya na ako tinawagan no'ng matapos 'yong birthday ko." Sabi ko.
"Baka marami siyang ginagawa,"
"Eh, natawagan ka nga kanina eh," nakakatampo ha.
"Edi ikaw na mismo ang tumawag sa kaniya mamaya." Sabi ni mama.
Tumango na lang ako sa sinabi ni Mama at mabilis na inubos ang pagkain ko. Nang matapos ay saktong natapos na rin si mama kaya ako na ang nagprisintang maghugas.
Nagtungo na agad ako sa kuwarto pagkatapos kong maghugas. Kinuha ko agad ang cellphone ko at idinial na ang number ng kapatid kong masama ang ugali.
["Ogenkidesuka, imōto?"] Sh*t, wala akong baon na Japanese word.
[Translation: How are you, sister?]
"Mag Tagalog ka nga. Wala ako sa mood magsalita ng Japanese." Palusot ko.
["Moshi watashi ga sō shinai to shitara?"] Nang-aasar ba siya?
[Translation: What if I don't?]
"Isa, Kazuyuki." Banta ko, narinig ko naman siyang tumawa. Hilig niya talagang paglaruan ako.
["Joke lang, eh. Bakit ka nga pala napatawag?"]
"Nagtatampo ako sa 'yo!" Pagalit na sabi ko.
["Dōshite?"]
[Translation: Why?]
"Bakit hindi mo na ako tinawagan after ng birthday ko? Tapos kanina tinawagan mo si mama samantalang ako hindi. Nakakatampo ka, Yuki. Anata ga daikirai!"
[Translation: I hate you!]
["Akala ko ba wala ka sa mood mag-Japanese?"]
"Ah basta, nagtatampo pa rin ako sa 'yo." ani ko.
["Sorry na, ate. Marami lang kasi akong ginagawa kaya hindi ako makatawag sa 'yo."]
"Tapos kay mama nakatawag ka."
["Free time ko 'yon."] Sagot niya.
"Eh ngayon?"
["May mga tinatapos akong report na Ipi-present ko bukas."]
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sige na, ibababa ko na ito. Tapusin mo na 'yang ginagawa mo." sabi ko.
["Okay. Bye, ate. Aishitemasu."]
[Translation: I love you.]
Nag 'i love you too' ako sa kaniya bago ko ibaba ang tawag. Matapos 'yon ay agad na akong humiga sa kama ko at natulog na pero bago 'yon ay nag-set muna ako alarm.
Maaga akong nakarating ng school kaya naman mag-isa lang ako ngayon dito sa room. At dahil wala akong ginagawa naglinis na lang ako ng room namin. Ang unang ginawa ko ay nagpunas-punas ng bintana bago magwalis sa loob.
"Like a bulldozer... Like a tank, like a soldier!~" Pagkanta ko sa kanta ng Twice na Bulldozer.
"Kowasuyo kimi no kokoro no gardo... Hototsu nokorazu ubauyo hearto~" sinabayan ko ng pagsayaw ang pagkanta ko. Maaga pa naman kaya walang makakakita sa ginagawa ko.
"Like a bulldozer... Like a tank, like a soldier~" sumaludo pa ako na parang sundalo. May ganoon naman ang step no'n, 'di ba?
"Kimi ga suki yo... Zettai honmei yo."
"Sa tingin mo ba matatapos ka riyan sa ginagawa mo kung sayaw ka nang sayaw r'yan?" Napahinto ako sa pagsayaw at pagkanta ko nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran ko.
Dahan dahan naman ang ginawa kong paglingon. At parang gusto ko na lang magpamon sa lupa nang makita ko si Kreios na nakasandal sa may pintuan habang naka-cross arm. Sh*t! Bakit siya pa ang nakakakita sa pinaggagawa ko?!
"A-Ano..." the heck! Hindi ko alam sasabihin ko!
"What?"
"K-Kanina ka pa ba riyan?" Kinakabahang tanong ko.
"No, I just arrived. Tapos nakita kitang sumasayaw na parang t*nga riyan."
Ouch! Parang t*nga raw ako.
Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Umiling na lang siya saka tumalikod at naglakad paalis. Napasabunot na lang ako sa sarili ko.
"Ang t*nga mo, Ayumi, hays!" Paulit-ulit kong hinampas ang ulo ko.
"Hoy, anyare sa 'yo? Bakit hinahampas mo sarili mo? Nasasaniban ka ba ng demonyo?" Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ni Kenzo.
Agad akong humarap sa kaniya at tiningnan siya nang masama.
"Diyos ko po! Nasaniban ka nga." Nag-sign of the cross pa siya.
Agad ko naman siyang sinugod at pinaghahamapas siya ng hawak kong walis.
"Hayop ka! Anong sinasaniban, ha? Ako, sinasaniban?" Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kaniya.
"Biro lang eh. A-Aray ko! Tama na, Yumi." Binato ko sa kaniya 'yong hawak kong walis tambo.
"Ikaw magtuloy niyan! B*wisit ka!" Sabi ko at tinalikuran siya.
~~~
"Hindi ko talaga alam kung paano ko kayo naging kaibigan." Nilingon ko si Kenzo na kauupo lang sa tabi ko.
"Tapos mo na 'yang pinapalinis ko sa 'yo?" Mataray na tanong ko.
"Tapos na po, Ma'am."
"Good dog." ani ko saka mahinang tumawa.
"Dog amp*ta." Tinaasan ko siya ng kilay.
"May angal ka? Eh, sa mukha ka ngang aso sa paningin ko, eh." Sabi ko.
"Ang guwapo ko naman para maging aso." Dinig kong bulong niya.
"Wow ha, nasaan ang guwapo?"
"Malamang dito sa mukha." Turo niya sa mukha niyang mukhang bulldog.
"Kapal mo! Mukha kang bulldog, t*nga." Sinampal ko siya saka malakas na tumawa.
Sa totoo lang, guwapo rin naman itong Kenzo na ito kaso lang, mas lamang si Kreios.
"Napakasama ng ugali mo! Saan ka ba pinaglihi ng mama mo?" Tanong niya habang nakahawak pa rin sa pisngi niyang sinampal ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa malayo. Nasaan kaya si Kreios ngayon?
"Yumi, alam mo ba-"
"Hindi pa," pinutol ko ang sasabihin niya kaya naman may dumapong kamay sa ulo ko. Binatukan ako nang lintik!
"Patapusin mo kasi ako,"
"Kailangan may pambatok pang kasama?" Tanong ko at binatukan din siya.
"Alam mo ba may green na ulap," kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Ay t*nga lang? Kailan pa nagkaroon ng green na ulap?
"Nasira na ba ulo mo? Saan ka nakakita ng green na ulap?" Tanong ko.
"Naniwala ka naman? Wala naman talagang gano'n, eh." Sabi niya saka malakas na tumawa.
"Abnoy ka ba? Bakit naman ako maniniwala sa katarantaduhan mo? Lumayas ka nga rito! Umagang-umaga nambub*wisit ka." Taboy ko sa kaniya.
"Oo na, lalayas na. Pupunta muna ako kina Rafa." Sabi niya saka tumayo na at naglakad na paalis.
Ito ang gusto ko, katahimikan.
Saglit pa akong nag-stay sa harap ng room namin bago ko napagpasyahang pumasok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top