02

"Ayumi," tawag sa 'kin ni Kenzo.

"Problema mo?" Walang-gana kong tanong.

Wala kasi si Kreios, eh. Wala tuloy magandang view sa classroom.

"Ano'ng english ng ang uwak ay hinang-hina sa paglalakad?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.

Ano na naman kayang kalokohan gagawin nitong ugok na 'to.

"The crow was weak in walking?" 'Di ako sigurado sa english ko eh, ba't ba.

"T*nga, mali." Aba at tinanga ako nang lintek. Binatukan ko nga.

"Minura kita? Eh, ano ang english no'n?" Tanong ko.

"The wak-wak weak-weak walk-walk." Sabi niya saka malakas na tumawa, napahinga naman ako nang malalim at hindi na siya pinansin. Nagulat na lang ako nang biglang niyang sapuin ang noo ko.

"Ano ba, Kenzo!" Hawi ko sa kamay nya.

"Himala, hindi mo 'yata ako hinahampas." ani Kenzo.

"Ah so, namiss mo mga hampas ko?" Tanong ko. Mabilis naman siyang umiling. "Iyon naman pala, eh, kaya manahimik ka na lang." sabi ko.

Hate na hate ko talaga kapag papalapit ang intramurals. Bakit? Kasi maghapong wala sa room si Kreios, siya kasi ang pambato namin pagdating sa chess. Tapos maghapon din kaming walang klase, eh 'di sobrang boring no'n. Buti sana kung p'wede kaming lumabas kaso hindi, hays.

"Hoy! Tara na sa canteen, tama na 'yang pagmumuni-muni mo r'yan." Tamad kong sinulyapan si Elle bago tumayo.

Sabay ulit kaming tatlong pumunta ng canteen.

"Bruha alert!" Napatingin kami kay Kenzo.

"Pinagsasabi mo? Nasasaniban ka 'yata ng engkanto," saad ni Elle.

"Shunga! Ayon oh 'yong bruha." Tinuro niya ang kinaroroonan nila Czavea 'di kalayuan sa 'min.

"Oh, tapos? Ano gagawin namin d'yan?" Walang-gana kong tanong.

"Ang tamlay mo 'yata, Ayu? Ganyan ba ang epekto ng walang Kreios Eivan sa classroom?" Tinawanan nila ako kaya tinignan ko sila nang masama.

"Saya kayo 'no?" Inirapan ko na lang sila bago naunang maglakad.

Malapit na ako sa counter para sana mag order kaso may impaktang namatid sa 'kin. Mabilis akong tumayo para harapin siya.

"Ano bang problema mo, ha?" Tanong ko.

"Ikaw. Ang sagwa kasing tingnan 'yang pagmumukha mo eh," napataas naman ako ng isa kong kilay.

"Bakit kaya hindi ka tumingin sa salamin nang makita mo kung sinong mas masagwa ang mukha sa atin." ani ko.

"Bigyan mo ako ng salamin." Utos niya. Aba! Maka-utos wagas, ha.

"Ano ako? Utusan? Asa ka." Sabi ko saka tinalikuran siya.

Napangiwi na lang ako nang maramdaman kong hinawakan niya nang mahigpit ang buhok ko.

P*trages! Nasaan ba sina Kenzo?

"Ang ayoko sa lahat ang tinatalikuran ako." Sabi niya saka mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin.

"Hoy Czavea! Bitawan mo si Ayumi." Dinig kong sabi ni Kenzo.

"Eh, paano kung ayaw ko? May magagawa ka?" Pagmamatigas ni Czavea.

"Baka gusto mong ipa-expel kita." Malamig na sabi ni Kenzo.

Agad namang natigilan si Czavea at nararamdaman kong unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Takot ka pala, eh.

Nang makaalis na sina Czavea ay agad akong nilapitan nina Elle. Tumayo naman na agad ako at inayos ang sarili ko.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko.

"Eh, sino bang may sabi na mauna ka? Tsaka tinawag kami ni Ma'am Santiago kanina eh," sagot ni Kenzo.

B*wisit ang sakit ng anit ko. May araw rin sa akin 'yang Czavea na 'yan.

Kaunti lang ang kinain ko dahil nanggigigil pa rin ako kay Czavea hanggang ngayon. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakabawi sa impakta na 'yon. Sabi nga nila, lintik lang ang walang ganti!

Naglalakad ako ngayon pabalik sa classroom nang mahagip ng mga mata ko si Kreios kasama si Nixie.

Parang biglang may kumurot sa puso ko nang makitang nagtatawanan sila. T*ngina, sana all. Hindi ko namalayan na may luha nang tumulo galing sa mga mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan.

"Huwag mong tingnan kung nasasaktan ka." Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Malamang nag-cr," ah oo nga pala. T*nga mo naman, Ayumi.

"Tara na sa room." Inakbayan niya ako bago kami maglakad.

"Kenzo," tawag ko sa kaniya. Nag-hmm naman siya.

"Huwag mong sasabihin kay Elle 'yong nakita mo ah?"

"Oo ba, basta hindi na mauulit 'yon." Napangiti na lang ako sa sinagot niya.

Kagaya kaninang umaga, nakatunganga na naman kami. Nakakabagot talaga ang ganito, hindi na lang sana ako pumasok. Pero joke haha. Hindi ako mabubuhay kapag hindi ko nasisilayan ang napaka-guwapong mukha ni Kreios.

"Hoy babae," napatingin ako kay Elle.

"Kailangan mo?" Tamad kong tanong.

"Wala lang. Ang boring, nakakainis." I feel you, couz.

"Magbigti ka na lang para hindi na boring." sabat ni Kenzo.

"Eh, kung ikaw kaya ang ibigti ko?"

Hiniyaan ko na lang silang magbangayan doon. Magsakitan sila hangga't kailan nila gusto. Dumukdok ako sa armchair ko at natulog na lang.

"Ayu, gising na. Lunch na." Nagising ako dahil sa mahinang pag-uga ni Elle.

Lunch na agad? Ang tagal ko namang tulog.

"Kumusta ang tulog mo, Snow white?" Tanong sa akin ni Kenzo agad namang kumunot ang noo ko. Snow white? Hindi ba dapat si Sleeping beauty 'yon?

"T*nga mo, Kenzo. Anong Snow white? Bobo, Sleeping beauty 'yon." Sabi naman ni Elle.

"Nakatulog din naman si snow white ah," napaisip naman ako. Oo nga 'no, after pala niyang kagatan 'yong apple nakatulog siya.

"Ah, oo nga pala." ani Elle.

"Oh, 'di ba ta's tinanga at binobo mo pa ako eh ikaw naman pala 'yon." Natawa naman ako sa biglang pagsakal ni Elle kay Kenzo.

Poor kenzo.

"Awat na 'yan. Tara na sa canteen." Nakahinga nang maluwag si Kenzo nang pumagitna ako sa kanila ni Elle.

"Papasok pa kayo bukas?" Tanong ni Kenzo nang matapos siyang uminom ng juice niya.

"Oo," maikling sagot ko.

"Malamang papasok ka, ikamamatay mo 'yata kapag hindi mo nakita si Kreios nang isang araw eh." sumbat ni Elle.

"Ako, baka mag-half day na lang ako." sagot ni Elle.

"Sige, papasok na rin ako bukas para may kasama itong si Ayumi. Baka kasi mangyari na naman 'yong kanina eh," sabi ni Kenzo sabay sulyap sa akin.

"Oo, dapat lang na bantayan 'yan baka maulit na naman 'yong eksena nila ni Czavea kanina." Nagkatinginan kami ni Kenzo dahil iba 'yong tinutukoy ni Elle na nangyari kanina. Okay na rin 'yon.

Alas tres ng hapon kami pinauwi at dahil nag-antay na naman kami ng pasahero ay alas kuwatro na kami naka uwi.

"Kung mayaman lang talaga ako baka helicopter na ang naging service ko papasok at pauwi." Natawa naman ako dahil naghihimutok na naman 'tong maganda kong pinsan.

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko si mama na nanonood ng tv. Lumapit ako sa kaniya para magmano.

"Ang aga mo ah."

"Mas maaga pa po sana kung hindi matagal maghintay ng pasahero sa sakayan." Sagot ko. "Sa kuwarto po muna ako, ma. Iiglip lang saglit." paalam ko.

"Sige, gisingin na lang kita mamaya." Tumango na lang ako sa sinabi ni mama bago lumakad papuntang kuwarto ko.

Nagbihis muna ako ng pambahay bago humiga sa kama at tuluyan nang nagpahatak sa antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top