CHAPTER 39

Chapter 39: His suits

I THOUGHT everything was okay because I got what I wanted. My dream of finally marrying the woman I love. Ang mabuo na ng tuluyan ang pamilya namin. Pero hindi pa nga pala tapos ang asawa ko sa pagpapahirap sa akin.

Pero ano ba ang magagawa ko? Kung hindi hayaan na lang ang asawa ko. Dahil ako ang may atraso sa kaniya.

Bumabawi pa rin ako sa kanila ng mga anak namin. Hindi baleng magalit sa akin araw-araw ang asawa ko, basta kasama ko na sila.

Acceptable din ang galit niya sa ’kin, na araw-araw naman talagang mainit ang ulo niya. She’s pregnant with our third child.

Naglilihi pa rin naman siya hanggang ngayon. Hindi pa nagpapakita ang babybump niya at isa iyon sa hinihintay ko. Isa rin kasi iyon sa mga na-miss ko, iyong malaki ang umbok ng tiyan niya.

Pumasok na ako sa walk-in closet namin. Kukuha na sana ako ng suit para susuotin ko ngayon nang makitang wala ng naka-hanger doon. Kumunot ang noo ko.

Lumabas ako at hinanap si Francine. Kapapasok pa lamang niya sa kuwarto namin. She was wearing a white strap tank top and pink pajama. Her hair was tied up. She still looked like that because her tummy wasn’s big yet.

“Baby, nasaan na ang mga suit ko? Bakit nawala na?” nagtatakang tanong ko, nagawa ko pang ituro ang pinto ng walk-in closet. May suot na akong boxer shorts pero nagtapis pa rin ako ng bimpo.

“Ah, tinanggal ko kanina noong naliligo ka pa,” sagot niya. Civil lang siya kung makipag-usap sa akin minsan. Iyong tipong hindi naman siya interesado sa sasabihin ko o walang pakialam. Alam ko naman na parte iyon sa pagpapahirap niya sa akin.

“Tinapon mo?” tanong ko. Napapisil pa ako sa tungki ng aking ilong.

“No. Ano naman ang tingin mo sa akin ay basta-basta na lang tinatapon ang mga damit na pinaglulumaan na?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Ang lamig pa ng boses niya. Patunay na mainit na naman ang ulo niya sa akin.

“Pinaglumaan na? Baby, bago ang mga iyon. Kabibili ko lang bago ako umuwi rito sa atin, e.” Ang mga damit ko ay ilang beses ko pang isinusuot ’yon, saka ako bibili ng bago.

At ang ilan doon ay hindi ko pa nagagamit. Paanong pinaglumaan ko na iyon?

“Kahit na. Masakit sa mata na puro dark ang color ng mga suit mo. Ayoko no’n. Sumasakit ang ulo ko kapag nakikita iyon. Don’t worry, hindi ko naman literal na tinapon. Ido-donate natin iyon sa mga taong nangangailangan. Puwede ko ring ibigay kay mommy at gawing freebies iyon ng mga customer niya kapag type nila.” Sa boses pa lang niya ay malinaw niyang pinapahiwatig sa akin na wala na akong magagawa pa, kundi ang sumunod sa inuutos niya.

At ayoko ring makipag-away kay Francine. Bawal sa kaniya ang ma-stress, dahil mapapahamak sila ng baby namin.

“All right. Bibili na lang ako ng bago, baby. Pero nasaan ba iyon? Baka naman puwede kong isuot ang isa? Ako na lang ang bahala na nag-donate no’n. Since sa akin din ang mga iyon.”

“No! Tinanggal ko na nga ang mga iyon ay may balak ka pang suotin ang isa roon?!” Matalim ang tingin niya sa ’kin. Na-trigger ko agad ang inis niya. Pinagkrus pa niya ang magkabilang braso niya sa dibdib. “Gamit ko rin iyon. Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin na lahat ng mayroon ka ay akin, mula sa pera mo hanggang sa gamit mo. Kaya may karapatan akong pakialamanan ang mga iyon.” She sounds so bossy, I like it.

“Hmm, ganoon ba? Kahit ba brief ko ay sa ’yo rin?” It was a joke, gusto ko lang malaman ang isasagot niya.

“Yes—of course not! Aanhin ko naman ’yan?” Inirapan pa niya ako. “Kahit ikaw. Kayang-kaya kitang paikutin sa mga palad ko.” Napangiwi ako dahil doon. Walang kaso sa ’kin, kahit gamitin pa niya ako o paikutin nga sa mga palad niya.

“Yes, baby. I’m all yours,” I said to her and wink. Humakbang ako palapit sa kaniya. Hindi naman siya nagpatinag at matapang niya sinalubong ang aking tingin. “So, ayaw mo sa dark colors. Suggest ka na lang ng mga suit na bibilhin ko mamaya.”

“Pink, red, violet, green and white. Huwag lang black, brown, or anything na dark. I hate that colors for now.”

I get it, ako ang pinaglilihian niya. Kaya madalas niya rin akong pinagsusungitan, kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Sa simpleng kilos ko nga lang ay nagagalit na agad siya. Puro makukulay talaga ang pinili niyang mga kulay. Sana lang ay kaya kong isuot ang mga iyon.

“Okay. Ikaw na lang ang bumili no’n for me? Baka magiging busy ako, marami akong naiwan na paperwork sa opisina. Wala akong time to shop, baby,” sabi ko. Siya naman ang nag-suggest.

“Okay, hon,” nakangiting sambit niya at hindi ko nagustuhan ang tinawag niya sa ’kin.

“Francine, stop calling me that,” mahinahon na sita ko at bumuntong-hininga pa.

Wala namang kaso sa akin kung ano pa ang itawag niya, pero ayoko lang sa hon or honey. Dahil sa tuwing sinasambit niya iyon ay naaalala ko ang pekeng asawa niya.

Naalala ko kung paano ako nito halos mamatay sa selos, sa kaalaman na ikinasal siya sa ibang lalaki. Eh, simula’t sapul pangarap ko nang dalhin siya sa altar at ako lang ang dapat maging asawa niya.

“And why not?!” sigaw niya sabay tulak sa akin.

Maingat kong hinila ang braso niya at niyakap. “Hey, calm down.” Hinalikan ko ang sentido niya. Nagpupumiglas siya kaya binitawan ko na siya.

“Ang arte-arte mo, Alkhairro. Ikaw na itong tinatawag kong ganoon. Demanding ka pa?” walang emosyon na tanong niya. Sa inis niya ay nagdadabog na lumabas siya sa aming kuwarto.

Nagkukumahog naman ako na habulin siya, sa takot ko na madapa siya dahil sa pagmamadali.

“Francine, wait up!” Hindi ko na pinansin pa ang bimpo kong nahulog na sa carpeted floor namin. “Francine!”

Agad ko siyang napigilan nang bababa na siya sa hagdanan. Ilang step lang naman ito, sinadya ko dahil ayokong mahirapan ang mga anak namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nababantayan namin ang pagtaas-baba ng mga bata.

“Let me go!” Napangiwi ako nang lumagapak ang palad niya sa braso ko. Nang hindi na naman ako natinag ay sa pisngi ko dumapo ang kamay niya.

“Ay, may bold!” Boses iyon ni Florence. Tumingin ako sa baba para lang makita ang anak kong babae na nakatakpan ang dalawang mga mata nito gamit ang maliit niyang kamay. Si Zaidyx ay salubong ang kilay.

“Dad, hindi pa po kayo nagbibihis? Mali-late na po kami sa school,” sabi ng panganay kong anak.

“Ah, sorry. Sandali lang ako, mga anak,” paalam ko at tinabig pa ng mommy nila ang kamay ko.

Bumalik na lang ako sa kuwarto namin. Naghanap na lang ako ng isusuot ko. Good thing na hindi pinakialaman ng asawa ko ang mga gamit kong panlakad, maliban sa suit.

Puting v-neck shirt ang pinili ko at maong na pantalon pababa. Bihira pa naman akong magsuot ng ganito sa trabaho at hindi pa ako nagpapakita na kaswal lang ang damit ko. But I don’t have any choice.

Nang matapos na ako ay lumabas din agad ako. Hindi rin naman kasi ako nakaligo agad kanina. Maaga akong nagluto ng breakfast namin, tumulong naman si Francine. Naghanda siya ng baon para sa mga anak namin, mayroon nga rin sa akin para daw hindi na ako lumabas ng opisina ko.

“Wala ka pong work ngayon, daddy?” inosenteng tanong naman sa akin ni Florence. Binuhat ko na siya para makasakay na sa backseat. Inayos ko ang seatbelt niya at sinuri ko rin ang kuya niya kung maayos na rin.

“Mayroon, love,” sagot ko at ngumiti sa kaniya.

“So, why are you wearing that, daddy? Where’s your coat po? Naka-shirt ka lang and maong pants?” Ilang araw ko pa lang nakasasama sa bahay ang anak kong babae ay parang may alam na siya tungkol sa akin. Nakatutuwa dahil paunti-unti rin akong kinikilala ng anak ko.

“Bibili ng bago si daddy, anak.” Pinisil ko ang pisngi niya. Bago ko isinira ang pinto ng sasakyan ko ay nagpaalam pa sila sa mommy nila, na tahimik lang kaming pinapanood.

“Ayos ka na rito, baby?” I asked her. Bumalik naman na siya sa trabaho niya, pero mayamaya pa yata siya aalis.

“Sunduin mo na lang ako mamaya para ihatid sa hospital. Tinatamad akong pumasok nang maaga ngayon,” paliwanag niya at pinasadahan pa niya ako nang tingin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ikot ng mga mata niya. “Sandali lang, honey.”

Mariin ko na lang itinikom ang bibig ko, tinatawag na naman niya akong ganoon. Ngunit hindi na ako magrereklamo pa. Mamaya niyan ay maiinis na naman siya sa ’kin.

“Daddy, hindi pa po ba tayo aalis?” Nilingon ko ang pinagmulan ng boses ni Florence. Nakababa na ang salamin ng bintana at doon siya nakasilip.

“May kukunin pa ang mommy ninyo sa loob, love. Wait natin siya, ha? Baka magtampo kapag umalis na lang tayo nang hindi siya hinihintay,” amiko na tinanguan na lamang niya.

Bumalik ang mommy nila na may bitbit na pamilyar na coat, dark blue ito at nakasimangot siya nang tingnan ako.

“Alam kong mas prefer mo ang naka-suit. Iisipin mo na masama akong asawa, dahil basta ko na lamang tinanggal ang mga damit mong pang-office nang hindi ako nagpapaalam. But I’m telling the truth na masakit talaga sa eyes ang dark colors,” she said at tinulungan pa niya akong isuot sa akin ang coat.

Ayos na ito kahit walang necktie. Maging iyon kasi ay tinanggal niya. Talagang wala na akong pagpipilian pa.

“Thanks, baby.” Hinapit ko siya sa baywang at masuyong hinalikan ang noo niya. Nang mag-angat siya nang tingin sa akin ay sunod na dumampi ang labi ko sa kaniya. “Tumawag ka sa akin kung ano’ng oras ka papasok, okay?”

She just nodded at bahagya niya akong tinulak. “Pasok na. Mali-late na ang mga anak mo.”

“Anak natin, Francine,” pagtatama ko at umikot na ako sa driver’s seat. Kumaway pa ako sa kaniya at saka ako sumakay sa kotse ko. “Hindi pa naman tayo late, right Zaidyx?”

Tiningnan ko gamit ang rearview ang panganay ko, naabutan ko siyang sinisipat ang relo niyang pambisig saka siya tumingin sa unahan.

“Hindi pa naman po, dad,” magalang na sagot niya. Napangiti na ako. Ayokong ma-late sila sa school, nasa kinder pa sila. Nakikita ko na masipag mag-aral ang mga anak ko.

“Daddy, kahit po masungit si mommy ay sweet naman po siya, ’di ba po?” Napangiti ako sa sinabi ni Florence.

Kapag nakikita niyang may maliit na pinag-awayan kami ng mommy nila ay talagang isa siya ang makapapansin no’n. Sisimangot agad siya, pero ni minsan ay hindi siya sumasabat.

“Yes, love. Alam kong mahal naman ako ng mommy ninyo. Ganoon lang siya, dahil medyo may galit pa siya sa akin na naiipon sa dibdib niya. Ngayon niya lang inilalabas iyon. Huwag ninyo kaming pansinin ng mommy ninyo, ha? Kahit halos araw-araw kaming mag-away ay walang magbabago sa pamilya natin,” paliwanag ko sa kanila, para mas maintindihan nila nang malinaw.

“I understand po, daddy. Besides po nakikita ko naman po na love ka rin po ni mommy. Madalas po ay nahuhuli kong nakatingin sa ’yo si mom, e.” Nilingon ko si Zaidyx, lumapad ang ngiti ko.

“Really, son?” I asked him and he nodded.

“Hmm ako rin po, kuya. Madalas ko rin pong nakikita si mommy. Tapos daddy, kung titingnan mo rin po siya ay ganito po ang eyes ni mommy, oh.” Mabilis na sulyap lang ang ginawa ko sa anak kong babae. Natawa ako nang makita ko ang pag-ikot ng mga mata niya. Kuhang-kuha niya ang paraan nang pag-irap ng kaniyang ina.

Natawa lang ako sa pinag-uusapan nila. Ganito ang gusto ko sa tuwing nagmamaneho ako, hindi baleng ma-late ako sa trabaho. Basta magawa kong makipagkuwentuhan sa mga anak ko habang bumibiyahe kami patungo sa eskuwelahan nila.

Dati-rati ay ang mommy nila ang sinasabay ko, ngayon ay silang dalawa na at madadagdagan na.

Nang maihatid ko na sila ay dumiretso na ako sa kompanya. Tinawagan ko lang si Francine nang ma-park ko nang maayos ang sasakyan ko. Kausap ko na siya habang naglalakad na ako papasok sa kompanya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top