CHAPTER 38
Chapter 38: Home
NAKATULOG sa biyahe ang dalawang bata, ako lang naman ang hindi nakatulog. Kanina pa mabigat ang talukap ng mga mata ko.
Gustuhin ko mang umidlip ay hindi naman puwede. Kahit na may galit pa ako sa asawa ko ay kailangan may kausap pa rin siya. Nang hindi siya antukin.
“Napagod talaga sila,” komento niya. Nakatingin siya sa backseat, ganoon din naman ang ginawa ko.
“Gisingin mo na lang si Zaidyx, saka mo buhatin si Florence,” utos ko sa kaniya. Nauna na akong bumaba bitbit ang backpack ko na pinaglagyan ko ng cell phone namin at wallet.
Sumunod din siyang bumaba, binuksan ang nasa pinto sa side ni Zaidyx. Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila.
“Wake up, son. We’re here,” malambing na sabi niya. Hinalikan pa niya ito sa pisngi bago nagising ang anak namin. Napatingin pa sa akin si Zai habang kinukusot-kusot nito ang mga mata niya.
“Hello po.” Nagawa pa nga niya kaming batiin.
Naglahad ako ng kamay sa kaniya. Nakangiting inabot naman niya iyon. “Napagod ka ba sa biyahe, kuya?” Tumango siya at sumubsob sa tiyan ko. Hinaplos ko ang buhok niya. “Sleep ka sa room mo, anak.”
“Sige po, mommy.”
“D-Daddy, inaantok pa po ako.” Nilingon ko naman si Florence, nasa kabilang side na agad si Khai at ginigising na niya ang baby girl namin, pero may kasama pang reklamo ang bata. Umuungot pa nga at kunot na kunot ang noo.
Mayroon talagang pagkakataon na ayaw niyang iniisturbo namin ang tulog niya.
“Yes, love. I’ll carry you naman. Sorry, I didn’t mean to wake you up. Doon ka na sa kuwarto mo para komportable ka,” ani ng daddy niya. Yumakap agad ang matatambok nitong mga braso sa leeg ng kaniyang ama. Humilig pa siya sa balikat nito. Napiga tuloy ang matambok niyang pisngi.
Nasa labas lahat ang family namin, inaabangan ang pagdating namin. “Akala namin ay magtatagal pa kayo roon, hon.” Si mommy. Humalik lang ako sa pisngi niya.
“Wala naman po kami masyadong ginagawa roon, mommy e. Saka po need ko ring bumalik sa work ko,” aniko.
“But you’re pregnant, Francine,” naiiling na sabi ng mommy ko.
Mukhang hindi naman maselan ang pagbubuntis ko. But gusto kong nasa Manila pa rin kami. Mas marami akong magagawa rito at ayoko na munang mag-take ng leave sa hospital. Habang Hindi pa naman lumalaki ang tummy ko.
“Hindi pa po ako ngayon babalik sa work ko, mom. Sige po, ihahatid ko na muna si Zai sa room niya. Naisturbo po ang tulog niya, e,” paalam ko. Bago nga kami nagtungo sa bahay namin ay lumapit din ako kay mommy ninang. Nagmano rin kami sa dalawang daddy ko saka kami nagtungo sa house.
“Thank you po, mommy. Iidlip lang po ako, ha?” inaantok na sambit ng anak ko. Kinumutan ko na siya at hinalikan sa noo.
“No worries, anak. Tulog ka na. Labas ka na lang if nagising ka, okay? Gagawa ako ng sandwich, or pizza na favorite ninyo ng baby sister mo,” sabi ko at muli ko pa siyang hinalikan sa noo.
Paglabas ko ay ’saktong kalalabas din ng asawa ko mula sa room ni Florence. Ngumiti pa siya sa akin nang magtama ang aming mata. Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lang siya.
Dumiretso na ako sa master’s bedroom at nagtungo na muna ako sa banyo para makapanghilamos.
“Baby?” tawag niya mula sa labas ng banyo. Kumatok pa siya sa pinto.
“What?” walang ganang tugon ko.
“May gusto ka bang kainin? Maghahanda ako ng meryenda. Para kung magising ang mga anak natin ay mayroon na silang kakainin.”
Kinuha ko ang hand towel at pinunasan ang basa kong mga kamay. Ibinalik ko rin iyon sa pinaglalagyan niyon saka ako lumabas. Nakasandal siya sa pader at nakakrus ang mga braso sa kaniyang dibdib.
Umayos siya sa pagkakatayo niya at ngumiti na naman siya. “No need. Ako na, magpahinga ka na lang. You’re tired,” sambit ko. Akma na akong lalabas ng aming silid nang pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya patungo sa kama. “Alkhairro.”
“You need to take a rest too, baby. Alam kong kanina ka pa inaantok, e,” aniya.
Wala na akong nagawa pa nang ihiga niya ako sa kama at agad siyang tumabi sa akin. Kinuha ko ang unan at inilagay iyon sa gitna namin. Napanguso siya at nang tatanggalin niya ang unan ay niyakap ko iyon nang mahigpit.
Bumuntong-hininga siya. Akala ko ay magbe-behave na siya, pero lumipat lang siya sa likuran ko at mula roon ay yumakap siya sa ’kin. Sumubsob agad siya sa batok ko. Napasimangot ako.
“Francine, thank you for keeping me awake and alert while driving. Even though I know you’re still mad at me, but you still can’t help but look out for me.” Ang boses niya ay pahina nang pahina. Inaantok na rin yata siya, nakakapagod din namang mag-drive, lalo pa na masyadong mahaba ang oras bago ka makarating sa destinasyon mo.
Hinayaan ko na lang siya at pumikit na lang ako. Hindi ko na nga rin namalayan pa na nakatulog na ako. Nagising lang ako noong may mainit na palad ang humahaplos sa pisngi ko.
“Good afternoon po, mommy. Bangon ka na po, ready na ang snack natin!” masayang bulalas nito at humalik pa sa cheek ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at parang sinusubukan niya akong hilahin para makabangon na talaga for real.
“Sino ang nagluto ng snack, anak? Dapat ako ang gagawa, pero nakatulog si mommy, e.” Sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
“Si daddy ko po, mommy.”
“Oh, ayos lang kung ang daddy mo naman ang naghanda,” wika ko at napansin ko ang pagtulis ng labi niya. “What? Bakit ganyan ka makatingin sa akin, sweetie?”
“You’re always grumpy kay daddy po, mommy. Hindi mo ba love ang daddy ko?” inosenteng tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako at ako na ang nagpababa sa kaniya sa kama.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kuwarto. Si Zaidyx lang ang naabutan namin sa dining room. Nasa kitchen siguro ang daddy nila.
“Hi, mommy!” bati nito nang makita na kami. Lumapit kami sa kaniya ng baby sister niya. Matunog na humalik ako sa pisngi niya. Sa kabila kami umupo ni Florence.
Alam kong tatabi rin sa kaniya ang daddy niya. Ayaw no’n ang umuupo sa kabisera ng mesa. Mas gusto niya iyong magkatabi kami o magkatapat lang.
“Where’s your dad, kuya?” I asked him.
“Nasa other house po, mommy. Marami pong niluto si daddy na pizza at gumawa rin po siya ng burger. Binigyan niya po sina tita at tito,” sagot nito sa akin na tinanguan ko lang.
“Sorry, anak. Hindi si mommy ang naghanda ng snack natin,” sabi ko at nakita kong napangiwi ang kapatid niya.
“Sinabi mo na po iyan kanina, mommy. You said pa po na okay lang if si daddy. Alam ko po na pinapahirapan mo ang daddy namin, e,” nakangusong sabi niya. Hinawakan ko lang ang ulo niya at ngumiti.
“Sino ang nagpalit ng damit niyo?” tanong ko. Napansin kong iba na ang suot nila. Nakapambahay na sila pareho.
Pink ang color ng sleeveless shirt ni Florence, naka-pink na pajama rin siya na may heart-heart pa. Si Zaidyx naman ay white shirt at black shorts pababa.
“Ako lang po mag-isa, mommy. Inayos lang po ni daddy ang damit ko,” sagot ni Zaidyx. Umiinom pa siya ng tubig na mula sa sippy cup niya.
“Me, help po ako ni daddy,” singit na sagot ni Florence.
I just nodded. “Oh, kompleto na tayo.” Bahagya ko lang sinulyapan ang aking asawa. So, ako lang pala ito ang hindi pa nakakapagpalit ng damit.
“Yes po, daddy. Kain na po tayo!” sigaw ni Florence.
Nakasuot na rin siya ng puting v-neck shirt at itim na short. Wew, ano iyan matchy-matchy sila ni Zaidyx?
“Francine.” Awtomatikong lumingon ako pero nabigla naman ako nang humalik siya sa akin, sa lips ko talaga. Tumalim ang tingin ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya at umupo na rin sa tabi ng anak namin. Nang makarinig naman ako nang bungisngis mula sa baby girl ko ay sinimangutan ko siya.
“You’re so sweet po, mommy and daddy. Kaya po may baby na naman tayo, e,” aniya at ang lapad-lapad pa ng ngiti niya. Napanguso na lamang ako at inasikaso na lang siya.
“Nagnanakaw iyang kiss ang daddy mo. Sarap pitikin sa bibig, eh ’no?” My daughter just giggled.
“Here’s your milk, Francine. By the way, si Mommy Z na ang nagpa-set ng appointment para sa Oby-Gyne mo. Magsasabi rin si mommy, basta sabihin mo sa akin kung kailan para masamahan kita.”
“Okay,” tipid na sagot ko lang at kinuha ang mug na naglalaman ng gatas.
Bihira na naman ako makaiinom nito ng coffee, e. May baby na naman sa tummy ko. But it’s okay. Blessings naman ito, para na rin magiging ate na si Florence.
“Daddy, babalik na rin po kami sa school ni Florence?” tanong ni Zaidyx. Isa talaga siya sa exited mag-aral, e. Na-influence niya lang ang baby sister niya.
“Oo naman, anak. Alam kong hindi mo gusto ang um-absent sa klase mo,” ani ng daddy niya.
“Daddy, parang gusto ko na rin pong mag-stay rito sa house natin. I’ll take care of my mom.”
“Really, love? Aalagaan mo si mommy?” her father asked. Sunod-sunod na tumango siya.
“Then if may problems po ay tatawagan kita using my new phone, daddy.”
“Oh, thank you, anak. But no need. Kailangan mong mag-aral, e. Samahan mo ang kuya mo sa school. Saka mo na ako aalagaan kapag nanganak na ako.”
“Uhm, okay mom!” Yumakap siya sa akin at base pa lang sa reaksyon niya ay excited na rin siya.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain, para matapos na kami. Pero natagalan nga lang, dahil nagkukuwentuhan pa kami. May mga pagkakataon ay napapairap pa ako sa asawa ko, na tinatawanan na lang niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top