CHAPTER 37

Chapter 37: Visited

“PERO bakit nga pala isa lang ang ibibigay mo sa akin na card, Alkhairro? Para saan ang dalawang ito?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Sabi niya kung ano man ang mayroon siya ngayon ay sa akin na rin iyon.

Pero bakit nga ba na isang card lang ang ibibigay niya sa ’kin? Aanhin niya ang dalawa kung ganoon?

“Black card iyong sa ’yo, Francine. Unlimited iyan at itong dalawa ay nalalagyan lang kapag ginusto mo,” paliwanag niya. Tumango na lang ako at tiningnan ang mga card na nasa kamay ko. Sa kaniya pala ang isa.

Kinuha ko ang wallet niya. Napataas  ang isa kong kilay nang makita ko ang picture namin. Kuha ito noong nag-graduate ako ng senior high school, and yes pregnant na nga ako at that time.

Sunod kong nakita ay picture naming apat—ito ang araw ng wedding namin. Ang bilis naman niyang makakuha nito, ah.

“Dami mong pera, mister,” naiiling na saad ko saka ibinalik ang wallet niya.

“Yeah?” tugon niya lang. Hindi ako nakaiwas nang humalik siya sa noo ko bago niya nilapitan ang dalawang bata.

Nagsisimula pa lang akong mag-isip kung ano ba ang pakulong gagawin ko para lang pahirapan siya.

Tss, hindi porket nakuha niya lang ang gusto niya dahil buntis ako ay magagawa na niya ang gusto niya. Asa naman siya kung madali niya lang akong makukuha.

“Alkhairro,” sambit ko sa pangalan niya at agad siyang lumingon sa ’kin.

“What is it, baby?”

“Bumalik na tayo sa Manila.”

“Ha? Can we stay here for a week, baby? Hindi pa kasi natin nabibisita si lolo. Sinabihan pa naman ako ni mommy na pumunta sa puntod ng lolo ni dad kasama kayo.”

“But we need to go back to Manila. Remember buntis ako? Hindi pa ako nakakapag-check up sa Oby-Gyne ko at wala pa akong vitamins for pregnancy. Yes, peaceful naman dito and good for me iyong environment. But my situation right now...”

“Okay, uuwi agad tayo after we visit my great grandfather, hmm?”

“Okay,” tanging nasabi ko na lamang. Gusto ko rin naman na bumisita sa lolo niya at gusto ko rin namang umuwi na kami.

Kinabukasan ay naghanda na nga kami sa pagpunta roon. Nagpahanda pa ng kakanin si Khai at parang magpi-picnic lang kami.

“Daddy, sa akin po ang baby horse! Diyan po ako sasakay, ha?” Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang request ni Florence.

Lumapit ako sa pinanggalingan ng boses nila. Nasa kuwadra silang tatlo.

“Magdadala ka ng kabayo, Alkhairro?” singit na tanong ko.

“May kalayuan kasi ang pupuntahan natin, Francine. Baka mapagod ka sa paglalakad,” sagot niya. He’s being like this. Masyadong maalalahanin.

“Mom, iyong baby po ang gusto ko.” Binalingan ko ang anak kong babae.

“No, hindi natin siya dadalhin. At maglalakad lang tayo roon, Florence.”

“Mommy, why?”

“Baby pa siya at bawal pa siyang sakyan mo. Tara na nga lang, mamaya ay mas iinit pa ang panahon,” aniko.

Tiningnan ko ang aking asawa para lang makita ang reaksyon niya. Napapakamot na siya sa kilay niya.

Hanggang sa may trabahador nila ang lumapit sa amin at sinabi nito na may puwede naman kaming masasakyan, na labis ngang ikinatuwa ng bunso namin.

Hindi ko alam kung matatawag ba na kalesa ang sasakyan namin, dahil sa halip na kabayo ay kalabaw iyong humihila sa sinasakyan namin.

Katabi kong nakaupo si Khai, ang braso niyang nasa baywang ko ay sobrang higpit para lang alalayan ako. Nasa kandungan niya si Florence at si Zaidyx naman ay nakaupo lang sa gitna namin.

“Wow! Ang dami pong alagang kambing doon, mommy ah!” masayang bulalas ng baby girl ko. Sinundan ko nang tingin ang itinuturo niya at tama nga siya. Magkaiba-iba pa ang size nito, eh sa malamang may mga baby goat pa.

At ang lupain na ito ay pagmamay-ari ng parents ng daddy niya, na soon ay ipamamana sa kaniya.

“Yes, maingay rin sila just like you, honey,” sabi ko at natawa lang siya. Binalingan ko naman si Zaidyx. “Kuya, bakit ang tahimik mo naman?”

Nag-angat siya nang tingin at napangiti na ako, dahil nakikita kong masaya naman na siya.

“Hmm, I’m watching the beautiful surrounding, mommy,” sagot nito. Hinaplos ko ang pisngi niya at bahagyang yumuko para  halikan siya sa noo.

Mabuti na lang ay hindi malubak iyong lupa, kaya hindi masyadong maalog.

Maganda nga talaga ang tanawin dito, matataas ang mga puno at nagkataon pa na hitik sa bunga ang punong mangga.

Kinalabit ko naman ang asawa ko at napatingin siya sa akin. “Ano ’yon, Francine?”

“Khai, kumuha tayo mamaya ng mangga. Parang gusto kong kumain no’n, e,” sabi ko at tumingin pa ako sa mga nadadaanan naming punong kahoy.

Hapon na nang maisipan naming umalis ng hacienda, dahil kapag maaga kaming aalis ay expected na mataas pa ang araw.

Tapos ang presko pa ng hangin. Parang gugustuhin mo na mag-stay na lang dito.

“Okay, mamaya na. Pagkauwi natin,” aniya.

“Iyong hindi hinog, ha?” paalala ko pa. Tumatangong ngumiti siya.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin kami. May kasama kaming trabahador at nakasampa siya sa kalabaw.

“Okay lang po kung maghintay kayo rito nang matagal, Mang Egme?”

“Ay huwag ninyo na akong intindihin pa, senyorito.”

Lumubo ang pisngi ko, dahil senyorito pa ang tawag nito sa kaniya. Makikita na iyong cemetery at iginiya na kami ni Khai palapit doon.

“Naalala ko na sa tuwing bumibisita kami ay si Seth palaging nagpapabuhat sa akin, dahil mabilis siyang mapagod,” pagkukuwento niya. Parang nakikita ko lang ang eksenang iyon.

Nakatutuwa naman talaga ang closeness nilang magkapatid. Naalala ko pa noong naabutan kami ni Seth at talagang nagalit ito.

Hindi mapagkakaila na halos kaugali niya lang ang nakababata niyang kapatid.

“Baby pa no’n si Tito Seth, daddy?” singit na tanong ng bunso namin. Naglalakad din siya at hawak siya sa kamay ng daddy niya. Si Zaidyx ang kasabay kong naglalakad.

“Hmm, kaedad lang ng kuya mo, love.”

“Ah...”

Ilang segundo pa ang nilakad namin saka namin narating ang puntod ng lolo ng daddy niya at agad niya kaming pinakilala.

“Kumusta, ’lo? See? Sa susunod kong pagdalaw sa inyo ay kasama ko na ang sarili kong pamilya. Si Francine po pala, lolo. Ang ganda po ng asawa ko, ’no?” Mabilis pa akong sinulyapan nito. Napa-facepalm pa ako.

“Lolo, ang galing pong mambola ng apo ninyo sa tuhod, e,” singit ko naman na mahina niyang ikinatawa. Bumaling ako sa puntod nito. “Hello po, lolo. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na pinikot po ako ng apo ninyo. Kaya po may baby kami ulit.”

Tinanggal ko isa-isa ang natuyong dahon sa ibabaw nito. Nararamdaman ko ang lamig ng hangin na parang yumayakap lang ito sa amin.

“Daddy, ipakilala mo naman po ako sa lolo mo,” ani naman ni Zaidyx, na ngayon lang nakiusap.

“Lolo, ito po pala ang panganay namin. Si Zaidyx Franco po at ito po ang bunso namin. Si Khairra Francine.”

Nagsimula nang nagpakilala ang dalawang bubwit at nagkuwento ito tungkol sa nangyari sa buhay nila. Maging ang awayan namin ng daddy nila ay natsismis na rin nila. Siguro mga 30 minutes lang kami nanatili saka kami umuwi. Kumuha pa ng mangga si Khai.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top