CHAPTER 35

Chapter 35: Garden wedding

NAGISING na nga akong mag-isa sa loob ng room at base pa lang sa mga gamit ay sure ako na kay Alkhairro ito. Besides saan pa ba niya ako gustong mag-rest kung hindi sa room niya? Pamilyar na rin naman sa akin ito, dahil minsan na ako nakapasok dito. Mayroon pa nga siyang picture dito.

Nagtungo ako sa veranda at napataas ang kilay ko nang makita ko na abala siya sa baba. Malinaw kong nakikita rito ang garden nila at may malaking greenhouse pa sila.

Nakita ko rin mula sa kinatatayuan ko si mommy, katabi nito si mommy ninang at parang sila ang sinusunod ng mga servant. Napailing ako nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari sa baba.

Hinanap ng mga mata ko sina Zaidyx at Florence, hindi ko nga lang sila makita. So, I decided na bumaba na lang.

May napapadaan na servant at binabati nila ako. Gumanti naman ako ng ngiti at binabati ko rin sila pabalik.

Iyong mga baby na hinahanap ko ay nasa isang tent na pinatayo nila. Kasama nila ang daddy nila at kumakain yata sila, dahil sinusubuan ang isang bubwit. Naglakad na ako palapit sa kanila. Hindi pa nga lang ako nakalalapit nang mapansin na ako ni Khai.

“Hi, beh!” Nagulat ako nang makita ko ang mga best friend ko. Nandoon din sina Calystharia at Sage. Ang mas nakagugulat ay si Calizar na kasama ang girlfriend niya. Kailan naman kaya sila dumating?

“Ano naman ang ginagawa ninyo rito lahat?” pagtatakang tanong ko. Nilapitan ako ni Vira at maingat na niyakap.

“Congrats, Francine! Preggy ka na naman daw sabi ni tita!” Sinabayan pa niya iyon nang pagtawa kaya inirapan ko siya.

“Ano’ng klaseng tanong ’yan, Francine? Kasal mo na bukas tapos balak mo yata na huwag kaming i-invite?” Si Jezrill na nakanguso na parang bata. Mahina kong sinuntok ang braso niya at nilingon si Alkhairro. Abala sa pagiging daddy ang isang ito.

“As far as I remember kasi, sabi ng isa riyan ay civil wedding lang ang mangyayari. Pero dahil nandito kayong lahat ay sa garden wedding pala mauuwi ang lahat ng ito,” pagpaparinig ko na ikinatingin niya sa akin.

“Idea ito ng parents natin, baby,” he reasoned out and I rolled my eyes.

I looked at Calystharia and Sage. Malaki na ang babybump niya at kahit weeks pa lang yata ang baby ko ay excited na akong lumubo ulit ang tummy ko.

Yes, mahirap ang magbuntis. Two times ko nang naranasan, pero iba pa rin ang feelings kapag alam mong may bagong miyembro sa family mo at dala-dala ko siya sa loob ng nine months.

Normal delivery naman ako lagi, mataas lang ang pain tolerance ko kaya keri ko ang manganak ng normal.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Calystharia, and we exchanged a smile. I sat down beside Alkhairro and looked at what the kids were eating.

“Mom, masarap po ang lugaw na luto ni manang,” pagbibida ni Florence sabay turo sa malaking bowl at ang dami ngang lugaw roon.

“Gusto mo, Francine?” he asked me.

Sa halip na tanungin siya ay ako mismo ang nagtanong sa kaniya. “Ano’ng bukas daw ang kasal natin? Bakit ang aga naman yata?”

“Iyon ang sabi nila. Kaya sila naghahanda ngayon, dahil ang iba nating bisita ay aalis din after ng kasal natin.”

“Feeling ko idea mo rin ito. Dahil handang-handa kayo, e,” naiiling na sabi ko.

“I have no idea, baby. Civil wedding lang talaga ang gusto ko, dahil balak ko pa ngang makuha ulit ang loob mo at gusto ko lang ikasal tayo nang hindi ka na napipilitan pa.” Base sa boses niya na seryoso ay alam kong sincere siya at nagsasabi nga siya ng totoo.

Hindi na lang ako nagsalita pa at nanghingi na lang ako sa kinakain ng dalawang bubwit.

“Mommy, may falls daw po rito. Sabi po ni Papa Ry. Madalas daw po silang magpunta roon ni Mommy Lola.” Paiba-iba talaga siya sa pagtawag sa parents ng daddy niya.

“Ah, talaga? Nagpunta kayo roon?” nakangiting tanong ko sa baby girl ko. Umiling siya.

“Wala pa po kaming kasama, mommy. Sabi po ni Tito Seth ay bawal kaming pumunta roon ng wala kaming kasama.”

“Your tito is right, anak. Malayo kasi iyon, e,” pagsang-ayon ko at nginitian pa siya.

“Punta tayo roon ha, daddy?” pakiusap nito sa ama. May kasama pang pagkulbit.

“Sure, love. Ubusin niyo muna ito ng kuya mo.”

First time ng anak kong babae na makapunta sa hacienda ng daddy niya. Si Zaidyx naman ay dati na siyang pumupunta rito. Minsan ay kasama niya ang grandparents niya.

Mayamaya lang ay nagtungo sa amin ang dalawa naming ina. Hindi ko pa nakikita si dad at Daddy Ry.

“Ipapamana ko ito sa apo kong si Florence. Gusto mo ba iyon, sweetie?” tanong ni mommy ninang.

“Ang hacienda po ba, mommy la?” tanong nito at napakainosente pa.

“Yes, sweetie. Hindi kasi ito nai-manage ng daddy mo, dahil ang dami niyang hinahawakan na business namin ng daddy niya. Ang Tito Seth mo naman ay mas gusto niyang sumunod sa yapak ng kuya niya. Baby pa ’yan ay clingy na siya sa daddy mo. Tapos ang tita mo, gusto niya raw naging flight attendant in the near future,” mahabang kuwento ni mommy ninang. Kumikinang ang sa tuwa ang eyes ni Florence.

“Ang kuya ko po?” Mabilis nitong sinulyapan ang kuya niya.

“Successor siya ng daddy mo, apo.”

“Ah, okay! Sige po, mommy la. Akin na po ang hacienda niyo!” bulalas niya at hinalikan siya nito sa pisngi.

“Sa atin din ito, sweetie. Son, don’t forget to visit your great grandfather, okay? Ipakilala mo sa kaniya ang family mo.”

“Sige po, mommy. Dadalaw kami kay lolo,” sagot ni Khai. Ang tinutukoy nila ay ang lolo ni Daddy Ry.

Dahil marami nga sila ang naghanda para sa gaganapin na kasal bukas ay natapos din nila ito noong 10 p.m na. Saka sila nagkaniya-kaniya sa pagpapahinga.

Malaki ang hacienda at expected na maraming guest room. Alam kong magiging komportable sila sa pagtulog naging gabi.

***

“Pagbalik natin sa Manila ay saka tayo magpapa-check up, Francine,” ani Khai. Tumango lang ako at hinahaplos ko ang buhok ng dalawa kong anak.

Kasalukuyan na kaming nagpapahinga at tulog na ang dalawang bata.

Alam ko kung saan na naman siya matutulog, pero sinigurado kong wala ng space sa tabi ko. Akala ko nga ay tatabi siya kay Zaidyx. Pero nagising na lang ako na nasa likuran ko na naman siya. Mahigpit pa ang yakap niya sa aking baywang. Psh. Kahit na kailan talaga ay palagi siyang gumagawa ng paraan para lang makatabi ako sa pagtulog.

***

2 p.m daw magsisimula ang kasal namin and now I’m wearing a stunning Greer-style wedding dress,  it’s sexy around the chest area and my cleavage is visible. My hair is styled in loose waves with curls framing my face. My mom kindly helped me with my makeup, si Calystharia naman ang nag-ayos sa dalawang batang babae na gagawin naming flower girl.

As usual na hindi magkasundo ang mga bubwit. May pagkakataon na nagkakasagutan silang dalawa. Oo, maldita nga sina Florence at Calyselle, pero mas maldita si Calystharia. Na minsan ay nagagawa niyang patahimikin ang mga ito. But kapag nagkatinginan silang dalawa ay umiirap sa isa’t isa. Kahit preggy na si Calystharia siya ay tumulong pa rin talaga siya sa amin.

Sinuotan naman ako ni mommy ninang ng flower crown. “Thank you po, mommy ninang. Hindi na po ito civil wedding.”

Mahina siyang napahalakhak. “It is, dear. Hindi ka namin lalagyan ng belo. Hayan, maganda ka na. Napakasuwerte ng anak ko at ikaw pa rin ang naging asawa niya sa huli. Sana lang ay magawa mo pa ring patawarin si Khai, but no pressure, anak. Hayaan mo muna siyang makabawi sa iyo, sa inyo ng mga anak niyo.”

“Pinikot ako ng anak niyo, mommy,” sabi ko at napatakip lang siya sa bibig niya na para bang pinipigilan niya ang matawa.

“Mommy?” Nilingon ko si Florence na gandang-ganda siya sa suot niyang baby gown. May flower crown din siya.

“Lalabas na muna kami,” paalam ng mommy ko.

“Hala po, ang ganda ng mommy ko.” Kumislap ang eyes niya na tila may tutulong luha roon.

“You’re beautiful too, baby,” nakangiting sambit ko sa kan’ya at pinagmasdan ko nang maigi ang maamo niyang mukha.

Ilang beses ko ngang sinasabi sa sarili ko na dapat civil wedding lang. But at this moment ay ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Ewan ko ba sa sarili ko.

Higit na nang magsimula na nga ang kasal namin. Even when Khai doesn’t cry, his eyes seem to reveal his emotions. My heart melts whenever he looks at me with eyes full of love.

As I walked, I realized that I’ve accepted him as the one I want to spend my life with. Na siya naman dapat, since he’s the father of my children.

Before I knew it, Khai and I had tied the knot. My family’s joy was contagious, knowing we were committed to each other for good. Yeah, he’s officially my husband now.

Doon din sa garden ang reception namin. Kahit parang minadali lang ang kasal ay nakahanda pa rin sila. Nakatanggap pa rin kami ng wedding gift for them.

Ibinalik na rin ni Florence ang singsing na dati pa sana ay naibigay sa akin ng daddy niya. Maging ang necklace ko.

“Though, hindi naman talaga importante ang kuwintas na ’yan, baby. Iyong nakatago lang diyan ang mahalaga,” sabi niya at pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Nagawa pa nga niyang halikan ang palasingsingan ko.

“Whatever,” aniko at hinarap ko na ang mga visitors namin. Walang tigil sa kababati sa amin, e.

“Oh, come on! New couples, bawal ang mag-LQ agad, ha? Francine, save mo muna iyang pagiging maldita mo. Remember, asawa mo na si Kuya Khai.” Napa-pokerface na lang ako sa tinuran ni Vira.

“Vira,” mariin na saad ko. Kumaway lang siya at nagtungo na lang ulit sa table nila. Napalingon naman ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtaas ng neckline ng dress ko. “What are you doing?”

“If Florence hadn’t chosen your dress, I might not have liked it. This outfit really shows off your cleavage, Francine. Too revealing.” Habang sinasabi niya iyon ay nakakunot pa ang noo niya. Nagkibit-balikat na lamang ako.

“Maganda lang ang taste ng anak mo,” sagot ko sa kaniya. Inabot ko iyong wineglass na mabilis naman niyang inagaw.

“You can’t drink alcohol.” Napalabi ako. I forgot. Tss.

“Nasaan na ba ang dalawang bata na iyon at iniwan lang tayo rito sa table natin?” tanong ko at nagpalinga-linga pa ako. Masayang nagkukuwentuhan ang mga pamilya namin, kompleto nga kami. Nandito rin ang family ni Khai, lalong-lalo na ang lolo niya. At ganoon din sa side ng mommy niya.

“Let them be,” he just said. Ang kaliwang braso niya ay nakapatong sa headrest ng upuan ko kaya nagmumukha na parang nakaakbay siya sa ’kin. “I love you. I couldn’t wait to hear those words from you again,” he whispered, his warm breath caressing my ear, sending shivers down my spine. Marahan kong tinulak ang kaniyang dibdib.

“Distance, Alkhairro,” I warned him, pero ang hudyo ay mas lalo lang siyang lumapit sa akin.

“I can’t wait to make love with you again, baby.” My eyes widened. Ang bibig talaga nito ay napaka!

“It’s still broad daylight and you’re thinking all sorts of dirty things with that filthy mind of yours. Get a grip, perv!” pabulong na sambit ko at kinurot ko ang tagiliran niya.

I felt my cheeks flush with heat. I pinched his ear. He just chuckled and wrapped his arms around me.

But I hate myself too, dahil parang nakaramdam pa ako ng excitement. Oh, good God. It’s because of my pregnancy that my hormones are like this.

Nakisabay na lang kami sa kasiyahan ng pamilya namin at isinantabi ko na muna ang dirty thoughts ng asawa ko. 

Urgh, fine, mamaya na lang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top