CHAPTER 34

Chapter 34: Trip

“KUYA, pasakay,” sambit ni Seth saka niya binuksan ang pinto sa backseat ng sasakyan ng kuya niya. Bago pa man siya makasakay roon nang may humila sa laylayan ng shirt niya upang pigilan siya.

“Kuya, doon ka kina dad at mommy. Ako po riyan,” sabi ng bunso nilang kapatid. Si Jesselaine at nakipag-agawan ito sa pagsakay na humarang naman ang malaking katawan ni Seth.

“Jess, si kuya ang nauna. Doon ka na lang sa kabila.”

“Ako rin po, sasabay kina ate at kuya, Kuya Seth,” singit naman ng baby sister ko, si Pressy. Hawak-hawak na nito ang maliit niyang unan at may headphones pa nga siya.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Khai, kunot-noong tumingin din siya sa mga kapatid namin. 

“Ate, sabay na rin po ako sa inyo.” Mas lalo lang lumalim ang gatla sa aking noo. Maging si Cody ay gusto ring sumabay sa amin.

“Luh, mga tito at tita. Saan naman po kami uupo kung pati kayo ay makikisakay rin sa car ni daddy?” inosenteng tanong ni Florence at nakuha niya ang atensyon ng mga tita at tita niya.

Napakamot sa batok niya si Seth. “Bakit ba gaya-gaya kayo? Nauna ako rito, e.”

“Ano’ng problema niyo mga bata? At bakit parang ayaw niyong sumakay sa kotse ng mga daddy niyo?” tanong naman ni mommy at namaywang pa siya. Isa-isa niyang pinasadahan nang tingin ang mga bata. Ako ang natatawa sa mga kapatid namin.

Si mommy ninang ay napatakip lang siya sa bibig niya. “Z, dating gawi raw sa tuwing nag-a-out of town tayo. Ang mga batang ’yan ay hindi na mapaghihiwalay. Kailangang nasa iisang sasakyan lang sila,” sabi niya na sinabayan pa nang pag-iling.

Actually, private jet talaga ang gusto ni Daddy Ry na sasakyan namin patungo sa probinsya ng wife niya. Kaso ayaw naman ni mommy ninang.

“O sige na nga. Sumakay na kayo sa van at kami na lang ang nasa iisang sasakyan. Kayo talagang mga bata,” sabi pa ni mommy at tinalikuran na kami.

Kinuha na nga ni Khai ang sasakyan namin at inilipat doon ang iilan naming bagahe.

“Walang mag-stop over nang hindi namin sinasabi, okay son?” paalala ni Daddy Ry. Naiintindihan ko ang pagiging concern niya, dahil minsan na namin silang pinag-alala. Naghintay sila sa amin nang matagal sa bahay.

“Yes, dad,” tugon niya at una niyang pinagbuksan ang mga ito. “Now hop in and make sure na maayos ang pagkakasabit ng seatbelt ninyo,” paalala pa niya. “Seth, ang seatbelt ni Zaidyx. Ikaw, Cody? Ayos na ba?”

“Yes, kuya!” maligalig na sagot ng baby brother ko. Binata na nga, pero ganoon pa rin ang tawag ko sa kaniya.

Sunod na sumakay ay si Florence pero pinigilan ko na. “Khai, dito na lang sa akin si Florence,” aniko at iginiya niya ito palapit sa akin.

Ang van namin ay side to side na magkahiwalay ang upuan. May space ito sa may gitna na parang isang bus lang ang sasakyan namin.

Nasa gitna ngang pumuwesto ang mga kapatid naming babae at si Zaidyx ay nasa gitna siya ng dalawa niyang tito.

Nauna na rin akong sumakay at nagsuot agad ng seatbelt bago pa ako maunahan ni Khai. Nakangiti kong inalalayan na makasakay ang baby girl ko.

At first ay ayaw niyang umupo sa lap ko. “Upo na, baby.”

“Mommy, hindi ko po ba maiipit si baby?” nababahalang tanong niya at mahina akong napahalakhak.

“Maliit pa si baby, anak. Safe pa siya. O sige, dito ka na lang sa tabi ko. Malaki pa naman ang space.” Doon na nga siya umupo kaya napapagitnaan na namin siya ng daddy niya. Bahagya lang din nakasandal ang likod niya sa may gilid ko. Pero ingat na ingat pa rin ng bubwit ko na huwag ako masyadong madiinan.

Mahigpit ko lang siyang niyakap at nakipag-chikahan na agad sa mga tita niya.

“Napakadaldal.” Napalingon ako sa nagsalita. Sinimangutan ko si Khai na mahinang napahalakhak. Ni-check pa niya ang seatbelt ko at nang masigurado na okay na ay saka siya umikot sa driver seat.

Sinilip ko pa sila sa likuran at kampanteng nakaupo si Zaidyx. Kahit secure na ang kinauupuan niya ay parang protektado pa rin siya ng mga tito niya.

“What is it, mommy?” tanong nito sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanila. Umiling lang ako.

“I’m just checking, kuya,” I said and smiled at him.

“We’re fine na po, mommy,” tugon niya. Sunod kong tiningnan ang dalawang dalagitang kasama namin.

“Nagtatampo na sa inyo sina mommy at daddy. Iisipin no’n na ayaw niyo silang makasama,” aniko.

Si Pressy ang nasa likuran ko at bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin.

“Hindi sa ayaw namin, ate. Pero ang boring po talagang kasama nina dad at mommy. Ang seryoso masyado nang pinag-uusapan nila,” paliwanag niya na bahagya kong itinulak ang katawan niya.

“Fastened your seatbelt, baby sis,” I said to her.

“True po, hindi ako maka-relate,” pagsang-ayon naman ni Jess. Napataas ang kilay ng kuya niya.

“At kami?” he asked his younger sister.

“May bata tayong kasama, e,” sagot nito at nakipag-apir pa sa pamangkin niya. Florence just giggled.

Sasakyan namin ang mauuna, dahil gusto rin yatang bantayan ang pagmamaneho ni Khai. Ayaw ng parents namin na mawala kami sa paningin nila.

“Kapag nagutom kayo ay may pagkain diyan. Seth, ikaw na ang bahala riyan.”

“Okay, kuya.”

Iyong nasa kalahating oras pa yata ang biyahe namin ay napansin kong naaalog ang ulo ng anak kong babae at sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit na siya, but every time na nagagalaw ang ulo niya ay napapadilat siya.

“You can sleep, Florence,” sabi ko at iniupo ko na siya sa lap ko.

“M-Mommy, si baby,” mahinang saad nito. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya.

“It’s okay, sweetie,” sabi ko lang. Maging ang mga kapatid namin ay nakatulog. Si Seth lang ang gising na halatang nakabantay sa pamangkin niya.

Tiningnan ko si Khai, sanay na siyang mag-drive kahit super layo pa ng province nila. Basta huwag lang siyang aantukin.

“Hindi ba mabigat si Florence?” tanong nito sa akin at mabilis na sinulyapan ang posisyon namin ni Florence.

“Ayos lang,” sambit ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Magagandang view na ang makikita namin, dahil puro matatayog na kakahuyan na lang ang nadadaanan namin.

“Hindi ka ba nahihilo?” he asked again.

“Hindi,” tipid na sagot ko at nilingon siya. “Mag-drive ka na lang and eyes on the road.”

“Yes, ma’am,” he replied. Hindi nga kami nag-stopover katulad nang inuutos ni Daddy Ry. Dire-diretso ang takbo ng sasakyan namin.

Nagigising ang mga kapatid namin para lang kumain. At hindi ko na kailangan pang subuan si Khai, dahil nang nagising si Florence ay siya ang gumagawa no’n. Maliban na lang sa pagpapainom ng tubig. Though may straw naman ang mineral water.

Tiniis ko na huwag makatulog sa biyahe, kailangang may kadaldal ang isang ito. Isinantabi ko na muna ang galit at inis ko sa kaniya.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating din kami ng safe at halos hindi ko na magawang igalaw ang katawan ko.

“Hala, daddy. Hindi na po makatayo si mommy,” malungkot na sambit ng bunso namin nang inalalayan ko lang siyang makababa.

“I can carry your mom, love,” sabi niya. Si Zaidyx lang ang hindi nagising kaya ang Tito Seth niya ang bumuhat sa kaniya.

“Tara na sa loob, Florence.” Inaya na lang ng mga kapatid naming babae si Florence.

Khai unbuckled my seatbelt and looked me up and down. “Are you okay, baby?”

“Ilang beses mo nang tinanong ’yan sa akin. Paulit-ulit ka na. Buhatin mo na lang ako at gusto ko nang magpahinga,” supladang utos ko sa kaniya.

My arms wrapped around his neck as he lifted me up. I even rested my head on his hard chest, and I could hear the strong beat of his heart.

Their hacienda is still beautiful, and even from the outside, there’s already a household helper waiting for us. I still remember the lovely atmosphere like this.

“Maligayang pagdating sa Diamente hacienda,” magalang na bati nila sa amin, may ngiti pa sa labi.

Tinapik ko ang balikat ni Khai. “Put me down, Alkhairro.” Sinunod naman niya ako at pumulupot agad ang isa niyang braso sa aking baywang. Hindi ko na pinansin pa iyon, abala na ako sa pagtingin sa hacienda nila. Nagbibigay talaga iyon sa akin ng kapayapaan.

Ang parents niya ang lumapit sa mga ito at pumasok na lang kami sa loob ng malaking bahay.

“Daddy, puwede po ba kaming mamasyal kasama ang mga tita ko?” paalam ni Florence na tumakbo pa palapit sa amin.

“Sure, anak. Basta huwag ka lang humiwalay sa kanila.” Napatili ito sa excitement at ilang beses pang nag-I love you.

“Kuya, iakyat ko na po sa kuwarto ninyo si Zaidyx. Mukhang mayamaya pa siya magigising, e.”

“Sige, Seth. Ikaw, Francine? Gusto mo bang magpahinga na muna?” tanong niya at napatingin ako sa second floor. Mayroon silang malaking azotea roon.

“Doon na muna ako,” sagot ko sabay turo sa gusto kong tambayan. Doon na nga niya ako dinala. Napangiti tuloy ako. Ang presko ng hangin at may duyan pa. Umupo ako roon, pero nang umalog ito ay napangiwi ako. Parang umikot ang sikmura ko. “Khai!”

Mabilis na hininto niya ang duyan at hinawakan ako sa kamay upang alalayan na makababa. Napatakip ako sa aking bibig.

“Dito ka lang nahilo. Sa biyahe natin ay kalmado ka lang buong oras,” aniya at hinahagod ang likod ko.

“Dalhin mo na lang ako sa kuwarto,” sabi ko at ipinikit ko ang aking mga mata.

I felt the soft bed behind me, and after enduring the trip without sleeping, I could finally take a comfortable nap. The last thing I remembered was Khai’s kiss on my forehead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top